“Fúck, my head!”
Gumising si Alianna na makirot ang ulo niya. Masakit rin ang buo niyang katawan at ang kanyang pagkababae. Ilang sandali rin siyang nanatiling nakahiga at nang akmang tatayo na sana siya, nanlaki ang mga mata niya matapos mapagtantong wala siyang suot na kahit anong saplot. “Anong nangyari kagabi?” tanong ni Alianna sa kanyang sarili. Isa-isang pinulot ni Alianna ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. Hindi niya alintana ang masakit na katawan dahil ang tanging nasa isip niya noong mga oras na ‘yon ay makapagbihis. Nang matapos siya ay inayos niya rin ang magulo niyang buhok. Nang sandaling pupwesto siya sa kama para ayusin ang kanyang pinag higaan, may biglang kumatok sa pintuan. Walang pag-aatubili na binuksan ni Alianna ang pinto. Pagbukas niya, tumambad sa kanyang harapan si Julius. “Good morning, Ma’am Alianna Jade!” nakangiting bati ni Julius. May hawak pa siyang tray na may laman na pagkain. “Breakfast po para sa inyo.” “Kanina ‘yan nanggaling?” nagtatakang tanong ni Alianna. “Kay Sir Dwaine po. Ipinagawa niya po ‘yang sandwich sa head chef nitong mansyon at ‘yang hot chocolate naman po ay siya mismo ang nag-prepare.” Paliwanag ni Julius. Nagpaalam siya kay Alianna na ipapasok na niya ang kanyang dala at pumayag naman ito. “Pagkatapos ng tatlong taon bilang mag-asawa, ito ang unang pagkakataong ginawa niya ‘to. Ito ang unang beses na ipinaghanda niya niya ako’t nag-effort siya para sa akin.” Nakangiti ng mapait si Alianna. Nakabaling ang tingin niya sa tray na dinala ni Julius. “Malay niyo po, Ma’am Alianna, gumagawa na si Sir Dwaine ng paraan para magkalapit po kayo. Baka ito na po ‘yong way niya para sabihin sa inyo na handa na siyang magpaka-asawa sa inyo.” Sinundot-sundot ni Julius ang tagiliran ni Alianna habang inaasar-asar ito. “Uy, si Ma’am Alianna… siguro po ay masaya kayo ngayon ‘no, Ma’am?” Ngumisi si Alianna. Mamasa-masa na ang mga mata niya noong sandaling iyon. “Alam mo, Julius, pagod na akong umasa. Tatlong taon ko nang pinapatunayan kay Dwaine na tunay ‘yong pagmamahal ko para sa kanya.” “H-hindi ko po maintindihan, Ma’am! Ano po ang ibig ninyong ipahiwatig?” Lumunok si Julius matapos niyang itanong iyon. “Hindi ko na kaya. Ayoko na!” “Ma’am…” turan ni Julius. “Susukuan niyo na po ba si Sir Dwaine?! Nako, sayang naman po. Gustong-gusto ko pa naman po kayo para sa kanya.” “Hindi ikaw ang magdedesisyon n’yan!” Bumuntong hininga ng malalim si Alianna. Naupo siya sa kama dahil pakiramdam niya ay ano mang sandali ay manghihina ang tuhod niya. “Hmm, Julius, dumating na ba si dad? M-May pinadala ba siyang documents?” “Ahh, opo! Sandali lamang po at kukunin ko.” Mabilis na kumilos si Julius. Lumabas siya para kunin ang sinasabing dokumentong hinahanap ni Alianna at ilang sandali lang ay bumalik rin siya kaagad. “Ito na po ‘yong dokumentong hinahanap niyo, Ma’am. Pinadala po ‘yan sa opisina ni Don Gilberto pero hinabilin naman po niya sa akin na iabot ko po sa inyo. Ano po ba ‘yan, Ma’am Alianna?” “Annulment papers—” matapang na sagot ni Alianna. Taas noo niyang sinambit iyon. Nabigla si Julius sa kanyang narinig. Hindi pa siya handa sa ganoong bagay. “Gusto ko nang makalaya sa létseng pag-ibig na ‘to. Tutal naman ay ni minsan ay hindi ako tinuring na asawa ni Dwaine… hahayaan ko na lang siya. Kung saan siya masaya, doon na siya. Okay na ako.” Kinagat ni Alianna at binasa ang ibabang bahagi ng labi niya. Binuklat niya rin ang nilalaman ng envelope at isa-isang tiningnan ang bawat pahina na nasa loob nito. “Ma’am Alianna, huwag naman po kayong magpadalos-dalos. Baka mapag-usapan pa po ito.” “Buo na ang pasya ko. Naisangguni ko na rin ito kay Don Gregorio at pumayag na siya. Napa-walang bisa na rin naman ‘yong kontrata namin dahil nakasaad do’n na p’wede akong umatras sa kasunduan ‘pag ayoko na.” “N-nalulungkot po ako para sa inyo, Ma’am! Ang bait niyo pa naman po na amo.” Lumunok si Julius matapos niyang magsalita. “Pwede ka pa rin namang magtrabaho sa akin eh! Kung gusto mo, ire-refer kita sa daddy ko. Papayag naman ‘yon for sure!” Kumamot sa kanyang ulo si Julius. Sumilip ang siwang ng ngiti sa labi niya. “Pátay naman po ako kay Don Gregorio niyan.” Kapwa nagtawanan si Alianna at si Julius. Ilang sandali ring naging maingay ang paligid ngunit sandali lamang iyon dahil muling bumalik ang tensyon ng buksan ni Alianna ang drawer sa tabi ng kama nila ni Dwaine. Kumuha siya ng ballpen at walang pag-aalinlangan na pinirmahan ang annulment papers. Nang matapos siya, muli niyang inabot ang kabuuang dokumento kay Julius. “Ibigay mo ‘yan kay Dwaine. Sabihin mo sa kanya na nag-file na ako ng annulment. Magpakasaya kamo siya.” “S-sige po—” mabigat ang paa na humakbang patalikod si Julius. Aalis na sana siya ngunit pinigilan siya ni Alianna. “Sandali—” turan ni Alianna. “Dalhin mo na ‘tong pagkain na ipinahanda niya. Ibalik mo ‘yan sa kaniya at pagkatapos mong ibigay lahat ng pinapaabot ko, bumalik ka dito ha! Tulungan mo akong mag-ayos ng mga gamit ko.” Hindi na nagsalita pa si Julius. Tumango na lamang siya bilang tugon. Nag-aalangan na sumunod si Julius kay Alianna. Habang naglalakad ay iniisip na niya ang mga posibleng sabihin ni Dwaine sa kanya. Dumiretso siya sa opisina ni Don Gregorio. Naroon kasi ang kaniyang amo dahil may pinapa-asikaso ang lolo nito sa kanya. “Sir Dwaine—” pagtawag ni Julius habang kumakatok sa pinto. Agad siyang pinagbuksan nito at laking gulat ni Dwaine ng makitang dala-dala pa rin ni Julius ang pagkaing ipinahanda niya para sa kanyang asawa. “Anak ka ng tókwa! Bakit dala-dala mo ‘yan dito? Hindi ba’t sinabi ko sa ‘yo na dalhin mo ‘yan sa kwarto at ibigay kay Alianna?” “Dinala ko na nga po ito ro’n, pero ipinabalik po ni Ma’am Alianna eh! Isauli ko raw po sa inyo. Tsaka Sir Dwaine… ipinapabigay niya po. Para sa inyo daw po ‘yan.” Habang hawak ang tray gamit ang isang kamay, iniabot ni Julius ang dokumentong naglalaman ng annulment papers gamit ang kabila niyang kamay. Nagtaka si Dwaine. Tumikhim siya bago magsalita. “Ano ‘to?!” “A-Annulment papers po—” “Nakikipaghiwalay na si Alianna Jade sa akin?!”“Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi mangyari ang nais ni lolo. Lahat ng gusto niya, sinunod ko. Ngayon lang ako tututol dahil ayokong sirain ni Lilia muli ang buhay ko.”Bumuntong hininga ng napagkalalim si Dwaine. Nakabalik na siya sa constructed building na inaasikaso niya dahil iniwan niya na ang matanda sa opisina nito upang maiwasan ang pagtatalo.Habang nakaupo sa swivel chair, bigla siyang nakaisip ng ideya. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa at saka nag-dial ng numero mula sa kanyang phonebook.[“Hello?”]“May I speak to Mr. Harrison Sebastiano?” [“Yes, speaking…who’s this?”]Tumikhim si Dwaine bago sumagot. “S-si Dwaine ‘to, Harrison. Napatawag ako kasi gusto sana kitang makausap. Kung available ka ngayon, pwede ba tayong magkita kahit saglit lang?”[“Ang random ng pagtawag mo. Ni hindi ko in-expect na alam mo pala ang office number ko, but anyways…what do you want to talk about? Is it about business? Tungkol ba sa partnership between the Sebasti
“Hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng ‘yon, lolo. NEVER!” “No, Dwaine. You have no choice but to marry her. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na bunga ng pagtataksil ang anak mo? Gusto mo bang makulit na naman ang nangyari, thirty years ago?” Hinilot ng matanda ang sintido niya matapos niyang sabihin iyon.Umawang ang gilid ng labi ni Dwaine dahil sa tinuran ng matanda. “A-ano’ng ibig mong sabihin, lolo? A-ano bang nangyari thirty years ago?”Tinitigan ng matanda ang apo niya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito, pinag-iisipan niya kung dapat na ba niyang sabihin ang isa sa pinaka tatago-tago niyang lihim mula pa noong hindi pa ito pinapanganak.“Lolo, ano pong totoo? Sabihin niyo na po, total ay mabanggit niyo na rin naman sa akin. Huwag niyo na po akong bitinin.”Tumikhim ang matanda. Bumwelo ito bago nagsimulang magkwento. “Fine! I’ll tell you the truth, but promise me… you won’t judge me.Ginawa ko ‘yong desisyon na ‘yon para sa’yo at para sa kompanya
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea