Share

Lance's Decision

Isa’t kalahating oras na ‘kong naghihintay kay Lance rito sa Restaurant na sinabi niyang puntahan ko. May reservation nga na para sa amin, pero nasaan na siya? Nagmamadali pa naman akong magpunta rito kasi akala ko’y nauna na siya sa venue. Bale nagpahatid na nga lang ako kay Mang Henry at pinauwi ko na rin siya dahil paniguradong magsasabay na rin kami ni Lance pauwi. Inabutan ko na rin ng pera si Mang Henry dahil ang sabi niya’y maysakit pala ang bunsi niyang anak at gusto niyang dalhin sa Ospital. Kaya naman ayon pinauna ko na siya.

Mag-a-alas dyes na, nakailang sulyap na nga rin ako sa wrist watch ko. May halong pangamba ang dibdib ko ngayon dahil baka kung may nangyari na ngang masama kay Lance, ang kaso’y hindi naman ito nasagot sa kahit na anong tawag ko sa kaniya. Gusto ko na rin sanang tawagan ang biyenan ko kaso’y nakakahiya, baka nagpapahinga na sila makakaistorbo pa ako.

“Lance, nasa’n ka na ba?” paulit-ulit kong itinatanong ‘yon sa aking sarili.

“Ma’am, may gusto na po ba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status