Share

Lance wanted a LIFE

Ilang oras na rin si Lance sa tabi ni Jeyn, naghihintay na magising ang babae. Ayon sa Doktor na nakausap niya'y maayos na ang kalagayan nito, kailangan lang ng pahinga. Pinaalalahanan lang ng siya ng espesyalista na 'wag masyadong bibigyan ng isipin o sama ng loob si Jeyn.

Hawak ni Lance ang kamay ng kaibigan, marahang pinipisil-pisil iyon habang nakaupo sa may tabi niya. Naghahalo ang emosyon sa puso niya. Kung iisipin ay hindi naman na siya dapat naroon dahil nangako na siya sa sarili na iiwas sa dalaga, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya magawa dahil sa pag-aalala rito. At isa pa'y alam naman niya sa sariling hindi basta-basta maaalis ang pagmamahal niya kay Jeyn.

Bahagyang iniyukyok niya ang mukha, dinampian ng halik ang likod ng palad ng dalaga, at saka bumulong sa hangin. "Alam kong mali 'to dahil commited na 'ko, pero pangako this will be the last time na maiinvolve ako sa buhay mo Jeyn. After this you should learn how to stand without me. Yes, I love you but this is no
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status