Share

Chapter 58

“Nasaan na kayo? Magpakita na kayo dahil nagugutom na kami!” Boses ng isa sa dalawang lalaking bampira.

“Maghiwalay na lang tayo, marami na ‘kong dugo baka mas mapahamak ka pa,” bulong ko kay Arisa.

“Para naman kaya kitang iwanan,” sabi ni Arisa.

“Aaaah!” Nagulat silang dalawa nang may palakol na humati sa bahagi ng tinataguan nilang puno.

 “Anastacia!” Malakas na tawag ni Arisa dahil nagkahiwalay sila dahil do’n.

“Huwag mo ‘kong intindihin!” sigaw ni Anastacia.

Mabilis ang takbo ng isang lalaki at nag-tig-isa ang mga ito.

Masakit ang balakang ni Anastacia pero dahil na rin sa tindi nang takot pa rin niyang mamatay ay nagawa niyang makakilos.

Inilabas niya ang kanyang sandata at nakipagsanggaan sa malaking bampira ng sandata. Magilas kumilos ang kalaban kaya halos muntik-muntikan na si Anastacia na mahampas ng sandata ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status