Share

PAIN

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2021-08-20 22:05:07

Nakaupo lang ako sa gitna ng kama habang nakayukyok sa mga braso. Naririto ako sa kwartong inilaan sa akin ng mga Ȁlteste. Malalim na rin ang gabi pero hindi ko parin magawang makatulog. Malaki ang kwarto ngunit hindi ko ma-appreciate dahil ginugulo ang isip ko ng mga salitang binitiwan ni Alaric. Maging ang itsura niya kanina ay hindi ko makalimutan. Kanina pa rin ako isip ng isip kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi talaga pwede pero hanggang ngayon ay blangko pa rin ang utak ko. Imbes na sa plano na sana naroon ang isip ko ay dumadagdag pa si Alaric. Ayoko namang umabot kami sa puntong iiwasan ko nalang siya.

Napahugot ako ng malalim na hininga saka bumaba sa kama. Lalabas na muna siguro ako  at magpapahangin. Baka sakaling umayos ang utak ko. Sana nga lang ay hindi ko makasalubong si Alaric. Hindi ko alam kung nasaang kwarto ito namamahinga pero sana hindi niya ako maisipa

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status