Share

The Untold Story of Jewel
The Untold Story of Jewel
Author: Paupau

PROLOGUE

Author: Paupau
last update Last Updated: 2021-11-27 12:17:08

"Mom, can we eat first?" Nilingon ko ang limang taong gulang kong anak, na ngayon ay kunot noong nakatingin din sa akin.

Isang linggo na rin ang lumipas simula ng bumalik kami rito sa Pilipinas. Mabuti nga ay nakapag adjust siya kaagad sa klima dito. Limang taong mahigit din kasi kaming nanirahan sa America ng makilala ko si Brent. Ngayo'y heto, kasama ang anak kong si Stephen ay narito kami sa Airport. Hinihintay namin ang pagdating ng Smith family, kasama ang isa ko pang anak na si Sancho. Kambal na lalaki ang mga anak ko, ngunit naiwan ang isa sa America dahil nasasabik sa apo ang mga magulang ko.

"Just wait love. Mamaya ay narito na sila," nakangiting sagot ko sa kaniya. Marunong mag tagalog si Stephen dahil hindi naman ako bihasa sa lenggwaheng inggles. Kaya naman natuto siya sa akin kahit na lumaki siya sa ibang bansa.

"But I'm hungry na po." Hinawakan niya pa ang tiyan niya para lang ipakita sa akin. "Look po Mommy, it's nipis na." Natawa na lang ako sa kaniya bago hinawakan ang kamay niya.

"Lets go, kumain ka muna ng lumaki yang tiyan mo." Hawak ang kamay niya'y nag punta kami sa isang fast food chain malapit din dito sa Airport.

Walang masyadong tao sa loob, kaya naman kaagad kong pinaupo si Stephen sa pandalawahang upuan na malapit sa pinto. Nilapag ko rin muna ang hawak kong cardigan pati na rin ang jacket ni Stephen sa upuan.

"Just wait for me here. Behave Stephen, o-order lang ako ng foods okay?" mariin kong paalala sa kaniya. Tumango lang siya bilang tugon bago itinaas ang kanang kamay, hudyat na nangangako siya.

Nang makarating ako sa counter ay agad akong nag order ng spaghetti at fries na siyang paborito ni Stepehen. Hindi ko rin kinalimutan ang ice tea na tinatawag niyang lemonade.

"350 pesos po Ma'am." Kinapa ko ang wallet ko sa loob ng bag ko, na sa sobrang dami ng laman ay hindi ko na alam kung saan ko inilagay.

"Sandali lang miss ha," giit ko sa kahera. Ngumiti naman siya habang ako naman ay nag patuloy sa paghahanap. Nasaan na ba kasi 'yon? Daig ko pa ang nangangalkal sa basurahan ng dahil sa laman ng bag ko.

"Here." Natigilan ako sa paghahanap ng wallet ko ng marinig ko ang boses na iyon. The deep and husky voice, boses na parang laging nang-aakit. Pamilyar din sa akin ang pabangong gamit niya. Napansin ko rin ang tattoo sa palapulsuhan niya na matagal ko ng nais ipa-tattoo sa akin.

"Keep the change," giit niya pa. Naramdaman ko ang bahagyang pag tama ng mainit niyang hininga sa bandang batok ko. Pakiramdam ko nga rin ay nakatingin siya sa akin. This guy... He must be-

"Uh thank you?" patanong niyang saad sa akin. Hindi ako makatingin sa kaniya, at nag kunwaring naghahanap pa rin sa loob ng bag ko.

"Thank you.... I, ahm... P-pay you." I stuttered. I felt nervous and I can almost hear my own heartbeat.

"No need." I can feel his mischievous smile while staring at me. Matapos niyang sabihin 'yon ay nagmamadaling lumabas na siya. Kinuha ko naman ang inorder ko, bago bumalik sa mesa kung saan naroon si Stephen.

"What took you so long Mom?" kuryosong tanong niya. Umiling lang ako at inabot sa kaniya ang pagkain niya.

Nang makaupo'y tinanaw ko ang lalaking ngayon ay nakatayo na sa tabi ng itim na sasakyan, habang may kausap sa cellphone niya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang babae. Mariin niyang hinalikan ang lalaki na gumanti naman ng yakap sa kaniya, bago muling pumasok sa loob ng kotse ang babae.

Nakangiting umikot naman sa kabilang pinto ang lalaki at binuksan iyon. Ngunit bago siya pumasok sa loob ay nakita kong tinanaw niya pa itong fast food chain, na kinalulugaran namin ngayon ni Stephen. Halos manglaki rin ang mata ko ng mapansing kumunot ang kilay niya ng mapatingin sa gawi ko.

"My gosh! Did he recognized me?" I unconsciously asked myself.

"Who Mommy?" kuryosong tanong naman ni Stephen sa akin. Nginitian ko lang siya bago pasimpleng tinignan muli ang lalaki. Ngunit sa pagkakataong ito'y umandar na ang sasakyan kung saan naroon ang lalaking iyon.

"Nothing love kumain ka na," baliwalang sagot ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

That man, how can I forget him? His smell, his voice and his stares, everything about him was perfectly engrave in my memory. A memories of my past, and the reason of my present. Tinignan ko si Stephen na ngayon ay maganang kumakain. Madungis na rin ang mukha niya gawa ng sauce ng spaghetti, ganoon pa man hindi pa rin maipagkakaila ang pagkakapareho nila ng ama nila ni Sancho.

Kaparehong mata, ilong, labi, buhok at maging ang pagkunot ng kilay at noo niya ay namana niya sa kaniyang ama. Kulay ko lang yata ang nakuha sa akin ni Stephen. Kaya naman, paanong hindi ko malilimutan ang lalaking iyon? Ang lalaking nagpadama sa akin sa kamunduhang minsan ko lang nadama. Pinalasap niya sa akin ang isang gabi na hindi ko malilimutan kahit kailan. Isang gabi lang, ngunit ng dahil doon ay nag bago ang lahat.

"I'm done!" Sigaw ni Stephen na nagpabalik sa akin sa katinuan. Naubos niya na nga lahat ang pagkain niya. Napakadungis na rin ng mukha at kamay niya.

Kinuha ko ang wet wipes sa bag ko at pinunasan ang bibig at mga kamay niya. "You look exactly like your father," wala sa loob na sambit ko. Kahit ako'y natigilan ng mabigkas ko iyon.

"You mean, Daddy Brent Mom?" maang na tanong niya naman. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti. Mabuti na lang at iyon ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Dito na rin po ba titira sina daddy, Sancho, lolo at lola Mama?" muli niyang tanong. Sa sinabi niyang iyon ay napatayo ako kaagad.

"Oh my god! Stephen lets go." Kinuha ko na ang mga gamit namin at hinila na siya patayo. Sa kaiisip ng kung ano-ano ay nakalimutan ko na sila. Baka ngayon ay nasa labas na sila at kami naman ang hinahanap.

Nang makarating kami sa arrival, tama nga ang hinala ko. Naroon na nga sila at nakaupo sa kaparehong pwesto, kung saan kami nakaupo kanina.

"Daddy!" sigaw ni Stephen bago tumakbo palapit kay Brent. Nagmadali na rin akong lumakad at ng makalapit sa kanila ay kaagad akong yumakap sa mag-asawang Smith, bago kinarga naman si Sancho.

"Hey little buddy, how are you?" tanong ni Brent kay Stephen. Kinarga niya rin si Stephen at hinila ako palapit upang yakapin. "And you too?"

"Were good Dad. Dito na po kayo titira?" nakangiting tanong ng anak ko kay Brent.

"Nag behave ka ba dito habang wala kami? Baka naman pinasakit mo ang ulo ni Mommy?" balik tanong naman ni Brent. Alam kong iniiba niya lang ang usapan, upang hindi na muling mag tanong pa si Stephen sa kaniya. Si Sancho naman ay tahimik lang na nagmamasid sa amin at sa paligid, tila ba naninibago.

"No po, good boy po ako." Nakataas ang kanang kamay na sagot naman ni Stephen kay Brent.

"I doubt!" baliwalang sagot ng kambal niyang si Sancho na ikinatawa namin. Sa unang tingin ay malilito ang sino mang makakakita sa kanila. Kahit ako dati'y hindi ko matukoy kung sino si Sancho at sino si Stephen. Ngunit habang lumalaki, nagiging magkaiba ang kulay nila. Stephen got my skin color which is more lighter than Sancho who got his father's skin... A not so dark skin tone.

"Tara na para makapagpahinga na rin muna kayo." Hinila ko na ang maletang hawak ni Brent, dahil hindi na nagpababa si Stephen mula ng kargahin niya. Nauna na rin akong lumakad habang sila naman ay nasa likuran ko. Mabuti na lang pala at medyo malaki ang nirentahan kong sasakyan. Hindi pa rin kasi ako nakakabili dahil may pinaglalaanan ako ng pera.

"Saan nga pala kayo tutuloy? Hindi pa tapos ang dalawang silid sa bahay na nabili ko, pero kasya naman tayong lahat doon. Maybe after two or three weeks, tapos na 'yon." Isang linggo bago kami umuwi ni Stephen dito sa Pilipinas ay nag hanap na ako ng bahay na pwedeng upahan.

Sakto naman na nakita ko ang MGS sa social media, kung kayat doon na lang ako bumili. Hindi na rin masama, dahil maluwang ang lugar at maayos ang mga kabahayan. Mainam na rin na may sarili kaming bahay dito, dahil dito ko na pag-aaralin sina Stephen at Sancho sa pasukan.

"Thank you dear, but for now lets stay at the Hotel," sagot sa akin ni Mama. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin akong tawagin siyang Mama. Hindi ko kasi nakasanayan, ngunit mabait naman si Mama Belinda.

"Saang Hotel po Ma?" balik tanong ko sa kaniya. Katabi ko si Brent sa driver's seat, habang sina Mama Belinda at Papa Jacob ay pinagigitnaan ang kambal na sina Stephen at Sancho sa likod.

"Steve's Hotel. We booked the Presidential Suite my dear, lets stay there for two days." Daig ko pa ang naparalisa sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pangalan ng Hotel na iyon. Pucha! Sa dinami rami ng hotel sa Pilipinas, bakit naman iyon pa ang napili nila?!

Ilang taon na ba simula ng huli akong umapak sa lugar na iyon? Kung pwede ko nga lang ibaon sa limot ay ginawa ko na, ngunit hindi. Hindi mawala sa isip ko ang lugar kung saan una akong natukso. Lugar kung saan nadala ako sa init ng haplos niya, higpit ng yakap niya, at kung saan nabuo ang mga munting buhay na pilit kong inililihis ng landas, 'wag lang matulad sa akin.

Akala ko'y hindi na muling mahahalungkat pa ang nakaraan ko.  Just by sitting here inside the car, flashes of my past came naturally. Seem like I'm watching my very own story while my eyes closed. Mabilis at sunod-sunod na bumalik lahat ang ala-ala ng aking kahapon. Hindi alam ng pamilya ko kung ano ang sinapit ko noong wala sila. Noong wala akong ibang makapitan kun'di ang sarili kong kamay, habang nagsisikap na itaguyod ang araw-araw upang mabuhay.

Wala akong ibang alam dati kun'di ang sumayaw at umindayog sa saliw ng maharot na musika. Palakpak ng ibat-ibang tao na karamihan ay lalaki ang siyang nag papalakas ng loob ko. Habang hinahanap ko ang pamilya ko'y, ang bahay aliwan ang humubog sa pagkatao ko. My family never ever tried to ask me about my story. Maybe they wanted to asked... but maybe, they wanted me to say it willingly. Ganoon pa man ay tinanggap nila ako ng walang alinlangan. But just like before, my story remained untold. Tulad ng kung paano rin banggitin ng mga nakilala at nakasama ko noon sa mga nag tatanong kung sino ako.

Hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan, kung saan naging isang kwento sa lahat ang buhay ko. It wasn't tragic, thriller or love story. But it was and always be...

"The Untold Story of Jewel"

***

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Untold Story of Jewel    EPILOGUE

    [STEVE POV from the first chapter to the last]When morning come, I didn't see any trace of the woman that I slept with at night. Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. But I must say that that woman was hot! She made me horny. My birthday party ended wonderfully. And she was the best gift ever! "I had to find her," I whispered to myself then took a shower.May usapan kaming magkikita-kita sa Club-V ulit ngayon. Dahil ang mga baliw kong kaibigan ay hindi pa kuntento sa mga nakain nila, kailangan din daw ng inom!Akala ko'y hindi ko na makikita pa ulit ang babaeng nakasama ko ng isabg gabi sa kama. But I was wrong because she was there! Swaying her hips seductively. Touching her body like she was loving what she was doing. And she smiles as she was dancing to the beat of seductive music."Jewel!" I whispered.Yes, finally I know her name. Sinundan ko siya sa kung saan man siya pupunta, halata naman kasi na iniiwasan niya ako na para bang may gagawin akong masama sa kaniya."

  • The Untold Story of Jewel    Chapter 84

    Hawak ang bungkos ng bulaklak ay tumalikod ako at inihagis 'yon sa mga kadalagahan. Ngunit ganoon na lang ang tawa ng lahat lalo na si Steve at ang mga kaibigan niya ng bumagsak ang bulaklak sa mismong kandungan ni Matteo. He was comfortably sitting beside his friend Janrick and the rest of their gang. Sa dinami-rami ng babaeng narito ngayon ay siya ang masuwerteng nakasalo ng bulaklak."That was epic bro! Lakas makabading!" Kantiyaw sa kaniya ni Janrick."Hi bebe Matteo, pwede ba kitang isayaw?!" Dagdag naman ni Lucas na nangunguna rin sa katatawa.Umiling naman si Matteo at ipinakita ang gitnang daliri niya sa dalawa. Si Steve naman ay naghanda na upang ihagis naman ang garter sa mga kalalakihang nasa harap. Bumilang pa ang mga baliw niyang kaibigan na tatlo, bago inihagis ni Steve ang garter. Ngunit nang maihagis niya 'yon ay sakto naman na dumaan si La Tigra na naghahanda na yatang umuwi. And to our surprised too, sumabit ang garter sa sling bag niya."What the fudge!" Nanlalaki a

  • The Untold Story of Jewel    Chapter 83

    Today is the biggest day that I 'am waiting to happen. Sa marahan at malamig na simoy ng hangin. Hampas ng alon sa dagat. Huni ng mga ibon. At ingay ng ng mga bangka at iba pang narito rin ay masasaksihan ng lahat ang pag-iisang dibdib namin ni Steve. Suot ko ang damit pangkasal na napili ko noong pumunta kami sa mall. Kumpleto ang mga kaibigan ni Steve na ngayon ay narito rin. Gano'n din ang kani-kanilang asawa maliban na lang sa isa. I just met her once but after that, an unexpected thing happened. Kahit ako'y nagulat sa pangyayaring iyon pero siguro ay iyon talaga ang nakatakdang mangyari."Ikaw na yata ang pinakamagandang bride na nakita ko bakla!" Eksaheradang sambit ni Aiza ng buksan ng walang ano ano'y pumasok siya rito sa silid ko.Hindi pa ako tapos ayusan, pero kaunting ayos na lang sa buhok ko ay okay na. Suot ko rin ang kwintas na binigay sa akin ni Steve. Gold ang chain niya pero kulay blue ang bato na hugis diamond. Bumagay siya sa damit na suot ko ngayon.My wedding wa

  • The Untold Story of Jewel    Chapter 82

    We spent our day in the wide blue sea. We eat. We laughed. We even build a sandcastle. And most of all, we had our family bonding.Kung pwede nga lang na hindi na matapos ang ganitong sinaryo sa buhay ko'y araw-araw kong hihilingin. Gagawin ko ang lahat makita lang kasihayan at tingkad ng mga ngiti nila sa kani-kanilang labi."Are you happy?" Steve asked me as I was looking at the keychain that I wanted to buy.Mahilig kasi akong mangolekta ng mga produktong mayroon sa lugar na pinupuntahan ko o kaya naman ay napuntahan na. Ngayon naman ay itong keychain ang gusto kong bilihin para mayroon aking remembrance sa islang ito."Yes, I 'am...thank you for bringing us here, baby. Thank you for making me the happiest woman in the world," I answered then kiss his lips.Ipinulupot niya naman ang braso niya sa baywang ko bago ako ginantihan ng halik sa labi. Sa noo. At sa taas ng ulo. Banayad lang, pero damang dama ko ang pagmamahal at sincerity sa halik na iginawad niya sa akin."I'm glad you'r

  • The Untold Story of Jewel    Chapter 81

    Makaraan ang isang linggo ay naayos na namin ang mga papel patingkol sa gaganaping kasal namin ni Steve. Naipabahagi na rin namin ang mga invitations at ayos na rin ang listahan ng mga ninong, ninang, abay at ang lahat ng bubuo sa kasal namin. Hanggang ngauon ay hindi pa rin ako makapaniwala na dati ay inaasam-asam ko lang na sulyapan ako ni Steve. Ngitian. O kaya naman ay kausapin lang. Hanggang sa naging fucking buddy niya ako na ni sa panaginip ay hindi ko akalaing mangyayari sa akin.Tapos ngayon ay heto, ilang araw na lang ay mag-iisang dibdib na kami. Magsasama habang buhay. Magmamahalan at susuportahan ang isa't isa sa hirap man o gingahawa.Napangiti na naman ako at masayang tinanaw ang mag-aama ko na nagkukulitan sa dalampasigan. Narito kami ngayon sa Vitale Island kung saan gaganapin ang kasal namin sa makalawa. Ang kaibigan ni Steve na si Matteo ang siyang may-ari nito kaya naman nakakuha ng discount ang makapal ang mukha na si Steve."Nakakatuwa silang pagmasdan ano?" Na

  • The Untold Story of Jewel    Chapter 80

    Weeks had gone fast and smoothly. Now we're here at the mall, with our son Sancho and Stephen. Hawak ko is Sancho sa kanang Lamar ko, habang naka-akbay naman sa akin si Steve. Sa kanang kamay niya naman ay si Stephen na hindi mapakali katuturo ng mga laruang nakikita niya.We were having a family bonding while looking for a boutique that will do my wedding dress. Since hindi pa naman ganoon kalaki ang tiyan ko, napagdesisyonan namin ni Steve na beach wedding na lang. Napag-usapan na rin namin ang venue at ang lahat ng kakailanganin maging sa pagkain at sa mga iimbitahin.Gusto niya sana ang engrande dahil once in a lifetime lang daw mangyayari sa amin ito. Pero mas gusto ko ang simple at higit sa lahat ay ligtas. Hindi pa rin ako panatag sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Maaring nakakulong nga si Mike ngayon pero mayroon pa ring pwedeng kumilos para sa kaniya, sakali mang may binabalak siyang hindi maganda.Ganoon rin si Laura, na sa nagdaang buwan na nasa selda'y ngayon ay nilipa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status