Hindi alam ni King kung bakit nagagalit siya, pakiramdam niya napagtaksilan siya, samantalang maging siya rin naman ay nakikipagtalik kung kani-kanino. Parang hindi niya matanggap na may ibang lalaking humawak kay Anastacia.
“Wala namang problema, hindi mo kailangan magpaliwanag,” sabi ni King.
Nagsalin siya ng bloodwine at ininom ‘yon.
Nalungkot naman nang husto si Anastacia. Sa totoo lang ay nakokonsensiya rin naman siya para kay Vince. Pero hindi niya talaga kayang isawalang-bahala si King, ito pa rin talaga ang buhay para sa kanya.
“Magpahinga ka na, hindi mo kailangan mangamba. Bukas nang umaga ay aalis na rin kami,” sabi ni King.
“Young Master—”
Tumayo si King kaya tumayo rin si Anastacia para sundan siya.
“Young Master.” Pinigilan ni Anastacia ang braso ni King.
Lumingon naman sa kanya si King nang nakakunot ang noo. “May problema pa ba tayo?”
“Nasaan na kayo? Magpakita na kayo dahil nagugutom na kami!” Boses ng isa sa dalawang lalaking bampira.“Maghiwalay na lang tayo, marami na ‘kong dugo baka mas mapahamak ka pa,” bulong ko kay Arisa.“Para naman kaya kitang iwanan,” sabi ni Arisa.“Aaaah!” Nagulat silang dalawa nang may palakol na humati sa bahagi ng tinataguan nilang puno.“Anastacia!” Malakas na tawag ni Arisa dahil nagkahiwalay sila dahil do’n.“Huwag mo ‘kong intindihin!” sigaw ni Anastacia.Mabilis ang takbo ng isang lalaki at nag-tig-isa ang mga ito.Masakit ang balakang ni Anastacia pero dahil na rin sa tindi nang takot pa rin niyang mamatay ay nagawa niyang makakilos.Inilabas niya ang kanyang sandata at nakipagsanggaan sa malaking bampira ng sandata. Magilas kumilos ang kalaban kaya halos muntik-muntikan na si Anastacia na mahampas ng sandata ni
“Anong problema? Bakit parang hindi kayo masaya sa hapunan?” tanong ni Don Felipe sa mga anak-anakan.Unang nag-angat ng tingin si King.“Ama, hindi naman, marami lang kaming ginawa at kasama na roon ang pagsasaya,” nakangiting sabi ni King.Tumawa naman nang malakas ang matandang Don.“Ano-ano bang pinagkakaabalahan ninyo? Maaari pa naman kayo magpakasaya. Marami namang misyon na kakayanin na nang mga alipin natin,” tukoy nito sa mga bampirang nasa ilalim nang pag-eeksperimento nito.“Ama, mukhang marami na ang nagagawa mong batalyon ng alipin,” tila excited na sabi ni Dark.Nangiti lalo ang ama. “Oo, marami na, at napakarami nang successful ngayon kaya sobra ang saya ko. Huwag kayong mag-alala, bawat isa sa inyo ay magkakaroon nang maraming aliping susundin kayo sa lahat. Sa ngayon, kinakailangan ko pa lamang na paramihin sila pero pasasaan pa at darami rin naman sila. Ang
“Anne?” untag ni Vince kay Anastacia.Gabi na no’n kaya sila lamang ang nasa pinakatuktok nang balkonahe. Oras na rin kasi ng pagpapahinga.“Vince, may sasabihin ako sa ‘yong mahalaga.” Kumakabog ang dibdib ni Anastacia. Hindi niya gustong saktan ‘to pero wala naman siyang magagawa, hindi na niya puwede pang patagalin pa ang lahat.Napapansin ni Vince ang hitsura ni Anastacia, hindi man niya gustong isipin, pero mukhang makikipaghiwalay ito sa kanya.Si Anastacia ang kauna-unahang gusto niyang makita sa pagbalik niya. Pero mukhang sa pagbabalik niya, hindi magandang balita naman ang ibibigay nito sa kanya. Pero kailangan niyang maging handa. Hindi niya naman gustong pabigatin pa ang nararamdaman nito.“Alam mo kung ano ang dahilan ko bakit ginusto kong maging isang Vampire Hunter,” pasimula nito.“Alam ko, dahil ‘yon sa lalaking mahal mo na pinatay ng mga bampira rin,” s
Biglang bumuhos ang ulan habang naglalaban ang lahat.Nagiging mas mahirap makipaglaban dahil mabibilis ang kalaban.Nagsisimula ring tumunog ang mga emergency, ibig sabihin lamang ay nakapasok na ang mga kalaban.“Anastacia!”Lumingon si Anastacia sa boses ni King.Saan ‘yon nanggaling?“Aaah!” Napaiwas siya sa palakol na muntikan nang tumama sa kanya.May bumuhat na sa kanya at dinala siya sa malayo. Mabilis at halos walang makita si Anastacia bago niya naramdaman ang pagbaba sa kanya sa madilim na bahagi ng kagubatan.Malakas pa rin ang ulan. Hindi niya maaninag kung sino ‘yon maliban sa pula nitong mga mata.Pero nang hawakan niya ‘to ay nakilala niya kaagad.“Ikaw ba ‘to, Young Master?” tanong niya.“Maayos ka lang ba?” Hinawakan nito ang kanyang mukha.Kahit paano nagsisimula nang makakita ang mg
Nang magising ako ay maliwanag na kaagad sa buong bahay.Bumaba ako at naabutan ko si Marina na nagliligpit na ng hapagkainan.“Pasensiya na, hindi ko sinasadyang makatulog nang matagal.”“Hindi na muna kita ginising dahil mukhang pagod ka. Ihahanda ko na ang almusal mo.”“Huwag na, ako na lamang ang kikilos, nakakahiya naman.”Nangiti si Marina. “Wala ‘yon, sanay naman na ‘ko sa gawaing bahay.”“Kahit na, hindi naman ako magiging bisita rito, halos dito ako tityra nang matagal-tagal.”Nangiti si Marina.“Umalis na si King nang maaga, sabi niya’y dadalaw na lamang siya kung may libreng oras.”Nangiti ako dahil napag-usapan naman namin ‘yon kagabi.Naghain pa rin si Marina at ako na lamang ang nagtimpla ng kape ko.“Nasaan si Dylan?” tanong ko nang makaupo kami.“Nasa labas n
“Mananatili muna ako nang ilang araw dito, maaari ba?” tanong ni King sa mag-asawa.“Puwede naman, walang problema. Hindi mo kailangan na magpaalam pa sa ‘min. Iyong kuwarto na ‘yon ay para sa inyong dalawa. Saka, napakarami mong ipinadalang pagkain at pasalubong, hindi mo naman kailangan palaging gawin ‘yon,” sabi ni Renan.Nangiti lang si King.“Natuwa lang akong mamili, lalo nang laruang pambata.”“Bakit hindi ka pa mag-anak? Narito naman kami para alagaan si Anastacia,” sabi ni Marina na nakangiti.Nagkatinginan si King at Anastacia at sabay namula.“Parang hindi pa puwede sa ‘min lalo at kung saan-saan kami panigurado makararating.”Tumango-tango si Marina. “Puwede naman dito, saka mo na lamang siya ilipat nang tahanan. Sa tingin ko naman itong si Anastacia ay madaling namumuhay rito dahil wala siyang kaarte-arte.”
Matagal ang biyahe nila kaya nakapagpahinga pa si Anastacia sa yakap ni King.Pagod na pagod siya dahil una ay hindi naman siya bampira katulad ni King na bampira.Alam niyang simula pa lamang ‘yon at marami pa silang pagniniig na magaganap.Habang natutulog naman si Anastacia ay nakamasid na dito si King.Nilalaro niya ang buhok nito at minsang hinahalikan sa noo.Kahit hindi niya ‘to lubusang kilala, totoo na ang puso niya at isipan ay inookupa nito. Hindi lang dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng sexual satisfaction nang higit, talagang may espesyal itong bahagi sa kanyang puso.KING’S POVMapayapang natutulog si Anastacia.Hindi ko inaasahan ang heat ko pero nararamdaman ko na siya no’ng unang may naganap sa ‘min nang magkita kami kaya inaya ko siyang umalis dahil ayokong makaistorbo kami sa bahay nila Renan, iba ang pakiramdam kapag nasa heat. May bata rin sa kanila kaya kailangan mag-ingat.
Nang makabalik si King ay tulog pa rin si Anastacia. May dala na siyang kasuotan para mamaya sa subastahan. Hindi naman niya puwedeng hindi puntahan si Kristelle. Kung gusto niyang protektahan si Anastacia ay kailangan niyang iwasan ang kanyang ama na makilala o matuklasan man lang ang tungkol dito.Nakaligo na uli siya nang makalabas siyang gising na si Anastacia at nakahain na ang mga kakainin nila. Nakabihis lamang ‘to ng roba.“Kumain na muna tayo.” Nakangiting baling nito sa kanya. “Mukhang mahaba ang oras na nakatulog ako, pasensiya ka na, naghintay ka ba nang matagal, mahal?”Namula sila pareho. Mukhang hindi pa rin sanay sa tawagan.“Hindi naman, kadarating ko lang din, m-mahal.”Nagkangitian sila sa huli dahil halatang naiilang sila.Pumunta na sila sa hapagkainan at kumain.“Napansin ko, masasarap ang mga pagkain sa Freed Market,” sabi ni Anastacia.“Ginto an