Share

Enrolled

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Mavis ang marahang pagsayaw ng mga halaman at bulaklak sa hardin ng mansion. Kalmado at maaliwalas ang panahon. Nakakasilaw ang sikat ng araw na nakasilip sa bawat sanga ng puno na nakapalibot sa hardin. Napakatahimik ng buong lugar na walang ingay siyang naririnig bukod sa marahang galaw ng dahon ng mga puno at halaman sa bawat ihip ng hangin at huni ng mga ibon. 

Ang mga tauhang nakabantay sa bawat sulok ng mansion ay tahimik lang na naglilibot at pinagpapatuloy ang ginagawa, takot na makagawa ng kung ano na makakadisturbo sa kanya at sirain ang pagpapalipas niya ng oras sa hardin ng mansion.

Narinig niya ang papalapit na yabag sa kanya ngunit nanatili siyang nakatanaw sa mga halaman.

"Señorita, you're new butler is here."

Napalingon siya kay aling Mara. Tumawid ang tingin niya patungo sa pintuan papasok sa mansion. Tumango siya.

"Pahintayin mo po siya sa study susunod ako."

Tumango si aling Mara at bumalik na sa loob ng mansion. Huminga siya ng malalim at muling binalik ang tingin sa harap. Ilang segundo niya pang ninamnam ang katahimikan at kapayapaan ng paligid bago nagdesisyon na pumasok sa mansion. Ang mga katulong na abala sa pagpupunas ng mga muwebles ay napahinto sa pagdaan niya para batiin siya. Nagpatuloy siya hanggang sa nakarating sa study. 

Naabutan niya si aling Mara don na naglalagay ng tasa ng kape sa center table habang pormal naman na nakaupo sa sofa ang kasama nito. Agad na lumipat ang tingin ng mga ito sa kanya. Nanatili ang ekspresyon niya. Tinapos naman ni aling Mara ang ginagawa at lumabas na ng silid. Ito na mismo ang nagsara ng pinto.

Napatitig siya sa lalaki na nakatingin din sa kanya. He has a soft features and a green flag type of guy vibes. Yong tipong hindi marunong magalit. Nakaitim na suit ito kapareho ng kulay ng kapares na tie. Maayos din ang buhok nito na sakto lang ang haba at parang madalas natitrim, sobrang ayos at linis na parang pinaglaanan talaga ng oras sa harap ng salamin. Sobrang pormal at propesyunal nitong tingnan sa ayos maging sa uri ng tingin at kilos. 

Mas mukha itong bilyonaryong anak ng negosyanteng tingnan kaysa sa tagasilbi at tagasunod lamang. Kunsabagay, nag-iisang tagapagmana ito ng mga Alejandro. Nakakapagtaka na hinayaan ng mga itong manilbihan sa kanya ang iniingatang tagapagmana ng mga ito... pero sa ngayon ay iyon ang huling bagay na paglalaanan niya ng oras, mas mahalaga ang pakinabang niya sa paglapit ng mga ito sa kanya.

"Mavis Ariestiel Servillon," pagkilanlan nito sa kanya sabay tayo para pormal na bumati. 

"Mavis Salvatore," pagtatama niya rito.

A cold smile escaped her lips when she spoke the name she was using since the day she woke up from a year of being asleep. 

Yes! The well-known Mavis Ariestiel Servillon is dead and that same day Mavis Salvatore was born to fulfill a promise.

"Ah, yes! Mavis Salvatore, I'm sorry."

Naglakad siya palapit rito at huminto sa mismong harap nito. Mababa itong yumuko sa kanya para bumati at sa muling pag-angat nito ay nilahad nito ang kamay sa kanya.

"I am Ruzyl Alejandro your new butler," pagpapakilala nito.

Napatingin siya sa nakalahad na kamay nito. Bumuntong-huminga siya bago inangat ang kamay para tanggapin iyon.

"It's nice to finally meet you and serve you, princess."

Natigilan siya sa huling salitang sinambit nito. At sa hindi niya malamang kadahilanan ay bigla na lang pumasok sa isip niya ang lalaking nakita sa kakahuyan noong nakaraang araw. He addressed her as princess too. 

Katulad ng inaasahan niya ay hindi na niya nga ito nakita. Nawala na nga ito sa isipan niya at hindi na naalala hanggang sa narinig niya ang salitang "princess" at kusa na lang itong biglang lumitaw sa isip niya. 

Napatingin siya sa kaharap, ignoring a random thoughts that just crossed her mind.

"You can call me anything except that, I am not a princess, Mr. Alejandro," pormal niyang sabi rito.

Walang-pasubali naman itong tumango. Lihim na bahagya niyang naitaas ang isang kilay. Obedient, huh. 

"I will follow all of your orders without hesitancy miss. I've been waiting this for a long time and now that I am here I pledge to don't dissapoint you and be a good butler," turan nito at muling yumuko sa kanya.

Natigilan siya sa tinuran nito. Napatitig siya rito at naalala ang natanggap na impormasyon tungkol rito. 

Ruzyl Alejandro from the clan of Alejandro, the only heir but now wants to serve her like an abandoned prince trying to survive for his own. Too doubtful. And sorry to burst his bubble, pero sa angkan pa lang nito ay disappointed na siya.

"You're an heir, right? An Alejandro, you came from a conceited clan and now you just want to serve me. Hindi ba madudungisan ang pride at ego ng angkan mo?" She asked in an insulting tone. Sinusubukan niya kung ma-ooffend ito sa sinabi niya.

Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay nagulat siya sa nakikitang determinasyon sa mga mata nito. Tumaas ang isang kilay niya.

"If I'll accept you as my butler it would mean that I own you?" Muling subok niya.

"You already owned me for a long time," he answered.

Nangunot ang noo niya sa tinuran nito. Did she? Madalas niyang marinig ang angkan ng Alejandro pero kahit kailan ay hindi siya nakihalubilo sa mga ito. Paano niya ito naging pagmamay-ari ng matagal kung ngayon niya lang ito nakaharap. And then she remembered the files she were read. She scoffed.

Tinitigan niya ito, sinusubok at sinusuri ang bawat reaksyon at emosyon na mababasa sa mga mata at mukha nito. Habang nanatili itong nakatingin sa kanya, naghihintay ng sasabihin o iuutos niya rito. Bumuntong-huminga siya. She waved her hand dismissively.

"I don't need you yet. Can you leave me alone for now?"

"Yes, just call me if you need anything from me miss Mavis," magalang nitong sabi.

Much better than princess.

Tumango siya at tinalikuran ito para lumapit sa table niya. Narinig niya ang paglalakad na rin nito na sinundan ng pagbukas at pagsara ng pinto. Nang tuluyang maglapat ang pinto pasara ay agad na tumungo siya sa may shelf sa gilid lang ng kinaroroonan ng table. She pull out the book at the center of the shelf and push the button just behind it. Agad na gumalaw ang shelf at kalaunan ay humati sa dalawa, revealing the staircase to the basement of the mansion.

Naglakad siya pababa doon at sa bawat paghakbang niya ay sumisindi ang mga lantern na nakasabit sa dingding na nagbigay liwanag sa dinadaanan niya. Nang tuluyang makababa ay bumungad sa kanya ang maluwag na silid at pinto sa gitna. Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon revealing the long hallway with steel doors at each side. Pinagpatuloy niya ang paglalakad tinahak ang hallway hanggang sa nakarating sa sadyang silid. Napatayo ng tuwid ang mga tauhang nagbabantay ng makita siya.

"May nakuha ba kayo kay Antonio?" Tanong niya sa mga ito.

"Ayaw niyang magsalita señorita," sagot ng isa. "Wala siyang ibang sinasabi bukod sa kailangan niya raw iligtas ang pamilya niya."

Tumaas ang kilay niya. Bumuntong-huminga at napatingin sa pinto. Tinanguan niya ang isang tauhan at mabilis nitong binuksan ang pinto para makapasok siya.

Agad na napabaling sa kanya si Antonio na nakaupo sa pinakasulok ng maliit na silid. Napatayo ito ng makita siya. Mabilis itong lumapit sa kanya. Haharangin sana ito ng dalawang tauhan ngunit sinenyasan niya ang mga itong huminto at lumabas na ikinatigil ng mga ito.

"Iwan niyo muna kami."

Mabilis ang mga itong yumuko sa kanya at sinunod ang utos niya. 

"Opo, señorita."

Sa pagsara ng pinto ay kasabay non ang paglapat ng tuhod ng traidor sa sahig at pagkapit sa mga binti niya. Yumugyog ang balikat nito kasabay ng paghikbi. Nanatili ang malamig niyang ekspresyon ng bumaba ang tingin niya rito.

"Señorita, nagmamakaawa ako. Tulungan mo ako, ang anak at asawa ko hawak nila. Tulungan mo ako. Hindi ko intensyon ang traidurin ka, naipit lang ako ng sitwasyon! Señorita maawa ka!" Humagulgol ito habang mahigpit ang pagkakapit sa kanya.

"Who asked you to kill me, Antonio?" Deretso niyang tanong.

Natigil ito sa pagmamakaawa at nagtaas ng tingin sa kanya. Basang-basa ang mukha nito sa luha. Magulo ang buhok nito at marumi ang damit, nangingitim din ang mga mata nito na kita ang naghalong pagod, takot at pangamba. Sobrang layo nito sa taong nagsilbi sa kanya ng ilang taon. He looks like a mess and lost.

"Señorita—."

"You want me to help you, right?" 

"Señorita, ang asawa at anak ko," sambit nito kasabay ng muling pagpatak ng luha. "Kailangan nilang mailigtas."

"Then stop being hard and tell me everything that you know."

Pumikit ito ng mariin. Sunod-sunod na pumatak ang luha nito. Lumuwag ang kapit nito sa binti niya at nanghihinang bumagsak sa sahig. Nanatili ang malamig niyang tingin rito. She know na hindi ito magmamatigas ng matagal at agad na magsasalita sa kanya. Lalo't na kaligtasan ng pamilya nito ang nakataya. 

Family. This will always be one of the weaknesses of anyone.

"Gustuhin ko man sabihin sa iyo pero wala talaga akong alam. Hindi sila nagpapakita sa akin. Nang dinukot nila ang pamilya ko ay kahit kailan ay hindi ko sila nakita. Kahit ang boses nila ay hindi makikilala dahil ginagamitan nila ng voice changer sa tuwing makikipag-usap sila sa akin," umiiyak nitong paliwanag.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Hilam sa luha ang marumi at pagod nitong mukha. Pagod itong umiling sa kanya at paluhod na lumapit sa kanya para muli siyang kapitan at magmakaawa.

"Wala talaga akong alam. Maniwala ka sa akin señorita. Malaki ang utang na loob ko at ng pamilya ko sayo kahit kailan ay hindi ko inisip na traidurin ka ngunit hindi ko maaaring pabayaan ang asawa't anak ko. Nagipit lang ako ng sitwasyon. Nakikiusap ako, tulungan mo ako, iligtas mo ang pamilya ko."

"Sa tuwing makikipag-usap ka sa kanila ay wala ka bang naririnig na kakaiba o kung anong palatandaan para makapagturo ng lokasyon nila?" She asked.

Mabilis itong umiling pero kalaunan ay natigilan ng mukhang may naalala. Nangunot ang noo niya habang nakatitig rito. 

"M-may natanggap akong sulat noong nakaraan ngunit tatlong salita lang ang nakasulat. Sulat kamay iyon ng asawa ko kaya alam kong galing iyon sa kanya," sabi nito at nagbaba ng tingin. Inaalala ang nakasulat sa natanggap na sulat. Pinahiran nito ang basang pisngi gamit ang likod ng kamay nito.

Nanatili lang siyang nakatingin rito. Naghihintay ng iba pa nitong sasabihin. Kung galing iyon sa asawa nito ibig sabihin may kinalaman iyon sa mga taong gustong magpapatay sa kanya dahil hawak ng mga ito ang asawa ng dating butler niya. Alam niyang iba na ang pagkakilanlan niya ngunit alam niya rin na hindi habang buhay na maitatago niya ang totoong pagkatao sa kanyang bagong pangalan. Lalo't na hindi na man niya nilayo ang bagong pagkakilalan sa totoong pagkatao niya. At kung pagbabasehan ang mga sunod-sunod na pangyayari nitong mga nakaraang buwan posibleng may alam na ang taong pumatay sa mga magulang niya at posible ring ang mga ito ang gustong magpapatay sa kanya ngayon. 

"Académie des héritiers," turan nito. Nag-angat ito ng tingin sa kanya, puno ng kasiguraduhan ang ekspresyon nito. "Iyon ang nakasulat. At sa tingin ko ay don dinala ang mag-ina ko."

Natigilan siya at mas lalong nagsalubong ang kilay ng marinig ang pamilyar na pangalan ng paaralan.

The academy again. Sa tingin niya ay kailangan na nga niyang bisitahin ang eskwelahan na iyon. Bukod sa taong sadya, ang chairman ng academy ay may ilang tanong siya na sa academy niya lang mahahanapan ng sagot. She want to enter the academy as soon as possible.

"MAY pupuntahan pa ba kayo miss Mavis?"

Mula sa pagmamasid sa labas ng bintana ng kotse ay bumaling sa harapan si Mavis. At agad na nasalubong ng tingin niya ang mga mata ng bagong butler niya sa rearview mirror. Nagbawi siya ng tingin. Muling tiningnan ang mga tao at establisyemento na nadadaanan.

"Wala na, dumeretso na tayo sa mansion," sagot niya.

Tumango ito at nagbaba na ng tingin sa daan. Muling binalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Kakagaling lang nila sa hotel na isa sa pagmamay-ari ng angkan niya na mamanahin niya dahil dumalo siya sa pagtitipon ng mga board members at executives para sa panibagong chain ng hotel na itatayo. And as a known Salvatore heiress ay kailangan niyang dumalo. 

Mang Isko who the one that handle her clan's businesses requested her to attend the meeting for her approval of the finished plan. Kaya dumalo siya kahit na mas gugustuhin niyang manatili sa mansion buong araw at doon na lang makinig sa pulong, virtually. At isa pa ay pinaghahandaan niya ang pagpasok niya sa Académie des héritiers.

Papasok na sila sa kakahuyan nang umupo siya ng tuwid at bumaling sa kaniyang bagong butler na tahimik na nagmamaneho sa unahan. It's almost a week mula ng naging butler niya ito and she don't have anything to say. He's good. Not too nosy and curious. Sumusunod ito sa bawat sasabihin niya ng walang salita at kung anong tanong. He acts as a good butler like what he said to her in the very first day she met him. Pinagsisilbihan siya nito sa lahat ng paraan na alam nito. Hindi niya alam na may tagapagmana pala na madaling utusan at magaling manilbihan.

She pursed her lips tightly when she remembered what mang Isko told her nang sandali silang mapag-isa sa opisina nito kanina. It's all about the Alejandros and their heir, her new butler. Hindi niya napigilan ang sarili na magulat pero kahit papano ay nakatulong iyon para maliwanagan siya. 

"You're studying at Académie des héritiers, right?" Basag niya sa katahimikan.

Sinilip siya nito sa pamamagitan ng rearview mirror at don nagtama ang mga mata nilang dalawa. A small smile escaped his lips while she remained her stoic expression before he put his eyes back at the road.

Tumango ito. "I am, miss Mavis."

"I will study there too and I want your knowledge about the school when I get there."

Nakita niya ang bahagya nitong pagkatigil dahil sa bigla. Napatingin pa ito sa kanya pero dahil nagmamaneho ay hindi rin nagtagal ang tingin at agad binalik sa daan. Ilang sandali itong hindi nakasagot. Bahagyang nanliit ang mga mata niya rito.

"Papasok ka don?" He asked na para bang namali ito ng dinig.

She nodded coldly, still staring at him through the rearview mirror.

Naging malikot ang mata nito, tila hindi kumportable at may gustong sabihin ngunit pinipigilan ang sarili.

"Is there something wrong, Mr. Alejandro?"

Umiling ito bilang sagot sa tanong niya. "I'm... just shocked miss. I... just didn't expect that you'll consider to enroll in the academy."

Nataas niya ang isang kilay niya sa tinuran nito. After those misfortune event that happened she quit going to school. She took modular and online classes to continue her study. Yes! She was done at her college degree at the age of eighteen and it was last year pero hindi naman pag-aaral ang sadya niya sa paaralang iyon. At isa pa ang Académie des héritiers are not offering some usual subjects katulad ng mga normal na eskwelahan. The academy was built for the inheritors, to prepare and train them how to hold and manage their responsibilities and to teach them how to act properly as the inheritors of their clans. Any age, graduates or not can be enrolled there as long as he or she is an inheritors that need to learn for it.

"You know the rules and requirements at the academy." Sabi niya na ikinatigil nito. "And you're a degree holder, right?"

Muli itong napatingin sa kanya pero katulad kanina ay agad ding binalik sa daan. Kita niya ang gulat sa mga mata nito sa sinabi niya. 

"I don't let anyone works for me without knowing his or her background, Mr. Alejandro. So, don't be shocked if I know a lot about you especially that you're my personal butler," she said with an unchanged expression.

Muling nagtama ang mga mata nila sa salamin. "I know, miss Mavis. I... just can't help it," sagot nito at nagbaba ng tingin.

Ang kanilang pag-uusap ay nahinto nang marating nila ang mataas na gate ng mansion na agad na bumukas para makapasok sila. Hindi na nasundan ang pag-uusap nila hanggang sa makarating sa harap ng mansion. Nauna itong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. May isang tauhan na lumapit sa kanila at binigay nito ang susi ng kotse rito at sumunod na sa kanya papasok sa mansion. Nakasunod lang ito sa likuran niya pero kapag may pinto ay mabilis itong mauuna para pagbuksan siya.

Sa pagpasok ay agad na sumalubong sa kanila si aling Mara. Nasa likuran nito ang mga kamay nang huminto sa harap nila.

"You're lawyer wants to talked to you, señorita. He's waiting at the study."

Tumango siya rito at agad na tinungo ang naturang silid, sumunod naman sa kanya agad si Ruzyl. Pinagbuksan siya nito ng pinto at sa pagpasok niya ay agad na napatayo ang lawyer na naghihintay.

"Atty. Deocampo."

"Ms. Salvatore, good afternoon," bati nito at mababang yumuko.

Tumango siya at muling nilahad ang sofa rito. Mabilis naman itong umupo muli. Umupo siya sa pang-isahang sofa habang nanatili namang nakatayo sa tabi niya si Ruzyl. Tahimik lang at hindi kikilos kung walang utos niya.

"Kamusta ang pinagawa ko sa iyo?" Panimula niya. Nakatingin ng deretso sa abogadong kaharap.

The lawyer smiled widely. May kinuha ito sa dalang attache case pagkatapos ay nilapag nito sa center table ang papel na kinuha at marahang tinulak palapit sa kanya. Bumaba ang tingin niya don. It was a letter from the Academy.

Tumaas ang isang kilay niya at tumingin sa lawyer na may pagmamalaking nakatingin sa kanya. Waiting for her reaction.

"You are enrolled Ms. Salvatore," he said while grinning widely at her.

She smirked.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status