Share

Ika-walong Kabanata: The Last night.

Naging successful ang pangungulit ko kay Lance na umangkas kami sa yate na naroon. No'ng una'y ayaw pa niya ngunit nang sinabi kong gusto naming makita ni baby ang lawak ng karagatan ay pumayag rin siya.

Alas siete ng gabi nang mapag-usapan naming magtungo ro'n. Pero bago pa sumapit ang oras ay nagdala na siya ng pagkaing puwede naming mai-luto, may kasama na ring wine para sa kaniya.

"Careful." Hawak ni Lance ang kamay ko habang paakyat sa yate.

Excited ako kahit medyo nangangatal ang kamay ko sa lamig na samyo ng hangin, tapos ang lamig talaga ng ambiance ng dagat kapag gabi, ang bango. Ipinuyod ko pataas ang buhok ko, baka magkabuhol-buhol kapag hinayaan ko lang na nakalugay. Regarding my look, suot ko ang makapal na kulay abuhing hoodie jacket ni Lance, ka-partner ng abuhin ring jogging pants. Pansin ko, paborito niya ang kulay gray. I don't bother na maglagay rin ng kung ano sa mukha ko, matutulog na rin naman mamaya. Eh ano kung wala kong kilay, as if naman may pake si Lance sa hitsura ko. Wala ring dahilan para maging conservative sa harapan niya, parehas naman kaming fake sa isa't-isa.

"Wow, ang romantic naman." Sa gitna kasi'y may nakalatag na pulang tela at may mga nakalagay na pagkain sa ibaba. May wine rin at dalawang goblet sa tabi niyon. At siyempre hindi mawawala ang candle light na kahit maliwanag naman ang buwan ay naglagay pa rin siya.

"I'm not being romantic, woman. I just do it so the baby would be happy," aniya.

Itinaas ko ang isang bahagi ng aking labi at tinawanan siya ng bahagya.

"Hindi naman 'to makikita ni baby, so why bother?"

Siya naman ang ngumisi ngayon. "If the mother is happy, so the baby in her tummy, too. Sometimes you need to think more."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang 'yon.

'Hm. May point naman siya.'

Naupo rin ako sa inilatag niya, sinundan ko naman siya ng tingin habang ina-asikaso ang barbeque na kanina ko pa naa-amoy.

'Mukhang masarap.'

Inilinga ko ang mga mata sa paligid. Wala namang kakaiba dahil wala naman talagang kahit na ano roon. Pero kung tatayo siguro ako't dudungaw sa dagat baka may makita ako kahit isang pirasong isda na tatalon ro'n.

"Hey! Where are you going?" Ayon, hindi pa man nga ako nakatatayo ay nasita na ako ni Lance. Ang bilis naman ng mga mata niya.

"Sit."

"Ano 'ko, aso?" Tinarayan ko siya.

"Here. Eat." Inabot niya sa akin ang hotdog na nasa barbeque stick.

Inabot ko naman 'yon with amazement. "Ba't ito? Gusto ko ganiyan."

Itinuro ko ang hiwa ng baboy na nakatusok rin sa stick, 'tapos hawak niya.

"No. Bawal." Kumagat siya ng barbeque na ikinasabik ko.

Gusto kong magsisigaw, magwala at pagkukurutin siya sa inis. Gusto ko kasi talaga no'ng baboy.

"That's your punishment." Biglang turan niya, wala na akong nagawa't kinain na lang ang hotdog na hawak ko.

"For what?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Nakita kong pinakawalan mo ang alimasag kanina. After I got bitten by that little crawling pincher, you just let it slip?"

Dahan-dahan ko siyang binalingan, ni-hindi ko na-alis ang pagkakasubo ko sa hotdog na hawak sa sinabi niyang 'yon. I felt guilty, itinaas ko ang kabilang kamay at nag-peace sign na lang sa kaniya.

He gave me that 'tsk', his favorite.

"Sorry na, kasi naman nakakaawa e. Tinititigan ko siya kanina tapos 'yong mata niya panay nanlalaki ng ganito oh." Ginaya ko ang ginagawa ng alimasag kanina, panay nitong nilulubog at inilalabas nang bahagay ang mata niya. Kaya ayun, pinakawalan ko na, pakiramdam ko kasi nagdadasal siya't ibinubulong na makalaya na siya.

"Whatever. Go just eat." Ngayon ay nagsalin naman siya ng wine sa kaniyang matangkad na baso. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kaya kinuha ko rin ang sa akin at itinapat sa kaniya.

Nagkasalubong ang mga kilay niya sa ginawa. "Para saan 'yan?" tanong niya.

"Salinan mo rin ako, ano, don't tell me hindi mo 'ko bibigyan pati 'yan."

"Hindi talaga." Kinuha niya ang baso ko't tumayo siya. Ngunit ilang sandali rin ay bumalik at ang bote ng wine at baso naman niya ang kaniyang binitbit.

"Just in case you steal some drops."

Wow! Grabe talaga siya sa 'kin, naisip talaga niyang naisip ko na gawin 'yon? Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa maaliwalas na kalangitan. Mabuti't walang bahid ng pag-ulan ngayon, sayang ang huling gabi namin rito kung gano'n.

"What are you looking at?" Nakabalik na pala si Lance, nailapag na rin niya ang bote ng wine at kopita. "Here."

Pero bigla ang pagsalubong ng mga kilay ko sa ini-aabot niya sa akin.

Isang baso ng gatas.

"This is for you my dear wife."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. He called me wife? Kinuha ko naman 'yon kahit na ang mga mata ko'y sa baso niya nakatitig.

"So, cheers?" Nanunudyo pa ata siya, ha.

Siya na ang nagdikit ng baso niya sa baso ko. Hindi talaga nakakatuwa.

"Go. Go. Drink." Kitang-kita ko ang pagsilay ng ngiti niya, gusto ko siyang bulyawan sa ginagawa niyang pang-aasar sa akin.

"Kainis talaga." Wala na akong nagawa kundi inumin na lang ang ibinigay niyang gatas sa akin.

Bigla-bigla ang pagpalatak niya na siyang ikinagulat ko.

"Tawang-tawa ka naman diyan? Wala talagang nakakatawan Mr. Benedicto." Inilapag ko ang baso ng gatas at hinarap siya.

Tumigil naman siya't hinarap din ako. "Sorry, I'm just carried away."

Ha? Nababaliw na ata ang lalaking ito, eh. Jusko, 'wag naman sanang magmana ang anak ko sa kaniya. 'Yong tipong masungit ngayon tapos mayamaya ay biglang tatawa o hahagalpak sa isang sulok.

Naku po! Nawa'y traits ko lahat ang makuha ni baby, kahit physical appearance na lang sa kaniya.

"What are you thinking?" Lance asked me. Tinignan ko siya't buong kaplastikan na nginitian.

"W-wala ha, may naalala lang ako." Pagpapalusot ko sa kaniya.

"Okay."

Napainom ako ng gatas para maiwasan ang bibig ko na makapagsalita nang kung ano pa man sa kaniya. Baka kasi'y hindi ko mapigilan at masermonan ko na sa ka weird movements and reactions niya. Ngunit nasa kalagitnaan kami ng pag-inom at pagtingala sa kalangitan nang mag-ring ang cellphone niya. Nasa tabi niya lang 'yon kaya naman kitang kita ko ang naka-registered na pangalan na lumitaw sa screen.

Jeyn.

Sandali, 'yong bff niyang ni-reject siya? Nangasim bigla ang mukha ko't ibinaling ang mga mata sa kaniya, gusto kong makita ang magiging reaksyon niya sa tawag na 'yon.

"Sagutin mo na," sabi ko nang tinititigan niya lang 'yon.

"Mamaya na." Napakatipid na naman niyang sumagot.

"Magtatampo 'yan sa 'yo bahala ka." Uminom ako ng gatas pero ang mga mata ko'y nakapako sa kaniya. Sinulyapan niya rin ako, dahilan para magkasalubong ang mga mata namin.

Napakaganda talaga ng mga mata ni Lance, maging ang kaniyang ilong na matangos ay sobrang naka-a-attract din. At ang labi niya—siguro kung ako si Jeyn, hindi ko na pakakawalan ang isang 'to. Aba! Napakaganda ng lahi na maibibigay niya sa akin, basta pa ang ugali 'wag na sa kaniya mamana.

"Okay just a minute." Tumayo na nga siya't sinagot ang tawag sa kaniyang telepono.

Sinundan ko siya ng tingin, nagtungo siya sa deck at doon nakipag-usap sa babaeng siyang nagpapatibok sa kaniyang puso. Feeling ko na-guilty ako sa nangyari, kung hindi ako nabuntis ay hindi siya hahantong sa ganito. He can freely see and love the woman he really like. But then, it was not entirely my fault right? Dalawa kaming may kasalanan, so parehas dapat kaming magdusa.

I saw Lance smile and laugh. Sa halos isang buwan na nakasama ko siya, kapag nakakausap niya lang si Jeyn siya nakakangiti nang ganiyan.

Poor me. I am the wife but I am not the one making him happy.

'Ow, cut the nonsense Onie! Your marriage is just a lie, it was just all because of responsibility.'

"You should bare it girl." I began talking to myself.

"Siguro sa past life ko isa akong masamang babae kaya ngayon ay pinaparusahan ako ng ganito."

Alam ko namang may kasunduan kami, pero kasi . . . natatapakan pa rin ang ego ko sa ganitong sitwasyon.

'Cause still I am the one who said 'I do' to him.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status