Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.
Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako sa isang tulad niya.
“I’ll take my leave for now, my lady,” bulong nito saka idinikit ang noo sa noo ko.
Tumango na lamang ako bilang sagot. Agad namang bumaba ang mga labi nito sa akin. At ginawaran ako ng mabilis na halik. Hayun na naman ang puso ko sa pag-arangkada. Hindi kaya ito napapagod sa pagkalabog? Nakakailan na rin ang lalaking ito sa akin. Napangiti ako sa sarili saka napakagat sa labi.
“Don’t bite your lips, my lady. It makes me want to kiss you again.”
Napamaang man ay napangiti rin ako agad. Hindi ko alam na may ganitong side si Kieran. Kung sabagay ay hindi pa naman ganoon karami ang nalalaman ko sa kanya. Ngunit kahit na alam ko ang mga bagay na iyon ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko.
“Goodbye for now. Change your dress before you go to sleep,” anito saka bahagya pa akong itinulak papasok sa backdoor.
Hindi pa kasi ganoon katuyo ang mga damit namin. Muli kong naalala kung paano niya ako tudyuhin kanina. Manipis kasi ang suot kong bestida na pagtulog kung kaya’t kita agad ang panloob ko ng mabasa. Ngunit kahit ganoon ay hindi naman iyon sinamantala ni Kieran. Isa na rin daw iyon sa dahilan kung bakit niya ibinalabal sa akin ang jacket niya.
Ang jacket niya. Mabilis ko iyong hinubad at ibinalik sa kaniya. Mainam na lamang at nandoon pa rin siya kung hindi ay hindi ko malaman kung saan ko itatago iyon huwag lamang makita ng ibang tao sa bahay. Mukhang hinihintay niya akong makapasok ng tuluyan sa loob. Pakiramdam ko ay may mainit na kamay na bumalot sa puso ko sa isiping iyon.
Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya ng iabot ko ang jacket. “Hindi nila pwedeng malaman,” paliwanag ko na naintindihan naman niya agad.
Kahit hindi pa rin malinaw ang kung anong namamagitan sa amin, wala pa ring pwedeng makaalam sa existence ni Kieran. Bagay na parehas naming naiintindihan. Dahil kung malalaman ng mga Cayman ang tungkol kay Kieran ay siguradong masisira ang plano ko.
Babalik na sana akong muli nang pigilan niya ako sa braso. Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang nagtaka.
“Is it deja vu?” tanong niyang nagpakunot sa noo ko.
“Bakit?”
Bigla naman itong ngumisi kaya’t naghinala na ako sa susunod niyang sasabihin.
“It makes me want to kiss you again.”
Kulang nalang ay literal na tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ba niya alam na kung gaano ako kinikilig ngayon? O marahil ay alam na niya dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Puno pa rin ng kapilyuhan ang mga mata nito ng talikuran ko saka mabilis na pumasok sa loob at isinara ang pinto. Hindi ko mapigilan ang pagsungaw ng ngiti sa mga labi ko habang inaalala ang mga nangyari. Tila may sariling isip ang mga kamay kong dinama ang mga labi. Habang tila may vtr sa isip ko na inuulit-ulit kung gaano kalambot ang mga labi ni Kieran.
Marahil kung may makakakita sa akin ngayon ay iisipin ng baliw ako. Well, hindi ko mapigilan. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mangyayari iyon. It just happened. And most of all, I never planned it. Pero kahit na may pagkakaintindihan na kami ni Kieran ay hindi ko pa rin makakalimutan ang plano kong tapusin ang sumpang nagpapasalin-salin sa bawat henerasyon. At ngayon ay nasa amin na. Hindi ko na hahayang malipat pa iyon sa magiging anak ko o ni Kirius.
Maingat at dahan-dahan ang bawat hakbang ko palabas ng kusina. Ayokong makagawa ng ni katiting na ingay na magiging dahilan ng pagkagising ng mga tao sa bahay. Walang pwedeng makaalam na umalis ako.
“Saan ka galing?”
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Kirius mula sa likuran ko. Mainam na lamang at hindi pa ako nakakahakbang sa hagdan dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa akin kung sakali. Pakiramdam ko ay bigla akong kinapos ng hininga. Hindi pala kay Kieran ako magkaka-heart attack kundi sa kapatid ko. Sapo ang dibdib na nilingon ko siya. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. Bigla akong kinabahan. Nakita kaya niya kami ni Kieran sa labas? Sana naman ay hindi.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, ate. Saan ka galing?” mariing tanong nito.
“Sa labas. Nagpahangin,” kaswal na sagot ko. Nagbabaka-sakaling palalagpasin na lamang nito iyon.
“Ng madaling araw?” Tila ito pulis na ini-interrogate ang nahuling suspek. “At basa?”
Kung bakit ba kasi napakatalas ng mata nitong kapatid ko. Agad kong hinalukay ang isip para may idahilan. “Umulan kasi.”
Akmang aakyat na ako nang magsalita siya ullit na siyang nagpatigil sa akin.
“You never forget that Papa died because of their kind, didn’t you?” puno ng pighating tanong nito.
Nakalimutan kong matindi nga rin pala ang galit ng kapatid ko sa mga kauri ni Kieran. Hindi ko naman maiaalis iyon sa kapatid ko. Pero sana maisip man lang niyang hindi lahat ng bampira ay pare-pareho. Na may nananatili pa ring mabuti. Kung sa bagay ay ganitong-ganito rin ako noon bago ko makilala si Kieran. Ngayon ko na-realize na kung sakaling palarin kami ni Kieran at magpakilala sa pamilya, hindi ko masisiguro ang pagsang-ayon nila.
Pakiramdam ko tuloy ay pinagtataksilan ko ang pamilya ko. Mali nga ba ang ginagawa ko? Pero hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang Papa at ang talagang dahilan kung bakit ako sumama sa mga Cayman.
Huminga ako ng malalim saka humarap muli sa kaniya. Gusto ko sanang baguhin ang pananaw niya pero sa nakikita kong pighati sa mga mata tingin ko ay hindi pa iyon nararapat. “Hindi ko nakakalimutan, Kir.”
Pagkasabi noon ay dumiretcho na ako paakyat. Pakiramdam ko ay lalong nagulo ang utak ko. Nang marating ko ang tuktok ng hagdan ay napatigil ako ng makita si Alaric na nakatayo sa labas ng pinto ko. Nakatingin ito sa baba habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Nilukob akong muli ng takot. Nakita rin ba niya kami? Paano kung lalo nila akong higpitan at tuluyang ikulong sa mansyon? Paano ang plano ko? Paano si Kieran? Baka ipahanap nila itong bigla at ipapatay dahil sa pagtulong sa akin.
Hindi. I might give this situation the benefit of the doubt. Baka naman hindi niya kami nakita. O baka naman nag-aabang lang talaga siya doon. Pero hindi pwede yun? Isa siyang bampira, Yueno, baka nakakalimutan mo. Hanggang saan kaya ang nakita niya? Hindi ko iyon maaaring tanungin sa kaniya. Dahil kung hindi niya nakita ay baka mabisto pa ako. Mas mainam kung magpapanggap na lamang akong walang nangyari.
Hinamig ko ang sarili saka nagsimulang maglakad. Kailangan kong kalmahin ang sarili kung hindi ay mahahalata ako ni Alaric. Huminga ako ng malalim.
Malapit na ako sa pinto ng lumingon sa gawi ko si Alaric. Blangko ang ekspresyon nito maging ang mga mata na siyang lalong nagpapakaba sa akin. Matiim siyang nakatitig sa akin na tila ba inaarok niya ako. Kung hindi ako nagkakamali ay narinig na niya ang pinag-usapan namin ni Kirius sa baba. Sana ay hindi na niya ako tanungin at pagpahingahin nalang. Ramdam ko ng emotionally drain na ako sa dami ng nangyari ngayong gabi.
“Alaric,” untag ko sa kaniya ng manatili lamang itong nakatingin sa akin. “Ba’t gising ka pa?”
Ilang sandali pa ang lumipas bago siya sumagot. “Vampires never sleep, Yueno. Nakallimutan mo na ba?”
Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Gusto ba niyang iparating na alam niyang umalis ako pero hindi na niya tinangkang pigilan ako?
Alangan akong ngumiti sa kaniya bago sumagot. “Oo nga pala. Nakalimutan ko na,” ani ko na sinamahan pa ng mahinang pagtawa.
Ngumiti lamang ito sa akin. Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa gawi ng mga tingin ni Alaric? Na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
“It's somewhat amusing, Yue. Didn’t you know that?”
Iling lamang ang isinagot ko sa kanya. Ngumiti lang ito ulit saka inabot ng mga daliri nito ang mga labi ko na siyang ikinagulat ko. Hindi agad ako nahuma sa ginawa nito na tila ba may pinunasan doon. Banayad lamang iyon pero sapat na iyon para kumabog ang dibdib ko sa kaba. Agad na sumagi sa isip ko ang mga halik sa akin ni Kieran. Pakiramdam ko ay pinupunasan iyon ni Alaric ngayon.
“A lot of things happened in the depth of the night.”
Doon ako lalong natigilan. Malakas ang kutob kong may alam si Alaric. Pero bakit ayaw niya akong komprontahin? Balak ba niya akong isumbong kay Cassius? Gusto ko siyang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin pero natigilan ako ng may makitang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Para bang may sakit na mabilis na gumuhit doon at bigla agad nawala.
“Go to sleep now, Yue. Don’t forget to change,” anito saka tumalikod sa akin at biglang nawala.
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs