Share

Chapter 2: Notorious

***

Sierra’s hips seductively swayed as she walked towards Ninoy Aquino International Airport’s terminal. Kalmado ang takatak ng high heels niya nang hagurin ang skirt na nakayakap sa hubog ng balakang. She pursed her red lips, looking at people underneath her playful eyelashes. That’s enough for them to stare and to give way.

She had never been this excited to meet a bug. Gamit ang daliri ay hinawi niya ang malagong buhok sa kaliwang parte ng mukha. Iniayos niya ang maliit na pin sa dibdib na emblem ng Cavanaugh Group of Companies. Pagkatapos ay sinipat niya ang oras sa relong pambisig. She’s just in time to welcome Graciela Sandoval. Itinaas niya ang isang puti at katamtamang laking plaka kung saan nakasulat ang pangalan ng fianceé ng kaaway. She was going to be the guide.

Naiinip na siya sa labinlimang minutong paghihintay nang lumitaw sa terminal ang mukha at pigurang nakilala niya sa pagmamanman. 5 feet 8 inches ang babae. Mas mababa sa kanya ng isang pulgada. Graciela has meat and curves in all the right places. Sopistikada. Maamo ang mukha.

Praktisado ang ngiting sumalubong siya rito. She wanted to devour or skin the woman alive but she wouldn’t. Wala itong kinalaman sa kaaway niya maliban sa tanga itong magpapakasal.

“Welcome, Miss Sandoval,” aniya sa babae at binihag ang mga mata nito. “I’m Sierra from Cavanaugh’s household. I’m here to escort you to the mansion.”

“Sierra?”

Hindi niya nagustuhan ang tila ay recognition nito sa pangalan niya. “Yes.”

Mataman itong tumitig bago, “Jace . . . sent you?”

Umakyat ang toyo sa utak niya pagkarinig pa lang sa palayaw ni Julian Clyde Cavanaugh: Jace. Hindi iyon ang tawag niya rito noon.

“Mr. Reagan sent me for you,” tukoy niya sa puno ng mga Cavanaugh at lolo ni Jace.

Mabini nitong isiningit sa likod ng tainga ang hibla ng buhok na tinatangay ng hangin.

“Oh. Gramps.”

Sa likod ng praktisado niyang ngiti ay ang pagpapanting ng tainga.

“Thank you, Sierra,” anito pa.

Pumihit siya at sinenyasan ang pinsang si Vince na nakatayo sa Mercedes na dala nila. Mabilis naman itong lumapit.

“Help the Miss with the bags, Mark,” aniya sa pinsan at bumaling kay Gracie. “This way to the car.”

Tumango ito. Nagpatiuna naman siyang maglakad tungo sa sasakyan habang hila ni Vince ang dalawang maleta ng babae. Ipinagbukas niya ng pinto sa backseat si Graciela at tinabihan. Si Vince a.k.a Mark na nagdeposito ng maleta sa trunk ay nag-aatubiling pumasok. Gayundin ang kaibigan nitong si Anthony na magiging driver nila.

Ibinaba niya ang salamin sa backseat. “Let’s go,” aniya sa mga kasama na parang walang balak gumalaw.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Bakas ang kaba at pagdadalawang-isip ng mga ito.

Bumaling si Sierra sa katabi. “I need to check on something. Do you mind if I stepped out for a while?”

May hindi maintindihang damdamin sa mga mata ng babae habang nag-iisip. Nangangamba ba ito? Nag-aalala? Pero sa huli ay, “Sure.”

Ngumiti siya uli. Matalas naman niyang sinulyapan ang pinsan at ang kaibigan nito bago bumaba. Pagkatapos, mula sa bulsa ng skirt ay kinuha niya ang isang detonator. Nanlaki ang mata ng dalawang lalaki.

“Don’t tell me na . . .” ani Vince.

“Stupid,” aniya at pinindot ang detonator bago siya magawang pigilan ng dalawang kasama. She rolled her eyes. Iniisip ba ng mga ito na may bomba siyang pasasabugin sa terminal ng NAIA? “You’re both stupid.”

Ibinalik niya ang tingin sa kotse na nababalutan ng puting usok. Napatingin din doon ang dalawa.

“It will clear in a bit,” sabi pa niya.

Sa unti-unting paglinaw ng usok ay nakita nila ang walang malay na si Graciela sa loob.

“Patay . . . na ba ’yan?” si Vince pa rin.

“I’m not as stupid as you are, Vince,” aniya. “She’s just sleeping.”

Dinig niya ang pagbuga ng hangin ng dalawa. Inorasan niya ang paghihintay nila. Nang wala nang bakas ng usok sa kotse, “It should be safe for us to get inside the car. But just in case my intel’s wrong, both of you should wear the masks I prepared for you. Kung makatulog ako, siguradong mauuna pa rin akong magising kaysa kay Graciela. Now if you’re done collecting your balls, let’s move.”

Sinuri niya ang babae pagbalik sa sasakyan. Tulog na tulog nga. Pinukol niya ng tingin ang dalawa na nasa unahang upuan.

“What are we waiting for? Pasko?” sita niya.

“Gagawin ba talaga natin ’to?” si Vince.

“Don’t be cliche, Vince. We’ve got her now. Proceed with the plan and drive.”

“Sierra . . .” si Anthony, “nakita niya ’yong mga mukha natin.”

“So what?”

“Ano’ng so what? Kidnapping is illegal, Sierra. Kung magsusumbong siya sa pulis—”

“Of course, kidnapping is illegal. But this is for a cause. We’re saving her from getting married to a jerk who will ruin her forever. She will surely thank us later on, kapag matanda na siya at nakita na niya ang lalaking hindi si Cavanaugh.”

“But when she wakes up, she will surely—” si Vince.

Nangangati ang middle finger niya sa dami ng concern ng mga kasama. Kung walang atraso ang mga ito sa kanya na gusto niyang pabayaran, hindi ang dalawang ito ang isasama niya.

“Akala ko, nakolekta n’yo na ang bayag n’yo kanina. Saan n’yo ba itinago?”

Kumunot ang noo ng mga ito. Offended.

“Ang bayag, dapat laging dinadala para may pakinabang.”

Pumalatak si Vince. “This is not about balls, Sierra. Once she wakes up, she will surely try to escape.”

“Don’t you know how good I am with persuasion?”

Ayaw sumang-ayon ng dalawa niyang kasama. Dalawang klase ng persuasion power niya lang kasi ang nakita ng mga ito—blackmail at ang Colt .45 niya.

“I know what to do with her. So shut your trap and fucking drive, Anthony.”

Walang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod.

***

Six hours later.

Sierra was applying the last stroke of mascara she would need for the night. Nakangiti niyang sinuri ang mukha sa full-length mirror sa hotel suite niya. Pagkatapos ay umanggulo siya para pasadahan ng tingin ang maputi at makinis na likuran na inilalantad ng malalim na uka ng gold satin dress na suot. Bahagya niyang ginulo ang malagong buhok.

“I think I’m ready to meet my fiancé, Beth. What do you think?” tanong niya sa babaeng kasama sa silid.

Nakaupo si Bettina sa tagiliran ng kama. May pag-aalalang nakatingin. “Are you really doing this?”

“Why not? It’s a perfect night for a face-off.”

“How’s the real fianceé?” tukoy nito kay Gracie.

“I’m the fianceé, Beth.”

Umiling ito. “I mean, what happened to her? How did you convince her to back down?”

“Why the need to know?” malamig na tugon niya rito at inabot ang nakalatag na diamond set jewelries sa tokador. “Help me put on my necklace.”

Tumalima naman ito. “You didn’t really move on from Jace, huh?” mahina ang tinig na sabi nito. Nakatitig sa kanya sa salamin.

Nakatuon siya sa ningning ng diamond sa leeg niya. Kasunod niyang isinuot ang hikaw. “This is not about moving on from him, Bettina.”

“Then what?”

Hindi niya alam kung bakit niya sinasagot ang mga tanong ng taong hindi naman niya kaibigan, kakampi, o kaaway. Bettina is just someone who owes her—tulad ng marami pa. Kaya hindi niya naiintindihan ang pinanggagalingan nito. She’s not even her family.

“Everyone who knows me knows my life is equal to garbage ready for disposal anytime. Wala akong matinong puwedeng gawin sa buhay ko. Since I’m undeniably going downhill and to the grave, why don’t I make the one who started the avalanche pay for my wreck?”Mapanganib ang ningas ng galit sa mga mata niya habang nagsasalita.“All my life, all the men I met are egotistic, controlling, hypocrites, perverted maniacs who are more obsessed with fantasizing about naked, wild women in bed than figuring out how to be faithful to a wife. As unfortunate as I am, I have met the leader of the frat. There are all types of men who will screw you, but there’s someone who will be most outstanding.”Huminga siya nang malalim.“I would wreck his life the way he ruined mine by marrying him!”

“And do you really think he will let you into his life again?” tanong pa rin nito.

Humarap siya sa babae. “You’re of little faith, my dear Beth. I don’t need his permission.” Ang kasunod na mga salita ay marahan at madiin niyang inisa-isa. “I am already into his life.”

Ngumiti siya rito. Hindi naman umalwan man lang ang kunot ng noo nito.

“Now, if you’ll excuse me . . . I don’t want to be late for my engagement party.”

***

Pagsayad ng likod ni Sierra sa limousine na sundo niya sa ngalan ng mga Cavanaugh ay tumunog ang isa sa mga cellphone niya. Business.

“What?”

“Mr. Clyde arrived, Sierra,” balita ni Haya sa kanya. Secretary ito ni Mr. Reagan Cavanaugh. Nasa garden hall na ito ng hotel na inupahan para sa engagement nila.

“That’s great news. Where is lolo and lola?” simpleng usisa niya.

“They will be here shortly, too. Where are you?”

“Chill.” Sumilip siya sa labas ng bintana.“I’ll be there in a short while.”

“After this . . . I am . . . covered, right?”

“Yes, of course.”

Dinig niya ang buntonghininga nito sa awditibo.

“Provided you won’t talk,” pahabol niya.

“I won’t. I won’t. Why would I?”

“Good girl.”

Ibinaba niya ang cellphone at inilagay sa bitbit na pouch. Limang minuto pagkatapos ay bumaba siya sa binuksang pinto ng sasakyan.

“Thank you,” aniya sa chauffeur bago tumalikod.

Kalmado niyang tinahak ang makinis na daan patungo sa garden kung nasaan ang engagement party. Ang ilang bisitang nakasasalubong niya ay hindi mapigilang mapatunganga. She’s moving like a swan—long neck, chin up, fiery eyes, seductive smile, and a figure arousing desire. Sinusundan ng tingin ang bawat hakbang niyang nagpapalitaw sa long legs niya mula sa mataas na slit ng damit. Nililingon ang maputing likod niyang naka-display.

She waited years for this face-off to happen. Pero pagliko niya sa pasilyo patungo sa hardin, nang matanaw niya ang di-kalayuang presidential table at makilala ang nakatalikod na pigura ng kaaway, nagsimulang sumikip ang dibdib niya. Nagkait ng hangin.

Bumukas ang glass door na entrada ng garden hall para sa kanya. Kasabay niyon ay ang pagbulaga ng mga photographers na sabay-sabay na pumindot sa kani-kanilang camera. The flashes blinded her a little as she stood by the door. Lahat ay lumingon sa kanya. Awtomatiko naman ang ngiti niya.

Nang ibalik niya ang paningin sa mesang sadya ay nagtama ang mga mata nila ni Jace. Nagsagulaman ang tuhod ni Sierra. Dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan at mapang-asar na pumitik ang puso. Naliliyo siya sa bilis ng tibok ng puso niya—like the fucking schoolgirl that she was ten fucking years ago.

Jace looked at her like a hound fixed on his target. His coat and tie complemented his tall and lean figure. Matikas sa pagkakatayo. Matiim ang pagkakalapat ng labi. Madilim ang mga mata. Gone was the boyish air he used to have ten years ago. He is a grown man in every angle—a notoriously cold, cruel, and distant Cavanaugh.

‘Wala kang kuwentang tuhod ka. Lagi kang bumibigay,’ sita niya habang pinipilit na itago ang hirap sa paglakad. She would die before Jace found out how much he could still affect her with just their eyes meeting. Or she’d rather kill him than have him know.

“Sierra . . .” Maliwanag ang mukha ni Lolo Reagan nang sumalubong sa kanya. “You’re here.”

Inalis niya ang mga mata sa kaaway. Malambing siyang kumapit sa braso ng matandang Cavanaugh at humalik sa pisngi nito. Ramdam niyang nakasunod sa bawat galaw niya si Jace. At naiihi siya.

“You’re so lovely, darling,” bati naman ni Lola Clementine nang makalapit sila sa kinatatayuan nito.

“Like you are, Lola,” aniya sa matanda at hinalikan din ito sa pisngi.

“Jace is anxious to see you,” bulong ng matandang babae.“I cannot believe that boy. He was just with you in New York!” anito pa bago siya iharap sa apo.

And there they were, standing an arm-length away from each other, filled with puzzles and hate for each other.

“Sierra . . .” banggit ni Jace sa pangalan niya. May nakapailalim na pagbabanta sa boses nito pero wala siyang pakialam.

Napapikit siya sandali. His voice is just as she remembers it—a seductive, bedroom baritone. It sounds especially delicious when he’s playing with the syllables of her name.

“Julian . . .” anas niya rito.

Nagdilim ang mukha nito sa pangalang binanggit niya. She seized that second and stepped closer. Inilapat niya ang mainit na palad sa malapad na dibdib nito at pinagapang iyon paitaas—dinadama ang kalamnan nito na para bang wala itong damit. Nang makarating sa balikat nito ang palad niya ay lumambitin siya rito. She felt him stiffen. That didn’t stop her from pressing her chest into his heat. Awtomatikong sumalo ang braso nito at humapit sa hubad na likuran niya.

Without any signal, tumingkayad siya at idinikit ang labi sa labi nito. She taunted his lips with her tongue. Humigpit ang hapit nito at tinanggap ang dila niya. They ignited like fire on gasoline. They kissed—hungrily and angrily—without regard for people watching.

Pasimple siyang suminghap nang maghiwalay ang mga labi nila. Tumingala siya kay Jace, sinalubong ang mata nito, at ginamit ang hinlalaki para pahirin ang lipgloss niya sa balat nito.

She smiled playfully at him. “Welcome back, love. I missed you so much.” #

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status