Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.
Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa pangingisda. Marahil ay ginagamit lamang ito sa pamamasyal sa maliit na look na iyon. Tila kasi nakakaakit ngang mamasyal doon lalo na at kitang-kita ko mula sa kinalulugaran namin na napapalibutan iyon ng mga parang na natataniman ng mga moonflowers sa iba't ibang kulay. Nakakamangha ang lugar na ito. Napaka-romantic.
Natigilan na naman ako sa naisip. Hindi kaya napapansin ni Kieran ang ambience dito? Masyadong romantic na tila sinasabi ng kapaligiran na nababagay lamang iyon sa mga magkakasintahan. Nakapagtatakang dito niya ako dinala. Hindi kaya--
Nanlalaki ang matang napatingin ako dito. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang naupo habang kalong pa rin ako sa mga bisig niya. Lahat na yata ng dugo ko sa katawan ay umakyat na sa ulo sabayan pa ng walang humpay na paglagabog ng puso ko.
"T-teka, K-kieran!" magkandautal na sabi ko sa kanya.
Mabilis akong kumawala sa kanya ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay hinigit na niya ako pabalik.
"Huwag kang malikot, Yue, kung ayaw mong tumaob tayo," babala nito ngunit hindi ako nakinig.
Kusang nag-react ang katawan ko at nagpumiglas sa kanya. Nagdulot iyon ng malakas na pag-ugoy ng bangka kaya't nawalan ako ng balanse. Sunod ko nalang narinig ay ang pagsigaw nito sa pangalan ko at ang malakas na ingay dulot ng pagbagsak ko sa tubig.
Agad akong nilukob ng takot at sinubukang lumangoy bago ko naalalang hindi nga pala ako marunong. Pinilit kong magpapasag ngunit pakiramdam ko ay may mga kamay na humihila sa akin pababa na siyang nagpapabilis ng paglubog ko. Kinakapos na ako ng hininga. Dito na yata ako mamamatay.
Kieran
Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagkawala ng aking kamalayan. Tuluyan na rin akong hindi makahinga. Ngunit sa kabila noon ay nagawa ko pang maaninagan ang isang pigura ng taong mabilis na lumalangoy papunta sa akin. Si Kieran. Susuko na sana ako ngunit ng makita ko siya ay bigla akong nagkaroon ng pag-asa.
Nang makalapit siya sa akin ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Ilang beses na nga ba niya akong kinakabig palapit sa kaniya ngayong gabi? Hindi ko na yata mabilang. Ngunit tila hindi lang pag-asa ang nabuhay sa akin kundi ang puso ko. Na lalong tumindi ng mabanaagan ko ang takot at pag-aalalang nakaguhit sa mukha nito. Para sa akin ba ang mga iyon? Bakit?
Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at tinatangay na ako sa kawalan nang may malamdaman akong malamig at malambot na bagay sa bibig ko na siyang nagbibigay ng hangin sa akin. Agad akong napadilat. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang ang malambot at malamig na bagay pala na iyon ay walang iba kundi ang mapupulang labi ni Kieran. At binibigyan niya ako ng hangin sa pamamagitan ng bibig. Libo-libong kuryente ang mabilis na kumalat sa bawat himaymay ng katawan ko.
Maya-maya pa ay naramdaman kong humigpit ang yakap nito sa akin. Lalong naalarma ang sistema ko ng marahang gumalaw ang labi nito. Hindi na niya ako binibigyan ng hangin kundi isa na iyong ganap na halik. Marahan. Maingat. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang babasaging kristal na kapag nagkamali siya ng hawak ay mababasag. Damang-dama ko rin ang kasabikan niya sa bawat paghagod ng malalambot niyang labi sa akin. Pakiramdam ko ay hinihigop ni Kieran ang buong lakas ko at wala akong ibang magawa kundi ang ipaikot sa leeg nito ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para tugunin ito basta ang alam ko lang ay napakasarap ng halik nito. Hindi pa ako marunong noong una kaya ginaya ko na lamang kung paano siya gumalaw. Para namang nagustuhan nito iyon dahil bigla itong umungol kaya’t lalo ko pang pinagbuti. Tila ba may magnet ang mga labi nito at hinihila akong lalo palapit dito.
Ganito pala ang pakiramdam ng halik. Para kang nasa cloud nine.Parang naglahong parang bula ang lahat ng bagay sa paligid ko at tuluyan ko ng nakalimutan ang kasalukuyang sitwasyon. Hindi ko rin sukat akalaing aksidente ang magiging daan para makuha ko ang first kiss ko.
Nang bumitaw si Kieran ay mataman ako nitong tinitigan sa mga mata. Nailang na naman ako lalo na ng mag-replay sa utak ko ang pinagsaluhan naming halik. Nang hindi ako makatagal ay yumakap na ako dito at isiniksik sa leeg nito ang ulo. Naramdaman ko nalang na lumalangoy na siya paitaas.
Uubo-ubo ako ng tuluyang makalitaw na kami sa tubig. Mahigpit pa rin akong nakayakap sa leeg ng lalaking ito na tila ba walang balak na umahon.
“Hingal na hingal?” tudyo nito ngunit hindi ko naman nililingon. Ayoko siyang harapin. Nakakahiya. Gusto ko man din siyang soplahin ay habol-habol ko pa rin ang hininga at nahihirapan pang magsalita.
Nang makaahon ay ibinaba niya ako sa may damuhan. Yakap-yakap ko naman ang sarili dahil nanunuot na lamig sa aking kalamnan. Si Kieran naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ko. Walang umiimik sa amin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon? Basta ayokong tumingin sa kaniya. Tanging sa peripheral vision ko lamang siya tinitignan dahil ayokong masalubong ang mapanudyo niyang mga mata. O kung hindi man nanunudyo ay malamang sa nagtatanong. Kung ganoon man ang nasa isip niya ay hindi kami nagkakalayo. Ako man ay maraming tanong. Mga tanong na gustong-gusto ko ng isatinig. Kung bakit niya ako hinalikan ng ganoon? Kung para sa akin ang pag-aalala at takot na nakita ko sa mga mata niya. O kaya lamang ba niya ako tuluyang hinalikan ay dahil nadala nalang siya ng pagkakataon. Bigla akong nanlumo sa naisip. Parang gusto ko ng kainin ng lupa.
Nang umihip ang hangin ay lalo kong nayakap ang sarili. Maski ang mga tuhod ko ngayon ay nangangatog na pero wala akong balak tuminag. Hindi ko na rin magagawang makalakad. Nagtatakang napatingin ako sa balikat ko ng may nakalagay na roong jacket. Tuyo iyon, marahil ay naiwan ni Kieran sa bangka ng bigla siyang tumalon para iligtas ako. Sa pagkakatanda ko kasi ay nakasampay lamang iyon sa balikat niya.
Kung gayon ay nakaalis na ito sa harap ko kanina ng hindi ko man lang namamalayan. Perks of being a vampire. Nagulat ako ng umupo si Kieran sa harap ko. Hindi naman ako magkandatuto sa pagbaling kung saan ng tingin huwag lamang mapatingin dito.
Napasinghap ako ng magsimula ko na namang maramdaman ang mga mumunting kuryenteng galing malamig nitong kamay sa baba ko. Wala na akong nagawa ng ipaharap niya ako sa kanya.
“Stop avoiding me and face me,” seryosong turan nito.
Hindi naman ako makapagsalita. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ko na hindi ko na alam kung ano ang mas iintindihin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kanina basta ang alam ko lang ay gusto ko ang nangyari. Oo, inaamin ko. Marahil ay bugso na rin ng damdaming pilit kong inuunawa pero hindi ko matanggap. Dahil mali ito. Hindi dapat. Galit ako sa mga bampira, pero bakit ko hinayaan ang sarili kong mahulog sa isa sa mga ito?
Napayuko ako. Ngunit agad din akong pinatingin ni Kieran sa kanya. Concern evident in his eyes. Walang ni katiting na panunudyo roon. Gusto kong itanong kung bakit niya ako hinalikan pero natatakot akong iba ang maging sagot niya.
Ipinikit ko ang mga mata at hinamig ang sarili. Mas mainam na iba ang isagot niya kaysa maging ugat iyon ng mas malalim pang ugnayan.
“Bakit Kieran?” buong tapang kong tanong sa kanya. “Bakit mo ako hinalikan?”
Hindi naman ito natinag sa pagtitig sa akin na siyang unti-unting bumubuhay sa maliit na pag-asang pinipilit kong patayin sa puso ko. Ilang sandali pa itong nanahimik bago nagsalita.
“Because I want to.”
Natigilan ako sa sagot niya. Ayaw magproseso ng utak ko. Napasukan yata iyon ng tubig kaya ayaw mag-function ng maayos. O baka masyado lang nadala sa masarap na halik ng lalaking ito. Hindi. Dahil daw sa gusto niya?
“Kung ganoon ay hahalikan mo lang kung sino ang gusto mong halikan, ganoon ba?” angil ko dito. Hindi ko mapigilang tumaas ang boses sa pagkaasar. Parang ngayon palang unti-unting napoproseso iyon ng utak ko at sa mga oras na ito ay parang gusto ko siyang sapakin.
Gusto ko sanang kiligin ng ngimisi ito saka lumapit sa akin ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon para doon kaya’t pilit kong hinahamig ang sarili. Aatras na sana ako palayo sa kanya pero maagap na niya akong nakulong sa bisig niya. Bigla ay parang nawala ang lamig na kanina ko pa nararamdaman. Nang akmang tatayo ako ay hinila naman niya ako. Heto na naman kami sa hilahan.
“Why do I smell jealousy?” muling tudyo nito.
I was caught off guard. But am I really jealous? Heck! He will never know. Naasar ako bigla hindi lang sa sarili ko kundi pati sa kaniya. Bakit ba hindi nalang niya ako sagutin ng diretcho. Bilang sagot sa kanya ay ibinalik ko ang ngisi niya at sinakyan ang panunudyo niya.
“Why would I?” ani ko saka pilit pinatatag ang tinging ipinukol sa kanya. Kung akala niya ay mahuhuli niya ako. Nagkakamali siya.
Biglang napalis ang ngisi nito at naging seryoso. Tingin ko ay nabaliktad na ang laro. Pagkakataon ko na ito para malaman ang saloobin niya sa sarili kong paraan. Lalong lumawak ang pakakangisi ko na tila ikinainis naman ng kaharap ko. Kahit na gaano kalakas ang lagabog ng puso ko ay hindi ko hahayaan madehado ako.
“Just because I kissed back doesn’t mean I have feelings for you,” pagsisinungaling ko na mukha namang binibili nito. “After all, it’s just a kiss. Maybe I just want it too.”
Napasinghap ng ako ng biglang dumilim ang anyo nito. Ngunit kahit na nakakatakot ang awra nito ay hindi ko iyon maramdaman. Sa halip ay nagbubunyi ang puso ko sa naging reaksyon nya. The possibility was there. But maybe what I told him triggered his ego. Maybe I was the only one who feels this way. And he just can’t rub it to my face.
My thoughts brushed away when he pulled me even closer. So close that our faces were only centimeters apart, almost giving me a heart attack. But what he said hits my heart the most.
“No one can kiss you aside from me, Yueno. Remember that.”
Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako
Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.
Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya
Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh
Mainit na sa labas kaya't minabuti ko ng pumasok sa loob ng bahay. Masakit na sa balat na para bang kapag nagtagal pa ako roon ay masusunog na ang balat ko. Hindi naman ako bampira. Sadya lang hindi ako mahilig magbabad sa init ng araw. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako maputi.Kaya ko lang naman naisipang lumabas ay para magpahangin. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil pagising-gising ako. Isa pa ay binangungot na naman ako. Ngunit kakaiba ang kagabi. Nababalot pa rin ng kadiliman ang paligid pero sa pagkakataong iyon ay bigla na nalamang iyong nagliwanag. Sobrang liwanag na masakit na sa mata. At sa kung anong dahilan ay tila ba nagmistulang mga lazer beams ang sinag noon. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi at pagkalapnos na nanunoot sa laman. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lapnos na ang buong katawan ko. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang liwanag. Nang muli kong tignan ang pinanggalingan ng liwana
"Ayoko, ate," matigas na sabi ng kapatid ko saka lumabas sa kusina. Mabilis ko naman siyang sinundan. Agad kaming umuwi ni Alaric sa bahay pagkatapos kong banggitin sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon na pinadala ng Älteste. Nasiguro ko namang sinabi na ni Mathilde ang bagay na iyon kay Cassius kaya't pumayag agad ito. Nakapagtataka ang gulat sa mga mukha nila ng malamang iniimbitahan ako. Na para bang ayaw nilang makaharap ko ang mga iyon. Bigla kong naaalala ang sinabi ni Kieran tungkol sa loyalty ng mga Cayman. Ang Kieran na iyon. Nagpupuyos ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang bugbugin kapag nakita ko siya. Matapos niya akong halikan ay hindi na siya muling nagpakita. Ano iyon? Kiss and run? Napabuntong-hininga ako. Nauwi na naman kay Kieran ang isip ko. Namimiss ko na kasi siya. Pero kailangan ko muna iyong isantabi d
Agad na nilukob ng takot at kaba ang pagkatao ko ng huminto ang butler sa harap ng isa na namang malaking pinto. Alam kong sa likod ng malaking pinto na ito ay nasa likod ang pinakamakapangyaring nilalang sa kanilang uri.Pilit kong pinatatapang ang sarili dahil ayokong makita ni Kirius na natatakot ako pero hindi ko mapigilan. Panandaliang nawala sa isip ko ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito dahil sa ganda ng lugar at sa hindi sinasadyang engkwentro ko kay Thana. Sayang at maganda pa naman ito. Kung hindi nga lang maldita. Tingin ko ay may malalim itong pinaghuhugutan para magpakita ito ng ganoong pag-uugali. Isa pa ay wala naman akong naaalalang nakita o nakasalubong man lang ito dati."The Ältestes are waiting for the Dovanas," anunsiyo ng butler saka yumuko sa amin.Napahugot ako ng malalim na hininga ng tila nag-slow motion sa pagbukas ang pinto at dahan-
"Yue," boses iyon ni Mama.Kanina pa nila ako binubulabog ni Alaric pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Kahit kay mama. Ilang araw na ang nakakalipas pero nananatili pa ring malinaw sa ala-ala ko ang nangyari. At sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapaluha.Ang sakit. Sobrang sakit makitang namatay sa harapan mo ang taong mahalaga sa iyo. Iyong unti-unti siyang pinapatay. At kahit anong subok kong iligtas siya ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Na tila nilulunod na ako noon at wala na akong balak umahon pa."Yue," bakas ang lungkot sa boses ni Mama. "kausapin mo naman si Mama."Lalo