Share

Chapter 3

SA VERANDA sa itaas nila napiling pagsaluhan ang cake na bake ng mommy niya. Napatingin siya sa buwang nakasilip. Napakaganda at napaka liwanag, kasabay ng mga bituwing nagniningning sa kalangitan. Pagkuwa'y napakunot ang noo niya ng biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang nakangiting gwapong mukha ni Bastie.

"Bakit ko yun naiisip?" 

"Ang alin?" Tanong ng kanyang ina.

Oh! Sa isip lang niya dapat sinasabi iyon, ngunit naisatinig pala niya.

"Wala po mommy." Kaila niya. Mukhang hindi kumbinsido ang ina ngunit hindi na nagtanong pa.

Binigyan siya nito ng isang slice ng cake. Simula ng pumanaw ang ate niya, ibinaling ng kanyang ina ang atensiyon sa pagbi-bake. And it became a coping mechanism for her.

"How are you hija? How are things going?" Tanong nito at sumimsim ng tea.

Her mother always talks softly and with finesse. Kapag ito ang nag-salita kahit galit na galit ka ay siguradong matutunaw ang iyong puso. 

She took a teaspoon of cake into her mouth to have a taste of it and it was perfect as ever! 

Inubos niya muna ang nasa bibig bago sumagot sa ina. "All good. Though I will be really busy this week, aside from the fashion show in New York, I need to rush Jade's wedding gown."

She is really happy for her best friend. Finally happy ending ang tambalang #JadRie!

"Eh yung tambalang #IceTie?"

Seriously? Naiisip iyon ng inner self niya? Badtrip diba?!

"So it will be a busy week." Pahayag ng ina. "Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo hija."

"I'm fine mom. Mas napapagod pa ako sa pagko-control ni dad sa buhay ko." She confessed. And then sighed.

"Hija, please understand your father. Hindi mo man makita, ngunit sadyang pino-protektahan kalang niya." Paliwanag nito.

Iyon ang palaging sinasabi ng mga ito. Ngunit iba ang nagiging sagot niya kapag ang kaharap niya ay ang kanyang ama. Ibang iba kapag ang ina niya ang kanyang kaharap dahil ang kanyang ina ay laging malumanay kung magsalita. She always have a soft heart for her mother. Ayaw niyang nakiki-pagtalo rito.

Tumingin siya sa kalangitan. Muling itinuon ang tingin sa buwan. "Do you think she's watching?" Malungkot na tanong niya sa ina.

Hindi na niya kailangang ipaliwanag sa ina kung sino ang tinutukoy niya.

"I know she does.... always..." Wala siyang nahimigan na kalungkutan sa boses nito.

Mula sa buwan, ibinaling niya ang tingin sa mga bituin. Sa tuwing gagawin niya ito ay palagi niyang naaalala ang isang kantang para sa taong sobrang mahal mo at hindi mo na kailan makikita pa. It is a song by FM Static, the song title is Tonight. Then she hummed it on her mind, "Never thought not having you here would hurt so much....Tonight I've fallen and I can't get up, I need your loving hands to come and pick me up, and every night I miss you, I can just look up, and know the stars are holding you, holding you tonight."

"She's with the stars now, right mom?" Pilit siyang ngumiti at binalingan ang ina.

Her mother smiled genuinely to her. "She's happy wherever she is right now. And I'm sure she wants you to be happy as well."

"I missed her...." Aniya na may lungkot. 

Bakit ganoon? Masakit pa rin ang pagkawala ng ate niya? It's been 9 years, ngunit sa tuwing naiisip niya ay may kung anong bumabara parin sa lalamunan niya. She's just 18 years old then. Ang kanyang ate ay 24. Kahit anim na taon ang pagitan nilang magkapatid ay hindi naging hadlang iyon upang maging malapit sila sa isa't isa.

For her ate, she is always her baby sister. Mahal na mahal siya ng kanyang ate at ganoon din siya rito. Palagi silang magkasama sa lahat ng bagay. Then one day she decided to end her life.

Maayos ang lahat sa buhay nila. Masaya sila bilang isang pamilya, well noon. Everything changed when she was 18. Ang araw kung saan dumating ang ate niya sa bahay ng tulala at walang humpay na tumutulo ang luha. Sa pagkaka-alam niya galing ito sa party at nag-overnight ito kasama ang mga kaibigan. She can still remember how her mother panicked during that day. The next thing she knew her father set an engagement party for her sister with a guy she doesn't even know! Then after the engagement party her sister took her own life. She overdosed.

Then there goes Bastie becoming her shadow! Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi na niya alam kung makakaagapay pa siya sa kanyang buhay ng mga panahong iyon. But, she's a fighter. Kaya heto siya ngayon nananatiling matatag.

"But even heroes have the right to bleed." Paalala niya iyon sa kanyang sarili. Kaya sa mga gabing walang nakakakita at tanging ang silid lang niya ang saksi, patuloy siyang tumatangis.

"I missed her too." Anang ina at pinisil ang kamay niya.

"This cake is so perfect mom. You should plan on supplying pastries to Jade and Erie's Hanggang Ngayon Café." Pag-iiba niya sa usapan ng masilayan ang kislap sa mga mata ng kanyang ina.

"You think so?" Bumalik ang sigla sa tinig nito.

"Of course!" She beamed.

"You are not being biased because I'm your mother?" Paniniyak nito.

Ngumiti siya at pinisil din ang kamay nito. "You know I will tell you frankly if I don't like it right?"

"Yeah, you are right!" Anito at bahagyang hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang isang kamay.

She was touched by her gesture. Hinawakan niya ang kamay nito na humahaplos sa pisngi niya.

"Baby, remember this, always follow your heart and what will make you happy."

Hindi niya alam kung bakit iyon sinasabi ng kanyang ina ngunit sa di maipaliwanag na kadahilanan ay nagbigay iyon ng kapanatagan sa kanyang kalooban.

NAPATIGIL SI ICE sa kanyang ginagawa ng makita si Bastie na pumasok ng boutique niya.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong niya rito.

Nagsabi siya sa binata kanina na huwag na siyang sunduin nito dahil malamang ay aabutin na siya ng umaga sa boutique. Dahil tinatapos nila ang gown ni Jade. Kasama naman niya ang tatlo sa mga assistant niya kaya magiging okay lang siya.

Inilapag nito sa mesa ang mga dalang paper bags at pagkatapos ay hinarap siya. "Dinadamayan ka." He said flashing his perfect set of white teeth.

"Seriously?" Maang na tanong niya rito.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Sagot ng binata.

"You don't have to do this." Aniya rito.

"But I want to." The usual answer that she was hearing from him all this time.

Napabuntong hininga siya. Nang magsabog yata ng kakulitan ang Diyos sinalo lahat iyon ni Bastie!

"Guys! Break time muna! May dala akong pagkain!" Pumalakpak pa ito habang kinukuha ang atensyon ng mga kasama niya.

It's already 7:00 pm according to her wrist watch. Malamang ay gutom na rin ang mga ito. Plano sana niyang magpa-deliver nalang ngunit dahil lunod sila sa ginagawa kaya hindi na niya namalayan ang oras.

Tumingin siya kay Bastie na inaabutan ng pagkain isa isa ang mga kasama niya. How considerate. Nang biglang napatingin ito sa direksyon niya ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin.

"Thank you so much Papa Pogi!" Masayang wika ni Arnold ang baklang assistant niya.

"May pa IceTie pa as in I C E T I E." Tudyo ni Belle na isa din sa mga assistant niya.

At sumabay na din si Sara, "Si Bastie talaga pogi na mabait pa jackpot diba?"

"Huwag niyo na akong bolahin diyan." Ani Bastie na lumapit sa kanya at inabot ang pagkain. "Let's eat." Anito na iginiya siya sa isa pang mesa.

She's expecting food from a restaurant or fast food but to her surprise, the food was cooked from home. And it's her favorite.

"Sinong nagluto?" She asked.

Nag-kamot ng ulo si Bastie. "A-Ako..." Tila nahihiyang pag-amin nito. "Uhm... I asked Jade.... I know you like her version of caldereta." He really looked uneasy.

Napatingin siya sa pagkain at nag-umpisang tikman iyon. She can't believe that this guy will cook for her. Oo nga't sa mga ilang outings nila ay tumutulong ito sa pagluluto ngunit iba pa rin iyong ito mismo ang nagluto.

Hindi niya alam kung sobrang na-touch siya sa kaalamang pinagluto siya ni Bastie, but the taste was so perfect. Kuhang kuha nito ang recipe ni Jade!

When she looked at him, excitement was visible in his eyes. Tila ba hinihintay siya nitong mag-komento.

"Hindi ba si Jade ang nagluto?" Tanong niya. Nagliwanag ang mukha ng binata na tila nanalo sa lotto.

"Nope! Ako talaga. I just asked for the recipe and procedure." He said proudly.

"Hmmmm... pwede na." Kitang kita niya ang pagbagsak ng mga balikat nito.

"Pwede ng pagtiyagaan?" Malungkot na saad nito. "I thought I was able to perfect it this time. Sa panlasa ko kase ay katulad na siya nung kay Jade." Dagdag pa nito.

"Ha? Bakit? Ilang beses kana bang nagluto nito?" Tanong niya rito.

"I've been practicing that recipe for almost a year now." Malungkot pa rin na saad ng binata.

"What the—— seriously?" Maang na napatitig siya sa binata. Bakit naman nito gagawin iyon?

"Naalala mo ba last year? Kasama natin sina Jade, Erie, Jayden and Dean sa bahay nila Erie. Then Jade asked you sa lahat ng mga ulam kung ano ang pinaka-favorite mo? Then you answered yung caldereta niya. The following day I asked her recipe sabi ko gustong gusto ko talaga yung caldereta niya. So I've been practicing to make it perfect for you. Akala ko naman okay na yung ngayon." Mahabang salaysay nito.

Pakiramdam niya ay may humaplos sa kanyang puso. "So I've been practicing to make it perfect for you." Iyon ang paulit ulit sa isipan niya sa mahabang paliwanag ng binata. Why he is doing this? Maybe, an obligation? Pero bakit tila may kumurot sa puso niya sa sagot na iyon?

"Papa pogi! Huwag kang maniwala diyan! Ang sarap kaya!" Sigaw ni Arnold na tila kilig na kilig pa ang bakla! Nag-thumbs up pa ito kay Bastie. Na nginitian at tinanguan lang ng huli. Ngunit ang ngiti ay halatang pilit lang.

"Kakakilig naman! Isang taong nag-practice!" Ani Sara.

"Kinikilig ako!" Anang Belle.

Tumingin siya kay Bastie. May lumbay parin sa mukha nito. Then suddenly she does not want to see him like that.

"For the record... I think this is my new favorite. Mas gusto ko ito kesa sa luto ni Jade." Totoo iyon. Maybe because of his effort no matter what the reason is.

"Sorry Jade Eriette!" Aniya sa isip. Tila nakikita niya si Jade na umuusok ang ilong dahil sa sinabi niya!

Ang mga sumunod na ginawa ni Bastie ay hindi niya napag-handaan. Dumukwang ito at hinalikan siya sa labi ng mabilisan. "Yes! I'm so happy!"

Mabilis siyang lumingon sa mga kasama niya. Tinitiyak kung nakita ng mga ito ang ginawa ng binata. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang maganang kumakain ang mga ito habang masayang nag-uusap.

Binalingan niya si Bastie na kaagad ng naka-peace sign. "Sorry, I just got carried away."

"Why do you have to be so cute?" Tinig iyon mula sa kanyang isipan.

"Thank you for cooking this. Pero kagaya ng lagi kong sinasabi—"

"You don't have to do this." Pagtatapos nito sa sinasabi niya. He looked intently at her. "At kagaya din ng lagi kong sinasabi—"

"I want to." Siya naman ang nagtapos sa sinasabi nito.

Ngumiti ito at gamit ang isang kamay iniipit nito ang buhok nito sa mga daliri mula sa sentro ng noo nito at hinawi iyon patalikod. At sa muling pagkakataon ay natulala siya sa kagwapuhan ng binata.

"Calling Muffin to earth please." Narinig niyang saad nito na nagpanumbalik sa kanyang tamang huwisyo. Inirapan niya ito upang pagtakpan ang kahihiyan.

"Akala ko kinuha kana ng mga aliens eh!" Tudyo nito.

Sinimangutan niya ito, "Over!"

"Hindi talaga kumpleto ang araw mo kapag hindi mo ako tinatarayan." He said with amusement.

"Ang kulit mo kasi. You can leave after eating." Wika niya sa binata.

"I'll stay." Matigas na sagot nito.

Kapag ganoon na ang tono ni Bastie alam niya na kahit kunin siya ng mga aliens ay hindi na mababago ang pasya nito.

"Ikaw ang pinaka-makulit na taong nakilala ko!" Inis na tinalikuran niya ito.

"Girl I'll stay through the bad times, even if I have to fetch you everyday... " Kanta pa nito.

Alam niyang lalo lang siyang iniinis nito ngunit bakit napangiti siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status