Masama pa rin ang loob ng Young Master sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pakiramdam ko, habang tumatakbo ang araw na hindi kami nagkikibuan gaano ay palayo rin siya nang palayo sa ‘kin.
“Anastacia, kunin mo na ang bulaklak at naiayos na,” tawag sa ‘kin ni Dama Apostola.
Kadarating ko lang din naman sa kusina. Naroon ang isang magandang pumpon ng rosas na may iba’t ibang kulay at may magandang disenyo. Iyon ay para sa prinsesa. Ito ang unang araw na pupunta ang Young Master para magsimulang kunin ang loob ng prinsesa.
Kagabi pa ‘ko nahihirapang matulog.
Kahit sabihin ko talagang maayos lamang ito at magiging sapat sa ‘kin na pangalawa, hindi ko pa ring mapigilang masaktan.
“Ingatan mo ‘yan, lahat ‘yan ay mga mamahaling bulaklak sa Vampire City.”
Nauunawaan ko naman ang sinabi ni Dama Apostola. Ang bulaklak ay mga kasunurang uri ng mga Moonshine Roses. Iyon ay mga kamukha ng bulaklak na rosas pero wala silang tinik at mababango na nakahahalina. Madalas iyong mga sangkap sa mga mamahalin ding pabango at pampaligo ng mga mayayamang bampira.
Nakasuot ako ng kasuotan ng isang servant. Ito ang bilin ni Mistress Rossana sa ‘kin.
Tatlong araw na simula nang lumabas ako ng mansion. Hindi naman ‘yon nakarating kay Dama Apostola kaya hindi ako napagalitan. Naging lihim ‘yon sa pagitan namin ng Young Master.
Naging abala rin sa mga huling araw ng pag-aaral ng Young Master bago siya pumasok sa Vampire University. Iyon ang Vampire school na pinakamalaki dahil karamihan ay doon pumapasok ng kolehiyo. Iyon ang lugar kung saan mas hinahasa na ang kanilang kakayahan. Doon na rin siya mananatili at uuwi na lamang paminsan-minsan.
Binitbit ko na ang bulaklak. Nakita ko ang Young Master na pababa na ng hagdanan.
Humanga kaagad ako sa kanya. Nakasuot siya ng mamahaling suit and tie. Hindi niya ‘ko tiningnan dahil mas napokus siya sa kanyang ina na siyang nilapitan niya pagbaba.
May kirot akong naramdaman dahil sa ganoong sitwasyon, ngingitian muna niya ‘ko.
Tuwang-tuwa si Mistress Rossana at ang lola ng Young Master nang makita ito.
Sa isang mamahaling sasakyan kami sumakay. May kalayuan ang lugar ng mga Pureblood at medyo nahuli siya ng gising kaya hindi na naging magandang sakyan sa ganitong oras ang karwahe.
Hindi kami magkatabi dahil tumabi ako sa driver.
Sa ibang pagkakataon pipilitin niya ‘kong tabihan siya at kakausapin niya ‘ko nang kakausapin. Ngingiti rin siya nang ngingiti pero ngayon ay seryoso ang hitsura niya habang nakatingin sa labas ng bintana sa backseat.
Hindi ko alam kung paano ko maaayos ang sa amin.
Ilang oras din ang inabot namin bago kami makarating sa tarangkahan ng mga Pureblood. Dahil maaga pa ay mas napagmasdan ko ang lawak at kagandahan ng mala-paraisong lugar ng mga Pureblood. Napakarami ring servants at Knights.
Nauna akong bumaba nang huminto ang sasakyan. Sumunod ang driver para pagbuksan ang Young Master. Nang makalabas siya’y palabas naman ng palasyo si Princess Alexandra. Ibang-iba ang ngiti nito, mapapansin kaagad iyong kagalakan niyang makita ang Young Master.
Naramdaman ko ang pagkain ng selos sa ‘kin ng lapitan siya ng Young Master, kunin ang kamay at halikan ‘yon. At kung sa tatlong araw na lumipas ay hindi niya ‘ko nginitian, ngayon nakita ko uli ‘yon. Pero hindi na para sa ‘kin, para na sa ibang babae.
Ang kalamigan niya sa mga babaeng nakikilala niya noon ay nararanasan ko na mismo sa kanya.
Ibinigay ko ang bulaklak sa prinsesa at nginitian naman niya ‘ko.
“Salamat, ito ang pinakamagandang bulaklak na natanggap ko,” sabi ng prinsesa na ang tingin ay sa Young Master.
“I’m glad that you like it,” sagot ng Young Master.
“Let’s go, naghihintay ang tea party natin. Pero kung may gusto kang iba na ihain sabihin mo lang at gagawin ‘yon kaagad ng mga servants.”
Nakita ko nang hawakan ng prinsesa ang palad ng Young Master. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang emosyon ko nang makita kong tanggapin at hawakan din ng Young Master ang palad ng prinsesa.
Maraming nakapansing servants. Iyon pa lamang, mapapansin na kaagad nino man na ang Princess Alexandra ay may pagtatangi talaga sa Young Master.
Sumama kami ni Butler Calix sa kanila. Pero hindi kami lumapit katulad ng ibang servants no’ng naroon na kami sa mismong tea party. May dalawa lamang servant ang nakalalapit sa kanila at mukhang matataas silang servant ng palasyo. Sila ang nagse-serve sa dalawa.
Makikita kaagad ang katuwaan ng prinsesa habang nagsasalita siya. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Pero para bang nauunawaan ko ‘yon lalo kapag nakikita kong ngumingiti ang Young Master. Ang ngiti na dati ay ipinagdadamot niya sa iba at malayang ibinibigay sa ‘kin ay napunta na sa iba. Sa ‘kin, halos hindi na niya ‘ko matingnan.
Hindi ko hinahayaang mapaluha ako kaya pigil na pigil ako sa emosyon ko.
“Sa tatlong Young Master, ang Bezarius ang mukhang gustong-gusto ng prinsesa Alexandra,” narinig kong bulong ng isang servant.
“Totoo ‘yon, mukhang iyong iba ay kaswal lamang niyang kinakausap. Isa pa, hindi sila magkasundo ng isa naman,” sagot ng isa.
“Balita ko naman ay may iba na raw talagang nagugustuhan ang Young Master na ‘yon. Mabuti na lamang at mukhang kasundo at pareho ang nararamdaman ng prinsesa at ang Young Master ngayon.”
Pinigil kong makinig sa kanila. Nakikita ko naman. At mas napatunayan dahil sa sinabi nila.
Lumingon sa bahagi namin ang prinsesa at nagkatitigan kami. Ngumiti siya kaya lumingon ako sa ‘king likuran pero wala naman. Nang bumalik ako ng tingin ay nakatalikod na uli siya sa ‘kin.
“Ikakasal na rin sila kaagad kung sakaling siya na ang mapili ng prinsesa,” narinig kong sabi na naman ng isa sa servant na nagkukuwentuhan.
“Mukhang nakapili na naman ang prinsesa. Ibig sabihin, may maganda at malaking piging na naman tayo.” Mukhang tuwang-tuwa sila.
Sa loob ng siyam na taon ko sa lugar ng mga bampira, isang beses pa lamang akong nakarinig na may ikinasal na Pureblood. At ang kasal nga nila ay isang malaking pista ang dating. Lahat halos ay imbitado at tumatagal ang kasiyahan ng magkakasunod na pitong araw. Lahat ng gabi ng pitong araw na ‘yon ay nasa sayawan at bumabahang handa’t alak.
Nabigla ako nang tila may humila sa ‘king buhok malapit sa tainga.
Nabigla rin si Calix sa ‘kin.
Tiningala ko siya dahil halos kasing-taas siya ng Young Master.
“May dahon na maliit na dumikit sa buhok mo inalis ko lang. Hindi ko sinasadyang maramdaman mo,” nahihiyang aniya.
Nginitian ko siya. “Salamat, malalim lang ang iniisip ko kaya hindi ko napansin.”
“Akala ko magagalit ka,” nangiti rin siya.
Si Calix ang isa sa pantasyang Butler ng mga servants. May kulay mais siyang buhok at magandang hitsura. Sabi nga, mukha raw itong prinsipe. Siya ay isang Half-Vampire. Ang pamilya nila ay matagal ng nagsisilbi sa mga Bezarius at halos magkadugo rin sila dahil may mga kapamilya silang naanakan ng Bezarius. Iyon lamang, ang apelyido ay nakukuha lamang ng pinalalaki ng mga Royal Blood. Ang iba sa kanila ay kadugo lamang ang tawag pero ang apelyido nila katulad ni Calix ay kung ano ang apelyido ng kanilang ina. Sa pagkakaalam ko ay sa pamilya ng kapatid ni Mistress Rossana siya nagsisilbi at ang kapatid ni Mistress Rossana ang ama nito. Pero hindi ito pinalaki bilang anak sa loob dahil may anak ng dalawa ang kapatid ni Mistress Rossana at sapat na ‘yon. Madalas ang mga Half-Vampire ay nakakapasok lamang sa mismong mansion kung walang anak talaga na isang true blooded Vampire ang ama o ina ng mga ito.
Pagdiretso ko ng tayo at muling pagtingin sa Young Master ay masama ang tingin niya sa ‘kin.
Nagtindigan ang balahibo ko. Pero hindi naman nagtagal ang pagtitig niya dahil hinawakan ng prinsesa ang pisngi ng Young Master.
Natutok ang Young Master sa prinsesa, halalta ang pagkabigla niya sa sinabi ng prinsesa. Hindi ko alam kung bakit. Pero iyong pagkabigla niya ay nauwi sa pagngiti at pagsagot dito.
Hindi ko alam kung gusto kong marinig o hindi ang kanilang pinag-uusapan.
Oo, gusto kong marinig para hindi kung ano-ano ang tinatakbo ng isipan ko.
Hindi, dahil baka nga tungkol na sa kanila at pagpapakasal ang usapan nila. Baka doon, hindi ko na mapigilang umiyak sa harapan ng Young Master. Ngayon pa lang, parang nanginginig na ang tuhod ko.
Maya-maya ay tumayo na sila naglakad-lakad at muling nag-usap. Mukhang hindi sila nawawalan ng usapan. Nagkakasundo sila nang husto.
Nang pumasok sila sa loob ay kasunod kami ni Calix at dalawang servants na silang nag serve rin kanina. Nabigla pa ‘ko nang ang hinintuan nila ay isang silid na pribado.
Lumingon ang prinsesa. “Kung may maghanap sa ‘kin, pakisabi na nasa pribadong gawain ako at hindi maaaring istorbohin. Kusa akong lalabas.” Ngumiti ‘to.
Hindi ko alam kung marumi ang isipan ko pero bakit pakiramdam ko may mangyayari kaagad sa kanila?
Alam kong ang pakikipagtalik ay isang pangkaraniwang bagay lamang sa mga bampira. Parang isa ‘yon sa paraan ng pagkilala ng mga ito sa isa’t isa. Pero hindi ko inaasahan nag anito kabilis.
Nang magkatinginan kami ng Young Master ay nag-iwas kaagad siya ng tingin.
Pumasok sila ng silid at nakatitig ako sa pintuan hanggang tuluyang sumara ang pinto.
Nanlalamig ang buong katawan ko.
Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong tiisin ang sarili ko. Para ito sa ikabubuti niya. Para ito sa kanya. Hindi ko siya masasamahan ng habang panahon. Mas maganda ang kalalagyan niya kung magiging asawa siya ng isang Pureblood. At kung pipigilan ko siya, maaaring pagsisihan niya rin ‘to dahil ako ang pinili niya. Okay lang ako, okay lang ako.
Pasimple kong pinahid ang luha ko. Ilang ulit ko ‘yong ginawa dahil ayaw tumigil.
Hanggang may isang nag-abot sa ‘kin ng panyo. Si Calix ‘yon, nakaharang siya sa ‘kin kaya hindi napapansin ng dalawang kasama namin na umiiyak ako.
Hindi siya nagsasalita. Alam naman ng lahat kung ano ang mayroon kami ng Young Master. At alam na alam niya kung ano ang ginagawa ng dalawa.
Panay ang pagluha ko. Alam kong matagal din akong nagluluha nang nagluluha at kahit anong pigil ko ay hindi ko talaga mapigilang ang pagbagsak no’n.
Tatlumpung minuto siguro akong gano’n bago ako natapos.
Nang mapansin siguro ni Calix na maayos na ‘ko ay nagpaalam siya sa ‘kin saglit.
Inabutan pa ‘ko ni Calix ng bottled water pagkabalik niya.
Ininom ko naman ‘yon dahil parang natuyuan ako sa pagluha.
Huminga ‘ko nang malalim at marahang bumuga ng hangin.
Tatlong oras, tatlong oras kaming naghintay bago bumukas ang pintuan. At ang una ko kaagad napansin sa Young Master ay ang mapula sa kanyang leeg, tatlo ang kitang-kita at alam ko kung ano ‘yon.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ako ang nag-iwas ng tingin sa kanya dahil baka maluha na naman ako. Ayokong makita niyang nasasaktan na ‘ko nang husto.
Please, send me gems! Thank you. Comment na rin kayo, please! Gusto kong nagbabasa ng mga comment ninyo, at para alam ko rin kung ano ang tingin ninyo sa story. Sana ay i-rate ninyo rin siya. Maraming salamat sa pagsubaybay! <3 Nababasa ko po lahat ng comment ninyo, gusto ko sana magreply kaso walang reply button. Thank you so much!!!
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &