"Welcome back, Yueno," bungad ni Idris nang tuluyan na kaming malalapit. Agad itong tumayo at lumapit para salubungin kami samantalang ang tatlo ay nagsitayo na rin. "Natutuwa ako at ligtas kang nakabalik sa amin. Ang balita namin ay inatake ng mga rogue ang Magji."
Hindi ko naman magawang pagdudahan ang pag-alalang nasa mga mata niya. Ngayong alam ko na ang buong istorya ng nakaraan nila ni tiya ay di ko mapigilang matuwa sa kanya. Alam kong hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si tiya Arsellis. Nakakalungkot lang napakaraming humahadlang sa pag-iibigan nila. Kaya't kung sakali man sigurong humingi siya sa akin ng tulong upang makita si tiya ay hindi ako magdadalawang-isip na tutulungan siya.
"Ayos lang ako. Maraming salamat," sagot ko rito na sinamahan pa ng maliit na ngiti. Gusto ko sanang isago
Nakaupo lang ako sa gitna ng kama habang nakayukyok sa mga braso. Naririto ako sa kwartong inilaan sa akin ng mga Ȁlteste. Malalim na rin ang gabi pero hindi ko parin magawang makatulog. Malaki ang kwarto ngunit hindi ko ma-appreciate dahil ginugulo ang isip ko ng mga salitang binitiwan ni Alaric. Maging ang itsura niya kanina ay hindi ko makalimutan. Kanina pa rin ako isip ng isip kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi talaga pwede pero hanggang ngayon ay blangko pa rin ang utak ko. Imbes na sa plano na sana naroon ang isip ko ay dumadagdag pa si Alaric. Ayoko namang umabot kami sa puntong iiwasan ko nalang siya.Napahugot ako ng malalim na hininga saka bumaba sa kama. Lalabas na muna siguro ako at magpapahangin. Baka sakaling umayos ang utak ko. Sana nga lang ay hindi ko makasalubong si Alaric. Hindi ko alam kung nasaang kwarto ito namamahinga pero sana hindi niya ako maisipa
Tanghali na ng magising ako kinabukasan. Mag-uumaga na rin kasi ng makabalik ako sa kwarto. Masyadong napalalim ang usapan namin ni Idris kagabi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ngunit nanatili lamang doong nakaupo. Hindi ko sukat akalaing ganoon pala magmahal si Idris. Napapangiti pa rin ako kapag naiisip ko kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay tiya. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkakaiba ng mga lahi ay may nabubuo pa rin ganito. Isang wagas na pagmamahal na handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya. Sa panahon ngayon ay napakahirap ng makahanap ng totoong pagmamahal. Napakaswerte ni tiya.Pero nakakalungkot lang isipin na kailangan nilang magkahiwalay dahil sa kaguluhan at hindi pagkakaintindihan ng mga lahi. Ang pagkahayok nila sa kapangyarihan ang siyang nagiging dahilan ng lahat. Ano bang mayroon sa mundo at gustong-gusto nilang mapasakanila?"Yue.
Madilim ang paligid. Wala akong makita. Patay na ba ako? Pero pakiramdam ko ay napakakirot ng katawan ko. Hindi dapat kung patay na ay wala ng nararamdamang sakit? Isa pa ay bakit madilim? Hindi ba ako sa langit napunta? Siguro ay masyado ng mabigat ang mga kasalanan ko kaya ganoon.Nakakarinig din ako ng mga ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Noong una ay mahina lamang iyon hanggang sa palakas ng palakas. Talaga bang maingay ang paligid pag namatay na? Kung hindi ako nagkakamali ay mga boses ng lalaki ang naririnig ko. Pero hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko para lang mapadaing sa tindi ng sakit na gumapang sa kabuuan ko. Pakiramdam ko ay para akong na-hazing. Kahit saang parte ay kumikirot. Pigil-pigil ko rin ang hininga matiis lamang ang sakit.Lalon
"Elyxald Von," usal ko na halos pabulong na.Naalala kong bigla ang sinabi ni tiya na madalas na pagpunta ni Cassius sa Palazzo noon. Kung ganoon ay si Elyxald pala ang pinupuntahan nito. Ibig sabihin ay matagal na siyang nagtatraydor. Ito rin ang pinuno ng mga rogue. Sa mas lalo ko pang pagtataka ay hindi lumuhod dito si Kieran."Maligayang pagdating," bati ni Cassius habang nakayuko pa rin.Hindi naman iyon pinansin ni Elyxald sa halip ay tinapik sa balikat si Kieran nang makapasok sa kulungan at makalapit dito."Magaling, anak. Hindi ako nagkamali sa iyo."Natigagal ako ng marinig ang tinuran nito. "A-anak?" Hindi ko namalayang dumulas sa dila ko."Hindi mo ba alam na
*Kieran*Abot-abot ang pagpipigil ko sa sarili huwag lamang daluhugin si Elyxald sa ginagawa nitong pagpapahirap kay Yueno. Kung kanina ay nagawa ko pang magtimpi kay Lenora, ngayon ay parang hindi ko na kakayanin. Hindi maatim ng kalooban ko ang nakikita ko ngayong sitwasyon ng babaeng pinakamamahal ko. Nahihirapan man ako ay kailangan ko iyong tanggapin dahil ako ang nagdala sa kanya sa sitwasyong ito.Nang marinig ko itong sumisigaw kanina ay para na akong dinudurog. Kitang-kita ko ang sakit na nakabalatay sa mga mukha niya habang si Elyxald naman ay parang demonyong tuwang-tuwa sa nakikita. Parang gusto ko tuloy palipitin ang leeg nito at iparanas dito ang kaparehas na sakit na pinagdadaanan ni Yue. Pagkatapos nito ay malamang sa hindi na niya ako mapatawad. Kung sakaling magkagayunman ay tatanggapin ko. Mailigtas ko lamang siya.
Gulong-gulo ang isip ko kung paano ang gagawin para maibigay lang ang hinihiling ni Elyxald na dugo ni Yue. Ang tuso na iyon. Talagang sinusubukan niya ako. Nakuyom ng madiim ang kamao ko.Kung bibigyan ko naman siya ng ibang dugo ay siguradong malalaman niya dahil iba ang dugo ng Dovana sa dugo ng isang normal na tao. Kung gagamitan naman ng mahika ni Ada ay hindi rin ako nakakasigurong hindi niya iyon malalaman. Isa pa ay hindi siya ganoon kadaling malilinlang. Masyadong matalas si Elyxald sa mga ganoong bagay kaya't hindi kami maaaring makipagsapalaran.Na sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang kusa na pala akong dinala ng mga paa ko sa mansyon ng mga Cayman. Tulad ng dati ay nakapalibot pa rin sa buong mansyon ang mga pinadalang rogue ni Elyxald. Ang kaibahan lang ay mas marami ngayon kaysa sa nakasanayan. Mukhang hiniling ito ni Cassius. Marahil ay natatakot ang mga i
*YuenoMalamig na bagay na panaka-nakang dumadampi sa pisngi ko ang siyang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saka inilingap iyon para hanapin ang kung ano mang bagay na gumising sa akin. Namulatan ko sa aking harapan ang isang bulto ng lalaki. Hindi ko pa maaninaw kung sino ito noong una dahil sa nanlalabong paningin ngunit unti-unti ko rin iyong nakilala.Animo kidlat sa bilis akong napabangon ng makitang kong si Alaric iyon na nakaupo sa mismong harapan ko. Agad na kumalat ang takot sa dibdib ko para dito nang maalala ko ang ginawa ni Lenora at mas lalo na si Cassius. Dali-dali akong napaatras ng tangkain muli nito ang pag-abot sa pisngi ko. Ni sa hinagap ay hindi ko na gugustuhin pang muli ang mahawakan ng mga Cayman. Gusto ko mang paniwalaan na hindi kasama sa lahat ng kabalbalang ginawa ng pamilya nito si Alaric ay alam kong malabo iyong mangyari. Ngunit magkagayo
"What d'you think you're doing?" Narinig kong tanong ni Kieran kay Alaric na ngayon ay tila nahihirapan na sa pagkakasakal dito ng una. Halata ang galit at panggigigil doon na tila ba pilit pa nitong pinipigilan. Ang mga mata rin nito ay naniningkad sa tindi ng galit. Maging ako ay pigil rin ang hininga sa mga nangyayari. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatitig nalamang sa mga ito at magtaka sa kung ano ang nangyayari. Hindi ko rin maialis ang tingin sa dalawa dahil baka kung ano nalang ang gawin nila. May kung ano kasi sa loob ko na natatakot sa kung ano ang maaaring kahinatnan ng pag-aabot ng dalawa. Ayoko man sanang maramdaman ito pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala lalo na sa bagong dating. Nakapagtatakang bigla-bigla nalang itong sumusugod ngunit magkagayonman ay malaking pasasalamat ko na din dahil dumating siya