Share

Kabanata 0004

Author: NACHTWRITES22
last update Last Updated: 2025-04-10 01:10:34

Natigilan ang lalaki na nakatingin sa kanya na parang nandidiri ito sa kanya o ano. 

Naintindihan naman niya dahil sa sobrang dumi niya ngayon at hindi pa siya naliligo matapos ang nangyari kagabi.

Napabuntong hininga si Felicia at napaiwas na lang siya ng tingin at sabay sabing, "Mukhang hindi ako ang taong hinahanap ninyo."

"...."

Hinawakan naman ni Vince ang kamay niya at nag-sign na kailangan niyang mag-pretend.

Napabuntong hininga na lang ang lalaki pero makikita pa rin sa mukha nito na nagdadalawang isip ito habang nakatingin kay Felicia.

"Para kang matandang sa kinikilos mo ngayon, mister."

Nanlaki ang mga mata nang lalaki dahil sa sinabi nito.

"F-Fine, dahil hindi pa natin napa-dna ang batang ito ay dadalhin muna natin siya sa mansion para mapaliguan na rin. Dahil mukhang ilang araw na siyang hindi naliligo.”

Nagulat namang napatingin sa kanya si Felicia at nanlalaki naman ang mga mata ni Vince dahil sa sinabi nito.

Hindi nila aakalain na ganun lang kadali para dalhin agad si Felicia sa mansion nito.

“Lucia, wag kang mag-aalala dahil pupuntahan kita sa inyo.”

Hindi naman nagsalita si Felicia at pumasok na siya sa sasakyan

Makalipas ang isang araw agad kumalat ang balitang nangyari sa mga batang nakidnap at ligtas na itong nabalik sa mga magulang nito.

Dinala din si Felicia sa hospital para makunan ng blood test para makumpirma kung ito ba talaga ang nawawalang anak ni Luscious Moretti.

“Isang linggo pa bago makukuha ang resulta at kagaya ng sinabi ko na sa amin ka muna tumira.”

“Sige.”

Hindi pa din nasasanay si Luscious sa ginagalaw nito at hindi din niya nakikita na may kahawig ito sa kanya.

Isang linggo pa bago malaman niya ang totoong resulta. Bigla namang may tumawag kay Luscious at nagulat siya nang makita ang pangalan ng Dad niya.

Ang ama ni Luscious Moretti na si Lucas Moretti.

“Anong kailangan nito sa akin?”

Hindi pa kasi niya sinasabi ang tungkol sa batang kasama niya ngayon. Sinagot naman niya ang tawag.

“Dad—”

“Luscious, gusto kong makita ang batang kasama mo ngayon. Siya si Lucia, diba?”

Nagulat naman si Luscious dahil hindi nila alam kung paano nalaman nito ang tungkol sa batang dinala niya ngayon.

Alam niya na lumaki si Lucia sa puder ng dad niya kaya alam na alam nito ang tungkol sa anak niya kaysa sa kanya.

“P-Paano mo nalaman, dad.”

“Dalhin mo siya mamayang gabi para makita ko ang apo ko.”

Binaba na nito ang tawag at napahawak naman siya sa ulo niya dahil muntik na siyang atakehin sa puso.

“Let’s go home.”

Sa mansion ni Luscios ay sinabi niya sa Asawa niya ang tungkol sa pagtawan ng ama nito para makita ang batang dala niya.

"Hindi ko alam kung totoo ba o hindi, ano naman ang kailangan ng matandang yun sa kanya? Naglolokohan ba tayo dito?" naiiritang wika nang asawa ni Luscious na si Vanessa Moretti. 

Dahil nabalitaan nito ang pagpapatawag kay Lucia sa bahay ng father-in-law niya.

Napa-isip din si Luscious sa nangyayari ngayon dahil hindi ito katulad sa adopted child nila na sila pa mismo ang nagdala sa mansion ng ama nito.

At ang pinakamalala ay hindi nagustuhan ng ama niya ang dinala nilang adopted doon na pinalit nila sa nawawalang anak niya na si Lucia.

"Alam naman natin na nag-iisip na si Dad kung kanino na niya ipapamana ang lahat ng ari-arian niya diba at alam naman natin na obsessed na obsessed siya sa apo niya na si Lucia."

Dahan-dahan namang tumango ito habang nag-iisip.

"Kung baka sakaling mapapatunayan ng matandang iyon na si Lucia ang batang iyon... Hindi ba't mas aasenso tayo kaysa ibang naghahangad sa yaman ng ama mo?”

"Alam naman natin na kahit adopted natin si Shia ay tinuring pa din niya itong tunay na apo. Panandalian lang naman siguro ang ugali ni Dad at matatanggap din niya ang adopted natin."

Agree naman ito sa sinabi ng Asawa niya.

Iniisip nila na tuluyan nang hindi nila makikita ang tunay nilang anak na si Lucia kaya nag-adopt na lang sila ng bagong anak para makalimutan nila agad ang sakit sa pagkakawala ng anak nila.

Nung nalaman niya kay Vincenzo na nakita na nito ang anak niyang si Lucia ay agad-agad pa din niyang pinuntahan baka masigurado kung ito ba ang anak niyang matagal nang nawawala.

"Pero ngayon mamaya na natin iisipin si Shia... Itong bagong dating na Lucia muna natin ang iisipin natin dahil papuntahin nga siya ni Dad doon."

Sinunod na lang nito ang inuutos ng dad nito na dalhin si Lucia sa mansion.

Nakikita niya si Felicia na wala pa rin itong imik at parang palaging may malalim na iniisip na nakatingin sa malayo.

"Okay, tara na nga kanina ka pa hinihintay ni Dad at ito ang tatandaan mo. Call him grandpa pag makita mo siya mamaya. Be sweet to him also, okay?"

Nakatingin lang si Felicia sa mansion nila Luscious na nasa harapan niya at hindi sumagot sa sinabi ni Luscious na kinabuntong hininga na lang ni Luscious.

"Tara na nga sa kotse."

Hindi pa rin ito nagsalita at pumasok na lang din sa sasakyan at nagmamaneho na ito paalis sa mansion nila.

Doon nakita ni Felicia ang malalaking gusali at maraming mga sasakyan na sinasabi sa kanya noong binatilyong nakausap niya na si Vince. 

Kailangan niyang aralin ang lahat ng nakikita niya ngayon at dahil matalino siya ay na-memorize niya agad ang mga iyon.

Papunta sila ngayon sa malaking mansion at pinagbuksan ni Luscious si Felicia at inilahad nito ang kamay pero hindi naman ito tinanggap ni Felicia at bumaba na lang siyang mag-isa.

“Welcome, master. Kanina pa po kayo hinihintay ng old master sa loob.”

“Okay.”

Pumasok na sila agad sa loob at kinakabahan pa rin si Luscious sa magiging resulta mamaya once makita ng ama niya ang batang kasama niya.

Tinitingnan ni Luscious ang mga galawan ni Lucia at naninibago pa rin ito kahit walang emosyon ang mukha nito na parang ngayon lang nito nakikita ang mga ganitong bagay sa mundo.

"Uhmm... Ayos ka lang ba? Kinakabahan ka ba ngayon? Wag kang mag-alala nandito lang ako kung natatakot ka kay dad."

Hindi pa rin siya nito pinakinggan at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Kinuha nito ang candy sa bag nito at lumamon.

Nakarating na sila sa kung nasaan naghihintay ang mga relatives niya at lalo na ang ama ni Luscious.

Nakita agad ni Lucia ang isang matandang lalaki na nakaupo sa gitna at nakatingin ito sa kanya simula nung pumasok siya sa pintuan.

Nakikita niya na nakakatakot ang awra nito pero may something din siyang nakikita sa mga mata ng matanda na nagbabakasakali na ito ang apo nito.

"Dad, kawawa ang batang ito na sa daan na lang nakatira at nabalitaan ko na grabe ang pinagdaanan niya sa baryo na pinagmulan niya."

Mahina nitong tinulak si Lucia para mas lalong mapalapit ito sa ama nito at nagtitigan lang silang dalawa ni Felicia at ng ama ni Luscious na si Grandpa Lucas.

“Dad, ito na rin po si Lucia…. ang apo ninyo. Naging ganito lang ang kutis niya dahil mainit sa lugar na pinagmulan niya at sigurado po ako na ito po ang anak ko.”

Alam ng mga taong nasa silid na iyon kung ano ang iniisip ngayon ni Luscious, na may pinaplano ito para makuha ang tiwala ng dad nito.

Napatingin naman si Grandpa Lucas kay Lucia.

"Dinala mo ba ang identification result niya? Wag mong sabihin na maling bata na naman ang nakita mo? Hinding-hindi niya kamukha si Lucia kahit kailan."

Nawala ang ngiti sa labi ni Luscious dahil sa sinabi ng ama nito at magsasalita sana siya nang makita nila na hinawakan ni Lucia ang kamay ng Grandpa nito.

"Grandpa, gusto ko pong pumunta sa garden ninyo. Pwede po bang samahan mo ko?" parang batang boses nito na wika sa matanda.

Nagulat naman ang matanda sa ginawa nito dahil hindi niya aakalain na hindi natatakot sa kanya ang batang nasa harapan niya.

Hindi ito kagaya ng ibang bata na natatakot agad sa kanya at umiiyak pa. 

Hindi kagaya ng batang nasa harapan niya na walang takot na nakatingin sa kanya at ngayon lang niya napansin na magkaparehas sila ng mga mata. 

Yung mga matang palaban na gayang-gaya sa kanya.

“Sige, magpapahangin na lang din ako."

Nagulat ang lahat dahil sa sinabi ng matanda. 

“Dad, ako na po ang magtutulak ng wheelchair niyo—”

“No need. Kaya na niyang itulak ito.”

Hinawakan naman ni Felicia ang hawakanan ng wheelchair at tinulak niya iyon.

Namamangha siya sa bagay na hawak niya ngayon dahil may ganito palang bagay para hindi na mahihirapan na lumakad.

Laking saya naman ni Luscious nang maisip na ang batang dinala niya dito ay agad na magkasundo agad ng dad niya. 

Mas lalong napapalapit sa kanya ang mana lalo na't nakikita niya na magkasama ang dalawang iyon.

Tulak-tulak pa rin ni Lucia ang wheelchair habang naglalakad sa garden.

Nakarating sila sa isang lugar na silang dalawa na lang sa matanda at napahinto siya sa paglalakad at lumakad siya sa harapan nito.

At nakita ng matanda na naging seryoso ito.

"Pasensya na po at hindi po ako ang apo ninyo. Gusto lang po ng lalaking iyon na mamana niya ang ari-arian ninyo sa hinaharap."

Nagulat naman ang matanda sa sinabi nito. Ang ayaw na ayaw talaga ni Felicia ay yung ginagamit siya kaya sinabi na niya ang katotohanan.

*******

Natchwrites22

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
haha yeah WOW honest ng bida ,,Sava matagpuan mo ang totong ikaw
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0090

    Nakarating na sila sa mansion at maraming bumati sa kanila na mga katulong at namamangha pa rin si Shia habang nakatingin sa malapalasyong mansion ng matanda. Kung magsisipag siya ay 'di n'ya mabibigo ang tiwala ng mga magulang n'ya sa kanya. "Welcome home, masters and young ladies."Yumuko naman ng kaunti si Felicia at nakita naman 'yun ng matanda na may galang pa rin ito sa mga nasa baba sa kanya."Hmm... mabuti naman at marunong kumilala ang mga katulong dito," rinig naming ani ni Shia sa gilid nila."Shut up, Shia."Napatingin naman si Shia kay Lucien at yumuko na lang at kumapit kay Lucien."Sorry, brother.""Tsk.""Grandpa, pasok na po tayo?" Tumango naman ang matanda sa sinabi ni Felicia at lumakad na sila papasok hanggang sa mapahinto sila sa sala."Ituturo sa inyo ng mga katulong kung saan kayo matutulog. Sabay tayong kakain ng breakfast bukas.""Yes, grandpa.""And once again. Welcome sa bagong bahay mo, apo."Napngiti ng kaunti si Felicia at dahan-dahan na napatango. Kah

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0089

    Nanlalaki naman ang nga mata nila Luscious dahil sa narinig mula sa ama. Mas nakikinig pa ito sa hindi kadugo kaysa sa kanya na totoong anak nito."Dad, hindi naman tama na sila lang ang isama mo. Ano bang mayroon kay Shia na wala sa kanila?" reklamo ni Vanessa sa matanda na kinakunot ng noo ng matanda.Tinulak tulak naman ni Vanessa si Shia para magpaawa effect sa matanda na isama 'rin ito sa kanila."Hindi kami papayag na isama mo si Lucien. Masasama mo lang s'ya sa mansion pagkasama n'yo rin si Shia.""Mom!"Napabuntong hininga si Felicia habang nakatingin sa kanila. Napatingin naman ang matanda sa kanya at nakikita nito na nadadamay na ito sa problema ng pamilya nito."Don't be immature, mom!"Nanlalaki naman ang mga mata ng mga magulang ni Lucien dahil sa sinabi nito."I-Immature? Ganyan ka na ba ka walang galang sa mom mo, Cien."Napatingin naman si Felicia sa phone n'ya at nakikita n'ya na malalim na ang gabi. "Grandpa, ano sa tingin ninyo?""Ayoko ng maingay sa bahay.""Grand

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0088

    Uwian na at hindi inaasahan ni Felicia na marami s'yang matatanggap sa welcoming n'ya ngayong gabi. Marami 'rin s'yang mga damit na magagamit n'ya. Hindi n'ya alam kung masusuot ba n'ya ang lahat ng 'yun.Nasa gilid s'ya ng matanda habang naglalakad sila papunta sa lobby ng hotel para pauwi na. Si Lucien naman ay tahimik na nagtutulak ng wheelchair ng matanda."Felicia, apo, kagaya ng napagkasunduan natin ay sa mansion ka na mananatili."Natigilan naman si Lucien sa sinabi ng grandpa nito. Alam naman n'ya na panandalian lamang ang pagtira ni Felicia sa mansion nila pero hindi n'ya alam na ngayong gabi na magsisimula na maghiwalay na silang dalawa ni Felicia."Yes, grandpa."Natigilan naman sila Luscious at Vanessa sa narinig. Maski na rin si Shia ay nagulat din. "Wait lang, dad. Kung dadalhin mo si Felicia ay pwede mo rin namang isama si Shia. Alam mo naman na baka ma-bored si Felicia sa mansion na walang kalaro."Napatingin naman ang matanda kay Luscious. Alam nito ang plano ng an

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0087

    Nakarating na sa gitna ng entablado si Felicia at naglalakad na sa harapan nito si Theo habang hawak-hawak nito ang anak na si Thea na malaki ang ngiting nakatingin kay Felicia. Kasama rin ni Felicia sa gilid nito ang grandpa na escort n'ya ngayong gabi. "Puntahan mo na ang Sister Felicia mo, my daughter," ani ni Theo sa anak at masaya namang napatango si Thea bago lumakad papunta kay Felicia. "Sister Felicia." Hinawakan ni Thea ang kamay ni Felicia at malumanay na lang na napangiti si Felicia bago sila sumayaw ng malumanay sa gitna ng hall. Inanalayan naman ni Theo ang matanda na pumunta sa gilid at tiningnan nila ang dalawa na nag-e-enjoy sa pagsayaw. "Mukhang maswerte ka dahil ikaw ang napili ng apo ko. Hindi ko alam na nakuha mo na agad ang loob n'ya," kalmadong ani ng matanda kay Theo. Napangiti naman ng malumanay si Theo at dahan-dahan na tumango. "Ako at ang anak ko ang maswerte kay Felicia dahil marami na s'yang natulong sa amin. Nakikita ko na katulad na katul

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0086

    Tahimik lang si Shia habang nanatili pa rin ang galit na nagmumula sa puso n'ya habang inaalala na naginging balewala ang lahat ng pinaghirapan n'ya ng ilang araw. Dahil kay Felicia. Gusto n'yang maiyak pero tinatago n'ya dahil ayaw n'yang makita s'ya ng ibang tao na umiiyak. Nasa tabi naman si Vanessa at pilit din nitong kinakalma si Shia sa nangyayari. Hindi lang kasi si Felicia ang kalaban nila ngayon pati na rin ang pakelamerong matanda. "Shia, baby, wag mo ng isipin ang nangyari kanina. Don't worry, gagawan ka namin ng isang party na ikaw talaga ang bida. Mas bongga pa sa party na ito at imbitahan mo ang lahat ng mga kaibigan at kaklase mo sa gabing 'yun." "Really, mom? Gagawan n'yo ko ng mas maganda pa sa party na ito?" "Exactly. Kami ng dad mo." Napatingin naman sila kay Luscious na hindi nakikinig sa kanila at nakatulala lang sa gilid at parang loading sa nangyayari kanina. Hindi s'ya makapaniwala na hindi pangkaraniwan na bata ang ina-adopt nila nung araw na 'yun. Na

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0085

    Isa isang dumating ang mga bisita sa party at dala dala nila ang mga dresses para kay Felicia. Ang iba ay nakalagay pa sa paper bag at ang iba naman ay nakalagay pa sa isang box at excited silang ibigay 'yun kay Felicia.Makikita ngayon sa mga mayayamang nandidito na hindi sila nagpapatalo sa mga ganitong bagay.Kalmadong nakatingin lang si Felicia habang nakatingin sa kanila na parang normal lang ang bagay na 'yun sa kanya. Napatingin ngayon ang grandpa nito sa kanya na nasa tabi n'ya."Mukhang madali mo ngang nakuha ang attention ng lahat." "Dahil sa pride nila kaya sila ganito."Nagulat ang matanda sa sinabi ni Felicia at napangiti na lang siya dahil kahit ngayon ay nagugulat pa rin s'ya sa mga sinasabi nito. Parang ang katabi n'ya ay ka-edad lang n'ya ngayon na matured na matured kung mag-isip. "Let's go sa stage para hindi ka matabunan ng mga tao dito.""Yes, grandpa."Itutulak sana ni Felicia ang wheelchair nang pinigilan naman siya ni Luscious."Ako na baka mapaano pa si dad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status