Share

Chapter 96.2

Lumipas ang mga araw, iniiwasan ni Anastacia at King ang isa’t isa. May pagkakataong kasama ‘to ng babae nito, pero inalis muna ni Anastacia ang selos kahit napakahirap naman talaga no’ng gawin. Sinanay naman ni Grim na palagi siyang kasama kahit saan, para masaany din ang mga nasa paligid nitong buntot siya. Katulad nang sinabi ni Grim, ang mga nasa laboratoryo at maging ang nasa buong lugar na ‘yon ay hindi threat ang tingin sa tao—mababang-uri ang tingin ng mga ito. Isang hayop na mahina’t walang kakayahan kahit pa magkaroon nang matinding galit, kamatayan lang din ang kauuwian.

Marami na rin siyang nakukuhang impormasyon. Masyadong careless ang mga naroon tuwing makikipag-usap at kasama siya, pero siguro nga hindi naman iniisip ng mga ‘to na nauunawaan niya ang mga sinasabi ng mga ito, lalo pa at ang lengguwaheng ginagamit ng mga ito ay sa bampira—sa tagal niya sa lugar ng mga bampira, isa sa nakasanayan niyang marinig ang s

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status