Share

Chapter 1: Start spreading the news

***

Sierra woke up with a headache and a man sleeping beside her. Again. Nakadapa ang lalaki. Kitang-kita ang matikas na muscles sa likod at mga braso. Mabilog at maputi ang hubong puwitan.

‘What the fuck?’ aniya at sinapo ang ulo.

She was sore all over, lalo na sa puno ng dibdib at sa pagitan ng hita. Base sa ngisi ng tulog na lalaki habang tumutulo ang laway nito sa pagkakakiling ng ulo sa gawi niya, nasiyahan ito sa gabing nagdaan. Na ang ibig sabihin . . .

She did it again. She got drunk and played the flirt. Nasamantala ng walang kasawa-sawang lalaki na tulad nito. Sierra gritted her teeth and got up to check the damage. Sa harap ng malaking salamin sa paanan ng kama ay sinuri niya ang kahubaran.

Nanlaki ang mga mata niya! Mahaba ang u***g niya! Na parang sumuso roon at nagpakasawa ang isang patay-gutom na bata! Tadtad rin ng mapupula at mangitim-ngitim na kagat at supsop ang maputing balat niya!

Nanggigigil na hinatak niya sa kalapit na hanger ang isang maikling bathrobe at isinuot. Galit siyang bumaling sa hubad na lalaki.

Every one-night stand has rules. Dapat ay alam nang lalaking ito kung ano ang batas pagdating sa kanya—he has to wake up before she does, or else . . .

Sinipa niya sa puwit ang natutulog na lalaki. Nagitla ito at nagtaas ng tingin sa kanya habang nakadapa pa rin.

Nanlilisik ang mga mata niya rito. Naalarma naman ito. Nanlaki ang mata at napaupo.

“Sier—”

Asar siyang ngumisi. “Look who’s awake.”

Sandali silang nagtitigan.

Sa isang kisapmata, naghagilap ng damit ang lalaki at nakipag-unahan sa kanya sa pinto ng silid sa hotel. Pinaliparan niya ito ng isang malakas na high-kick sa tagiliran.

D*****g ito at napahawak sa tagiliran. Ipinantakip ang isang kamiseta sa gitna ng hita nito.

Lalo lang siyang nagagalit.

“’Tang ina! Tatakbo ka pa talaga!” sigaw niya rito at sunod-sunod itong sinipa. Wala siyang pakialam kung saan man siya tumatama. No one should mess with her or take advantage of her when she was drunk, especially if they couldn’t even give her mind-blowing sex! “Kapos ka na nga sa talent, ang lakas mo pang s******p ng u***g!”

“Fuck, Sierra! You liked it, too! You were moaning like an animal last night!”

Sinuntok niya ito sa bibig. Galit naman itong tumingin sa kanya. Mukhang handa na ring gumanti sa atake niya.

“Liked it? Fuck you ka! Malaki lang ’yang bayag mo! Dila mo lang ang may pakinabang! Ako ang kumabayo! ’Tang ina! You and your kind!” banas na sigaw niya. Ngayon ay kumukulo na ang dugo niya. Nahagip ng mata niya ang shoulder bag sa sahig. Mabilis siyang lumapit doon at inilabas ang Colt .45 pistol niya. Ikinasa niya at itinutok sa hubad-barong lalaki.

“I will give you a headstart. Run now before I reach a fucking three! One!”

Sumibad ng takbo ang hubong lalaki. Nasabunutan naman niya ang sarili.

It’s always like this in the morning. If the guy didn’t leave disheartening and damaging kiss marks like that, she might have second thoughts about chasing him out with her Colt. Pero dahil pinagsamantalahan nito ang pagbibigay niya ng ligaya rito, wala siyang magawa sa kumukulo niyang dugo at nag-short circuit niyang pag-iisip.

“Two!”

Her cloudy thoughts blamed one man. The owner of the baritone in her memory. The king of all the jerks that she gets to meet.

“Fuck. He better run fast,” naisip niya at, “Three!”

Mabilis siyang lumabas ng hotel room bitbit ang baril. Magulo ang buhok niya. Bumubuka ang hati ng bathrobe na mababa sa malusog na dibdib niya at mataas naman sa singit niya. Murder was in her eyes. She would kill that man who made her nipples look like she fed a dozen starving children.

“Where are you, fucker?!”

Walang sumasagot. Lahat ng nasa hallway ng hotel ay umiiwas sa kanya o ’di naman kaya ay napapadalawang tingin para silipan siya. Pinupukol niya ng nakamamatay na tingin ang bawat isa sa mga ito.

Nang makarating sa lobby ng hotel ay humihingal na siya sa pagod. Nahagip pa ng paningin niya ang hubo’t hubad na pagtakbo ng lalaki palabas sa salaming-pinto. Huminto siya sa gitna ng lobby—pulutan ng mga taong nagbubulungan tungkol sa hubo at sa kanya. They reached a pretty sound conclusion.

“’Di ba . . . De Guia ’yan?”

“Si Erin?”

“Si Sierra.”

“At ’yan ang mahilig sa sex. Sa kung sino-sino. Ka-sex siguro niyan ’yong lalaking hinahabol.”

“’Wag kang masyadong maingay, bro. I can see her thing.”

“’Yan din ang may baril.”

“Baliw.”

“Dapat ipinakukulong ’yang mga ’yan. Nagkakalat.”

“Kawawang babae. Pariwara.”

“She looks hot, though.”

Napailing siya. Ang sense ng pagbulong ay para hindi marinig ng pinagbubulungan. But she could hear all of them.

“Shit! Maiingay talaga kapag tigang. Lalo na ’pag matrona,” malakas na sabi niya at gamit ang daliri ay sinuklay patagilid ang malagong buhok. Ngumisi siya sa matatandang babaeng naroon na tumalas ang mga mata sa kanya. “What? You want a piece of me, old hags?”

Napailing ang mga ito, tumalikod, at nagpatuloy sa pagbubulungan. Naiiling din siyang pumihit pabalik sa hotel room. Kailangan niyang magbihis. Siguruhin lang ng lalaking iyon na bayad na ang cheap na kuwartong pinagdalhan nito para ikama siya. Kung hindi ay iha-hunting niya ito at mumultahan.

“’Tang ina. Binayagan ko dapat ’yon, eh.” She hissed and slammed the door shut. Nanghihinayang sa hindi niya nagawa. Minsan talaga ay tumatalab pa rin ang konsensiya niya at ang kaunting awa.

***

Maingay ang takong ni Sierra sa hallway ng ospital. Nilampasan niya ang security at iba pang nurses na napatingin sa kanya at nagbalak na pigilan siya.

“Orwell, check the fucking damage! Dali!” aniya pagbukas ng pinto ng opisina ni Dr. Orwell Javerano. Initsa niya ang dalang bag sa sahig. Mabilis na hinubad ang suot na blusa at inihagis sa kung saan. Hindi siya nagsusuot ng bra kaya kitang-kita na naman niya ang nakaiinis na mahabang u***g. Bumagsak sa sahig ang hinubad niyang zipped skirt. At nang ibababa na niya ang thong na naiiwan sa katawan . . .

“Sierra, please. I still have patients with me,” paalala ni Orwell.

Tinaasan niya ito ng kilay. Isinunod niyang balingan ang mag-inang malaki ang mga mata sa kanya. Nakaupo ang mga ito sa dalawang monoblock sa harap ng mesa ni Orwell. Mukhang nasa edad apatnapu ang malapad na babae at nasa edad sampu naman ang patpating lalaki.

Nagbuntonghininga siya at namaywang. “Will you please leave? I have urgent business with the doctor.”

Nakatitig pa rin ang dalawa—sa boobs niya. Tumuwid siya ng tayo para malinaw na makita ng mga ito ang materyales fuertes niya.

“Yeah. It’s big, it’s milky, and my pink nipples are damaged. Please. Out! Now!” aniya sa dalawa.

Walang kumilos.

Nailing naman si Orwell at mahinahong kinausap ang mga pasyente. Humalukipkip siya habang naghihintay.

“Kakausapin ko lang sandali ang baliw na babaeng ’to. Kailangan pong unahin. Nangangagat po kasi kapag hindi naturukan ng pampakalma. Puwede ba kayong maghintay muna uli sa labas? Ipapatawag ko kayo kay Nurse Sav kapag okay na.”

Tumingin uli sa kanya ang mag-ina. Nakakagat na sa labi ang anak nitong lalaki na nakakiling pa rin sa kanya.

Napailing siya. “Ingatan n’yo ’yang anak n’yo, Misis. Baka lumaking puro libog ’yan kung ganitong nakakita lang ng malaking s**o, kagat na kagat na sa labi. Kids these days,” aniya. “’Wag n’yo rin munang pinapapanood ng porn. Gosh.”

Tumalas ang mga mata ni Misis at hinila ang anak nito palabas ng silid. Bumagsak ang pinto.

Nagkibit-balikat siya sa inasal ng mga ito at bumaling kay Orwell. “Did I say anything wrong?”

Malaki ang ngiti ng lalaki.

“Oh, well,” aniya.

Orwell is a thirty-year-old stud who thinks he will make the world a better place by becoming a doctor and neglecting his own love life. Matanda lang sa kanya ng isang taon. Ito ang kaisa-isang lalaking pinagkakatiwalaan niyang makakita ng katawan niya kapag wala siya sa impluwensiya ng alak. Anak ng kaisa-isang matandang lalaking pinagkatiwalaan naman niya ng buhay niya.

Hinagod siya nito ng tingin. “What did you drink last night?”

“Tequila.”

Tumayo ito sa bangko nito at ininspeksyon siya mula sa harap hanggang sa likod.

“Tinadtad ako ng tsikinini ng gagong kasama ko kagabi. ’Tang ina talaga. Pinahaba pa ang u***g ko,” galit na litanya niya. “Hindi ko makita ang likod ko, eh. Marami bang kagat diyan?”

Saglit ang patlang bago, “Yes.”

Nanliit ang mga mata niya sa inis. “Ilan?”

“Gusto mong bilangin ko? Magagalit ka na naman.”

“I’m always angry the morning after, Orwell! Ano’ng iilagan mo?”

Tumayo sa harap niya ang lalaki at humalukipkip. “It’s your fault. I told you, you shouldn’t drink alone, yet you still do. Sana isinama mo na lang ako kagabi.”

Umirap siya rito. Nungka niyang isama ito uli.

“You know that you’re horny when you’re drunk,” anito.

“I’m not!”

Mahina itong natawa. “You are. You even tried to seduce me one time and—”

“Shut the fuck up, Orwell! Gusto mo bang barilin kita?!” umuusok ang ilong na tanong niya rito.

Humalakhak ang lalaki. “You know you are. It’s your fault that you get into these kinds of situations.”

“No! Wala lang talagang matinong lalaki ngayon. Kapag nakita nilang m*****g ang babae at lasing, lahat ng puwede nilang gawin, ginagawa nila. Tira lang nang tira! Shit! They’re all shit!” nanggigigil na sabi niya.

“It’s a one-night stand. How are men supposed to treat girls like you who—”

“Eh’di kung ikaw rin, tatatakan mo rin ako ng tsikinini, gano’n? Hihilahin mo rin ang nipples ko hanggang kasinghaba na ng daliri mo?”

“No.”

“See? That’s what I’m talking about.”

“But it’s just me. I’m just saying—”

“And I’m saying that all the male species that I have met are fucked-up assholes. Except you and Tito Serge.”

Umiling ito.

“Go check now if I have Herpes. Or STD.”

“We can’t check on that yet, Sierra. Herpes symptoms develop at least two weeks after infection. And STD . . .” Nailing ito. “Are you really going to do this to me every morning after having sex?”

“Why? You said you’d take care of me.”

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Umuwi ka na ba sa inyo?”

“Don’t even ask something like that. Kinikilabutan ako.”

“I heard na hinahanap ka nina Tita April at Tito Gad,” tukoy nito sa mga magulang niya.

“Mas hinahanap ako ng mga pinsan kong tsismosa. Shit. Nangingilabot talaga ako,” sabi niya at kiniskis ang sariling braso. “Tingnan mo ’yong mga balahibo ko . . . tumatayo!”

Pinulot ni Orwell ang blusa niya at iniabot sa kanya. “Magbihis ka. Tumatayo ’yang balahibo mo dahil sa kaartehan mo. N*******d ka at malakas ang air-con.”

Umirap siya rito. “Do something about my nipples! Can’t you see this?” Itinuro niya ang nakatayong u***g. “They’re long. They’re abused! Wala ba akong puwedeng gawin?”

“Don’t drink tonight. Don’t get into one-night stands until the pain subsided. Bababa ’yan mag-isa.”

Umiling siya. “Fuck. Magsasarili na naman ako?!”

“Sierra!”

“What? You know that—”

“Sierra!”

“Mahilig ako! Get over it.”

Nailing ito. “You’re only horny when you’re drunk. So don’t drink, and your nipples are safe.”

Masama ang tingin niya rito. Alam nitong isa pa niyang problema iyon. She couldn’t fall asleep without getting drunk because there were monsters in her sleep. Sinasalakay siya.

“Do you want to sleep over? Para makatulog ka nang walang nightmares?”

Umiling siya sa alok nito. Isinuot niya ang blusa at hinagilap na rin ang skirt. Nang nakabihis na siya at handa nang magpaalam ay napabuntonghininga si Orwell.

“Sierra. Just stay at our house if—”

Nag-ring ang cellphone niya. Sinenyasan niya itong tumahimik na lang. Kinuha niya ang shoulder bag sa sahig at hinugot mula roon ang gadget na nagri-ring.

Phone number two. ’Yong pula. For business.

“Yes?” aniya.

“I got something you’ve been waiting for.” Boses-babae ang nasa kabilang linya.

“Ang ligoy mo. Ano?”

“The king of the Cavanaugh is going back. In three days.”

“Fuck. May balak pala siyang bumalik?”

“He’s marrying. Dadalhin niya ang fianceé niya from New York to meet his grandparents.”

Napangisi siya. Tumalikod kay Orwell para hindi nito mabasa ang mabagsik, mapait, at nagniningas na apoy sa mata niya.

“Bad move.”

“What do you want to do?”

“Oh . . . I’m so excited for this.” She licked her lips. “Spread the news. Fast. Ako na ang bahala sa iba pa.”

“What news exactly?”

“That I, Sierra De Guia, am getting married. With the Cavanaugh.” #

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status