Share

Chapter 22

 “Kumusta ang pinuntahan ninyo?” Iyon kaagad ang tanong ni Rossana sa anak. Pareho silang naghihintay ni Margarita, ang lola ni King sa magandang balita.

“Si Calix na lang ang tanungin ninyo. Pagod ako,” sagot ni King.

“Anast—”

“Anastacia, umakyat ka na may ipagagawa pa ‘ko sa ‘yo.” Putol ni King sa sasabihin ng ina.

Tumungo si Anastacia sa harapan ng dalawang babae at sumunod kay King.

Sinundan niya ‘to hanggang sa silid nito.

Halatang napagod talaga ‘to dahil pasalampak itong naupo sa paanan ng kama. Kaagad kumilos si Anastacia para luwagan at alisin ang necktie nito.

“Ipaghahanda ba kita ng hot bath, Young Master?”

Hindi ito kumibo kaya pinagpatuloy na lang muna ni Anastacia ang pag-aalis naman ng butones nito. Sumisikip ang kanyang dibdib na marami ‘tong marka ng pagsipsip sa balat nito. Halatang-halata ‘yon dahil maputi ‘to at sensitibo ang balat.

Hanggang tuluyan na niyang maibaba ang palad at huling butones na ‘yon. Siya na rin ang nag-alis no’n kahit hindi niya gustong makitang may marka ang katawan nito. Pero sa leeg at balikat lamang ‘to may mga marka.

“Ipaghahanda na kita ng pampaligo mo para makapagpahinga ka muna, Young Master.” Tinalikuran niya ‘to.

Sinusubukan ni Anastacia na tiisin ang damdamin. Gusto niyang panindigan na mas karapat-dapat ang prinsesa rito. Ayaw niyang pagsisihan nito kung siya ang pipiliin. At mukha naman nagustuhan din kaagad ni King ang pakikipagkilala sa prinsesa sa loob ng pribadong silid.

Gusto ng magpahinga ni Anastacia. Pagod na rin ang kanyang isip. Gusto niya na ring ilabas ang nararamdaman.

Naihanda na niya ang tubig pampaligo ni King. Magiginhawaan na ‘to kahit paano at makapagpahinga ng maayos.

Nabigla si Anastacia nang maramdaman niya ang paghalik sa kanyang leeg mula sa likuran ni King. Sinapo rin nito ang kanyang dibdib. Marahan ang naging pagpisil niyon sa kanyang dibdib.

Nilingon niya ‘to. Bago pa siya makapagtanong dito ay inangkin na nito ang kanyang labi. Napahawak si Anastacia sa braso nito para hindi mabuwal. Tinugon niya ang halik nito. Pero tuwing maiisip niyang humalik ‘yon sa iba ay parang gusto niya ‘tong itulak sa kanya, pero alam niyang isa lamang siyang servant at ang gamitin nito ay bahagi ng tungkulin niya rito.

Isa pa, maaaring ilang beses na lamang may mamagitan sa kanila. Malapit na ‘tong kunin sa kanya ng ibang babae.

Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Hubad na pala ‘to, doon niya lang napansin. Halos sirain nito ang kanyang damit. Panay din ang paghalik nito sa kanyang leeg. Nag-iiwan ‘to ng marka. Dinala siya nito sa bahagi ng shower at binukas nito ‘yon. Nabigla pa si Anastacia sa malamig na tubig. Pero mas nabigla siya na hindi pa ganap na alis ang kanyang kasuotan. Wala siyang masusuot paglabas.

Dinig na dinig ni Anastacia ang pagkapunit ng damit niya. Itinulak din siya nito ng marahan sa malamig na pader.

“Young Master—”

Hindi mapigil ni Anastacia pamulahan dahil nakatitig ‘to sa kanyang tayong-tayong dibdib. Nasira nitong ganap ang tumatabing doon. Napasinghap si Anastacia nang haplusin nito ang korona ng kanyang dibdib at pisilin ‘yon.

“Uhmmp!” reaksiyon ni Anastacia nang pisilin nito ‘yon. Lumapit ang mukha nito at dinilaan ang korona ng kanyang dibdib. Napasinghap si Anastacia. Humanap ng mahahawakan. Wala siyang mahawakan kaya sa balikat at batok  nito niya nahawak ang palad. Sumipsip, dumila at pumisil iyon magkabila. May dulot na sakit dahil sa pagsipsip nito pero sobra naman ang init na dinadala niyon kay Anastacia lalo kapag tila ‘to tigreng gutom na gutom.

“Young Master!”

Lalo siyang nadikit sa malamig na wall.

Umangat ang labi nito para muli siyang halikan sa balikat hanggang leeg.

Nang umabot ‘to sa kanyang tainga ay may ibinulong ‘to.

“Kneel.”

Nabigla man ay kaagad sumunod si Anastacia at lumuhod. Napalunok siya nang tumambad sa kanya ang pagkalalaki nito. Hinawakan niya pa lang ‘yon ay napaungol na ‘to. Nagpupula na rin ang mga mata nito. Marahang itinaas-baba ni Anastacia ang kanyang palad. Hindi niya alam ang gagawin pero ginawa niya na lamang ang sa tingin niya’y tamang gawin.

Hinawakan nito ang kanyang ulo. Napabuka ang bibig ni Anastacia. Marahan niya ‘yong sinipsip muna bago nilaro ng kanyang dila.

“Aaaah! Anastacia!” Nasabunutan siya nito.

Sa boses ng Young Master, alam ni Anastacia na dalang-dala na ‘to ng pagnanais. Mataas ang libido nito bilang bampira.

Dinilaan ni Anastacia ang lumalabas sa ulo ng pagkalalaki nito bago niya ‘yon muling subukang ipasok sa kanyang bibig. Masyado ‘yong malaki kaya maliit na bahagi lamang nito ang kinakaya niya. Pero iyong ungol at paghigpit ng kapit nito sa kanyang buhok ay indikasyon na nasasarapan ito sa tinatamasang pakiramdam.

Ilang beses ‘yong paulit-ulit na ginawa ni Anastacia bago siya nito patayuin. Nanakit na rin ang kanyang tuhod sa pagkakaluhod. Inalis nito ang natitira niyang saplot hanggang tuluyan siyang maging hubad sa harapan nito. Pinagmasdan nito ang kanyang katawan. Isinandal siya muli nito sa wall at itinaas ang magkabilang binti niya bago ‘to magsimulang pumasok sa kanyang pagkababae. Kahit walang preparasyon ay basa na rin siya dahil sa nadadala siya kanina ng pag-ungol nito.

“Aaaah! Young Master!” Nabigla si Anastacia sa pagbaon nito. Punong-puno ang kanyang pakiramdam. Mas lalo siyang nadikit sa wall habang panay ang paglabas-masok nito sa kanyang loob.

“Oooh! Young Master! Aaaaah!” Napayakap siya sa batok nito. Parang baon na baon ‘to sa kanyang loob. Tila ‘to may tinatamaan para mapaungol siya nang husto. Dahil sa ginagawa nitong pagtama roon sa kanyang kalooban ay basang-basa siya, dahilan para mas lalong makabaon pa ‘to sa kanya.

“Aaaah! Aaaaah!” parang mababaliw si Anastacia sa tindi ng tensiyong nararamdaman. Namimilipit siya sa sarap na hindi niya kayang ipaliwanag.

Kahit may puwersa ‘to ay hindi mapigil ni Anastacia na labasan sa pagitan ng pakikipag-isa rito.

Pareho silang umuungol, para bang nawala pareho sa sarili at hinayaang kumawala ang kanilang mga boses.

“Aaaah! Young Master! Iyan na naman!” sigaw ni Anastacia bago nanigas ang binti at namilipit ang daliri sa kanyang paa bago siya labasan.

“Anastacia!” Kasunod no’n nilabasan rin sa kanyang loob si King dahil sa pag-ipit ng muscle ng kanyang loob sa biglaang orgasmo.

Sa iba’t ibang puwesto inangkin siya ni King. Parang ‘di ‘to napapagod. Hanggang bathtub ay ganoon ito. Iniupo siya nito at siya ang nagtaas-baba habang nakatalikod dito. Samantala ang palad nito ay hawak ang magkabila niyang dibdib at pinipisil ‘yon.

“Ooooh!” Napanganga si Anastacia nang maupuan ang pagkalalaki nito.

Pumasok ‘yon sa kanyang loob, dahan-dahan. “Uhmmp!”

Hinawakan nito ang kanyang balakang at marahan siyang tinulungan para mas bumaon. Parang kakapusin sa hangin si Anastacia sa tuwing mararamdaman niya talaga ang pinakamalalim na kaya nitong abutin.

Hinarap siya nito rito kaya kitang-kita nito ang kanyang reaksiyon.

“Katatalikod ko lang may iba na kaagad, Anastacia?” nginisian niya ‘ko.

“Anong s-sinasabi mo?” Nakagat ni Anastacia ang labi nang ganap nang maibaon ang sarili rito. Hinihingal siya.

Hinawakan nito ang kanyang palad. Nabigla siya nang ibaon nito ang pangil sa kanyang braso.

“Uhmp!” Nahila niya ang kamay pero lalo lamang ‘yong nagdugo.

Naramdaman niya ang pagsipsip nito ng dugo sa kanyang braso.

Masama ang tingin nito sa kanya habang sinisipsip nito ang kanyang dugo. Tila ba may galit ‘tong hindi niya maunawaan.

Maya-maya pa ay naramdaman ni Anastacia ang pagkilos nito.

Nagtaas-baba siya para pagbigyan ‘to at dahil tumataas na rin ang tensiyon sa kanyang katawan.

“Gusto mo si Calix?” tanong nito nang pakawalan ang braso niyang nakagat nito.

“Bakit? Paano siya napasok—Aaaah! Young Master!” Napakapit si Anastacia ng dalawang palad sa balikat nito. Hinila siya nito palapit at hinalikan ang kanyang leeg. Sinipsip din nito ang kanyang leeg.

“Kapag nawala ako sa tabi mo ikasasaya mo nang husto? Kaya ba pinagtutulakan mo ‘ko sa iba dahil kay Calix?”

“A-ano? Aaaahmp!”

Paano ba siya sasagot ng maayos kung tuwing sasagot siya’y kikilos ‘to?

“Hinalikan ka na ba niya?”

Galit na galit ang hitsura nito.

“Young Master!”

Sumabay siya sa bawat paglabas-masok nito. Umuungol na siya. Hindi na ‘to maintindihan dahil sa tensiyon sa buo niyang katawan. Hanggang magkumbulsiyon siya at marating ang sukdulan.

 Hanggang kama ay dinala siya nito. Nanghihina na siya pero kaunting haplos at dikit lamang ng mainit nitong katawan sa kanyang hubad na katawan ay nag-iinit na rin siya at nakalilimot.

 Nakaibabaw ‘to sa kanya habang hinahalikan nito ang kanyang leeg.

“Kailangan mong makipagngitian sa iba habang nasa harapan ko? Anastacia?” gigil na tanong nito.

Dahil din sa gigil nito nagiging mas malalim ang pagbaon nito sa kanya.

“Mali ka ng iniisip, w-wala akong ibang intesiyon sa pangiti! Oooh!”

“Wala kang ibang intensiyon? Pero mukhang nagkakamabutihan kayo—”

“Kung ikaw nga sumama ka sa silid na pribado! Nakipaghalikan at nakisiping sa prinsesa!”

“Iyon ang gusto mo, hindi ba? Iyon ang gusto mo!”

“Iniisip ko ang mas makabubuti sa ‘yo!”

“Pero hindi mo inisip kung ano ang gusto ko!”

“Iyong gusto mo ngayon, paano kung maging malaking pagsisisi mo siya pag nagsawa ka na sa ‘kin dahil kumukupas na ‘ko!”

“Paano ko pagsisisihan kung naging masaya ‘ko? Pero ang gusto mo makulong din ako sa buhay na ‘to! Samantalang sinabi ko sa ‘yo na aalis tayong magkasama sa lugar na ‘to!”

Imbis na pasagutin siya’y kinagat siya nito sa leeg.

“Umhpp!” Masakit ‘yon sa pakiramdam ni Anastacia. Pero dahil ilang beses na rin naman nakasasanayan niya na ang sakit ng pagkagat nito.

Nagpatuloy sila sa pag-iisa hanggang umabot sa sukdulan.

Hingal na hingal si Anastacia. Itinaas niya ang kumot sa kanyang katawan.

Bumangon naman si King at naupo sa gilid ng kama.

Namimigat na ang talukap ng mata ni Anastacia sa sobrang pagod.

“Nasasaktan din ako, pero mas gusto ko na maging maganda ang buhay mo—”

Nanlilisik ang mata niya ng tingnan si Anastacia na bahagyang nagulat.

“Nasasabi mo na magiging maganda ang buhay ko?!” malakas ang boses nitong tanong.

Pinilit ni Anastacia na bumangon kahit mabigat ang kanyang katawan, masakit, at namimigat maging ang kanyang ulo.

“Dahil ba kay Calix?!” tanong nito.

Bumaba si Anastacia sa gilid ng kama.

“Babalik na ‘ko sa silid ko. Hihiramin ko lang uli ang roba.” Kinuha ni Anastacia ang roba sa lapag at isinuot ‘yon.

Nabigla si Anastacia nang hilahin siya nito pabalik. Nagkatitigan sila. Galit na galit talaga ‘to.

“Hindi mo itinatanggi dahil may katotohanan?” nakangising tanong ni King.

“Hindi ko sinasagot dahil hindi ko alam kung paano ka sasagutin! Halos araw-araw mo ‘kong kasama! Sa pagmamahal ko sa ‘yo, mukha bang kaya ko pang magbahagi no’n sa iba? Isa pa, hindi kami nagkakausap maliban lamang ngayong araw!”

“Sinungaling ka!” malakas na sigaw nito. “Sinungaling! Sinungaling! Pare-pareho kayong gusto akong magdusa dahil sa ipinipilit ninyong magpapasaya sa ‘kin!”

Lumambot naman ang ekspresyon ni Anastacia. Kung tutuusin ay nasasaktan din naman siya. Gustong-gusto niya ‘to. Nasasaktan siya na may ibang babaeng humahawak dito. Pakiramdam niya rin durog na durog na siya.

“Hindi ko gustong magdusa ka! Gusto ko ng magandang buhay para sa ‘yo!”

“Mukha ba talagang gaganda ang buhay ko kung wala ka?!”

Nabigla si Anastacia.

“Mula noon, hanggang ngayon gustong-gusto kita! Hindi ko gustong makipagtalik sa iba! Hindi ko gustong maging asawa ng babaeng hindi ko gusto! Ikaw ang gusto ko! Marami akong ipinangako sa ‘yo na malapit ng matupad pero mas ipinipilit mo ‘yang ideya ninyo! Anastacia, kahit ikamatay ko, ilalaban kita, ganoon kita kamahal! Pero hindi mo ‘ko gustong ilaban! Handa kang ipamigay ako kahit masaktan tayong dalawa pareho!”

Nagbagsakan ang luha nito. Naninikip ang dibdib ni Anastacia nang makita ang pagluha nito. Maging siya’y sunod-sunod na nagbagsakan ang luha. Parang sasabog ang kanyang puso.

Misa_Crayola

Don't forget to rate, comment, and send gems po! Thank you soooomuch! Please, add my new story, just visit my profile!

| 2
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Cian Arboleda
nice novel
goodnovel comment avatar
Mary Malone Donio
Sana manlang may mga videos para sa mga naka unlock na kabanata para nman tuloy2x ung pagbabasa nmin nakakawalang gana na laging ganito..Savi paman din na free ito hay diyos meyo. mas kapanapanabik Sana kung may paraan Ng hnd maghintay Ng bukas ipang mabuksan ito kaso Wala..kaya walang kwenta din.
goodnovel comment avatar
Nherie Sarcia berba
maganda po kso lng kailangan mong maghintay ng kinabukasan para mka unlock ulit
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status