Nagmamadali si Anastacia, kailangan niyang makauwi sa mansion.
Tama si King, ilang minuto na lang naman ang natitira sa laban nito. Hindi ito mapapaslang. Hindi rin naman niya gustong mapunta sa isang Pureblood, mas mabuti pang mamatay kesa malayo sa kanyang pinakamamahal.
Nangilabot siya nang makita sa may kadilimang kagubatan ang mga nanlilisik at maliliwanag na pulang mga mata ng mga hayop doon. Pero hindi siya ginagalaw ng mga ito. Iyon lamang para siyang bubuwal sa takot dahil sa biglang umaangil ang mga ito at nagsisimulang maglakad malapit sa kanya. Inaamoy din siya ng mga ito nang paulit-ulit.
Nilakasan ni Anastacia ang kanyang loob at naglakad ng diretso. Hindi kalakihan ang daanan na tinatawag ni King na ‘Safe Zone’ maaari siyang magkamali ng tapak oras na bumuwal siya o magkamali ng lapag ng paanan.
Pero nagugulat siya tuwing aangil ang naglalakihang hyena at leon sa kanya. Dumarami rin ang mga mababangis na hayop na sumasabay sa ka
Araw-araw ay tila isang bangungot para kay Anastacia. Mas gusto niyang matulog at mamatay na lamang, pero hindi niya maituloy ang pagtatangka sa sariling buhay dahil ang usapan nila ni King magpapatuloy siya ng buhay.Nakahiga lamang siya sa kanyang kama. Walang nagpapakilos sa kanya.Hindi niya magawang magbantay sa abo ng kanyang Young Master hanggang maihatid ‘to sa huling hantungan ng pamilya ay hindi siya sumama.Gustong isipin ni Anastacia na umalis lamang si King at babalik ito at sasabihing buhay ito.Pero iyong iyak, kalungkutan at pagdurusa ng magulang nito ay totoong-totoo.Imposible rin na hindi makilala ng mga ito ang isa’t isa, ayon sa ibang mga half-vampire, madaling nakikilala nila ang kamag-anak nila. Bukod do’n, ang damit at sandatang naiwanan kasama ng abo ay tunay na sa kanyang Young Master.Walang araw na hindi siya umiiyak. Minsan ay nakatutulog na siya sa sobrang pag-iyak. Ma
Hindi ko alam kung saan pa ‘ko patungo.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makatatayo.Ang puso ko, hindi ko na siya halos maramdaman o marinig na tumitibok.Pakiramdam ko lumalakad ako na parang isang manyika.Pakiwari ko kung hindi ako makahahanap nang dahilan, hindi ko magagawang tuparin ang gusto ng Young Master na mabuhay ako kung ganitong wala na siya.Malaya na ‘ko pero wala akong makapang kasiyahan.Paano ko magpapatuloy?Alam ko na mas gusto niya na maging malaya ako at magkaroon ng pangkaraniwang buhay. Pero ngayon narito ako, nakatayo sa harapan ng head master ng isang Vampire Hunter Association. Nakikita ko ang titig nang matandang lalaki na tila hindi makapaniwala sa paulit-ulit niyang itinanong, iisa ang sagot ko, gusto kong maging Vampire Hunter.Umupo siya nang maayos habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Pinauupo niya ‘ko pero hindi ako umupo.“Marunong kang gumamit ng sanda
Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula rito sa ‘king balkonahe.Maganda ang kagamitan, tahanan, at kasuotan ko, maging pera ay marami ako. Lahat ‘yon, ibinigay sa ‘kin ng Young Master. Hindi tumutol ang kanyang magulang dahil ang mga bampira ay iginagalang ang huling liham ng kanilang kadugo oras na mamatay ang mga ito.Gabi-gabi umaasa ako na gigising akong katabi siya at sasabihin niya sa ‘kin na nakaligtas siya.Umaasa akong lahat ay isang biro lamang. Pero habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na wala na ‘kong hinihintay. Iyong sakit na nararamdaman ko, binabago ako nito patungo sa ibang ako, tila ba mas lalo ko ng nararamdaman ang galit na bumabangon sa ‘king damdamin.Naiiyak ako sa mga oras na ‘to dahil alam ko na hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya, hindi ko kayang mabuhay ng normal habang hidni ko nakikilala kung sino ang gumawa no’n sa kanya.Mahal na mahal ko ang
Malakas ang ulan sa labas. Naging magandang bagay sa ‘kin ang ulan. Alam kong para sa iba ay malungkot siya. Pero naging comfort ko na ‘to sa araw-araw.Ilang buwan na ba ‘ko rito?Apat na buwan. Apat na buwan na simula nang magsimula akong magkaroon ng mga pilat sa ‘king katawan. Lahat ‘to ay bahagi ng pagsasanay ko.Hindi madali ang lahat dahil marami talagang namamagitan na mamamaliitin ako pero mas marami iyong binibigyan ako ng dahilan para lumaban. Maraming nagpapalakas ng loob ko. Isa pa, itinuturing ko na nasa malayo lamang ang Young Master. Sumusulat ako sa isang diary para ikuwento sa kanya ang mga nangyayari sa araw-araw. Kahit paano, ang buhay ko rito ay unti-unti ko na rin nakasasanayan. Magandang bagay iyon dahil nakakangiti na rin ako sa kanila. Alam kong mahabang proseso pa bago ko matanggap na wala na siya talaga, pero pipilitin kong magpakatatag.Nakarinig ako ng katok sa ‘king pintuan kaya tumay
Pagkatapos kong maligo ay naisuot ko na rin sa wakas ang uniporme ko para sa araw na tatawagin na ‘kong isang ganap na Vampire Hunter. Nangiti ako nang makita ko ang sarili ko suot ang unipormeng puti na may emblem ng carolus rex. Kasunod kong inilagay ay ang aking vest kung saan sa susunod ay lalagyan na ng mga pin depende sa ‘king makukuhang karangalan. Ang dark blue vest na ito rin ay suksukan ng iba’t ibang anti-vampire weapon.Huminga ako nang malalim.Marahil sa ‘king mukha ay wala akong pilat. Pero ang katawan ko ay marami na no’n. May mga pilat na maghihilom at maglalaho pagdating ng ilang araw, pilat na buwan ang itatagal, mayroon ding taon mamamalagi, at pilat na panghabang-buhay.Pero mayroong pilat ako na patuloy na nananariwa at magagamot lamang iyon kung makapaghihiganti ako.“Young Master, malapit na ‘ko sa mga pumaslang sa ‘yo. Pangako, ipaghihiganti kita.” Mariin kong sabi. Ito ang pan
Hindi ako nakatulog nang mahaba sa mga lumipas na araw. Tuwing pipikit ako ay naaalala ko ang marka sa likuran ng isa sa mga bampira. Ngayon, tinutugis na ang mga ito. Pero napag-alaman na ang bawat isa sa mga anak na tinatawag nang lider ng mga ito ay maraming tagasunod. Ibig sabihin ay pangkat-pangkat pa rin ang kalalabanin nila.Araw-araw mayroon ding namamatay na Vampire Hunter.Karamihan sa pinapatay na Vampire Hunter ay natatagpuang nakasaksak sa mataas na matulis na kahoy. Karumal-dumal na pagpatay. Dahil din doon, naging malaking usapin na nang daigdig ang tungkol sa mga bampira at ang nagbabantang pananakop ng mga ito.Iyon bang kahit anong dami ng mga Vampire Hunter, maging ang bilang ng mga pag-aaral na isinagawa namin para lamang mas magkaroon ng matibay na anti-vampire weapon at mga impormasyon na magagamit sa kanila, para bang ang resulta ay nabigo kami, dahil ngayon, malinaw nang malaking kalaban ang mga miyembro ng Ashes and Blood.Sa sumu
Parang alam na alam niya ang bawat sulok ng gusaling pinagdausan ng party.Ayon sa ‘ming source, ang lugar ay personal na pag-aari ng pamilya Dela Fuerte, isang bilyonaryong pamilya. Nagkakaroon nang maraming pagdaraos dito dahil tumatanggap sila ng fee. Ilang beses na ring naganap ang mga party rito at talagang bigatin tuwing may kaganapan.Hila-hila pa rin ako ng bampira.Dinala niya ‘ko sa bahagi ng hardin kung saan mayroong matataas na mga puno at halaman. Base sa kilos niya, hindi ito ang unang beses na napunta siya rito.“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko.“Huwag kang magsalita nang magsalita, gawin na natin dahil padating na ang boss,” aniya kasabay nang pagkabig sa ‘king balikat.Malakas ang kanyang katawan. Nang mag-angat ako ng tingin ay saglit na nagpula ang mga mata niya. Ang pagiging mahilig niyang umamoy at bumuntong-hininga ay gawain ng mga bampira sa kanilang bagong kakilala na gu
Lumapit siya sa ‘kin. Nakailang hakbang siya patungo sa ‘kin.Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang takot o panganib sa kanya.Marahil dahil ‘yon sa mga mata niya at taas.Kung buhay ang Young Master marahil hindi sila nagkakalayo.Salamat sa maskara niya, parang kaharap ko ang lalaking nawalay sa ‘kin.Tumungo siya sa ‘kin kaya sinamaan ko siya nang tingin.“Bakit maraming Vampire Hunter, anong plano niya?”Nagulat ako sa naging tanong niya, pero hindi ako nagpahalata.Nginitian niya ‘ko, iyong ngiti na ‘yon, maaaring iba naman talaga ang paraan niya sa Young Master, pero sa katulad kong uhaw na masilayan uli ang lalaking nawala sa ‘kin, pakiramdam ko lahat ng galaw ng lalaking ‘to, maging ang kanyang boses ay mula sa ‘king minamahal na Royal Blood Vampire. Pero masyadong malamig ang dating ng boses ng lalaking ‘to.Sumandal siya malapit