Share

The Vengeance of the Heiress
The Vengeance of the Heiress
Author: misschamzz

Simula

HANGGANG saan ba ang kaya mong gawin para sa mga taong mahal mo? Hanggang saan ba ang kaya mong ipaglaban para ipagpatuloy ang buhay mo? Hanggang saan ka ba dadalhin ng galit at paghihiganti? Hanggang saan aabot ang luha mong walang tigil sa pagpatak dahil sa labis na galit at sakit? Hanggang saan ba?

Kung yan ang tanong na ibabato mo sa isang labing-apat na taong gulang na babae na napupuno ng galit ay isang salita lang ang sagot nito. WALA. Walang hangganan ang lahat para sa kanya. Kaya niyang gawin ang lahat para sa mga taong mahalaga at mahal niya. Kaya niyang manlinlang, magsinungaling at... pumatay para sa kanila. At lahat nang yon ay walang hangganan... hangga't makuha niya ang pinakaasam niya.

Nanginginig ang mga kamay niya. Sa bawat paghakbang niya ay ramdam niya ang panghihina ng mga tuhod niya. Hindi ito ang gusto niyang maabutan. She's expecting her mother lovely smile and a happy laughter of her father. Not this....

Ang mansiong napupuno ng ngiti at tawa noon ay nababalot ngayon ng nakakakilabot na katahimikan. Sa kabila ng mga mamahaling gamit na bumabalot at pumupuno sa mansion ay ramdam na ramdam pa rin ang pagdadalamhati at paninibugho. Parang biglang nawalan ng buhay ang malawak na lugar.

Ramdam niya ang lamig ng sahig sa bawat paglapat ng walang sapin niyang mga paa. Ang kulay puting bestidang lagpas sa tuhod ang haba ay halos kakulay na ng lupa dahil sa mga putik. Ang buhok niya na maayos na nakatirintas ay magulo na at natatakpan na ng ilang hibla ng buhok niya ang kanyang mukhang hilam na sa luha. Nanginginig siya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Hindi ito... hindi ito ang gusto niyang mabungaran. Na saan na ang mga tao rito? Ang mga katulong nila? Si aling Mara at si mang Isko? Si nanay Concia? Ang mga guards? Nasaan na sila? 

"Mama! Papa!" Tawag niya sa malakas na boses sa kabila ng kaniyang nanginginig na boses.

Inilinga niya sa buong lugar ang kaniyang mga mata. Sa kabila ng masamang pakiramdam sa katahimikan ng lugar ay pilit niyang iniisip na baka nagtatago lang ang lahat at may hinahanda ang mga itong surpresa para sa kanya katulad ng dati. Na kaya siya pinadala ng mga magulang sa islang iyon dahil may hinahanda silang surpresa para sa kaarawan niya ngayon. Nagbubulag-bulagan siya sa nakikita at nagpapanggap na manhid sa nararamdaman niya. 

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Sinuyod niya ang buong first floor ng bahay. Hanggang sa nakarating siya sa ikalawang palapag. Binubuksan ang bawat silid at sinisilip habang tinatawag ang mga taong naiwan niya rito sa mansion. Bawat hakbang, bawat paghinga at bawat pagsuyod ng mga tingin niya ay ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. 

"Mama!" Muling pagtawag niya habang umaakyat patungo sa ikatlong palapag. "Papa! Narito na po ako—"

"Señorita...."

Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng mahinang boses na tumatawag sa pangalan niya. She surveyed the wide corridor that only the dim glint from the lamp hanging beside the wall served as the light. 

"Señorita! Señorita!" Muling tawag sa kanya na may kalakasan ng boses sa pabulong na paraan.

Napabaling siya sa isang silid na bahagyang nakaawang ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang bahagyang pagsilip ron ng isang pamilyar na mukhang pinagkakatiwalaan niya. Tila may pinagtataguan ito sa uri ng mapanuri at takot nitong mga mata sa paligid.

"Nanay Con—." Bago niya pa matapos ang bulalas niya ay may kamay ng tumakip sa bibig niya na siyang ikinaestatwa niya.

Mabilis siya nitong hinila papasok sa silid na kinaroroonan ng matanda. Nang magsara ang pinto ay don lang siya nito binitawan. Marahas na nilingon niya ang nanghila sa kanya at napasinghap siya nang makilala ito. Ito ang kanilang driver na si mang Isko. Nang sinuyod niya ang silid ay nakita niya pa ang isa nilang katiwala na si aling Mara. Pareho ang ekspresyon ng mga ito. Tensyonado at nag-aalala.

"A-ano pong nangyari? Bakit ang tahimik at n-nasaan po si mama't papa?" Naluluha niyang tanong.

Mabilis na lumapit ang matandang katiwala sa kanya. Marahan siya nitong hinawakan sa balikat at deretsong tiningnan sa mga mata. Nang makita niya ang nag-aalala at takot nitong mga mata ay sumabog na ang luha niya.

"Si mama't papa po nay?" Nanginginig niyang tanong.

"Makinig ka señorita.... Kailangan mong umalis rito. Bumalik ka sa isla. Huwag kang aalis don hangga't maaari..."

"A-ano pong nangyayari? Si mama at papa po?"

"Iha, makinig ka sakin. Tatawag kami sayo... tatawag ang mama't papa pagkarating mo sa isla. Umalis ka na ngayon din. Sumama ka sa kay Isko at Mara. Ilalabas ka nila rito sa mansion. Makinig ka sa bawat sasabihin nila. Wag kang magtanong. Makinig at sumunod ka na lang, okay?" Tensyonado at takot ang boses nito na pilit nitong pinapakalma.

Tiningnan nito ang mag-asawa at nakakaintinding tumango ang mga ito habang hindi naman siya makagalaw at naguguluhan at kinakabahan pa rin sa nangyayaring hindi niya alam.

"Segi na, umalis na kayo bago pa tayo mahuli," utos ng matanda sa mag-asawa.

"Nanay!" Protesta niya pero inakay na siya ng dalawa patungo sa maliit na pinto kung saan ay may tunnel palabas ng mansion. Unang bumaba don si aling Mara. Lumilingon siya sa matandang kinalakihan na niya at tinuturing niya nang lola niya. Malungkot na nakatingin ito sa kanila pero ng makita ang paglingon niya ay ngumiti ito sa kanya. A smile that full of assurance na hindi niya alam kung para saan. 

"Nanay Concia...." Tawag niya.

"Pumasok ka na señorita. Kailangang makalabas tayo ng mabilis rito sa mansion," mahinang sabi ni mang Isko at marahan siya tinulak papasok sa pinto.

Hindi niya maalis ang tingin sa matanda habang patuloy sa pagpatak ang luha niya. Tumango ang matanda sa kanya. Sinasabihan siyang umalis na. Ngunit bago pa siya makapasok sa maliit na pinto ay narinig nila ang pagpihit ng seradura na sabay nilang ikinalingon sa pinto ng silid. Nanlaki ang mga mata ng matanda at lumingon sa kanila. Natataranta ito at kinakabahan.

"Isko, itakas mo na ang señorita!" Malakas na sigaw ng matanda.

"Nanay Concia!" Sigaw niya ng buhatin na siya ni mang Isko at sabay silang pumasok sa maliit na pinto at bumaba sa may tunnel.

TULUYAN nang bumakas ang pinto at agad na bumungad sa matanda ang nguso ng baril. Sa kabila ng takot na nararamdaman niya hindi para sa buhay niya kundi para sa pamilyang pinagsisilbihan niya ay pilit niyang pinatatag ang kalooban. Sa kabila ng panghihina ng mga tuhod niya dahil sa kaba para sa tagapagmana ng Servillon ay pilit niyang pinapakita ang tapang sa malaking lalaki sa harap niya habang nasa kanya nakaumang ang nguso ng baril na hawak nito.

Malamig ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Walang buhay ang mga mata na sumasalamin lang sa kasakiman at kasamaan nito. 

"Nasaan ang batang Servillon?!" Malamig nitong tanong.

Hindi siya sumagot bagkus ay blanko ang ekspresyon na sinalubong niya ang tingin nito. 

"Hindi kayo magtatagumpay! Kahit anong gawin niyong pagpapatumba sa angkang ito ay hinding-hindi niyo sila maiilibing. Siguro nga ay malulumpo niyo pero dadating ang araw na babangon ito ulit at babalikan kayo at uubusin." Sa halip ay mariing sabi niya.

Hindi man lang natinag ang lalaki. Nanatili ang malamig na tingin nito na tila hindi narinig ang sinabi niya. Sa halip ay nagsalita ito habang hindi binabawi ang malamig na tingin sa matanda.

"Hanapin niyo ang tagapagmana. Hindi pa ang mga yon nakakalayo. Hangga't maaari ay wag niyong galusan o saktan. May pakinabang pa yon sa atin." Utos nito sa tauhan na mabilis na nagsialisan para sundin ang utos.

"Mga demonyo kayo! Bakit hindi niyo na lang kunin ang kailangan niyo at hayaan niyo na ang bata—."

"Kung ganun ang tagapagmana ang kailangan namin kaya hindi kami pwedeng tumigil lang rito." Walang pake nitong sabi at sinenyasan ang mga natirang tauhan na kunin ang matandang babae.

Pilit na man siyang nagpupumiglas sa kabila ng kaalaman na hindi sapat ang lakas niya para takasan ang mga malalaking lalaki na hawak siya. Nanlilisik ang tingin niya sa lalaki. Ngunit ngumiti lang ito ng walang emosyon na nakakakilabot sa tingin na kahit na sino.

"Dalhin niyo siya sa boss." Utos nito.

"Bitawan niyo ako mga hayop! Mga demonyo kayo! Hindi niyo mapapatumba ang mga Servillon! Hindi!"

Pilit siyang nagpupumiglas sa dalawang lalaking may hawak sa kanya na hindi man lang lumuwag ang hawak sa kanya habang kinakaladkad siya sa gitna ng corridor. Nakasunod lang ang lalaki sa kanila na hindi man lang nagbago ang lamig at blankong ekspresyon nito.

Nang makarating sa likurang bahagi ng mansion ay nanlaki ang mga mata niya ng makita ang sitwasyon ng mag-asawang Servillon na pinagsisilbihan niya.

"Nanay Concia!" Bulalas ng ginang ng makita ang matandang babae na nagsilbi sa pamilyang Servillon bago pa siya maging bahagi nito at mapanganak ang asawa niya.

Akmang tatayo ito para lumapit ng pigilan ito ng mga lalaki sa pamamagitan ng pagdiin ng hawak na katana sa leeg nito. Walang nagawa ang ginang kundi ang bumalik sa pagkaluhod at hinayaan ang luhang lumandas sa pisngi niya. Napatingin siya sa asawa ng humigpit ang pagkahawak nito sa kamay niya. Nanlambot ang ekspresyon nito ng magtama ang mga mata nila sa kabila ng galit na nararamdaman nito sa mga taong bumibihag sa kanila. He gave her an assuring smile that make her cry more.

"Hush... Everything will be alright. Stop crying...." Mahinang pag-aalu nito sa kanya.

Tumango siya. Hindi na makapagsalita sa pagpipigil ng hikbi.

"Our daughter Maverick. Natatakot ako para sa kanya." Mahinang hikbi niya. 

Umiling ito at yumuko para halikan ang noo niya. Hindi man lang nito alintana ang mga katanang nakaumang sa leeg nito. "We raised a brave and tough daughter, Ariena. I trust her.... Stop crying. Maayos din lahat."

Napahinto ito sa pag-aalo sa asawa ng makarinig sila ng malakas pero mabagal na palakpak na sinundan ng demonyong tawa. Napalingon silang lahat sa nagmamay-ari nito. Sa may dulo ng hardin sa may pintuan ay nakatayo ang isang lalaki na nasa mga apatnapu ang edad. Malawak ang ngisi nito habang tila naaaliw sa nakikita.

Tumigas at lumamig ang ekspresyon ng lalaking Servillon habang nanlaki naman ang mga mata ng asawa nito. 

"What a scene! Parang sa soap opera lang!" Ngising-demonyo na sabi nito at tumawa pa na tilang isang uhaw na demonyo. Uhaw sa kapangyarihan at kayamanan. "Konting-konti na lang ay madadala na ako sa drama niyo Servillon." Dugtong pa nito.

Naglakad ito palapit sa kanila. Malawak ang ngisi nito. Tuwang-tuwa sa nakikitang sitwasyon ng mga bihag.

"But sad to say na mukhang nagkamali ka sa pagsasabi mong pinalaki mong malakas at matapang ang anak mo." 

Huminto ito sa harap nila at bago pa siya makasagot sa tinuran nito ay may sinenyasan ito. Maya-maya ay may lumabas na mga lalaking may akay-akay na tatlong tao at isa na ron ang anak nila na agad na umiyak ng makita sila.

"Papa! Mama!" Sigaw nito at nagpupumiglas para makalapit sa kanila ngunit hindi ito makawala.

"Anak!—"

"Señorita!"

Sigaw nilang mag-asawa at nang katiwalang si Concia. Nagpupumiglas sila ngunit hindi sila makawala. Lumakas na ang iyak ng asawa niya habang nagpupumiglas.

"Anak!" Sigaw nito.

"Mama!"

Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ang demonyong kaharap niya na nakangisi lang. Tuwang-tuwa sa nangyayari.

"Walang hiya ka! Lubayan mo ang anak ko!" Galit na sigaw niya na ikinalakas na tawa ng demonyo.

"Shit! Ang sarap sa pakiramdam na nakikita kitang nakaluhod ngayon sa harapan ko, Servillon. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong makita kang niluluhuran ako at mas mababa sakin."

Umigting ang mga bagang niya sa narinig. Sa galit niya ay walang pakundangang hinila niya ang isang katana na nakatutok sa kanila at sinuntok sa sikmura ang may hawak nito. Sinipa niya pa ang iba at ginilitan sa leeg ang iba pang sumubok na pumigil sa kanya ngunit napahinto siya sa pag-alingawngaw ng malakas na putok ng baril.

"Nanay Concia!" Rinig niyang na sigaw ng asawa at anak na ikinalingon niya sa kinaroroonan ng matanda na ngayon ay nakahandusay na sa lupa ang walang buhay na katawan habang may tama ng baril sa noo. 

Humigpit ang hawak niya sa hawak na katana. Pinipigilan ang galit.

"Manlaban ka pa Maverick at ang bungo naman ng asawa mo ang pasasabugin ko." Banta nito.

"Hayop ka Harold!" Gigil sa galit niyang sigaw pero ngumisi lang ang huli.

"Wala ka ng magagawa Servillon kaya wag mo nang subukan pang manlaban. Hindi din naman kayo makakatakas sa akin ngayon. Mauubos lang kayo—."

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng walang salita niyang ibinato ang hawak na katana rito at bumaon ito sa dibdib nito na ikinasuka nito ng dugo. Malamig ang tingin niya rito, may plano din naman itong uubusin sila kaya walang silbi ang pananahimik niya.

Naestatwa ang lahat sa ginawa niya. Napatulala ang mga ito sa kay Harold na sapo ang katanang nakabaon sa dibdib habang nabubuwal na sa pagkatayo.

"Walang sino man ang makakapagpapabagsak sa isang Servillon! Mapapaluhod niyo man kami, sa pagganti namin ay hahalik kayo sa lupa." Malamig niyang sabi habang nakatingin sa katawan nitong nag-aagaw buhay na.

Sa kabila ng pagkaestatwa ng lahat sa gulat ay isang putok ng baril ang umalingawngaw na ikinalaki ng mga mata niya kasabay ng pagbagsak ng katawan ng asawa. 

"Ariena!"

"MAMA!" Malakas na pag-iyak ng dalagita habang nagpupumiglas sa may hawak sa kanya.

Pilit niyang kinakalmot ang may hawak sa kanya. Halos napuno na niya ng sugat ang braso nito pero mahigpit pa rin itong nakahawak sa kanya. Si aling Mara at mang Isko ay tahimik na na umiiyak habang nakatingin sa lalaking Servillon na yakap-yakap na ang asawa. 

"Mama!" Pagpupulahaw niya sa iyak habang nakatingin sa inang hawak ng ama niya. "Mama...."

"Papa!" Sigaw niya ng sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa bakuran ng kanilang mansion kasabay ng pagbaon ng mga bala sa katawan ng ama niyang nakayakap sa ina niya. "Papa! Mama!" Sigaw niya at mas lalong nagpupumiglas. 

Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa luha. Mas lalong naging agresibo ang mga galaw niya para lang makawala at makalapit sa mga minamahal niyang mga magulang. Nang lumuwag ang hawak sa kanya ng lalaking nakabantay sa kanya ay kinagat niya ang braso nito.

"P*tangina!" Mura nito at nabitawan siya. 

Tumakbo siya patungo sa mga magulang niyang kapwa ng walang buhay habang hilam sa luha ang mga mata. Humihikbi siya at di inalintana ang kulog at kidlat na siyang kinatatakutan niya at ang pamumuo ng makapal na ulap. Ngunit sa paghakbang niya sa natirang distansya patungo sa mga magulang ay isang putok ang umalingawngaw kasabay ng bahagyang pagliyad ng katawan niya dahil sa pagtama ng bala sa kaniyang likura

"Señorita!" Malakas na sigaw ng mag-asawang katiwala.

Nahinto siya sa pagtakbo... Dumuduyan ang katawang halos wala ng lakas. Ramdam niya ang kirot at init ng pagbaon ng bala sa likuran niya. Gamit ang natitirang lakas ay dahan-dahan niyang nilingon ang taong umubos sa pamilya niya. 

Ang mga kulay berdeng mga mata nito, at ang bawat sulok at parte ng mukha nito ay itinatak niya sa utak niya. Sa pagkaubos ng kaniyang lakas at sa pagbagsak niya sa may paanan ng mga magulang niya ay isang pangako ang binitawan niyang hindi niya kailan man tatalikuran.

'Babalik ako. Babalikan ko kayo....'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status