Share

Chapter 4

"WHERE'S my Princess?" Rinig kong tanong ni Daddy. Nasa likod niya ako ngayon habang siya ay hinahanap-hanap pa ako.

Kinalabit ko siya. Humarap naman siya sa akin at nanlaki ang mata nang makita ako. Maya maya lang ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit, ganon din ang ginawa ko sa kaniya.

"I miss you, my princess!" Sabi niya sa akin. Napangiti naman ako. I miss him too, so so much. God knows how much I miss them.

He was supposed to come home the day I came back but sadly, na-delayed ang pag-uwi niya kasi nagkaroon daw ng problema sa kumpanya doon sa france. Naiintindihan ko naman ang rason at mabuti na lang ay nakabalik na siya.

Bumitaw na kami sa isa't-isa. Hinalikan naman niya ako sa noo bago lingunin si Mommy na naghihintay sa kaniya. Ang laki naman ng ngiti ni Daddy nang makita si Mommy na nakangiti ring naghihintay sa kaniya.

"And now my queen's turn." Ganon din ang ginawa ni Daddy kay Mommy. Nakangiti lang kaming dalawa ni Kuya habang pinagmamasdan silang dalawa na sobra ang pagkatuwa na akala mo ay matagal na hindi nagkita.

"Sorry my prince, but I'm not gonna do it to you. It will be awkward." Parang nanginginig na sabi ni Daddy. Napatawa naman kaming tatlo dahil sa inakto ni Dad. Alam ko na kung kanino nagmana si Kuya. Kaya lang 'yong ibang ugali ni Kuya ay napulot niya lang yata sa kung saan. Because I'm completely sure na hindi ganon ang ugali ni Dad.

Dahan dahang lumapit si Kuya kay Daddy habang si Daddy naman ay umaatras patalikod. "Why Dad? I miss you too! Don't you miss me?" Nang-aasar na tanong ni Kuya kay Daddy habang nakabukas ang braso at handang handa nang yakapin si Dad.

Tuluyan kaming natawa ni Mommy nang biglang tumakbo si Daddy paakyat sa kwarto niya habang hinahabol siya ni Kuya na tuwang-tuwa sa ginagawa. Mula sa kakatakbo ay nakita namin kung paano nadapa si Daddy na lalo naming ikinatawa.

"Hays. Ang kulit ng mag-ama ko." Masayang sabi ni Mommy sa tabi ko na ikinalingon ko. I saw how her eyes sparkle while looking at her two man who is teasing each other.

"They are, Mom!" Sabi ko at hinilig ang ulo sa balikat niya. Binalik ko ang tingin ko kay Dad at Kuya na ngayon ay nagyayakapan at nagtatawanan na. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikitata mong ganito ang relationship ng pamilya mo.

A happy family. Indeed!

NAPABANGON ako sa pagkakahiga nang marinig ang pagkatok sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako at naglakad sa pinto para pagbuksan ang taong kumakatok.

"Oh! Goodevening Dad!" Nakangiting bati ko nang bumungad sa akin si Daddy.Nakangiti siyang tumingin sa akin at parang nagtatanong kung pwede ba siya pumasok o hindi.

Pinapasok ko siya sa kwarto ko at nilibot naman niya ang paningin niya dito. Dad is cute in his sleepwear. Hindi mo aakalain na adult na siya kasi mukha pa siyang binata, same as Mommy. Parang hindi man lang tumatanda.

"It was totally unoccupied before." Biglang sabi ni Dad at umupo sa gilid ng kama ko.. Tumabi naman ako sa kaniya sa pag-upo sa kama at pinagmasdan din ang kabuuan ng kwarto ko.

Kitang kita ko kung gaano kalinis ang kwarto ko nung dumating ako. Halos mangintab ito sa sobrang linis at parang mahihiya na lang ang taong papasok dito para hawakan ang gamit na nakaayos, mapasukat man o mapakulay. Kahit ang mga damit ko na nasa cabinet. It was all organized.

"It's not complete without you." Sabi pa ni Dad.

"I agree." Pagsang-ayon ko sa kaniya. Well, I guess he's really right! This is my room anyway. It will not be colorful as rainbow without its owner. It will not called a room without a so called person to use the room.

"We planned your room a year after we sent you abroad. We just miss you so we made a plan to always clean your room so that we will remember you. We're doing a video call but it's not a same thing when we see you in person." Ramdam ko ang lungkot sa bawat salita ni Dad. "I'm very glad that you came back." Dagdag niya.

"You were just eight years of age when we sent you to my friend. Your Doctor. Too young to experience such things." Sabi pa niya. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni Dad. Naramdaman ko naman ang ulo niya na pumatong sa ulo ko at kinuha ang kamay ko para pisil-pisilin ito.

"They said that, a person who has a heart failure usually live only a two to five years. It's considered a lucky when you live more than that." Nakangiting sabi ko. "I guess, I'm one of those lucky then." Dagdag ko pa.

Mahabang katahimikan ang namuo sa pagitan namin ni Dad. Sinusulit ang mga minuto na magkasama, pambawi sa walong taong inagaw ng sakit ko.

Yeah. I was too young to experience those things but who am I to complain? This is the life God has given me. He let me borrow another life and soon I have to give it back.

"How about the operation in your heart? How was it?" I knew he will asked me about my medication but I didn't know it would be now.

Just like what I've said earlier, I don't want my family to know what happened about my medication, it will just worry them more. Ayoko ring masira ang kasiyahan na nakapaskil sa kaniyang mukha ngayon. Alam ko at ramdam ko ang pagngiti ni Dad ngayon, kung gaano siya kasaya, at ineexpect na ayos na ang puso ko. He will expect that I'm already well because I cameback after eight years of medication.

"It's fine Dad. She said that it's normal beating right now." Sabi ko at umalis sa pagkakahilig sa balikat niya. Sumalubong naman sa akin ang sobrang sayang pagmumuka ni Dad. Ang mga ngiting nakapaskil sa mukha niya na para bang hindi mo na ito matatanggal doon.

'I'm sorry for lying Dad. I just don't want you and Mom and Kuya to worry about me. You all did your best to raised me and provide all things that I need. It's already enough that you showed me what the world is.'

"Really? Are you telling the truth?" He asked incredulously.

'Truth.'

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya. I can't ruined your happiness Dad. I know soon you will find out but I hope there's no soon. Stay being happy, I want you in that way.

"I'll asked Dr. Johnson if you're telling me the truth." Parang naeexcite na sabi niya. Nilabas niya ang phone niya at tinawagan ang doctor ko.

I'm relieved because I asked my doctor a favor not to tell my family about my condition. She's against with it but she agreed days after. I'm her patient and everything about me should be confidential if I asked for it and she agreed because it's their hospital policy. Eventhough she's my Dad's friend, she won't tell anything to him.

"I'll tell your Mom and Kuya about this. I'm so happy!" Masayang sabi ni Dad matapos ibaba ang phone. Hinalikan niya muna ako sa noo bago patakbong lumabas ng kwarto ko.

It's a very diffcult decision. I need to lie, so that, they will not worry about me. and if I lie and they found out, I knew they would be hurt. But I know that this decision will put me at ease. At least for me.

MAAGA akong pumasok sa school dahil ayokong sumabay kay Kuya. Ayokong maulit 'yong nangyari noong unang araw ko dito. I requested Dad to give me my own driver para na rin sa ikatatahimik ng buhay ko. I don't want to go with Kuya who loves the attention. I'm not like that. I can't handle those things.

Binaba ako ni Manong sa entrance ng school. Nagpasalamat ako sa kaniya bago siya umalis. Inayos ko na ang mga gamit ko at naglakad papasok.

"Hi Dahlia Catarhina El Mundo. Goodmorning!" Muntik na akong atakihin sa puso ng bigla na lang sumulpot sa harap ko ang lalaking nagpapataas ng dugo ko. Sebastian Umali.

"Dahlia. I told you to call me Dahlia yesterday!" Kalmadong sabi ko. Ayokong mainis dahil baka atakihin ako ng wala sa oras. I realized na kaya naman siya ng pasensya ko kaya pagtitiisan ko.

"Okay Dahlia." Sabi niya. Naglakad na ako ulit at sumunod naman siya sa akin. 

"Early?" Tanong niya sa akin at sumabay sa paglalakad ko.

"Ayokong sumabay kay Kuya." Sagot ko.

"Bakit naman?" Tanong niya ulit.

"Mahangin." Simpleng sagot ko. Just like you.

"Oo nga e. Malamig lamig pa ngayon, madilim pa kasi at iba ang simoy ng hangin." Sabi niya at niyakap ang sarili. "Kaya pala hindi siya sumabay sayo." Dagdag niya pa at tumango tumango na para bang literal na hangin ang tinutukoy ko.

Napahinto ako sa paglalakad at seryosong tinignan niya. Huminto rin siya at nagtaka kung bakit ako huminto.

"Why did we stop?" He asked.

Parang mas gugustuhin ko pang kasabay at kausapin si Kuya kesa sa lalaking nasa harap ko. Aaminin ko na! Magkaibang-magkaiba ang lalaking ito sa Kuya ko! Kuya is not like this. Matino pa ang Kuya ko pero itong kaharap ko . . . di bale na. 

"Eh ikaw? Bakit maaga ka?" Tanong ko naman sa kaniya. Hindi ko naman expect na maaga pala siya pumapasok. Hindi kasi ganon ang tingin ko sa kaniya. I can see him as a boy who's always late in class and get scolded by the prof.

"Nakasanayan siguro. One time kasi naabot ako ng umaga dito at nakita ko kung gaano kaganda dito kapag umaga lalo na kapag madaling araw. Simula non ay maaga na ako lagi pumapasok." Paliwanag niya. Tumango-tango naman ako sa kaniya.

"Pero buti na lang talaga naging kaibigan kita. Kasi palagi na akong may kasama kapag ganitong oras." Dagdag niya. Mahina akong tumawa dahilan nang pagbaling niya sa akin.

"As if I didn't know that you only befriended me just to get close with my Kuya." Sabi ko naman. Ngumiti siya sa akin at nagpeace sign. I'm right! This is the actual reason.

"Yeah. Sana matulungan mo ako. At gusto naman talaga kitang maging kaibigan. Grabe ka sa akin! Ang laki naman ng inis mo sa akin ah. Hindi ko rin naman alam na kapatid mo pala 'yong Vince na idol ko in the first place. But I really wanted to be your friends nung nakita kitang nakatayo lang doon sa field tapos hindi man lang umiiwas sa lumilipad na bola. Tanga ka ba? Instant black-eye ka kung natamaan ka non." Sabi niya na ngumungusong nagsasalita. Inikutan ko siya ng mata at hinampas sa braso. Hinawakan naman niya ito at hinimas himas na para bang nasaktan talaga.

Na-tanga pa nga!

"OA ha! Hindi naman malakas 'yon! At buti naman alam mo naiinis ako sa'yo! Ang sakit mo sa ulo!" Sabi ko. Umagang umagang parang gustong manuntok ng isang Sebastian Umali. Ang taas ng energy niya, hindi man lang napapagod.

"Alam mo, magpasalamat ka at may ulo ka, dahil mas masakit kapag walang ulo." Sagot niya. Pigil tawa naman siyang nakatingin sa akin. Hahampasin ko na ulit sana siya ng may dumaan sa gitna namin.

"Tabi! Paharang harang sa daan!" 

He's famili-- oh wait! 'yong masungit na lalaki kahapon. Nagalit ba naman agad sa akin. Kasalanan ko ba? Anong ginawa ko sa kaniya para magalit sa akin? May mga sira ata sa ulo ang mga nag-aaral dito e.

"Who's him?" Tanong ko kay Sebastian. Tinignan naman niya ang lalaking naglalakad na palayo sa amin. I only know that he's part of baseball team dahil na rin sa dala dala niyang baseball bat at bag.

"Si Hiro Bartolome. Pitcher ng Baseball team." Sabi niya. "Masungit talaga 'yan. Mapababae man o mapalalaki. Kala mo laging may regla, dinaig pa ang mga babae." Dagdag niya. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Totoo naman. Ngayon lang ako nakakita ng ganong lalaki. I mean, in Us, there are boys who has cold personality and most of them are playboys. I never see such man like that Hiro. He's one of a kind.

Pinanganak na bang masungit 'yon? Pinaglihi yata sa sama ng loob. Mausog ka sana. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status