" A-anak! —" tanging salita na namutawi sa akin ng makita ko si Misha. Ang bata na noon ay lubos ang giliw sa akin makuha lang ang aking pagtanggap at atensyon. Kay bilis lumipas ng panahon, noon ay bata pa ito at halos lahat ng nais ko ay ginagawa. Hindi ako naging mabuting ehemplo at ina sa batang ito. Ngayon nga'y nag-uumapaw ito sa ganda ako naman ay may bahid na ng kulubot. Nais ko sana pang dagdagan ang mga salita ko. Ngunit sadyang hindi pa nga siguro ito handa na kausapin ako dahil sa mga nagawa ko noon kaya lumabas ito agad sa silid. Marami akong mga kasalanan. Hindi lamang sa kapatid ko at pamilya niya kundi higit pa sa batang Misha noon at sa Misha ngayon. Nilamon ako ng inggit, galit at paghahangad noon wala akong inatupag kundi ang sirain ang kaligayahan ng iba. Buong buhay ko kahit pa kambal kami ng Ina ni Rex ay mas kita na ang ganda nitong natural , husay nito sa pag-aaral, gawaing bahay at maging sa lahat ng mga gusto nito ay madali lang sa kakambal ko makuha.
" M-ma" Iyon agad ang unang nasabi ko matapos ang mahabang katahimikan sa loob ng silid. Flashback… Inaamin ko ng una ay hindi ko alam ang damdamin ko ng marinig kong tawagin niya akong anak. Hindi ako makapag-isip ng maayos kaya ako nagmamadaling lumabas. Alam ko naman na sinusundan ako ni Em-Em. Narating ko ang isang bahagi ng Casa kung saan puno ng halaman. Matagal rin bago nagsalita si Em sa akin. " Diba sabi ko sayo tatagan mo loob mo, para maka-usad na kayong lahat. Hindi ko alam paano mo dalhin ang pain iba iba kasi tayo. But let me tell you something—" tila nag-aalangan na sabi ni Em sa bandang dulo kaya napaharap na ako bigla dito. Nagkatitigan kami waring inaarok sa aming bawat isa kung ano ba o kayang bang sabihin talaga. " What is that Em? "tanong ko agad. Ayoko sa kutob na bumabalatay sa aking kalooban at sistema. " Fine, ayaw niyang ipasabi but maybe with this ay mas lakasan mo pa ang loob mo at harapin na siya." Sabi muli ni Em na parang napipilitan. Iba kasi si
Hindi ko halos masundan ang mga kaganapan. Mula pa ng madaling araw na mamaalam si Mama Benida hanggang ngayon na inaayos na siya. Nanghihinayang man ako na sandali lang kami naging maayos at kinuha na siya at least—God let's as talk and forgive each other. Aalis siya ma baon kapayapaan sa puso niya. Ako man kahit nasasaktan ay masaya na din. Kahit umalis na siya naranasan niya ang salitang pagpapatotoo at pagbabago. Hindi ko nga namalayan na sina Romary at Darius pala ang nag ayos ng mga kailangan na dapat ako naman ang gumagawa. Sinabi rin ni Romary na tinawagan niya din daw ang kapatid ni Mama Benida na Mommy naman ni Rex at lola ni Rhyme at Rhythm. Hindi ito ang panahon para pairalin ang inis ko kay Rex dahil sa pagpapa-ban niya sa akin. Anytime darating siya dito at kasama ang mga anak namin. Nakakalungkot lang para sa kambal na sa ganitong tagpo nila makikita ang ina-inahan koa na lola rin nila.. Sa mini chapel kung saan kanina lang ay binawian ng buhay si Mama Benida ay do
Here I am, sa lugar kung saan may mga alaala ang yumao kung ama at kinilalang Ina na si Mama Benida. Napaka-aliwalas ng lugar na ito. Puno ng buhay at kulay ang lugar na ito kaya siguro ito ang naging love hideout nila noon.Sa ganda nga ng lugar na ito nanaisin mong balik balikan ito kahit pa mag isa ka lang. It's been a month since she left. She decided to turn her body in to ash. Ito yung sinabi niyang hiling sa akin kaya iyon ang sinunod ko. Noon una ay hindi pa pabor ang Mama ni Rex sa pag papa-cremate kay Mama Benida, but when I told her about what Mama last wish She agreed immediately. Ang Ina ni Rex ay sobrang bait na tao talaga, mahusay na Ina. She's a very caring, lovable and kind type of a person. Kitang kita ko kung gaano niya alagaan at iparamdam sa mga anak ko kung gaano siya kasiya na mga apo niya ito. Halos hilingin na nga ng Ginang na mag stay na lang muna sila Rhythm at Rhyme sa kanila. Nagulat pa nga ako ng one time ay biglang kinorner ako ni Mommy B, para lang s
3 months later….. Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan mula ng ma engage kami ni Rex. Sa totoo lang wala pang desisyon o ano pa man kung kailan ang kasal namin. Nasa punto rin ako na okay na kahit hindi kami maikasal. I'm very secured, by the love na ibinibigay ni Rex not just for me but for all of us. Nasa isang bahay kami kumain ng magkakasama, lahat ng pangangailan namin na ibibigay niya. May sapat na panahon at oras siya para sa amin ng mga anak niya kaya doon pa lang alam kong higit pa sa inaasam ko ang naipapadama niya at naibibigay sa amin. Alam kong sagrado ang kasal at hindi ito dapat balewalain pero —when we get older pala at magulang na ay mas prayoridad na lang natin ang kinabukasan at kaligayahan ng mga anak natin. Ito 'yung isa sa mga dahilan ko bakit hindi ko na inuungkat pa ang tungkol sa pagpapakasal namin. Na hindi ko rin naman narinig na muli kay Rex. Hindi ako nagtatampo o nagdaramdam dahil doon sabi ko nga ang mga anak namin ang main priority ko naming da
Misha After the mall incident at ng malaman rin namin na buntis ako ay bumuhos ang saya sa buong pamilya namin. Plus factor pa yung revelation ni Rex na legit talaga na Mrs. Severillo na ako. Na sa totoo lang ay matagal na pala naman and after that— everything's changed for the better. Kung noon na pinagbubuntis ko ang kambal ay tanging si Nana, Tata at Drew lang ang kasama ko at walang Rex noon para samahan ako sa bawat pagbabago sa akin dahil sa pregnancy journey ko. Naging masaya naman ako noon kahit mahirap ibang iba pala kapag magiging nanay ka na. But us of now full of satisfaction and happiness ang nararamdaman ko sa pangalawang pagbubuntis ko dahil kasama ko ang mga mahal sa buhay ko lalo na ang lalaking pinakamamahal ko. Ang biyenan ko ay unang unang pinaka-masaya sa lahat ng kapamilya namin, naroon ngang halos dito na tumira rin sa bahay namin at siya pang prisentante na mag asikaso sa mga pangangailangan ng kambal upang hindi na daw ako mahirapan sa araw-araw. Medyo nagi
MishaLumipas na naman ang ilang buwan, at nasa kabuwanan na ako. Isisilang ko sa mga susunod na araw ang isang sanggol na mula din sa pagmamahalan namin ni Rex. Masaya ako at walang anu man na nangingibabaw na takot sa akin para sa kahaharapin ko na panganganak sa aming munting anghel. Ang pamilya naman namin ay kasama ko din sa journey ng pregnancy ko. Nakakatuwa that they even make a bet kung baby girl ba, o baby boy? No one knows kung ano ba talaga? Oo tama kayo, even Rex and I didn't know the gender of our upcoming baby. Tinanong nga ako ng doctor ko why we didn't want to know. Hindi naman sa hindi gusto pero we want it to be surprise. Ang importante naman ay regular ang check-up ko at super healthy naman ng aming baby. Sa umaga naman ay panay panay na ang lakad ko sa labas ng bahay namin bilang excise na sa akin. Pero dito lang naman sa village namin para safe na safe pa rin we don't know na baka may biglang mangyari. Safety first! Kalimitan ay aalis ako na tulog pa ang kambal
Misha12:01 ng umalingawngaw ang isang malagong iyak ng sanggol. Napawi lahat ng sakit at hirap ko. I didn't know if it's appropriate to say that. Kasi for me walang hirap at pain talaga. Everytime na iire ako ay nawawala ang sakit dahil inaalo ako ng aking asawa. Lahat naging madali dahil kasama ko siya. I don't know what will happen to me without him in my life. Alam ko na kung nasasaktan ako ay mas nasasaktan siya para sa akin. Kaya naman pilit na pilit niya lang na ikinukubli iyon upang hindi ko makita. Alam niya kasing maapektuhan ako noon. He's a gem to me/ to us. Alam kong may magtataas ng kilay dahil usually lalaki ang kalimitan na nagsasabi ng ganito. But In our case I really don't care dahil sa akin o para sa akin iyon si Rex sa buhay ko at sa mga anak namin. Higit pa siya sa sobra para sa akin maging sa mga anak namin, kaibigan at pamilya. He made everything easy for us. Lahat pinagagaan niya. Super hero siya ng buhay namin. Tuwang tuwa ako na marinig ang unang palahaw na