Share

Chapter 5

SABAY kaming naglakad papunta sa classroom namin ni Sebastian pagkaalis ni Hiro Bartolome. Napagdesisyunan na lang din namin na pumasok na sa room para makaupo na rin at makapagpahinga kahit sandali man lang. 

Bakit kaya ganon yon? Mukha namang seryoso sa buhay pero parang laging may baon na sama ng loob. Ang hirap alamin ang natural na siya, imposible namang ganoon na talaga iyon simula pagkabata. 

Mayroon bang bata na pinaglihi sa sama ng loob? Wala naman diba? Ewan, siguro. Hindi ko alam. 

"Pumasok ka ba kahapon? May assignment daw, kokopya sana ako." Sabi ng katabi kong si Baste. Kailangan ko lang sigurong masanay sa kaniya. Mukhang ito talaga ang totoong siya. Tanggapin ko na lang.

Nasa loob na kami ng klase at magkatabing naka-upo. Kaming dalawa pa lang ang nandito. Kanina ko pa napapansin na nagmamadali siyang magsagot sa kaniyang papel pero sa tingin ko wala siyang maisagot habang hinihintay ko naman magliwanag.

"Hindi. Nag-ikot lang ako." Sagot ko. Hindi na siya magkanda-ugaga sa pagsagot dahil halata mong nahihirapan siya dito. 

Nagpakawala siya ng hininga bago ako inangat ang tingin sa akin.

"It must be nice to be a transferee." Sabi niya sa harap ko. Ewan ko pero natatawa ako sa kaniya. Ang kulit kulit masyado. Natataranta na siya at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Bakit kasi hindi mo ginawa?" Tanong ko naman. Napakamot lang siya sa batok niya at umiwas ng tingin. Gawain ng may nagawang hindi tama. Tsk!

"Hinahanap ko kasi 'yong crush ko kahapon pero hindi ko makita., kaya hinanap ko nang hinanap pero hindi ko talaga siya nahanap." Sagot niya. Ang sarap niya talaga batukan, anytime. Parang deserve niya 'yon e.  Mas inuna pang hanapin ang crush kesa sa sagot ng assignment niya.

"Kaya pala. Sana 'yong sagot muna hinanap mo, diba?" Sarcastic kong sabi. Tinignan ko ang papel na nasa lamesa niya para tignan kung ano bang subject ang nagpapahirap sa kaniya ngayon.

"Business Finance?" Tanong ko. Tumango naman siya sa akin at tinignan ako.

"Alam mo?" Tanong niya. Ako naman ang tumango ngayon sa kaniya.

Kahit naman ayaw ko mag-business, mahal ko naman ang numero. I really love everything about math. Mula pagkabata ko ay naging hilig ko na ang pagsosolve ng math. Kaya sa tuwing nakakakita ao ng mga numbers, feeling ko naiinlove ako.

"Oo naman. Madali lang kaya 'to" Sabi ko at kinuha sa kaniya ang papel niya na nasa lamesa niya lang para tignan ito ng mabuti. Kung tutuusin madali lang ang financial ratio. Kaya lang madaming formula, idagdag pa ang analysis.

"Ay weh? Sige nga sagutan mo." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at binalik sa kaniya ang papel niya. 

Bwiset 'to. Ipapasagot pa sa akin. Bahala siya sa buhay niya! Mapapagalitan pa rin naman 'yan. Wag ko na lang pansinin.

"Magpapasagot lang e." Nakangusong sabi niya. Nakataas ang kilay kong tinignan siya. Kahit saang anggulo siyang tignan, parang siya 'yong tipo ng lalaking napaka-isip bata. 

Matangkad siya kung titignan, malaki ang katawan kasi nga nagbabasketball siya, May hitsura, oo hindi ko itatanggi 'yon. I've always been a honest person. Kaya lang parang bata pa rin ang dating niya. I mean sixteen is still such a young age but not that young to be labeled as a kid.

"Nangja-judge ka na naman. Alam ko na 'yang mga tingin mo, nakita ko na kahapon 'yan." Sabi niya at pilit inaalis ang mukha kong nakatingin sa kaniya gamit ang kamay niya. 'yong para bang sinasampal ako ng mahina.

"Jina-judge kasi kita kung bakit ka ganiyan. Duh Baste! Bitawan mo nga mukha ko, nakatingin lang naman ako sayo." Sabi ko kasi hindi niya pa rin binibitawan ang mukha ako, para bang ayaw niyang makita ito.

"Iyong tingin mo kasi nakakaintimidate. Tangina! Nahihiya mukha ko dahil sa paraan ng pagtingin mo eh." Ako na ang kusang nag-alis ng kamay niya sa mukha ko at sinamaan siya ng tingin.

"Nakatingin lang ako sa 'yo, anong problema doon?" Tanong ko. Hiyang hiya siyang tumingin sa mata ko, lagi siyang umiiwas sa mukha ko kapag nag-uusap kami. Kumbaga makikipag-ey contact lang dlawang segundo tapos iiiwas ang mukha tapos ibabalik na naman sa mukha ko. I'm not a monester tho! Hindi naman ako katakot takot.

"Nakakaintimidate nga kasi." Sagot niya. "Pasagot na please lang, malapit na dumating si Ma'am. Ayokong mapagalitan." Parang natatakot na sabi niya. Umayos ako ng pagkaka-upo at yumuko muna.

"Pasagutan mo sa nawawala mong crush, baka nasa kaniya din ang sagot." Sabi ko sa kaniya. Balak ko pa sanang umidlip pero baka makatulog ako at hindi ako gisingin ng katabi ko kaya wag na lang. 

Mayroon pa namang mga thirty minutes bago iyon dumating para magturo. Business Finance pala ang fist subject namin. Patuloy pa akong kinukulit ng katabi ko pero nagkunyare na akong natutulog para matigilan niya na ako.

NAUNA akong lumabas ng classroom namin para mag-lunch. Pinaiwan kasi ng prof namin si Baste dahil hindi siya nakagawa ng assignment niya. 

Gusto ko pang matawa sa reaksyon niya kanina kasi para siyang naiiyak na ewan. Hindi ko talaga sinagutan 'yon! Bakit ko naman sasagutan, e may kasalanan din siya kung bakit hindi niya nagawa 'yon. Kung hindi niya siguro nasagutan 'yon kasi may practice sila, edi baka ako na sumagot.

Papasok na ako sa cafeteria nang biglang sumulpot sa tabi ko si Baste na nakanguso.

"Anyare?" Tanong ko. Sabay na kami pumasok sa loob at dumiretso sa counter.

"Pinagalitan lang ako, pero grabe naman 'yon si Ma'am. Ang hurt sa feelings ah." Parang nagsusumbong na sabi niya. 

"Ano bang sabi?" Tanong ko. 

"Sana daw hindi na ako nag-aral kung hindi naman ako gumagawa ng mga task. Sinasayang ko lang daw ang pera ng magulang ko." Nakangusong sabi niya. Nagkibit balikat naman ako sa kaniya at pumila.

"I agree with her, tho." Sabi ko. Tama din naman ang prof, Kung seryoso at gusto niyang makapagtapos, aayusin niya ang pag-aaral niya, hindi 'yong kung ano ang inaatupag niya.

"Dahlia naman!" Nanlaki ang mata ko ng tumalon talon siya na parang bata.

Om my gosh! What kind of behavior is this? Normal pa ba 'to. Ayoko na dito kung siya lang din pala ang palagi kong makakasama. Araw araw siguro akong mahihiya dahil sa kaniya.

"Hoy Baste! Nakakahiya ka!" Sabi ko at nagmamadaling umalis doon sa pwesto namin. Pagtinginan ba naman kami ng mga ibang estudyante doon, ako ang nahihiya sa kaniya!

"Ba't mo naman ako iniwan? Nagbibiro lang ako e!" Sabi niya ng mahabol ako.

"Magbiro kana sa lahat, huwag lang sa akin!" Sabi ko naman. Nanlaki ang mata ko ng inakbayan niya ako at hinila palapit sa kaniya. 

"H-hoy... let me go!" Binitawan niya ako at nag-peace sign sa akin. 

"Baliw kaba?" Tanong ko. Ganito ba talaga siya?! Nakakabigla minsan ang mga kilos niya., bigla bigla na lang kumbaga.

"Grabe ka talaga sakin no?" Sabi niya sakin. Kotang kota na siya sa akin, ano ba!

"Umayos ka kasi, para kang bata! Nakakabigla ka minsan." Sabi ko naman. Nginitian lang niya ako at naglakad na kami paalis. Mag-iikot-ikot na lang siguro kami. Humaba na ang pila sa cafeteria e, matatagalan kami kung pipila pa kami doon para makakain.

Hindi pa kami nakakailang hakbang nang makita ko si Kuya sa pintuan ng cafeteria. Agad ko namang hinila pabalik si Baste. Nagtaka naman siya sa ginawa ko pero sinabayan na lang ako. Kapag nakita ako ni Kuya, isasabay niya ako sa kaniya.

"B-b-bakit bakit? Anong meron?" Kinakabahan na tanong niya. Hinampas ko siya ng mahina sa likod niya at hinila palayo. Naririnig ko na ang mga bulungan dahil nandito sila.

"Tumahimik ka, andyan sila Kuya." Sabi ko sa kaniya. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin at saka huminto sa paglalakad kaya napahinto na rin ako.

"Eh bakit ka nagtatago? Lumapit tayo!" Bibitaw sana siya sa hawak ko pero pinigilan ko siya. Alam na alam kong gusto niyang lumapit kela Kuya pero wag naman ngayon. Nananahimik pa ang buhay ko, bukas na lang nila guluhin.

"Sasapakin talaga kita pag nakita nila tayo!" Sabi ko. "Magpasalamat ka na lang dahil ikaw ang gusto kong kasama kesa sa kuya ko." Dagdag ko pa. May pagtataka niya akong tinignan.

"Eh mas gusto ko kasama Kuya mo kesa sa iyo e." Biglang sabi niya. "Ang cool kasi niya pero ikaw ang bayolen--- AHH! ARAY KO! DAHLIA NAMAN!" Sabi niya matapos ko siyang hampasin ng malakas.

"Ganito ba?" Sarcastic na tanong ko at hinampas hampas pa siya. Tumakbo naman siya kaya hinabol ko siya habang nakataas ang kamay na para bang handang handa nang hampasin siya.

Bayolente pala ah! 

Natigil ang pagtakbo ko ng may pumigil sa akin. Inis akong lumingon sa taong iyon at nalamang si Kuya pala ang pumigil sa akin. Kunot noo niya akong tinignan at nagtataka kung ano ang ginagawa ko ngayon.

"Oh you're here pala Kuya." Sabi ko at inalis ang kamay sa kaniya at umayos ng tayo. Tumabi naman sa akin si Baste at nakikita kong nagniningning ang mga mata  niya sa nakikita sa harap niya. Pinigilan ko naman ang sarili kong batukan siya. Handa akong batukan siya ng walang katapusan, matanggal lang ang sakit ng ulo ko sa kaniya.

"What are you doing?" Kunot noong tanong sa akin ni Kuya. Nahihiya naman akong tumawa sa kaniya. Gosh! I hate this.

"What do you think I am doing Kuya?" Balik kong tanong saka umiwas ng tingin sa kaniya matapos niya akong bigyan ng masamang tingin.

"You know you can't be tired, right?" Paalala niya, tumango naman ako sa sinabi niya. Nagbago na ang expression niya at ngayon ay kita mo nang pag-aalala na ang nakapskil sa kaniyang mukha.

"Sumabay ka na sa amin mag-lunch palagi." Sabi niya pa. Napalingon naman ako sa kaniya at umiling. I don't want to.

"No way!" Mabilis kong sagot.

"Sige po." Sabi naman ng katabi ko. Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran niya. Nilakihan ko siya ng mata pero mukhang hindi niya ako naiintindihan.

"Come on!" Sabi ni Kuya at naglakad na paalis sa cafeteria. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi pero bigla na lang akong hinila ni Baste para sumunod kela kuya.

"Distance." Lumayo naman siya sa akin at nagstay sa may bandang likod ko.

Hell this man?!!! Kinaibigan lang ako dahil kay Kuya!

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Umiwas lang siya ng tingin sa akin at kunyare may kinakalkal na basura sa bulsa.

Pumasok kami sa tambayan nila Kuya. Looks like a room na pinagawa talaga nila para sa kanila.

Nakita naman namin na may mga pagkain ng nakalagay sa lamesa nila. Agad tumakbo palapit doon si Baste at inamoy amoy pa ang maiinit na pagkain.

"Easy kid." Sabi ni isang lalaking kaibigan ni Kuya. 

"Hoy baste! Bumalik ka dito." Sabi ko sa kaniya. Ngumuso naman siya at bumalik sa tabi ko. Nakatingin na kasi sila kuya sa kaniya tapos itong si Baste parang wala lang. 

"You're the junior in our team right?" Tanong ni Kuya habang naupo kami. Tumango lang naman si Baste habang nakatingin sa pagkain. Napa-iling iling naman ako dahil sa ginagawa niya. Gutom na gutom ah.

Nagsimula na kaming kumain at naging tahimik kami sandali hanggang sa binasag ni Baste ang katahimikan. Nagulat kami nang bigla itong tumayo at nag-bow sa aming lahat.

"I'm Sebastian Umali po, Junior of the Basketball team." Pagpapakilala niya habang nakangiti sa aming lahat. "Idol na idol po kita Sir Vince Daniel El Mundo, at nagpapasalamat ako kay Dahilia dahil nakikita kita ngayon sa harap ko ng malapitan." Nakangiting sabi niya.

Sir Vince Daniel El Mundo? Nangjo-joke ba to? Hindi ko alam kung weird ba siya o hindi. 

"Drop the formalities. Same team lang naman pala tayo." Sabi ni Kuya at uminom ng tubig. "So what's your relationship with Dahlia?" Tanong niya pa.

Kapatid ng idol niya!

"Ah si Dahlia po?" Tanong niya. Baliw talaga! Ang sakit niya sa ulo. Kakasabi lang na Dahlia, inulit pa.

"Yes. Si Dahlia. Ang baby ko." Sabi ni Kuya. Nabulunan naman ako sa sinabi ni Kuya. Agad akong sinalinan ng tubig ni Baste saka pinainom ito sa akin.

"I'm her boy friend po."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status