Share

Chapter : Five

Hindi pa rin ako mapalagay dahil sa nakita ko. Isang kakaibang kakayahan ang nadiskobre ko, pero hindi pa ako sigurado kung tunay bang kaluluwang itim ang nakita kong sumusunod kay Agnes o baka isang guni guni ng mapaglaro kong palaisipan. 

I am really bothered so i get my laptop to search something on the internet and I found out that the ability I have now is called the clairvoyance it is the ability to see past and future and somehow it is used to see unreal creatures like ghost and spirits. Some people who has this kind of abilities are the paranormal experts.

Hindi ako matatakutin, bugnotin pwede pa. 

I hate it kapag may nadidiskubre akong kakaiba patungkol sa sarili ko. Malapit na akong maniwala na talaga ngang isinumpa ako kaya siguro iniwan ako ng mga magulang ko. 

Sinubukan ko mang tanggapin ang kapalarang meron ako ngunit ang sitwasyon naman ang ayaw tumanggap sa akin. 

Some people never believed me kapag binabalaan ko sila, and minsan ako pa ang nasisisi at madalas sabihang malas.

So I decide to become rude. How they will treat me will be my basis on how  will I treat them. Simple!

Sa kalagitnaan ng paghimbing ko ay nakakita ako ng tatlong bata. isang lalake at dalawang babae, masayang nagtatampisaw ang mga ito sa ilog habang pana'y naman ang hagikgik nila. 

Alam ko sa sarili kong nananaginip ako kaya sinikap kong hindi muna magising dahil malakas ang pakiramdam ko na may posibilidad na ang mga panaginip ko ang magsasagot sa totoong pagkatao ko. 

Kakaiba ang kasuotan ng tatlong bata para bang ito'y panahon pa ng mga kastila dahil malayong malayo ang kasuotan nila sa kasuotan namin ngayon.

Maya maya pa'y dumating ang isang ginang na may dalang tapayan nakangiti itong nakatingin sa tatlong bata. Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi ko maaninag ng husto ang kabuohan ng kanyang mukha. 

"Coral-"

Bago pa man maituloy ng ginang ang kanyang sasabihin ay naunahan na ito ng alarm clock ko sa pagtunog na naging dahilan ng paggising ko. 

Kung mamalasin nga naman. Ngunit hindi ko inalis sa isip ang salitang binitawan ng ginang kahit hindi niya ito natapos. 

inisip ko na baka ito ay wikang kastila o baka naman ay isang pangalan. 

Nagpasya akong lumabas at dinala ako ng aking mga paa sa Mall. 

Wala naman akong balak bilhin kundi magpalamig lang talaga at magliwaliw. 

Sa paglalakad ko diko sinasadyang makasalubong ang isa sa mga anak ni Satanas, este kaklase ko. It's Elisse.

Nasulyapan ko lang ito malamang ay hindi niya ako nakilala dahil sa suot kong eyeglasses, pero nagulat ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Hey, You freaked witch" maarteng tawag nito sa akin. Okay, this is so rude. Pero sanay na ako dito, kaya dere deretso lang akong naglakad at gaya ng dati nagkunwari akong walang nakita at walang pake, but this woman is so annoying she followed me and grab my wrist.

"Narinig mo namang tinawag Kita diba?" Oh, wow. totoo ba?

"Sorry? But my name is Amari not freaked witch." Pagtapos ko itong sabihin ay akmang tatalikod na ako para umalis pero hinigit nya ang braso ko at nagtagpo ang mga mata namin. Para akong mahuhulog sa pagkakalalim ng tingin niya sa akin hanggang sa may nakita na akong kakaiba. Alam kong katawa tawa ang gagawin ko pero pwede ko namang hayaan nalang siya at magkunwaring walang nakita. 

"Kain tayo, libre ko" labag man sa loob ko ay wala na akong choice, it's either to let her go and die or save her and owe his life. kahit malaki ang inis ko sa paktitang to ginawa ko pa rin kung ano ang tama at ang alam kong wala akong pagsisisihan. 

But instead na sumama ay nilait pa ako ng bruhang ito.

"Really huh? you can't afford my food" Maarteng sagot nito. ano bang pagkain nito? dog food? inis man ay nagpakita nalang ako ng pagiging mabait at acting nice. I insisted but this wreck really getting into my nerves tinarayan lang ako nito at akmang aalis na palayo pero pinigilan ko Ito.

"May magandang brand ng sapatos dun sa 3rd floor samahan mo ako, diba mahilig ka dun?" Oh c'om, what the heck on earth why am I doing this. 

Tumaas lamang ang kilay nito at lumakad ulit palabas. Nasa exit na sya ng Mall habang nakasunod parin ako sa kanya, para kaming naglalaro ng patintero sa exit.

Srsly? ayuko nitong ginagawa ko pero wala akong pagpipilian.

Maya maya pa'y dumaan na ang naghaharurot na kotse at nakabangga pa ito ng isang motorsiklong naka parada. 

Nagulat naman ang mga taong nanduon pati ang guard na kanina pa stress sa amin ay agad na tumawag ng pulis. 

Agad naman akong tumingin kay Elisse at binigyan ito ng blankong tingin. Sya namang pagtaas ng kilay niya at nagmamadaling umalis. 

Umalis rin agad ako at hindi na naki isyuso pa sa mga tao na panay ang silip sa naaksidente, may natamo itong sugat ngunit hindi naman ito napuruhan. Maaaring may mamatay kung hinayaan ko lang na lumabas agad si Elisse dahil siya dapat ang mababangga non at hindi ang motorsiklo. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status