Share

Chapter 2

INO-OBSERBAHAN NI ICE ang waitress na kumukuha ng order nila ni Bastie. Halos hindi siya tapunan ng tingin nito at nasa binata lang ang buong atensyon nito.

"What's new?" Anang tinig sa kanyang isipan.

Oo nga naman, dapat ay sanay na siya. Kahit kailan agaw pansin talaga si Bastie sa mga kabaro niya. Malakas daw kase ang appeal ng mga long hair. Kung sabagay, gwapo naman talaga ang binata. Kahit noong maiksi pa ang buhok nito ay sadyang gwapo na ito.

"Ikaw anong gusto mo?" Tanong ng binata sa kanya na hindi man lang pinapansin ang nagpapa-cute na waitress.

"Kahit ano." Tipid na sagot niya.

"Walang ganoon." Anito na ikina-taas ng kilay niya.

"Ano? Wala naman talagang ganoon sa menu. Yan o, tignan mo." Pamimilosopo nito at itinulak sa kanya ang menu.

Pinukol niya ito ng masamang tingin ngunit ngumiti lang ito. Tiningnan niya ang menu at dahil naiinis siya, pinili niya ang pinaka-mahal.

"Excuse me." Sinubukan niyang kunin ang atensiyon ng waitress ngunit nakatulala lang ito kay Bastie. Samantalang si Bastie ay sa kanya nakatingin.

"Ikaw nalang kaya ang magsabi ng order ko? Mukhang ikaw lang ang nakikita niya eh." Wika niya kay Bastie at itinuro ang waitress na naka tulala rito.

Oo masungit siya pero palaging nasa lugar iyon. Magtataray lang siya kung bibigyan siya ng attitude ng taong kaharap. Sa ngayon hindi naman siya sinusungitan ng waitress yun nga lang mukhang nasa magandang panaginip ito kung saan si Bastie ang bida.

"Hay naku te! Pero deep inside gusto mong sabunutan no?"

Wala siyang mapapala kung makikinig siya sa inner self niya. Kaya nagpasya siyang balewalain iyon.

Binasa ni Bastie ang name plate ng waitress, "Uhm, Jenny, ito daw ang order ng kasama ko." Sabay turo sa menu.

Nakita niyang nag-ningning ang mga mata ni Jenny, "Wow! Sir! Kilala mo ako?"

Nasamid yata siya sa sarili niyang laway. At inubo siya ng inubo dahil sa sinabi nito. Akmang tatayo si Bastie, "Are you okay?"

Pinigilan niya ito at sinabi niyang okay lang siya. Bumaling ulit ito sa waitress, "I saw your name plate." Anito at ngumiti.

"Nagpa-cute pa talaga ang kutong lupa!"

Tila napahiya naman ang waitress na bahagyang namula bago sila tinalikuran.

"Sigurado ka bang yun lang ang order mo?" Tanong ni Bastie ng makaalis ang waitress.

"Yes."

"Himala? Hindi ka yata gutom ngayon?" Tanong nito na may halong pang-iinis. At alam niya kung bakit nasambit iyon ng binata.

Sa mga pagkakataon na naiinis siya sa binata at niyayaya siya nitong kumain sa labas ay talagang paluluhain niya ang wallet nito. Sinasadya niya iyon, mag-order ng marami, okaya naman piliin lahat ng mga may kamahalan sa menu, para mainis ito. 

At pagkatapos ay ipamimigay niya sa mga nangangaylangan sa labas, o di kaya magpapadaan siya sa mga construction site at ipamimigay ang mga pagkain. Ngunit, ilang taon na ba niyang ginagawa iyon? Pero wa-effect kay Bastie. Ngiti at iling lang ang reaksiyon nito na mas lalong nagpapa-inis sa kanya.

"Parang mas gutom pa nga yung waitress, makatulala saiyo kulang nalang lamunin ka." Aniya. 

"Selos ka?" Tanong nito at ngumisi.

"Mangarap ka!" Taas kilay na saad niya rito. 

"I am!" Ang ngiti nito ay abot hanggang tenga! At nangalumbaba pa sa harap niya.

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Nag-bilang siya sa kanyang isipan. Siyam na taon na nga! Halos mag-iisang dekada na nga pala sila ng kutong lupa na ito na ganito ang set-up. Ewan niya kung bakit pinagtiyatiyagaan nito ang ugali niya. Ang totoo ay sinasadya niyang palabasin ang mga sungay niya sa tuwing kaharap niya ito upang sa ganoon ay magsawa nalang ito at hayaan siya. But Bastie stuck like a glue by her side all this time!

She can always brings out the worst of her in front of him but he always stays. Ito na yata ang may pinaka-mahabang pasensiya sa buong mundo o baka naman sadyang masunurin lang ito sa mga magulang. And she hates the last idea!

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order nila. Hindi siya inasar ni Bastie habang kumakain sila. Pa minsan minsan ay may mga tanong ito na sinasagot naman niya ng matino.

"I always have this feeling whenever I drop you home." Wika ng binata ng nasa tapat na sila ng bahay niya.

Kinalas niya ang seatbelt at hinarap ito, "What feeling?"

"SepAnx..." Seryoso ang binata ng sabihin iyon ngunit hindi niya alam kung bakit kumawala ang malakas na tawa niya.

She's really laughing out loud! Ngunit ng mapansin niyang maang na naka tingin sa kanya si Bastie ay tumigil siya.

"B-Bakit?" She stammered.

"Wala lang, sadyang namamangha lang ako kapag ngumingiti ka o tumatawa ng ganyan." Paliwanag nito.

"Why?" She whispered shyly. 

Nagkibit balikat ito at kinalas din ang seatbelt, "Maybe because for almost a decade, mabibilang ko ang mga pagkakataon na ngumiti ka o tumawa ng ganyan na ang dahilan ay ako."

And when she met his gaze, there was something in his eyes that she can't explain. Unti unting lumalapit ang mukha ni Bastie sa mukha niya. And she really knows what will happen next. But just like before she does not have any strength to break that connection.

Bastie softly kiss her on the lips. Sa una ay banayad lang, ngunit pinalalim nito iyon. Naghahanap ng katugon. But she never responded, and just like before, ang binata na mismo ang pumutol ng halikan nila.

"And for almost a decade, you never kissed me back...." Tila may lungkot sa tinig nito. "Sometimes, I wonder if I am really that bad.... Am I?

"You are what?" Usal niya ngunit sapat na para marinig nito.

"Am I a bad kisser?"

Tumitig siya sa mga mata nito, "No, you are not, your lips are the sweetest..." Pang-aamin niya.

"Then why.... why are you not kissing me back?" Tanong nito.

"Because I don't want to." Iyon lang ang pinaka madaling paliwanag na naisipan niya.

Paano ba niya sasabihin dito na sobra sobrang pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya sa tuwing hahalikan siya nito. Oh! Yeah, this is not the first time they kiss. Ngunit sa tuwina'y hindi siya tumutugon sa mga halik nito. Dahil higit kanino man ay alam niya kung ano ang totoong sitwasyon nila.

Bumuntong hininga si Bastie at umibis ng sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayan siyang makalabas ng sasakyan. The perfect gentleman as ever. 

"Goodnight, thanks for tonight." Aniya at ginawaran ito ng halik sa pisngi. 

Yes, she can do that, kapag tino-topak siya na huwag mainis dito tulad ngayon, wala siyang toyo sa utak.

Amusement was dancing in his eyes, "Goodnight..." Pagkuway saad nito at hinalikan siya sa noo.

Akmang tatalikod na siya nang tawagin siya ng binata. Muli siyang humarap dito.

Strange, wala nga siyang toyo ngayon, kase dapat iniismiran na niya ito kung tinotopak siya.

"I am serious about that SepAnx thing. Sa tuwing hinahatid kita pakiramdam ko gusto pa kitang makasama ng matagal...."

Tumingin siya sa langit, kaya naman pala may mali sa mga emosyon nila ngayong araw na ito. Kabilugan pala ng buwan. Pagkatapos ay maging siya ay napa-kunot ang noo sa naisip na iyon.

"Anong connect?"

Oo nga naman? Walang connect!

"Alam mo, kabilugan pala ng buwan ngayon, itulog mo nalang yan." Aniya rito at tuluyan na siyang pumasok sa gate ng bahay nila. 

Bago tuluyang makalayo, nilingon niya si Bastie. Ngunit wala sa kanya ang atensiyon nito. Nakatingin ito sa bilog na buwan.

Lihim siyang napangiti sa posisyon nito. Nakasandal ito sa sasakyan, nakapamulsa at nakatingala sa langit.

"Aba'y gwapo ngang talaga!"

"SI BASTIE BA iyon?" Bungad ng kanyang ama nang makapasok siya ng bahay.

"C'mon dad, stop acting that you know nothing." Matabang na wika niya.

Matagal ng sira ang relasyon nilang mag-ama. Yeah, it's been 9 years.

"Don't use that tone to me Icelandia!" Dumagundong ang galit na boses ng ama.

Napangiwi siya ng marinig ang buong pangalan niya mula rito. Kaya nga hangga't maaari ay ayaw niyang makipag-usap dito dahil sa tuwina'y nauuwi iyon sa sagutan. Lalo lang lumalaki ang di nila pagkakaunawaan na mag-ama.

"Then, tell Bastie to leave me alone!" Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay yaong pakiramdam na minamanipula ang buhay niya. 

Minsan na nitong ginawa iyon sa kanyang nakatatandang kapatid at hindi iyon kinaya ng ate niya kaya mas pinili pa nitong kitilin ang sariling buhay.

She will not let anyone to decide for her. This is her life after all. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit damay si Bastie dito?

Bumuntong hininga ang kanyang ama. "Why can't you see that I'm doing this for your own sake?"

"I can take care of myself. I can decide on my own. I don't want my life to be manipulated!" Giit niya sa ama. 

"Paulit ulit lang ang usapan na ito." Anang ama na tila nahahapo.

"Exactly! 9 years na itong paulit ulit! At hindi ko maintindihan kung bakit kasama si Bastie dito!" Inis na saad niya sa ama.

"He is a good man." Sa sinabing iyon ng ama ay natikom ang kanyang bibig. 

She don't want to admit it in front of his father but, yes indeed, Bastie is a good man. Kaya nga sunud sunuran ito sa mga magulang nito at sa ama niya!

"He is not your puppet dad!" Mariin na saad niya.

"Sino ba ang nagsabing puppet ko siya?" Tanong ng kanyang ama.

"Stop pretending that you don't know! Stop using him!" May diin sa bawat pagbitiw niya ng mga katagang iyon. 

"Hindi mo alam ang sinasabi mo hija." Anang ama na hinilot ang sentido.

"Because all along you are not explaining it!" May halong hinanakit na sagot niya rito.

"Hindi mo naiintindihan...."

"Because you don't want me to understand."

"Ang mahalaga hija, we are doing this for you."

"No you are not! I won't let you manipulate my life dad. Kung si ate ——"

"Ice!"

Natigilan siya ng marinig ang kanyang ina mula sa itaas. Tumingala siya at lumambot ang ekspresyon niya. Her mother is her only reason why she's still living in this house. Kayang kaya na niyang magsarili lalo na't gusto niyang iwasan ang ama. Ngunit pagdating sa kanyang ina ay malambot ang puso niya. Pinapawi nito ang kalamigan sa kanyang puso.

"Mom..." Bulong niya habang pababa ito ng hagdan. 

Ayaw na ayaw niyang makita sila nitong nag-aaway ng kanyang ama. Bukod sa hindi ito maganda sa kalusugan nito ay napaka emotional ng kanyang ina. Isang katangian na namana ng kanyang ate. Muling dumaan ang kirot sa kanyang puso sa pag-alala sa pumanaw na kapatid.

Hinalikan siya sa pisngi ng ina. Pagkatapos ay hinaplos nito iyon, "I'm glad you are home. Go and change now. Nag-bake ako ng cake, let's have it while sipping our tea?"

Ang totoo ay busog na siya. But she does not have a heart to decline her mother. Madalas ito ang paraan nito para makausap siya. Tumango siya at nagpaalam muna ditong magpapalit ng damit at pagkuway umakyat na siya sa kanyang silid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status