Share

Chapter 15

“Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood.

“Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.”

 Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra.

Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya.

Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula sa labas ng Pureblood na papapasukin matapos magpakasal sa isang Pureblood ay magdadala na ng apelyido na ‘Bathory’ ibig sabihin no’n maabandona ang tunay nitong apelyido. Samantala, nakadepende naman sa nilalang na ‘yon kung maibibigay rin sa kanya ang apelyido na ‘Elisabeta’ iyon ay kung isang Royal Blood Vampire ang makakapasok at magpapakita ‘yon nang sapat na kalakasan para makuha ang apelyido na tila titulo ng pagiging isang malakas na bampira na tanging mga Pureblood lamang ang mayroon. Pero ang Elizabeta naman ay awtomatikong nakukuha ng mga sumusunod na henerasyon na walang kahirap-hirap sa paniniwalang ang isinilang sa loob ng kastilyo na may higit 70% ng pagiging bampira ay magiging isang malakas at pinapaboran ni ‘Orpheus’ ang tawag ng mga ‘to sa pangalan ng Diyos ng mga ito.

Tiningnan ni Alexandra ang kapatid. Nasa hitsura nito na hindi nito gusto ang pagiging bampira. Sa kanya naman ay ayos lamang. Hindi maaaring magpakasal ang dalawang Pureblood sa iisang taon, kaya pipilitin niyang maunahan ang kapatid lalo at hindi pa ‘to handa. Wala siyang naiwanan, hindi katulad ni Alessia na may taong minamahal na naiwanan.

“Maestra, hindi ba sinabi mo na ang mga Royal Blood na dadalo ay isa ka sa pumili?” tanong ni Alexandra.

Tila naman natuwa ang Maestra sa interes ni Alexandra.

“Tama, hindi lahat ng Royal Blood na lalaki ay pinili namin. Iyon lamang mayroong malalakas na dugo dahil anak sila pareho ng Royal Blood na magulang.”

Dumating naman ang Maestro na kaedaran ni Linda, ang kanilang Maestra. Dala-dala nito ang limang aklat.

“Itinatanong ng prinsesa Alexandra ang tungkol sa mga Royal Blood.” Natutuwang sabi ng Maestrang si Linda sa Maestro na si Kainu.

Nangiti si Kainu na tumingin sa magkapatid.

“Lahat sila ay piling-pili at may hitsurang karapat-dapat para pagsimulan ng bagong lahi. Huwag kayong mahihiyang sabihin sa inyong ama kung sino ang nais ninyo sa kanila, hindi na kailangan ng kanilang pagpayag at kaagad na ninyo siyang mapakakasalan.”

Tila lumaki ang interes ni Alexandra. Ayon sa kanilang ina magaganda ang hitsura ng mga bampira. Lalo pa ang mga nasa matataas na pamilya katulad ng Pureblood at Royal Blood. Wala siyang interes sa pag-ibig, pero may interes siya sa magandang hitsurang lalaki.

“Sino ang pamilya ng Royal Blood ang may pinakamagandang piliin?” tanong ni Alexandra.

Mukhang masaya talaga ang dalawa dahil sa kanyang interes. Ang kapatid niya naman ay tinitingnan siya ng may pagtatanong na nakalarawan sa mga mata.

Dahil binigyan sila ng pagkakataon ni Alexandra na magsabi ng mga apelyido ay kaagad na pinili ng dalawa na banggitin ang apelyido ng may pinakamatataas na ranggo na Royal Blood.

“Victoria, Richardson, Bezarius at Etorre,” kaagad na sabi ni Linda.

Nilingon ni Kainu si Linda. “Pero may balitang mahirap pakisamahan ang anak ng mga Bezarius. Mukhang hindi siya magiging magaan sa ulo ng—”

“Pero siya ang pinakamagandang lalaki kaya ko siya pinili. Isa rin sila sa mataas sa ranggo,” ani Linda, mukhang hindi ‘to papayag na alisin sa pagpipilian ang Bezarius.

“Maraming magandang lalaki sa mga Royal Blood, lahat sila ay halos perpekto—”

“Iba pa rin ang dating ng anak ng mga Bezarius. Nang makita ko siya no’ng pag-aanunsiyo sa pagpapalit ng ating hari, naisip ko kaagad na karapat-dapat siyang makapasok sa loob ng kastilyo. Bukod sa may magandang estado ang mga Bezarius, nag-iisa siyang anak. At alam mo naman na kapag nag-iisang anak ay nakakakuha raw nang mas malakas na kakayahan.” Tila botong-boto si Linda rito.

Binalikan nila ng tingin si Alexandra na nakangiti naman. Mukhang may apelyido ng tumatak sa kanya.

“Mabuti pa ay higit mong maging pokus ang Victoria, Etorre at Richardson, prinsesa Alexandra,” ani Kainu.

“Pang-apat sa pamilya ng Royal Blood ang Victoria, bakit mo nilagpasan ang Bezarius kung sila ang ikatlo?” tutol ni Linda.

Naiiirita man ay nginitiang pilit pa rin ni Kainu si Linda na mukhang handang-handang makipagtalo sa kanya.

“Noon pa man, alam ko na kung gaano kasakit sa ulo si King Bezarius. Ipagpipilitan niya ang kanyang sarili, at masyadong mataas ang lipad ng dating niya. Hindi dahil panatiko ka ng ganoong hitsura ay karapat-dapat na siya. Ang piliin siya ay parang batong ipupukpok ng prinsesa sa kanyang ulo. Hitsura pa lamang ay napakarami ng babae akong nakikini-kinita.”

“May kakayahan ang mga Pureblood na kontrolin siya kaya hindi mangyayari ang mga iniisip mo. Isa pa, napakaganda ng mga prinsesa, maghahanap pa ba siya ng iba?” Binalingan ni Linda si Alexandra. Nangingiti naman si Alexandra sa naging pagtatalo ng dalawa. “Kaya prinsesa, isa sa pagpilian ng ‘yong mata ang Bezarius.”

Sabi ng kanilang ina ay mahirap ang buhay kasama ang mga bampira.

Pero kung makokontrol niya ang buhay ng mga bampira, alam ni Alexandra na magiging maganda ang buhay niya bilang prinsesa. Malayo sa lugar na kinamulatan niya.

“Pero may bali-balita na may kinababaliwan ng babae si King, kaya hindi nga dapat siya kasmaa sa pagpipilian. Marami na rin siyang offer sa ibang Royal Blood na asawahin ng kanilang anak,” ani Kainu.

Tumaas ang kilay ni Linda. “Ano naman kung may babae na siyang nagugustuhan o kinababaliwan? Kapag ginusto ng isang Pureblood, walang ano mang pagtanggi ang mapagbibigyan o buong angkan nila ay maparurusahan.”

Namangha si Alexandra sa narinig. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Ganoon sila kamakapangyarihan?

Tiningnan niya ang kapatid na tila nagtataka naman ang hitsura.

**

Nangiti si Anastacia nang ngitian siya ni King. Nakatagilid sila at nakaharap sa isa’t isa ni King. Naroon sila sa tree house na saksi sa lahat halos ng masasayang tagpo ng kanilang buhay.

Malalim na ang gabi at gusto nitong manatili silang dalawa roon.

Ang higaan nila ay banig lamang, at may dala naman silang unan nang pumunta roon.

“Hindi ko pa rin mapaniwalaan na nagustuhan mo ako. Napakaraming bampira na tila wala man lang kapintasan ang nakapaligid sa ‘yo, may mas maganda rin silang katawan at taas na bagay na bagay sa ‘yo,” pabulong na sabi ni Anastacia. “Alam mo ‘yon, habang nadaragdagan ang edad natin parang lalo pang gumaganda ang hitsura mo at parang hindi na kita maaabutan. Iyang buhok mong itim na itim, mga mata mong tila batong ruby, iyang mukha mo na tila nililok ng pinakamagaling na manlililok at layunin yatang gawin kang perpekto. Tapos, iyang katawan mo mas lalo pang gumaganda at tumataas ka pa,” napasimangot si Anastacia.

“Pero iyong mata ko nilikha lang para ikaw lang ang maging pinakamaganda.”

Pinamulahan si Anastacia. Hindi niya magawang pigilin ang pagngiti.

“Lahat-lahat sa ‘yo gusto ko, kahit dulo ng buhok mo.” Humaplos ang palad ni King sa mukha ni Anastacia. “Lahat ng nakikita ko sa ‘yo ay higit sa ibang nakikilala ko. Kung puwede ko lang iaphiram sa ‘yo ang mga mata ko para malaman mo kung gaano kaganda ang nakikita ko sa araw-araw.”

“Nagiging masalita ka, hindi ako masanay,” ani Anastacia. Parang punong-puno na ang kanyang dibdib at sasabog na ano mang oras.

Hinawakan ni King ang kanyang mukha at lumapit ito.

Parang pinanunuyuan kaagad ng lalamunan si Anastacia sa paglapit ng mukha nito sa kanya. Maging paghinga niya’y pinabibigat nito.

Hindi tumanggi si Anastacia nang halikan siya nito sa labi.

Ibinuka niya nang marahan ang labi para mabigyan ‘to ng pagkakataong mas palalimin ang halik na ginawa naman nito.

Hindi tumanggi si Anastacia nang buksan nito ang butones ng kanyang uniporme.

Ilang beses na rin naman may nangyari sa kanila matapos ang matinding heat nito.

Napadiretso siya ng higa dahil nagsimula ‘tong umibabaw sa kanya.

Napaungol si Anastacia nang pumasok ang palad nito sa kanyang dibdib at marahan nito ‘yong minasahe. Kumakalat na ang init sa buo nilang katawan at nagbabadya na naman sa kanilang pagkalimot.

Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Palagi nitong sinusubukang maging marahan sa kanya. Pero kung kakayanin naman niya ay hindi mahalaga kung paano nito gustong angkinin siya. Mas gusto ni Anastacia na maibigay rito ang sukdulang makapagpapasaya rito.

Ang labi nito ay paiba-iba nang puwesto sa kanyang leeg, sumisipsip, pero hindi nagtatangkang kagatin siya. Tinulungan ni Anastacia na alisin nito ang butones ng kasuotan nito. Halik at haplos sa katawan ng isa’t isa ang kanilang pinagsaluhang dalawa. Hanggang maging lahat ng saplot nila ay maalis na sa kanilang katawan.

Hindi na napigil ni Anastacia ang pag-ungol dahil ang labi’t dila nito ay nagsasalitan sa korona na ng kanyang dibdib. Nilalaro ‘yon na nagdudulot ng kiliti sa kanyang buong katawan. Pababa ‘yon nang pababa hanggang sa kanyang pagkababae.

Nakagat ni Anastacia ang labi nang angkinin nito ang pagkababae niya. Ang labi’t dila nito ang hindi makapagpakali sa kanya. Para bang eksperto ‘to sa ginagawa kaya tila buhay na buhay ang bawat himaymay ng kanyang mga ugat.

“Aaaah! Young Master!” sigaw ni Anastacia.

Mas bumilis ang naging paghagod ng dila nito para magdulot kay Anastacia ng orgasmo. Nanigas ang binti niya sa tindi nang dulot ng kanyang pag-oorgasmo.

Nang umangat ‘to para mag-isa ang katawan nila ay parang palaging bago si Anastacia. Pero sa ilang sandali lang, para na naman siyang mababaliw sa paggalaw ng katawan nito at pag-iisa nila. Pareho silang pigil ang ungol pero may pagkakataong hindi na nila ‘yon mapigilan lalo kapag tila malapit na sila sa kasukdulan ng pag-iisa ng kanilang mga katawan.

“Anastacia!”

Mas bumibilis ‘to sa kanyang ibabaw. Pareho nilang mararating ang sukdulan ng sabay.  Mas lumalakas ang ingay nila, katulad ng mga katawan nilang nagbabanggaan. Hanggang marating nila ang sukdulang inaasam.

**

ARAW NG PAGTITIPON SA KASTILYO NG MGA PUREBLOOD

Iniaayos ni Rosanna ang necktie ng anak.

“Nasaan na si Anastacia, handa na ba siya?” tanong ni King kay Calixto. Halatang tuwang-tuwa ‘to.

“Nasa party ka ng mga Pureblood, magpakita ka ng interes sa kanila. Ang pagkakamali mo ay makaaapekto sa angkan nila. Nauunawaan mo ba?” nakangiting sabi ni Rosanna sa anak.

“Hindi naman sila ang magiging pokus ko ro’n kaya hindi ako gagawa ng kahit na ano,” mabilis na sagot ni King.

Nangiti naman si Rosanna. “Ang party ay para Pureblood, hindi para pagkatitigan mo si Anastacia. Gawain mo na ‘yon dito, doon mas umakto ka ayon sa pagiging Royal Blood mo at si Anastacia bilang servant mo.”

Hindi nagustuhan ni King ang sinabi ng ina pero hindi na lang siya nakipagtalo.

“Kung may Pureblood Vampire Princess, siguraduhin mong maging kapansin-pansin ka sa paningin niya.”

Nangunot ang noo ni King. “For what, mom?”

“Dahil baka mapili kang magiging asawa niya,” sagot ni Rossana na lalo pang ngumiti.

“Hindi ko gustong mapili nila. Wala akong interes sa mga Pureblood.”

Hindi maiwasan ni Rosanna na mainis sa naging sagot ng anak pero kumalma siya.

“Wala kang magagawa kung mapipili ka nila—”

“Hindi ko nga gustong mapili kaya lalayo ako sa madalas nilang makita.”

“King!”

Huminga nang malalim si King, nagpapakalma.

“Si Anastacia ang gusto ko, hindi ko gusto ang babae kahit pa prinsesa siya.”

“Paano kung mapili ka nila? Hindi mo sila puwedeng tanggihan! Maaari pa nilang parusahan ang angkan natin sakaling lalabag ka sa batas ng mga bampira!”

Sasagot pa sana si King pero nakita niya na si Anastacia na nasa labas ng kanyang bukas na pintuan. Kasama nito si Kaya.

Parang may sumipa sa kanyang dibdib sa tindi ng pagkamangha niya kay Anastacia. Suot nito ang kasuotan na bagay na bagay rito. Isama pa ang nakaipon nitong buhok na napalalamutian ng mga ornamento’t perlas.

Nahihiyang nangiti si Anastacia sa kanya.

Iniwanan niya ang ina na nagngitngit. Kaagad niyang pinuntahan si Anastacia.

Huminga nang malalim si Rossana, hindi siya dapat magalit sa anak dahil baka hindi ‘to biglang dumalo sa pagtitipon.

“Paniguradong isa ang pamilya Bezarius sa pagpipilian nila. At kung mapipili siya kahit anong pagkaayaw niya, wala naman siyang magagawa, Mistress,”ani Calixto.

Sa palagay ni Rossana ay tama ito. Wala itong magagawa sakaling mapili ito.

Tiningnan niya na lamang ang anak. Mukhang tuwang-tuwa ‘to kay Anastacia. Hindi naman niya ikakaila na maganda ang alipin na si Anastacia, kaya nga pinili niya ito para sakaling magkaanak dito si King ay maganda ang kalalabasan. Pero si Anastacia ay para lamang sa mga makasariling pakiramdam ni King. Binili nila ‘to para lamang maging laruan at kasama ng kanilang anak.

“Kung magiging maganda ang Pureblood, maaaring makuha no’n ang atensiyon ni King,” ani Rosanna.

Hindi nagsalita si Calixto, pero sa tingin nito ay hindi iyon uubra dahil mukhang sa mga mata ng kanilang Young Master, wala itong ibang nakikita maliban kay Anastacia. At in-denial lamang ang magulang ni King, malala ang damdamin ni King kay Anastacia. Hindi ‘yon kasing simple ng iniisip ng mga ‘to.

Misa_Crayola

Hello, thank you for sending me gems! Please, do send me more kung nagustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat! <3

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status