Hinubad ni Rienne ang suot na beach slippers at sinuot ang kaniyang eleganteng ankle-strap shoes. Puti rin iyon at may mangilan-ngilan ding crystals. Binili niya ito dati dahil naisip niyang parang pangkasal 'yon. Hindi niya sinuot at itinago lang kasama ng marami niyang mga mamahaling sapatos. Hindi niya alam na darating pala ang araw na maisusuot niya talaga 'to sa mismong kasal pa niya.
Napatingin sina Rienne at Aveline sa pinto nang bumukas iyon.
"Ang ganda-ganda mo, anak," sabi sa kaniya ni Nanay Lina at hindi nakatakas pandinig niua ang bahagyang pagpiyok nito at ang pagpipigil nitong umiyak.
Niyakap ni Rienne si Nanay Lina. Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya.
"Ang anak ko, ikakasal na. Masaya ako para sa iyo, Rienne. Siguradong natutuwa ang mommy mo at ang kuya mo kung nasaan man sila ngayon."
Napangiti si Rienne nang dahil sa sinabi ni Nanay Lina. Kung nasaan man a
Huminga muna siya nang malalim bago magpatuloy. Nag-uunahan ang mga emosyon sa dibdib niya sa mga oras na 'to."Thank you for approving my deal, for letting me invest in your life. Gaya ng sabi mo, it won't be a smooth-sailing journey. But we will walk on waters hand in hand. Anuman ang dumating, k-kung paghiwalayin man tayo ng pagkakataon balang araw, gusto ko lang malaman mong ikaw at ikaw lang din ang mamahalin ko. Wherever you go, my soul will always find you, Adrienne. We are made for each other, at kahit anuman ang dumating, hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa iyo. Ikaw at ikaw lang din ang mamahalin ko . . . ikaw noon, ngayon, at ikaw pa rin bukas. My love for you transcends a lifetime. Hindi gaya ng ibang vow, hindi kamatayan ang maghihiwalay sa atin. Not even death will do us part, Adrienne."Isinuot niya sa daliri ni Adrienne ang singsing at tiningnan ito nang diretso sa mga mata."Like this endless circle, my love for you has
"Ito nga pala o. Kailangang mo itong inumin ngayon," wika ni Andro kay Adrienne.Inabot niya kay Adrienne ang isang tableta ng gamot na para sa diarrhea nito. Araw-araw pa rin kung pahirapan ng sakit na iyon si Adrienne. Kaya binigay sa kaniya ni Sean ang mga gamot na kailangang inumin nito. Alam kasi nilang lahat na kung kay Adrienne mismo ibibigay ni Sean ang mga gamot ay hindi iyon iinumin ng asawa niya. Matigas din kasi ang ulo nito at ayaw na ayaw umiinom ng gamot. She would always say that she loathes medicine. Kaya nga pinagtitiyagaan na lang ito ni Andro. And he vows to always do so.As long as he is by her side, he will always take care of her. That is what he vowed in front or the altar and he knows that is what he is supposed to be doing not because it is his obligation, but because it is what he wanted to do.Paminsan-minsan din ay nilalagnat pa rin ito at inaatake ng fatigue. Pero lagi niya itong inaalalayan. Pilit siyang nagpapaka
"Eya, baby, behave there, okay? Bawal ma-stress si Tita Aveline, kaya sundin mo lang siya. She needs to be stress-free for your baby sister or brother in her tummy, okay?""Okay, mommy. I love you and daddy!" Eya said and gave her a flying kiss."Love you too, baby!"Itinapat ni Rienne ang cellphone sa mukha ni Andro na ngayon ay busy sa pagtingin ng kung ano sa camera niya."Bye, baby Soleia!"Nang matapos na ang tawag ni Eya ay hinarap niya si Andro na ngayon ay itinutok na naman sa kaniya ang camera."Nakakahalata na ako, ah. For the past month, lagi mo akong kinukunan ng picture. I know I am the ever so gorgeous Rienne na maganda talagang subject for photography. Pero Andro ha, mayamaya ka kung kumuha ng picture! Mas maganda ba ako riyan kaysa sa personal?"Humalukipkip siya kay Andro na ngayon ay nagkakamot na ng batok habang ibinababa sa mesa ang hawak nitong camera."
It had been blissful for Andro and Adrienne these past few months. Hindi man normal ang naging honeymoon nilang dalawa ay masaya pa rin siya dahil kasama niya ang babaeng mahal na mahal niya . . . ang asawa niya.But life surely has its own way of reminding them of the bitter reality. On the night of their supposedly 55th anniversary, Adrienne lost consciousness. The sight of her in a seemingly deep slumber scared the hell out of Andro. He can remember how his knees grow weak and how he almost stopped breathing as he looked at his wife who lay unconscious on the floor.Apparently, his wife's immune system is severely damaged, and her cancer cells are spreading like wildfire. Even her complications --- fatigue, flu, and diarrhea --- are getting worse and worse every single day.Pakiramdam ni Andro ay wala siyang silbi sa tuwing aatake ang sakit ni Adrienne. Kung puwede lang sanang kunin ang sakit nito ay matagal niya nang ginawa. Mas gusto pa ni
"B-Baby . . . "Nag-angat ng tingin ang anak niya at nang magkasalubong ang mga mata nila, hindi niya na mapigilang mapaiyak. Napatingin din siya sa bandang kanan niya nang maramdamang may umalalay sa kaniya para makaupo sa kama. Ang asawa niyang si Andro, at gaya ni Eya ay naiiyak na rin ito.Niyakap niya nang mahigpit ang anak at hinagod niya ang likod nito."B-Baby E, stop crying na . . ."Nakasubsob lang ang mukha ng anak sa bandang dibdib niya at patuloy lang ito sa pag-iyak. Binalingan niya si Androng nakatingin sa kanila habang may malungkot na mga mata."D-Does she know?"Sinabi iyon ni Rienne sa asawa nang pabulong. Buti at naintindihan nito. Tumango ito at napangiti nang malungkot. Nang dahil doon ay mas lalo niyang niyakap nang mahigpit si Eya. Mayamaya pa ay yumakap na rin si Andro sa kanila. Hinang-hina si Rienne sa mga oras na 'yon, pero pakiramdam niya ay na-recharge siya n
Halos madurog na ang puso niya habang tintingnan ang asawa ngayon. Nakalupaypay na si Adrienne sa banyo. Ilang beses itong pabalik-balik doon dahil sa mas lumalala nitong diarrhea. May mangilan-ngilan na ring rashes sa balat nito. Gusto mang umiyak ni Andro sa mga oras na 'to ay hindi niya ginawa. Alam niyang mas mag-aalala si Adrienne kapag naging emosyonal siya."My sun, let me help you get up."Kahit nahihirapan ay nginitian siya ni Adrienne. Pagkatapos niyang ayusin ang hospital gown nito ay binuhat niya na ito para ihiga muli sa kama. Sobrang gaan na ni Adrienne. Ang laki na kasi ng binawas sa timbang nito. Pero gaya ng lagi niyang sinasabi noon, kahit na maputla na ito at sobrang payat na ngayon, si Adrienne pa rin ang pinakamagandang babae para sa kaniya.He traced the contours of her face and lightly caressed her cheeks which is void of any hint of pink. He also smoothened her hair which speaks of glory. Adrienne opened her eyes and fla
Bumuntong-hininga si Andro at lumunok. He wanted to cry at this very moment. But no. He has to reign himself. Hindi siya puwedeng mag-breakdown sa ngayon. He still needs to tell that beautiful story to her."So iyon nga. Alam ng binatang nagluluksa ang batang babae, kaya sinamahan niya ito. Hindi niya ito iniwan. Inalagaan niya ito at sinamahan hindi lang dahil sa parang naging responsibilidad niya na rin ito. He stayed with her because he wanted to do so. Hanggang sa isang araw, naramdaman niyang may nag-iba na sa pakikitungo noong babae sa kaniya."He paused for a while as he reminisced that moment."Hindi siya manhid para hindi malamang nagkakagusto na sa kaniya ang babae."Napangiti siya pagkabanggit noon. Hindi niya rin maiwasang mas bumilis ang tibok ng puso niya habang ikinukuwento ang bagay na iyon sa asawa niya."Masayang-masaya ang binata. Kaso, natakot siyang baka kaya ganoon ang pakikitungo sa kaniya noong babae ay dahil nakikita
"Happy 70th anniversary, my eternal sunshine."Andro buried his face in his hands and wept like how he did these past few days. Limang araw na ang nakalipas mula nang bawiin sa kaniya ang asawa. Limang araw na rin siyang parang unti-unting pinapatay. Mula nang mawala sa kaniya si Adrienne, wala na siyang ibang ginawa kundi matulog, umiyak, at pagmasdan ang mga larawan nitong naipon sa dark room niya.Iyong mga video at picture na lang ni Adrienne ang tinitingnan niya araw-araw. Kung wala ang mga 'yon, baka hindi niya na gustuhing magising pa siya. Sa totoo lang, ayaw niya rin naman talagang magising sa araw-araw. Ang kaso, lagi niyang pinapaalala sa sarili niyang may responsibilidad pa siya bilang ama ni Soleia. Ang anak nila ni Adrienne ang ginagawa niyang motivation para sa araw-araw. Sa kaniya ito binilin ng asawa. Kaya hindi dapat siya magpadala sa lungkot.Pero talagang sa mga panahon ngayon ay sobrang sakit pa rin ng nangyari. Sariw