Share

Already Dead

HABOL ang paghinga na bumalikwas ng bangon si Mavis. Basang-basa ang mukha niya dahil sa naghalong luha at pawis dahil sa muling pagdalaw ng masamang panaginip. Ramdam niya ang malakas na tambol ng puso niya. Pumikit siya ng mariin at nasapo ang naninikip niyang dibdib. Pinapakalma ang sarili.

Today is the death anniversary of her parents. At katulad ng madalas na nangyayari ay dinalaw na naman siya ng masamang alaala na para bang pinapaalala sa kanya ang galit at sakit. Pinapaalala ang pinaghuhugutan niya ng lakas para patuloy na mabuhay at tuparin ang binitawang pangako ng araw na iyon.

Nang imulat niya ang mga mata niya ay ginala niya ang tingin sa kabuuan ng kaniyang silid. Madilim ang buong silid at tanging ang ilaw mula sa bukas na lampshade na nasa magkabilang gilid ng kama niya ang tanging tumatanglaw para makita niya ang kabuuan nito.

Huminga siya ng malalim. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya hanggang bewang. Umusod siya sa gilid ng kaniyang kama para bumaba. Agad na bumagsak sa sahig ang dulo ng puting nightgown niya. Ang mahaba niyang buhok ay halos takpan ang mukha niya kaya mabilis niya iyong hinawi. 

Lumabas siya ng balkonahe sa kwarto niya at agad na sumalubong sa kanya ang malamig na ihip ng hangin. Lumapit siya sa may railings. Kumapit ang kamay niya roon at tumingala sa bilog na buwan na siyang nagbigay liwanag sa madilim na kapaligiran.

It's been five years pero hindi pa rin natatapos ang sinimulan niyang paghihiganti. Hindi siya natatahimik at hindi tumitigil ang pagdalaw ng masamang panaginip sa kanya dahil don. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nasasaksihan ang pagbagsak ng taong umagaw sa pamilya niya. 

Pumikit siya nang mabining inihip ng hangin ang mahaba niyang buhok. The darkness with the glint of light from the full moon calmed her. The blow of the soft wind relaxed her mind and heart and the sereneness of the place make her feel at peace. Pero sa muling pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay muli niyang naramdaman ang mga emosyon na alam niyang kahit kailan ay hindi siya lulubayan hangga't hindi niya nakukuha ang kagustuhan niyang ipaghiganti ang mga magulang.

Ang kaniyang pagmuni-muni ay nabasag ng kaluskos at nakakadudang yabag. Nanatili siyang kalmado sa kabila ng pagiging alerto at mapagmatyag sa paligid gamit lamang ang kaniyang pandinig. Naramdaman niya ang presensya nitong lumalapit sa kanya. At nang umamba ang panganib ay mabilis siyang humarap rito at pinigilan ang mga brasong may hawak na punyal na balak na ibaon sa kaniyang likuran. 

Malamig ang mga mata niya habang nakatingin sa pangahas. Mahigpit ang hawak niya sa pulsuhan nito na sa sobrang higpit ay namimilipit na ito sa sakit. Umalingawngaw ang matinis na pagbagsak ng punyal sa sahig ng mabitawan nito iyon.

"Iniisip mo ba talaga na maiisahan mo ako?" Malamig niyang tanong sa tonong mapangutya. "Kaya kong talunin ang tigre at lobo. Ikaw pa kayang hamak na aso lang," dugtong niya, mas lumalamig ang tingin at bawat bigkas ng salita kasabay ng mas lalong paghigpit ng hawak sa pulsuhan nito.

"Arghhhh...," namimilipit sa sakit nitong d***g. Pero hindi siya don tumigil at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa pulsuhan na halos hindi na maramdaman ang tibok non. "T-tama na. Napag-utusan lang ako, maniwala ka hindi ko intensyong traidurin ka señorita!" Naiiyak nitong sabi. "Pinagbantaan nila ako at hawak nila ang pamilya ko. Maawa ka señorita!"

Mas humigpit ang hawak niya sa pulsuhan nito. Inikot niya ang brasong hinahawakan niya patungong likuran nito, pinilipit at tinulak ang katawan nito sa railings gamit ang mga paa niya na ikinasigaw nito sa sakit. Mas tinulak niya pa ito hanggang sa hindi na tumatapak sa sahig ang mga paa nito at halos mahulog na kung hindi lang sa paa niyang dumidiin rito sa railings at sa kamay niyang nakapilipit sa braso nito.

"Señorita, maawa ka. Pakiusap!"

"Pinagtangkaan mo akong patayin," mariin ang pagkakasambit niya na para bang sa isang pangungusap na iyon ay naintindihan nito ang hatol niya. Mas diniinan pa niya ito sa railings.

"Hindi ko intensyong traidurin ka señorita—."

"Señorita!" The voiced of a woman cut the traitor's words.

Ramdam niya ang mabilis na yabag nito palapit pero nanatili siyang malamig na nakatingin sa traidor na panay ang sigaw kapag lumuluwag ang paa niyang nakadiin rito at pumipigil sa pagkahulog nito.

"Antonio!" The woman exclaimed in horror ng makilala ang lalaking traidor. "Señorita—."

Binaba niya ang nakadiin niyang paa sa kay Antonio. Napasigaw ito pero bago pa ito mahulog ay hinila niya ito at tinulak palayo sa railings ng balkonahe na ikinasubsob nito sa sahig. Bumaling siya sa dalawang lalaking tauhan na kasama ng babae sa pagpasok sa silid niya. Mukhang narinig ng mga ito ang ingay kaya mabilis na lumapit at pumasok sa silid niya.

"Dalhin niyo siya sa Dungeon," utos niya na mabilis na sinunod ng mga ito. 

"Señorita, kailangan kong mailigtas ang mag-ina ko. Maawa ka!" Paulit-ulit na sambit ni Antonio hanggang sa nalunod na ang boses nito sa pagsara ng pinto.

"Señorita...," marahang tawag sa kanya ng babae na ikinabaling niya rito. Malambot ang ekspresyon nito at alam niya kung ano ang dahilan non.

"Wag mo po akong tingnan ng ganyan aling Mara. Matagal ko na pong alam ang palihim niyang pagmamanman rito sa mansion."

"Matagal na siyang katiwala sa mansion—."

"Hindi po nasusukat sa tagal ng paglilingkod ang katapatan ng isang tauhan at tagasilbi, aling Mara," putol niya sa sasabihin nito.

Bago pa ito makapagsalita muli ay tumalikod na siya. Sa akmang pagpasok muli sa silid ay napahinto siya at lumingon rito.

"I need a new butler and I need it as soon as possible. Iaasa ko po sa inyo ito. Ayoko na muling matraidor," bilin niya bago nagpatuloy sa pagpasok.

Nagpalit siya ng damit bago bumaba sa mansion sa malalaking yabag. Nakasuot siya ng itim na racer back, tinuck-in niya iyon sa fitted jeans niya at pinaresan niya ng botas na hanggang baba ng tuhod ang taas. Nakasukbit sa likuran niya ang lalagyan ng palaso habang hawak-hawak niya naman sa isang kamay ang pana niya. Nagsisimula na namang mapuno ng mga negatibong isipan ang isip niya at kailangan niyang i-distract ang sarili kahit sa sandaling oras lang.

Nang lumabas siya sa mansion ay nakahanda na ang puting kabayo niya na hawak-hawak ng isang tauhan. 

"Señorita...," bati nito.

Sinuot niya sa balikat niya ang pana na hawak at mabilis siyang sumakay sa kabayo. Gumalaw pa ito pero kalaunan ay kumalma rin. Hawak ang tali ay bumaling siya sa tauhan.

"Tell aling Mara that I'll come back after sunrise," bilin niya.

"Opo señorita."

Tumango siya, hinila niya ang tali ng kabayo at pinalo ito gamit ang paa para tumakbo. Nang makarating sa mataas na tarangkahan ng mansion ay nakabukas na iyon. Bumati sa kanya ang dalawang guard na tinanguan niya lang. Deretso ang takbo ng kabayo patungo sa kakahuyan, hindi alintana na madilim pa at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag.

Sa ilalim ng liwanag na buwan ay umiihip ang malamig na hangin na siyang lumilipad sa buhok niya. Sa gitna ng kakahuyan ay tila isa siyang naliligaw na diwata. Nanunuot sa balat niya ang lamig ng ihip ng hangin pero hindi niya iyon alintana.

"Hiyaaa!" Hiyaw niya at mas binilisan pa ang pagpatakbo sa puting kabayo. 

Matalas ang kaniyang pandinig at masyado siyang mapagmatyag sa paligid niya kaya kahit sa kabila ng ingay ng yabag ng kabayo ay dinig niya pa rin ang mabilis na kilos ng target niya. Sa kaparehong bilis ng takbo ng kabayo ay kinuha niya ang pana niya at humugot ng palaso. Inayos niya iyon at agad na inasinta ang target gamit lamang ang kaniyang matalas na pandinig dahil hindi sapat ang liwanag ng buwan para makita niya ito.

Pumikit siya, tumatakbo pa rin ang kabayo. Gumalaw ang mga kamay niyang umaasinta sa palaso sinusundan ang kilos na naririnig at nang masiguro ay mabilis niya iyong binitawan na sinundan ng d***g ng hayop na tinamaan. Dumilat siya at napangiti.

Hinila niya ang tali ng kabayo. Umangat ang mga paa nito sa harapan at humiyaw na bahagya niyang ikinaliyad. Kumalma ito at tuluyang huminto. Tumalon siya pababa at agad na nilapitan ang tinamaang hayop. Tumaas ang kilay niya sa kunehong wala ng buhay. Kinuha niya ito gamit ang palasong nakabaon sa katawan nito. Pabalik na siya sa kanyang kabayo nang may bigla na lang nagsalita.

"What a nice hit," a hoarse voice of a man halted her steps.

Nahinto siya sa paghakbang at marahas na nilingon ang pinanggalingan ng boses. Hindi niya ito makita sa paligid at wala namang kahit anong bakas ng tao sa likod ng mga puno. Iginala niya ang tingin sa bawat sulok ng gubat na abot ng mga mata niya. Nangunot ang noo niya.

"I'm impress."

Sa muling pagsalita nito ay nasundan na niya ang boses nito at napatingala siya sa itaas ng puno at mula sa kinatayuan niya ay tanaw niya ang isang lalaking kampanteng nakaupo sa isang sanga at nakasandal sa katawan ng puno. 

Hindi ito bumaling sa kanya pero alam niyang alam nito na nakatingin siya. Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan ay napag-aralan niya ang side profile nito. May kahabaan ang buhok nito na nakabrush-up pero kahit ganun ay may ilang hibla pa rin na bumabagsak sa noo nito. Malayang iniihip ng hangin ang buhok nito. Matangos ang ilong ng lalaki na mas lalong nadepina dahil nakatagilid ito sa kanya. He has that ruthless and rough look that can make anyone's knees trembled... except her... maybe. He's good looking but too mysterious. Malakas ang pakiramdam niya pero hindi niya man lang naramdaman ang presensiya nito.

Paano ito nakapasok rito? Ang kakahuyang ito ay bahagi pa ng lupain na pag-aari ng angkan niya. Hindi maaaring maglalabas pasok ang kung sino lang tao rito na wala ang pahintulot niya. Who is he? Is he a spy?

Nanatili siyang nakatingala rito. Medyo lumakas ang ihip ng hangin na ikinalipad ng buhok niya at halos takpan ang mukha niya. Sumayaw ang mga sanga ng puno pero hindi man lang natinag ang lalaki. 

"Who are you?" She asked him.

She saw how the side of his lips rose up bumaba ang tingin nito sa kanya mula sa pagkatingala sa kalangitan. Agad na sumalubong sa kanya ang mga mata nitong kasing dilim ng gabi ang kulay. Nanatili ang blanko niyang ekspresyon habang nakatitig rito. Pumihit ito paharap at walang kahirap-hirap na tumalon pababa ng puno. 

"I'm a stranger that was lost in the woods," sabi nito, masyadong mapaglaro ang tono.

Nanliit ang mga mata niya. Binitawan niya ang huling kuneho. Humugot siya ng palaso at nilagay iyon sa pana niya at inumang rito ngunit wala man lang nagbago sa ekspresyon nito. Nanatiling kalmado at tinaasan pa siya ng kilay.

"I can't be your target, princess."

"Who are you?" Ulit niya sa tanong.

"I told you I'm a stranger—."

"Your name?"

Natigilan ito at nag-angat ng tingin sa mga mata niya. 

"Are you interested on me?" He asked, amused.

Nagsalubong ang kilay niya. Naiirita at nauubos ang pasensya sa kaharap pero kinubli iyon at pinatili ang blankong ekspresyon.

"Just answer my question."

"I can't princess," sagot nito.

Muling nagsalubong ang kilay niya. Unti-unti nang nabahiran ng emosyon ang mukha dahil sa unti-unti nang pagkaubos ng pasensya. At bakit ba siya nitong tinatawag na prinsesa? She may be an heiress of an empire of a multi-billionaire clan but not a princess. Sobrang layo niya sa pagiging prinsesa.

Binitawan niya ang palaso agad na bumulusok ito sa direksyon ng lalaki. Dumaan ito sa mismong gilid ng pisngi nito pero hindi naman ito natamaan. Bumaon ang palaso sa puno sa likuran nito. He didn't even flinched with the arrow nearly hit him. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Kalmado at nakamasid.

"What are you doing here still at dawn? This is a private property," sabi niya na para bang hindi siya nagbitaw ng palaso na mutikan nang tumama rito. Binaba niya ang pana niya at tinitigan ito. Lantarang sinusuri sa nagdududang tingin.

"I told you I'm lost," casual lang nitong sabi, hindi man lang nakitaan ng intimidasyon at kaba.

"Saan ka galing?" Muling tanong niya.

"Sa ibabaw ng puno."

Hindi man lang ba ito sa sasagot ng maayos sa kanya. Is he trying to make her lost her poise and patience?

"I am asking you seriously," malamig niyang sabi. Masama ang tingin niya rito.

"And I answered you seriously, princess."

Pumikit siya ng mariin. Nag-iipon ng pasensya. She can easily kill him for trespassing her property but she may be worst but not a monster to kill a stranger that didn't even involved in her vengeful scheme. Huminga siya ng malalim at dinilat ang mga mata. Agad na sumalubong sa kanya ang mga mata nitong hindi man lang lumubay sa kanya.

"Sumunod ka sa akin. Ihahatid kita palabas rito," sabi niya sa halip na muling magbitaw ng tanong.

Natigilan ito. Ngayon ay namataan ang gulat sa madilim nitong mga mata. Nagsalubong ang mga kilay nito. Bumukas ang mga labi nito pero bago pa ito makapagbitaw ng salita ay tinalikuran na niya ito. Ang kunehong nahuli na balak niyang dalhin kanina ay tuluyan na lang iniwan at binalewala.

Ramdam niya ang pagsunod nito sa kanya. Lumapit siya sa kabayo niyang nangangain ng damo. Kinuha niya ang tali nito at nilingon ang lalaking nakatingin na naman sa kanya.

"What are you staring at?" Malamig niyang tanong.

"You'll let me go and won't kill me?"

"Do you want me to kill you?" She asked him back, didn't even winced.

Akala niya ay makikitaan na niya ito ng pangamba dahil sa vulgar niyang sabi pero sa halip ay umangat ang gilid ng mga labi nito. He smirked with amazement and amusement. Tumaas ang kilay niya. Nagtataka sa naging reaksyon nito. Hinintay niya itong magsalita at nang walang narinig na kahit na ano ay tumalikod na siya para maigiya ito sa daan palabas ng kakahuyan.

Tahimik na naglalakad sila. Hila niya ang puting kabayo niya habang nakasunod ito sa kanya. She don't want to talk to him, anyway. She don't want to ask anything about him and just choose to believe that he was just lost in her property. 

"Madalas ka bang mangaso tuwing madaling araw?" Basag nito sa katahimikan. Makalipas ang ilang sandali.

Unti-unti ng nawawala ang iilang mga bituin at kumakalat na rin ang liwanag tanda na mag-uumaga na.

"Hindi," tipid niyang sagot. Bumagal ang paghakbang niya at lumingon siya rito. "Paano ka nakarating rito?"

Naglakad ito palapit para masabayan siya. "I...just lost," tanging sagot nito refusing to explain further.

Tumango na lang siya at hinayaan na lang ito. Hindi na namilit pang magtanong. She's hoping that this will be the last that she will see him wondering around in her property. Dahil sa susunod na makikita niya pa itong pakalat-kalat sa mga lugar na pag-aari niya ay hindi na niya ito hahayaang makawala ng hindi pinipiga. 

Hindi na nasundan ang maikling pag-uusap na iyon hanggang sa tuluyan ng kumalat ang liwanag at natanaw na ang labasan. 

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ito. Bumaling ito sa kanya. Nag-angat siya ng tingin rito.

"Hanggang dito na lang kita maihahatid," tinuro niya ang labasan. "Sundan mo lang ito at sa paglabas mo ay agad na bubungad sa iyo ang kalsada."

Napatingin ito sa itinuro niya. Ilang sandali itong nakatingin lang doon bago tumango at muling bumaling sa kanya.

"Salamat."

Walang-salita siyang tumango. Ilang sandali silang nagkatitigan bago siya nag-iwas ng tingin. Bumaling siya sa kabayo niya. Walang kahirap-hirap na sumakay siya ron. Iginiya niya ang kabayo sa daan papasok muli sa kakahuyan. Sandali niyang nilingon ang lalaki na tahimik lang na nakamasid sa kanya. Huminga siya ng malalim at ibinalik sa harap ang tingin. Pinalo niya ang kabayo na mabilis nitong ikinatakbo. Hindi na siya muling lumingon pa. 

Hindi niya na naituloy ang pangangaso at dumeretso na lang pabalik ng mansion. Malapit na siya sa gate ng unti-unti iyong bumukas. Tuloy ang pagtakbo ng kabayo papasok. Bumagal lang ng nasa harap na ng mansion hanggang sa tuluyan ng tumigil. Agad na dumating ang tauhan na tagapangalaga ng mga kabayo. Bumaba siya at binigay rito ang tali at pumasok na sa loob ng mansion.

Agad na sumalubong sa kanya si aling Mara na sa ekspresyon pa lang ay alam na niyang may mahalagang sasabihin. 

"Sa study po tayo mag-usap," sabi niya habang tuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa naturang silid. Agad naman na sumunod ito sa kanya.

Pagkapasok niya ay agad na dumeretso siya sa table niya at umupo sa swivel chair. Habang medyo nahuli naman si aling Mara na isinara pa ang double doors ng study. 

Lumapit ito sa kanya at huminto sa harap ng mesa. 

"What is it, aling Mara?"

"May taong lumapit rito para maging butler mo señorita?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Kusa pong lumapit?" Tanong niya.

Tumango si aling Mara na mas lalong ikinasalubong ng kilay niya. Lahat nang naging butler niya ay hindi nagkukusa, mga tao silang may malaking utang na loob sa angkan niya na gustong bayaran sa pamamagitan ng paninilbihan sa kanya. Nilalapitan ang mga ito at inaalok, hindi naman pinipilit kung ayaw pero kahit kailan at walang sinuman ang kumusang lumapit para magsilbi sa kanya.  

"From what clan?" Tanong niya.

"Alejandro, señorita," sagot nito.

Natigilan siya. Agad na nakilala ang angkan na tinutukoy. Wala siyang maalala na nagkaroon siya ng kaugnayan sa mga Alejandro ganun din ang mga magulang niya kaya wala siyang maisip na dahilan para magkusa ang isa sa mga ito na magsilbi sa kanya. Bukod na lang kung isa ang mga ito sa may lihim na galit sa mga Servillon at balak siyang linlangin sa pamamagitan ng pagpapanggap na kakampi. But she's not sure dahil madalas ang pananatili niya sa isla at hindi niya alam ang lahat ng pinanggagawa ng mga magulang niya ng nabubuhay pa ang mga ito. Pero maaari niyang papasukin ang mga Alejandro sa teritoryo niya, may pagagamitan din naman siya sa mga ito. Bumuntong-huminga siya at bumaling sa ginang.

"Hire him," walang pasubali niyang sabi.

"Señorita?" Tanong nito, naninigurado kung tama ang dinig sa kanya. Kita ang gulat at pagtataka sa mukha nito sa mabilis niyang naging desisyon.

"The Alejandros are one of the boards in the academy, aling Mara," sagot niya. Ipinaliwanag ang desisyon sa isang pangungusap lang iyon.

Natigilan ang ginang. Ilang sandaling natahimik bago dahan-dahang tumango. She smiled at her.

 Sa tingin niya ay hindi na siya maghihintay pa ng matagal para simulan ang plano niya. Fate favors her, balak niyang puwersahin ang pagpasok sa academy at di na kakailanganin pa ang susi pero kusang lumapit ang susi sa kanya. Maybe, it's not bad to start her vengeance, calmly and quietly. Hindi naman mahirap gawing iyon, wala namang nakakilala sa totoong siya.

Kunsabagay ay matagal ng patay ang kilalang Mavis Ariestiel Servillon. The prim and proper, sweet and kind Ariestiel is already gone along with her parents. Everyone expected that there's no Servillon left and all of them is already dead. And it will remain that way until she'll finish her vengeance.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status