Share

My Queen

Wala nang nagawa si Mavis at tahimik na lang na nakinig sa kay Jana na hindi na siya binitawan. Dinala siya nito sa iba't ibang room ng building ng kinaroroonan nila habang pinapaliwanag nito kung ano iyon at kung saan ginagamit. Ang daldal nito at sobrang arte pero naaaliw naman siya sa mga pinagsasabi nito habang nililibot siya nito sa academy kaya hinayaan na lang niya. Hindi naman siya makaalis dahil nakakapit ito sa kanya at hindi talaga siya binibitawan.

"And of course, we also have a theater and arts and music class. Do you know how to play any musical instruments?" Baling nito sa kanya matapos ipakita sa kanya ang music room na naglalaman ng iba't ibang instrumento.

Tumango siya. Umaliwalas ang mukha nito at mas dumikit pa sa kanya. Hinawi na naman nito ang buhok nito. May color pink na hair clip ito sa buhok nito na maliit na sombrero ang desinyo na pumipigil sa buhok nito pero dahil sa mahaba ang buhok nito ay napupunta sa harap na madalas nitong hawiin palikod.

"Really, w
misschamzz

Sorry, nagkamali ako ng chapter na naupdate noong isang araw. But I'm back in track now. Enjoy reading!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status