“Dwaine—”
Napabalikwas si Alianna nang magising siya sa isang masamang panaginip. Nakasalampak siya sa sahig habang hilihilot ang kanyang sintido. “Ano’ng oras na kaya? Gusto kong yayain na mag-breakfast si Dwaine.” Tumukod si Alianna sa kama at buong pwersa siyang tumayo at tsaka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa tabi ng lampshade. Kumamot siya sa kanyang ulo nang makita ang oras sa screen. Pasado alas otso na ng umaga. Dali-daling nag-ayos si Alianna. Kinuha niya ang sinuot niyang jacket bago lisanin ang kwartong ginamit niya. “Gising na kaya si Dwaine? Sana naman ay hindi na niya ako ipagtabuyan dahil ito ang unang araw namin bilang mag-asawa.” Habang naglalakad, nag-iisip na si Alianna ng mga posible nilang gawin sa araw na iyon. Napaisip tuloy siya kung sa mansyon na siya ng mga Palacios uuwi dahil aminado siyang minsan sa buhay niya ay pinangarap niyang doon tumira. Ilang kwarto lamang ang pagitan ng kwartong kinuha ni Julius para kay Alianna, sa kwartong niregalo ni Don Gregorio para sa kanilang dalawa kaya ilang hakbang pa lamang ay nakarating na si Alianna sa tapat ng pintuan. Pagtapat niya sa nasabing pinto, natigilan siya nang marinig ang nakakabinging ungól ng babae na nanggagaling sa loob ng kwarto. “Ughh… shítt… ughh… fúck…” “Tángina! Ang gágong Ruston na ito ay iniiputan kaagad ako sa ulo!” Malakas na kinatok ni Alianna ang pintuan at agad na natigil ang naririnig niyang ungól. “Dwaine, buksan mo ‘tong pinto.” Nagsisigaw na si Alianna sa labas. “Dwaine, your wife…” Ani Lilia. Hawak niya ang makapal na comforter at nakataklob ito sa hubad n’yang katawan. “Ang sabi mo ay nasa mansyon na siya ng lolo mo?” “I don’t know! Malay ko ba kung saan siya nag-stay the whole night. Ang alam ko lang ay pinaalis ko siya kagabi at no’ng magising ako na wala siya, tinawagan kita. ‘Coz I want to spend my wedding night with you.” Habang nagsusuot ng bathrobe si Dwaine ay muling kumatok si Alianna. Malakas iyon at pawang masisira na ang pinto. Isa-isang pinulot ni Dwaine ang mga saplot ni Lilia at binato niya ito sa kama. “Magbihis ka na at haharapin ko siya.” Bumangon na si Lilia. Kinuha niya ang kanyang mga damit at hubad na naglakad patungo sa banyo. Naglalakad pa lamang palapit sa pintuan si Dwaine nang marinig niya ang pag-click ng lock, indikasyon na bumukas na ito. Ilang sandali pa, nang bumukas ang pinto ay iniluwa no’n ang galit na galit na si Alianna. Malakas na sampal ang naging pasalubong niya kay Dwaine. “What the fúck—” He reacted. Namula ang pisngi ni Dwaine dahil sa lakas ng sampal sa kaniya ni Alianna. “Ano’ng problema mo?!” “Ikaw ang ano’ng problema mo! Wala ka ba talagang kahihiyan? Hindi ka ba talaga marunong makiramdam?” Inis na inikot ni Alianna ang kanyang mga mata, saka malalim na bumuntong hininga. “Ito ang unang araw natin bilang mag-asawa. Ang ganda pa naman ng mood ko bago ako pumunta dito. Gusto pa kitang yayain na mag-breakfast tapos ano? Ito ‘yong madaratnan ko.” “You know what, Alianna, you’re being overreacted! Yes, we’re married, but I don’t love you. You know it. Alam mo naman kung sino ‘yong mahal ko at hindi naman ikaw ‘yon.” “Alam ko, pero kasalanan sa Diyos ang ginagawa mo. Kung hindi mo ako kayang irespeto, irespeto mo ang pasya ng lolo mo. Siya ang nagdesisyon nito. Kung hindi mo pala kayang sumunod sa pinag-usapan, sana hindi ka na lang pumirma!” Kinagat ni Alianna ang ibabang labi niya matapos niyang magsalita. “P-pumirma?! Dwaine, ano’ng pinagsasabi ng babaeng ‘yan? Ano’ng pinirmahan mo?” Turan ni Lilia. Lumabas siya mula sa banyo at sumingit sa usapan ng mag-asawa. Ngumisi si Alianna. “Huwag mong sabihing hindi mo alam? Ano, Dwaine?!” “Ano’ng pinagsasabi ni Alianna, Dwaine? Ano’ng pinirmahan mo?” “Contract—” matipid na sagot ni Dwaine. “Anong kontrata?! Pútangína diretsohin niyo na akong dalawa.” Inis nang sambit ni Lilia. Mataas na ang boses niya’t halata na ang pagka-irita niya. “May pinirmahan akong kontrata. Katunayan na pumapayag ako sa kagustuhan ni lolo na magpakasal sa kahit sinong babaeng gustuhin niya para sa akin, kapalit ang malaking halata. Kapag hindi ako pumayag, tatanggalan niya ako ng mana.” Dahil sa paliwanag ni Dwaine, sinampal siya ni Lilia. Muling namula ang kanyang pisngi. “Nagalit ka pa sa akin no’ng pumayag ako sa kondisyon ng lolo mo tapos ikaw pala ‘tong pinagpalit ako sa malaking halaga?” “Love, let me explain. Alam mo naman na lahat ay ginawa ko para lang mapatunayan na karapat-dapat akong maging Palacios ‘di ba?! Hindi ko hahayaang mawala ‘to sa akin.” “I can’t believe this! Akala ko pa naman ay mahal mo ako. Iyon pala’y mas importante pa ang mana mo.” Napapailing na sambit ni Lilia. Kinuha niya ang hand bag niya na nakakalat sa sahig at hinampas ito sa dibdib ni Dwaine. “Bahala ka nga d’yan. Magsama kayo ng babaeng ‘yan.” Dahil sa inis ay nag-walkout si Lilia. Hahabulin pa sana siya ni Dwaine ngunit hinawakan ni Alianna ang braso niya. “Sige, habulin mo siya. Isusumbong kita sa lolo mo.” Panakot na turan ni Alianna. “If you can’t be a good husband to me, I'll do my best to make you feel the same way. Impyerno ang ipaparanas mo, gano’n din ang ipaparamdam ko sa ‘yo. Magkasubukan tayo.” Napalunok si Dwaine. Kinuyom na lamang niya ang kanyang kamay at kinimkim ang inis kay Alianna. ‘Tinik sa lalamunan ko talaga ang babaeng ito. Mukhang desidido siyang kunin ang loob ko. Hindi bale! Hindi siya magtatagumpay. Hindi ako papayag na mahulog sa bitag ng baliw na Alianna na ‘to.’“Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi mangyari ang nais ni lolo. Lahat ng gusto niya, sinunod ko. Ngayon lang ako tututol dahil ayokong sirain ni Lilia muli ang buhay ko.”Bumuntong hininga ng napagkalalim si Dwaine. Nakabalik na siya sa constructed building na inaasikaso niya dahil iniwan niya na ang matanda sa opisina nito upang maiwasan ang pagtatalo.Habang nakaupo sa swivel chair, bigla siyang nakaisip ng ideya. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa at saka nag-dial ng numero mula sa kanyang phonebook.[“Hello?”]“May I speak to Mr. Harrison Sebastiano?” [“Yes, speaking…who’s this?”]Tumikhim si Dwaine bago sumagot. “S-si Dwaine ‘to, Harrison. Napatawag ako kasi gusto sana kitang makausap. Kung available ka ngayon, pwede ba tayong magkita kahit saglit lang?”[“Ang random ng pagtawag mo. Ni hindi ko in-expect na alam mo pala ang office number ko, but anyways…what do you want to talk about? Is it about business? Tungkol ba sa partnership between the Sebasti
“Hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng ‘yon, lolo. NEVER!” “No, Dwaine. You have no choice but to marry her. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na bunga ng pagtataksil ang anak mo? Gusto mo bang makulit na naman ang nangyari, thirty years ago?” Hinilot ng matanda ang sintido niya matapos niyang sabihin iyon.Umawang ang gilid ng labi ni Dwaine dahil sa tinuran ng matanda. “A-ano’ng ibig mong sabihin, lolo? A-ano bang nangyari thirty years ago?”Tinitigan ng matanda ang apo niya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito, pinag-iisipan niya kung dapat na ba niyang sabihin ang isa sa pinaka tatago-tago niyang lihim mula pa noong hindi pa ito pinapanganak.“Lolo, ano pong totoo? Sabihin niyo na po, total ay mabanggit niyo na rin naman sa akin. Huwag niyo na po akong bitinin.”Tumikhim ang matanda. Bumwelo ito bago nagsimulang magkwento. “Fine! I’ll tell you the truth, but promise me… you won’t judge me.Ginawa ko ‘yong desisyon na ‘yon para sa’yo at para sa kompanya
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea