Maghahating gabi na ng dumating si Samantha sa kabahayan madilim at walang ilaw sa paligid. Hindi na bago iyon sa kanya at sanay na rin siya. Pero nakaka-miss parin iyong panahon na pag uwi niya ay naghihintay ang kanyang tiyahin.
Ngayon. Hindi na niya alam kung saang lupalop ito ng mundo naglalakwatsa. Napansin niya na madilim pa ang buong kabahayan. Wala pa ang tita Claudia niya. Nang makapasok sa may tarangkahan at pinindot ang switch ng ilaw. Saka napasigaw pagkakita ng isang pigura na nakaupo sa dilim. “Ay, kabayo!" Sa pagka bigla muntik na itong mahampas nang dala niyang maleta. “Ay, kalabaw! Bulalas din ng pigura, na si tita Claudia pala! “Titaaaa!.. aatakihin ako sayo nang wala sa oras eh!. “Buti nakilala ko agad kayo! Diosko, naman! Ba’t ba kasi hindi mo binuksan ang ilaw. Nagtitipid kaba sa kuryente Tita?” reklamo ni Samantha. Naka pamaywang sa kanyang harapan ang isang 52 anyos na tiyahin. Kahit may edad na. Bagets parin naman itong tingnan. “Ikaw pa ang may ganang atakihin! ako na nga ang kamuntikan mo nang mahampas nang dala mong maleta'? Pabulyaw na sagot nito sa kanya. “Buti nga tita nakapag pigil ako kung hindi bukol sana aabutin mo! Bakit andito ka sa bahay tita? nakapagpanibago ata. Walang gimik?" tanong niya dito. "Tumigil ka Samatha! At bakit ngayon kalang?" Sabay batok nito sa kanya. “Aray ko po titaaaaa! Kung hindi lang talaga masama ang pumatol sa nakatatanda pinasok na niya ito sa maleta at dalhin sa pinakatuktuk na hagdan at doon ipagulong-gulong hangang sa bumalik sa katinuan. “At saan ka naman pupuntang bata ka?" Hindi niya pinansin ang tanong nito. Bagkos sinuyod niya ito ng tingin. Mula ulo hanggang paa. Sa mga sandaling ito hindi na niya alam kung normal pa ba ang tiyahin. Naka crop top ito at kulay pink! Tenernuhan ito nang makarina short. Kaparehas din ng kulay ng pang itaas. Hindi rin nakaligtas sa mata ni Samatha ang bulaklaking headband nito sa ulo na mas malaki pa sa bonbonan nito. Suntukin ko kaya sa balun balunan ang tiyahin ng lumabas lahat ng masasamang espirito na sumanib sa katawan nito. Diosko! Bakit kasi sa dinami-dami ng kaluluwang pagala-gala sa mundo bagets pa ang pumasok sa katawan ng tiyahin! Mabuti sana kung matandang maligno nalang katangap tangap pa iyon. Masakit pa sa ulcer ang hitsura nito. Nakaka stress! “Tita ok lang kayo? Buti hindi kayo napagkamalang galing mental”. Saad niya dito habang nagpipigil sa sarili hindi niya alam kung maawa ba siya o matatawa sa tiyahin. "Cge Samatha kutya-in mo pa ako sa ngayon! kapag lumagpas kana sa kalendaryo saka mo ako maiintindihan!". Himikbi pa ito at nagpahid ng mga luha. “Tita lalo akong naguguluhan sa inyo eh!" Sa mga oras na ito hindi alam ni Samantha kung sakit sa ulo o sakit sa sikmura ang umataki sa kanya. Napahawak nalang siya sa kanyang tiyan. “Bakit? Umataki na naman ba ang ulcer mo? Pabalang na tanong ng tiyahin. Haggard na ang beauty mo girl. Mas fresh pa sayo si Aling Dionisya. Kung magsalita ito pabagets ng pabagets. “Kasalanan mo naman yan Samantha, sabi nang doktor mo huwag kang magpapagutom. Eh! dedma ka sa kanya. Kaya wag mong aasahan na gumaling ang ulcer mo, mas lalala pa yan. Mas bobongga pa yan kompara sa lovelife mo!" Patuloy sa paglilitanya nito. Sarap talagang pasabugin ng bomba ang bibig nang tiyahin ng matigil! "Tumigil ka nga tita!. lovelife nalang palagi ang bukang bibig mo eh!" Pasimangot niyang sagot. "Iwan ko ba sayo bata ka! Lahat naman nang na-ipundar ko sayo naman mapupunta. Pero bakit kayod kalabaw ka! Wag mong maliitin ang na-ipundar ko. Kung wala ka namang bisyo’y pwedi ka namang mamuhay na parang Donya. Nagmamadali kang kumita ng pera. Akala mo naman may bombay na palaging nangungulikta. Twenty -seven ka palang! Pero parang magkasing edad lang tayo kunting kimbot nalang, lalagpas kana sa kalendaryo.!” “ Anong magkasing edad?! Nalalasing na naman kayo sa mga imagination n’yo Tita? Ang layo kaya ng agwat nang edad natin!” kontra niya dito. “Hoy, babae! Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin at ikompara mo sa akin. Para kanang dugyot! Daig mo pa ang nalipasan ng isang libong taon. Mabuti sana kung sinali mo sa kayod ang pagkakaroon mo nang lovelife. Kaso Malabo pa sa mata ng matanda! Mag hunos dili ka Samantha! Hindi kana bumabata tatlong taon nalang lalamunin ka ng sumpa!” “Titaaaaa! kaya kayo napagkamalang kulang kulang sa buwan dahil sa mga paniniwala niyo sa mga ninunu natin!. Matanda kana nagpapaniwala parin kayo?" “Pwes! Ke maniwala ka sa hindi Samantha. Andiyan pa rin ang masaklap na katutuhanan na pinamanahan tayo ng mga ninunu natin ng isang masaklap na sumpa!. Kaya kung ako sayo lumandi kana hanggat maaga pa at may katas kapa sa katawan. Sa ngayon hindi mo pa alinta. Dahil hindi mo pa nakikita ang pwede mong sapitin. Pero pag nagka edad kana at wala na sa kalendaryo tingnan natin kung hindi mo luluhuran lahat ng mga santo magka dyowa ka lang!" "Kaya kayo naging pariwara tita, dahil sa ka iisip mo sa mga ganyang bagay!. Kahit sino sino nalang pinatulan mo para magka boylet!" "Wala kang karapatang isukmat yan sa akin Samatha!. Dahil hindi mo alam pinagdaanan ko! Hindi alam ni Samantha kung babatukan ba niya ang tiyahin or pa ulanan ng sidekick sa bagang ng mahimasmasan. Tumalikod at nagtungo nalang siya sa kanyang kwarto alam niyang walang patutunguhan ang pagtatalo nilang dalawa. "At saan ka naman pupuntang bata ka?" Bakit may dala dala kang maleta? Don't tell me aalis kana at iiwan muna ako? Saad nitong nagtataka. "Hindi tita, kahit kailan d kita iiwan. Sayang ang pamana mo sa akin." Pabirong sagot niya dito. "Hayyssst. Samantha!. Seryoso saan punta mo? kakalbuhin talaga kita pag hindi ka nagsasabi ng totoo! "Business trip tita. Ako ang pinapunta ng boss ko sa Isla Puerto" Sagot nya dito "Owssss!? sagot ng tiyahin na parang nag dududa. "Seryuso ako tita! "At sinong kasama mo?" Tanong nito. "Mag isa lang ako." Sabay talikod nya dito. “FYI kaya ako nagtatago sa dilim dahil nagluluksa ako!." Dahil sa narinig bigla siyang napahinto sa may tarangkahan ng kwarto niya at napaharap sa tiyahin. “Nagluluksa!? Bakit?" may namatay ba? Takang tanong ni Samantha. "Pinatay ni Alfred ang puso kung umiibig"!. Sabay hagulhol nito. "Dios na mahabagin! Normal paba kaya ang kanyang tiyahin? Hindi lang kaluluwang bagets ang sumanib sa katawan nito may broken hearted din!. Kung kanina ulcer lang at sakit sa ulo ang sumakit sa kanya. Ngayon aatakihin na ata siya nang sakit sa puso. “Bakit naman kasi tita pumatol pa kayo sa bagets. Gagawin lang kayong matrona! Peperahan lang kayo! Bakit di… “Ano sesirmunan mo ako? Putol nito sa mga sasabihin pa sana niya. I record mo ang conversation natin ngayon Samantha!. Saka mo pakingan kapag ikaw ay kasing edad ko na at wala parin asawa. Huwag kang tumulad sa akin. Huwag mong hintayin na maging tuyo’t matanda kana bago mo maisipang lumandi. Baka tambay nalang sa kanto ang papatos sayo. Ang masaklap pa hindi na ikaw ang pagnanasaan nila kundi ang nasa bank account muna!" Iling iling nalang na pumasok sa kanyang kwarto si Samantha. Kunti nalang talaga at maniwala na siya na sinapian ito ng masamang elemento o di kaya’y tinakasan ng kaluluwa sa katawan. Kulang nalang tatawag na siya ng albularyo O di kaya sa mental hospital. Tinakasan talaga ng bait ang tiyahin niya. Sana naman bumalik na sa dating katinuan. Yong dating matino, matalas sa pag iisip at pormal kumilos. Ito dati ang kanyang modelo at inspirasyon sa buhay. Pero biglang naglaho, iwan ba niya bakit biglang nag iba ang spirito nito sa katawan. Bata pa lamang siya nang iwan nang ina sa poder ng kanyang tita Claudia. Para sumama sa ibang lakaki. Ang ama naman niya’y lalo namang wala siyang alam kung saang lupalop ito ng mundo. Fetus palang daw siya sa tiyan ng kanyang ina ay naglaho na ang ama. Ang kanyang Tita lang ang sulong nagpalaki sa kanya. Tinuri siya nitong parang isang tunay na anak. Kaya nasasaktan siyang makita ang pinagagawa nito ngayon. Hindi naman kasi nakinig sa mga payo niya. Saka lang daw ito makikinig pag nag asawa na siya. Iba talaga ang advocacy nito sa buhay. Kumbaga to see is to believed.Bago paman siya nagpunta sa dalampasigan. Gumana na agad ang imagination niya naisipan niyang mag suot ng mahabang floral dress. Masarap maglad lakad sa tabing dagat kung comfortable ang suot. Mala-rosalenda ang peg! At na imagine na niyang ililipad lipad nito ang mga buhok niya sa hangin habang pa lakad lakad sa dalampasigan. damhin ang paligid at langhapin ang preskong simoy ng hangin. Pero hangang imaginasyon lang lahat ng iyon dahil maraming basura sa paligid ang mala asul na dagat ay napalitan ng kulay brown at nagkalat ang mga basura sa buhangin. Kahit na medyo galit pa ang karagatan dahil sa malalaking alon may parte naman sa dalampasigan ng medyo hindi naabutan ng mataas at maalon na tubig. Itong suot na floral dress pa ata ang tsutsugi sa kanya at ang buhok nya na hindi tinatali na natatakpan na ang mukha nya dahil sa pag anod anod nito sa tubig,hindi hangin ang magpapalilipad lipad ng buhok nya kundi tubig alat! Saklap! . Anak ng pating! Parang masalimuot pa ata ang k
Umaga palang ay nagtungo na si Samantha sa dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin. Atleast naman mahimasmasan siya sa nangyari kagabi. Mabigat man sa loob na hindi pweding libutin ang buong kapaligiran ng puerto sinikap parin niyang mapuntahan kahit manlang sa ilang bahagi nito. Para may ma ireport kahit paano. Ayaw niyang makita ang kampon ni satanas. Hanggang ngayon hindi parin maalis alis sa utak niya ang ginawa ng lalaki. Dito nalang muna siya mag iikot baka kung sawayin pa niya ang gusto nito ay baka makaladkad pa siya nito ng wala sa oras. Kung pwedi lang mai-sako ang judas na yon kagabi pa niya sana ginawa. Wala naman siyang sisirain sa resort na ito. Kung maka banta akala mo naman maraming treassure na iniingatan sa lugar na ito na ayaw ma diskubre. Mahirap pa ata sa lovelife niya ang gusto niyang mangyari. Mdyo makulimlim parin ang paligid dahil narin sa bugso ng panahon, kahapon pa nag wewelga ang kalangitan hangang ngayon wala pa itong balak tumigil. Malamig an
Tanghali na ng magising si Rafael. Dala siguro marahil sa matinding pagod sa byahi mula canada papuntang puerto. Nang malaman ang plano nang ama. Agad siyang umuwi ng pinas. Matagal na niyang pre-noprotektahan ang Isla. Walang ibang pweding gumalaw sa resort. Ito nalang ang katangi tanging ala-alang na iniwan ng yumaong ina. Dito na sila lumaki ng kanyang kapatid. At ito ang nagpapagaan ng kalooban niya. Makikitang walang pagbabago, at malinaw parin sa mga balintataw niya ang mga nakaraan mahimasmasan manlang ang pangungulila niya sa yumaong ina. Aaminin man nya hangang ngayon uwaw parin siya sa pagmamahal nito. Matagal nang gusto ipa-develop ng ama ang lugar. Ngunit sa abot ng kanyang makakaya pipigilan niya ito. Ilang beses na rin nilang pinagtalunan ito. “Masaya akong bumalik kana dito Rafael,” Wika ni Yaya kareng sa binata habang naghahanda ito ng pagkain para sa agahan. Sumulyap pa ito sa kabilang kwarto at suminyas sa kanya kung nandyan pa ba ang bisita kagabi. Hindi ko nak
Kanina pa talaga niya ito gustong pa ulanan ng sidekick! Gusto na talaga niyang magsisi bakit pa siya pumayag sa business trip nato. Parang kahit ano pang gawin niya’y hindi ito uubra. Kung magmamatigas siya baka sa labas na siya masikatan ng araw. Baka doon na niya makatabi ang mga totoong multo ng wala sa oras. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At tumigil ito sa may bandang dibdib niya.Kahit may kapandakan itong babae, makinis at maganda ang portion ng mga balikat. Balingkinitan ang katawan. Dahil sa manipis na sando na suot nito kitang kita ni rafael ang mga naka umbok na mayamang dibdib nito. "Manyakis!" sabay takip ng dibdib.Sandali! hindi siya naka suot ng blouse. Dahil sa pagmamadali upang masilip ang kumakalabog. Nakalimutan niyang mag suot nang pang itaas. tanging sando lang na manipis ang suot niya! Buti nalang hindi niya na isipang mag tangal ng bra kanina! " Anong tinitingin mo dyan? Wag mo akong pagnanasaan!".Wagkang mag alala hindi ako pumapatol sa walang
“Hindi ka multo? Takang tanong ni Samantha dito. Lalapit na sana siya sa lalaki upang hawakan ng masiguro kung multo ito. Ngunit bago paman siya makalapit may kung anong nakaharang sa paa niya at huli na para makaiwas, natisod na siya sa isang bangketa. At booom! sa pagka taranta ni Samantha hindi niya alam kung saan siya hahawak. Ngunit bago paman siya lumanding sa sahig may nahawakan na siyang isang mataas na bagay na medyo malambot sa pakiramdam. Sa pag angat ng mukha niya d niya alam kung gustohin pa niyang mabuhay! O gusto niyang lalamunin nalang siya ng lupa. Sa lahat ng pwede niya mahawakan! Ay ang hugis spada pa ng kaharap! ang masilang bahagi pa ng katawan ng lalaki! Wala na talaga siyang ginawang tama! Kaya naman pala parang iba ang hugis ng nahawakan niya! Panginoon na mahabagin! dibdib lang naman ang hiniling ko kanina bakit lagpas pa doon ang binibigay mo. Ayaw kung mamatay na makasalanan. Lahat na atang kamalasan sa mundo nasalo na niya.“Are you crazy?” paasik ng lala
Kung kanina ay medyo mahina pa ang kalabog! Sinamahan na ng hila ng bangko, tumataginting na mga pingan at kutsara!." Pun***tang multo! ayaw ata nito may ibang tao sa resort. Sandali! d kaya magnanakaw? Marami pa naman antique sa kabahayang ito. Parang siyang nasa isang pelikula. Mayrong nagwawala sa paligid tapos lumabas ang mga multo at humihingi nang hustisya!. Kung sino kamang ponsyo pilato ka! magnanakaw kaman o multo, di kita aatrasan! babalian talaga kita ng buto pag nahuli kita!. Hindi siya dapat matakot. Kaya niyang depensahan ang sarili. Baka hindi nito alam black belter siya. Pasalamat nalang siya sa kanyang tiyahin, kahit papano’y may magagamit din siyang self-defense. Hindi nasayang ang pagsama- sama niya sa mga trainings nito. Huwag lang naman sanang halang na kaluluwa baka pag tripan pa siya nitong isama. “Samantha! Sigaw nang nasa kabilang linya. “Nakalimutan mo ata kausap mo pa ako!” “Tita shsssss! Wagka ngang ma- ingay dyan”“Hoy! Bata ka! ano bang nangyayari dyan!
Ay, Spirito! nagulat na naman siya sa pag tunog ng cellphone niya. Tita niya ang nasa kabilang linya. Bigla siya nitong napabalikwas ng bangon! May kumakalabog. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog. Hindi siya pweding mag-chill kaya tumayo siya. Pasado alas 10 na ng gabi. Gutom na siya."Ay butiki’! Nagulat siya ng tumunog ang kanyang cellphone! “Si Aldena! Ang secretary ng boss niya! “How are you? Andyan kana sa Puerto? nakilala mo na si kareng?" sunod sunod na tanong nito. "Cheni check lang kita kung ok kalang dyan. Napatawag kasi c boss pinatanong kung nakarating kana sa Isla.” “Ay Uho Aldena, Kanina pa mga bandang alas 8 ako nakarating si yaya kareng ang nag asekaso sa akin dito." "Kumusta ang resort sa puerto? Salubong na tanong agad nito sa kanya. “Maganda naman di pangkaraniwan ang desenyo nito mga yari sa bato. I was thingking na maganda cguro kung lagyan ng hotel ang puerto." Sagot niya dito. Maganda ang lugar na iyan Samatha, napabayaan lang ng ilang tao
Pagdating sa dalampasigan ay agad siyang inalalayan ng bangkero upang makababa ng bangka. Pasado alas 8 na nang gabi ng dumating si Samantha sa Isla puerto. Malayo ito sa kabihasnan pati sa ibang Isla." Ma’am ehatid na kita sa resort ng mga Adams." Bolontaryo ni Istong. "Cge Manong. Salamat". Kinuha ng bangkero ang dala niyang maleta at sumunud narin siya. Nang makarating sa tarangkahan ng resort ay agad na siyang kumatok sa pintuan ng bahay na yari sa bato.Bumungad agad sa kanya ang isang matandang babaeng nasa late 50’s na ang edad nito. Nagpaalam narin ang bangkero ng masiguradong ligtas siyang nakarating sa loob ng resort.“Magandang gabi ho manang” Bati niya dito. “Diosko! basang basa ang damit mo ining! Sambit nito. "Ok lang hu manang". “Halika pumasok kana”. Nagmamadaling hinila ng matanda ang dala niyang maleta upang tuluyan na siyang makapasok. “Ikaw pala ang sinasabi ni Alfonso na paparito sa Puerto iha? “Ay! uhu manang! Ako pala si Samantha.” Pagpapakilala niya
Pagdating sa pier kumakaway agad ang lalaking naka sombrero, ito ata ang magdadala sa kanya sa isla. Agad din naman silang lumapit dito. Nagpakilala naman agad ang bangkero. "Magandang gabi hu ma'am. Ako po si Istong. "Magandang gabi din sayo manong" Medyo nasa late 40's na ang edad nito. Kung tingnang maigi mabait at bisaha na sa paglalayag si manong. Purmahan palang ng katawan nito alam niyang batak ito sa pagtratrabaho. Di biro ang isang bangkero dahil sa kanila nakasalalay ang buhay ng mga pasahero. Tiningnan niya agad ang karagatan, walang ibang nakikita si Samanta kundi puro kadiliman! Halos umakyat sa balun balunan niya ang nerbyos. Ayaw na niyang tingan uli ang karagatan. Dios na mahabagin! Sa lahat ng pwede niyang pagdaanan ito pang buwis buhay! Kunting mali lang ng bangkero makikita nila agad si San pedro! Hindi pa siya nagkakaboyfriend tapos ito pa ang sasalubong sa kanya. Sobrang malas naman ng buhay niya kung matatapos sa edad na baynte siete. Hindi na ito adven