Kung kanina ay medyo mahina pa ang kalabog! Sinamahan na ng hila ng bangko, tumataginting na mga pingan at kutsara!." Pun***tang multo! ayaw ata nito may ibang tao sa resort. Sandali! d kaya magnanakaw? Marami pa naman antique sa kabahayang ito. Parang siyang nasa isang pelikula. Mayrong nagwawala sa paligid tapos lumabas ang mga multo at humihingi nang hustisya!. Kung sino kamang ponsyo pilato ka! magnanakaw kaman o multo, di kita aatrasan! babalian talaga kita ng buto pag nahuli kita!. Hindi siya dapat matakot. Kaya niyang depensahan ang sarili. Baka hindi nito alam black belter siya. Pasalamat nalang siya sa kanyang tiyahin, kahit papano’y may magagamit din siyang self-defense. Hindi nasayang ang pagsama- sama niya sa mga trainings nito. Huwag lang naman sanang halang na kaluluwa baka pag tripan pa siya nitong isama. “Samantha! Sigaw nang nasa kabilang linya. “Nakalimutan mo ata kausap mo pa ako!”
“Tita shsssss! Wagka ngang ma- ingay dyan”
“Hoy! Bata ka! ano bang nangyayari dyan! Tinatakot mo ako! Saan kaba nag lalakwatsa! nakarating kanaba sa Isla puerto?” Sa halip na sagutin ang tiyahin. Penindot niya ang endcall mapapahamak pa ako sa kadaldaan mo eh. Habang dahan dahan na sumilip sa labas ng kwarto binuksan niya ito nang kunti upang bahagyang makasilip. Gilalas siya sa natamaan ng dalawang mata! may taong naka upo sa may hapag kainan!
May multo bang kumakain? Putya! pagkain ko yan ah! kanina pa ako nagugutom, inunahan pa ata ako ng multo! lagot ka talaga sa akin ngayon!. Nakaharap ito ng kunti sa kanya. Hindi nito alintana na mayrong tao sa paligid. Kahit hindi masyadong maliwanag ang paligid, kitang kita ni samantha ang pigura nang taong kumakain! Ang tangkad!. Kahit nakatagilid ito klarong klaro nya ang tangos ng ilong at mala purcelanang kutis nito. Ma mula mulang mga pisngi. Hindi man niya sinadya pero talagang tulo laway siya habang nakatitig sa isang pigura nang lalaking hindi niya kilala.
Ang matitipuno nitong katawan ang pumukaw sa pagkababae niya!. His so masculine! na parang may rotation itong sinusunod para ma achieved nito ang body figure. Ang mga brasong parang nag uudyok ang sarap lapitan at hawakan. Ang sarap sigurong makulong sa mga bisig nito.
Hoy, Samantha! parang nasalinan ka nang masamang espirito galing sa tiyahin mo. Naging manyakis na ang peg mo. Saway nito sa sarili. Sa taas nito na 6 ft . Kahit naka upo ay alam niyang umaabot ito nang anim na talampakan. Halos magkasing abot na ang mesa at ang tuhod nito sa sobrang tangkad. Parang tungkod lang siya nito kung tatayo ito. Ang suot nitong toxido ang lalong nagpapa gana sa emahinasyon niya at nagpapatingkad sa kagwapuhan nito. Pang telenovela ang hitsura at aura nang isang to. Napaka social naman nang multong ito. Habang tinitigan ang replika ng nasa harap. Ay inikot ikot ang mga mata at pagkatapos itinuon sa ibang direction. Namamalikmata ba ako? Ilang beses niya kinurap kurap ang mga mata. Wala talagang nagbabago. Baka multo! Mukha atang na prapraning na ang mga imahinasyon niya. Hindi dapat siya nasisilaw sa anyo nang isang multo. Sabi ng matatanda ,kaya nang isang multo ang magpalit nang anyo at mag mukhang tao. Naghagilap siya ng magagamit na sandata. Pero kahit saan ibaling ang tingin. Wala siyang mahagilap na pweding gamitin. Hindi bale na. Kamay at paa ang pwede niyang ipagtapat dito. Hindi siya dapat masilaw sa gwapong mukha at katawan nito. Napaka matcho naman talaga ng multong ito. Sa suot at tindig nito, Parang ka meeting pa ata nito si Emillio Aguinaldo. Anak ng tokwa! sa tikas at purma nito'y daig pa nito ang isang leader ng mga mandirigma. Nalibang siya sa katulala kaya bago pa niya mahagilap ang cellphone para alamin kung makukunan niya ng lawaran ang multo. Ngunit na unahan siya nito. Tumingin na ito sa direksyon niya. Patay! Huminga siya ng malalim. Inikot-ikot ang mga balikat, saka binatak ang mga iyon. Kung isa itong General nang mga Multo. Siya naman ay reyna ng mga engkanto. Pwes! di siya patatalo dito. Tuwid ang tindig na lumabas siya At hinarap niya ito. Ngunit bago paman siya naka labas ng kwarto. Iniikot na nito ang bangkong inuupuan paharap sa kanya. Hindi ito tumayo bagkos tinginnan siya nito mula ulo hangang paa!
“Who are you?” Takang tanong nito.
Sandali may multo bang nagsasalita? Bakit ang ganda ng boses nito. Resulta ata to sa kumakalam niyang sikmura kanina pa.
Dapat siguro ay manginginig siya sa takot. Sa panahon ngayon hindi lang basta magnakaw ang mga magnanakaw. May mga mangagahasa rin, at pumapatay pa. mananakaw pa ata ang dangal niya. Pero hindi siya ang tipong basta nalang masisindak lalo na't marami siyang alam sa pagtatangol sa sarili.
Sinundan nalang ng tingin ni Rafael ang papalayong babae. At napailing nalang. Habang abala sa pagliinis ng mga kwarto ang matanda'y may narinig na mga yabag na aminoy paparating. Andito na siguro ang dalawa, at mula sa pagkakayuko ay nag unat ng mga likod ng marining ang papasok na mga yapak Pumasok si Samantha na walang ibang suot kundi ang panloob lang. Dahil hindi na mahagilap ang suot na floral dress. Pagpasok palang niya sa loob ng kabahayan ay sinalubong agad siya ng matanda. " Pordios pursato iha! naliligo ka nga!. Buti hindi ka tinangay ng alon. "kung hindi ako dumating pinaglalamayan na sana ang pandak na iyan!" Boses ni Rafael ang nasa likoran niya. Nakasunud pala agad ang impaktong lalaki. Kung nakakamatay lang sana ang mga tingin na ipinukol niya natumba na ito. "Anong nangyayari Rafael.?"Tanong ng matanda. Hindi sumagot ang lalaki, bagkos tumalikod lang ito at pumasok sa kwarto. Rafael pala ang pangalan ng judas na iyon. Kumuha agad ng tuwalya ang matanda at saka
Naghahabol parin siya sa kanyang hininga, tumaas-bumaba ang dibdib. Hindi niya ma-imagine na kamuntikan na siyang kunin ni kamatayan. Mabuti nalang at sumulpot ang mukong na ito. May ilang sandali pang nanatiling nakahandusay si Samantha sa buhangin, hindi alintana ang nakabuhanghang katawan sa harapan ng lalaki. Alam niyang kanina pa siya nito tinitigan. Naglalaway kaya ang judas na ito? Pansin niyang napamura ito. Napangiwi siya sa naalala kagabi. Hindi nya alam kung matatakot siya o masiyahan dahil nakita niya ang paghanga na rumihistro sa mukha nito. Lumayo ng kaunti si Rafael sa babae. Naghahabol rin siya sa kanyang hininga kahit pandak ang babaeng ito, nangalay din ang kanyang braso sa paghila nito. May ilang sandaling nanatili rin siyang naka upo sa buhangin, hindi niya mapigilang mapatitig sa babae ng di sinasadya. Damn! this girl!. Pasigaw ng utak niya. Nang Nahimasmasan si Samantha ay bumangon at iniayos ang sarili sa paupong posisyon sa buhanginan. Tinukod ang mga braso ni
Bago paman siya nagpunta sa dalampasigan. Gumana na agad ang imagination niya naisipan niyang mag suot ng mahabang floral dress. Masarap maglad lakad sa tabing dagat kung comfortable ang suot. Mala-rosalenda ang peg! At na imagine na niyang ililipad lipad nito ang mga buhok niya sa hangin habang pa lakad lakad sa dalampasigan. damhin ang paligid at langhapin ang preskong simoy ng hangin. Pero hangang imaginasyon lang lahat ng iyon dahil maraming basura sa paligid ang mala asul na dagat ay napalitan ng kulay brown at nagkalat ang mga basura sa buhangin. Kahit na medyo galit pa ang karagatan dahil sa malalaking alon may parte naman sa dalampasigan ng medyo hindi naabutan ng mataas at maalon na tubig. Itong suot na floral dress pa ata ang tsutsugi sa kanya at ang buhok nya na hindi tinatali na natatakpan na ang mukha nya dahil sa pag anod anod nito sa tubig,hindi hangin ang magpapalilipad lipad ng buhok nya kundi tubig alat! Saklap! . Anak ng pating! Parang masalimuot pa ata ang k
Umaga palang ay nagtungo na si Samantha sa dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin. Atleast naman mahimasmasan siya sa nangyari kagabi. Mabigat man sa loob na hindi pweding libutin ang buong kapaligiran ng puerto sinikap parin niyang mapuntahan kahit manlang sa ilang bahagi nito. Para may ma ireport kahit paano. Ayaw niyang makita ang kampon ni satanas. Hanggang ngayon hindi parin maalis alis sa utak niya ang ginawa ng lalaki. Dito nalang muna siya mag iikot baka kung sawayin pa niya ang gusto nito ay baka makaladkad pa siya nito ng wala sa oras. Kung pwedi lang mai-sako ang judas na yon kagabi pa niya sana ginawa. Wala naman siyang sisirain sa resort na ito. Kung maka banta akala mo naman maraming treassure na iniingatan sa lugar na ito na ayaw ma diskubre. Mahirap pa ata sa lovelife niya ang gusto niyang mangyari. Mdyo makulimlim parin ang paligid dahil narin sa bugso ng panahon, kahapon pa nag wewelga ang kalangitan hangang ngayon wala pa itong balak tumigil. Malamig an
Tanghali na ng magising si Rafael. Dala siguro marahil sa matinding pagod sa byahi mula canada papuntang puerto. Nang malaman ang plano nang ama. Agad siyang umuwi ng pinas. Matagal na niyang pre-noprotektahan ang Isla. Walang ibang pweding gumalaw sa resort. Ito nalang ang katangi tanging ala-alang na iniwan ng yumaong ina. Dito na sila lumaki ng kanyang kapatid. At ito ang nagpapagaan ng kalooban niya. Makikitang walang pagbabago, at malinaw parin sa mga balintataw niya ang mga nakaraan mahimasmasan manlang ang pangungulila niya sa yumaong ina. Aaminin man nya hangang ngayon uwaw parin siya sa pagmamahal nito. Matagal nang gusto ipa-develop ng ama ang lugar. Ngunit sa abot ng kanyang makakaya pipigilan niya ito. Ilang beses na rin nilang pinagtalunan ito. “Masaya akong bumalik kana dito Rafael,” Wika ni Yaya kareng sa binata habang naghahanda ito ng pagkain para sa agahan. Sumulyap pa ito sa kabilang kwarto at suminyas sa kanya kung nandyan pa ba ang bisita kagabi. Hindi ko nak
Kanina pa talaga niya ito gustong pa ulanan ng sidekick! Gusto na talaga niyang magsisi bakit pa siya pumayag sa business trip nato. Parang kahit ano pang gawin niya’y hindi ito uubra. Kung magmamatigas siya baka sa labas na siya masikatan ng araw. Baka doon na niya makatabi ang mga totoong multo ng wala sa oras. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At tumigil ito sa may bandang dibdib niya. Kahit may kapandakan itong babae, makinis at maganda ang portion ng mga balikat. Balingkinitan ang katawan. Dahil sa manipis na sando na suot nito kitang kita ni rafael ang mga naka umbok na mayamang dibdib nito. "Manyakis!" sabay takip ng dibdib. Sandali! hindi siya naka suot ng blouse. Dahil sa pagmamadali upang masilip ang kumakalabog. Nakalimutan niyang mag suot nang pang itaas. tanging sando lang na manipis ang suot niya! Buti nalang hindi niya na isipang mag tangal ng bra kanina! " Anong tinitingin mo dyan? Wag mo akong pagnanasaan!". Wagkang mag alala hindi ako pumapatol sa