Share

Chapter 95

Anastacia

Nang magising ako ay masakit ang iba’t ibang bahagi ng katawan ko lalo na ang leeg ko. Pakiwari ko ay marami ‘kong pasa sa katawan. Napakabigat nang pakiramdam ko, maging ang buong katawan ko’y nag-iinit, mukhang nagkasakit ako, marahil dahil sa ulan o marahil dahil na rin sa labis na pagod na nararamdaman ko.

Pinilit kong tumayo dahil kailangan ko pa magsilbi. Pero hindi, hindi ko magawang iangat man lamang ang ulo ko. Masakit din ang ulo ko, kumikirot ‘yon tuwing iaangat ko ang aking ulo.

Nang mahawakan ko ang noo ko ay mayroong basang bimpo roon, hindi pa ‘yon ganoon katuyo at malamig pa rin naman kaya sa tingin ko’y hindi pa matagal no’ng ilagay ‘yon.

Hindi ko na magawang magulat nang may magbukas ng pinto.

“Maayos ka na?” boses ‘yon ni Grim.

 Lumapit siya sa ‘kin at naupo malapit sa tabi ko.

Sinalat niya ang noo ko at leeg nang ma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status