Home / Romance / The Whispering Love of a Lily / Chapter 17 - A promise and rejection

Share

Chapter 17 - A promise and rejection

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-06-11 23:38:04

Nagulat si Linux sa kanyang narinig. Pinuproseso ng utak niya ang sinabi ni Sereia.

"Ano?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Linux.

Napabuntonghininga si Sereia. Kinurot niya ang kanyang kamay sabay sabing, "Linux, gusto kita."

Muling natahimik si Linux. Naglapit ng mariin ang labi niya.

Hindi siya tanga. Alam niya ang ginagawa nito. The little girl he use to cherish is now confessing her feelings. Pero ayaw tanggapin ng sistema niya. May parte ng kanyang puso na gustong sagutin ang isinisigaw nito pero sa isang banda, meron din pumipigil sa kanya.

Ganoonpaman, sa isip niya ay hindi ito pwede.

Nilapitan ni Linux si Sereia. Saka niya ginulo ang buhok nito.

"Sereia, ang bata - bata mo pa. Gusto mo ng ma-inlove?" malambing na wika ni Linux.

Hangga't maaari ay ayaw niya na pag - usapan nila ang tungkol sa buhay pag - ibig. Ayaw niyang makita na nasasaktan ito.

Nalungkot si Sereia. "Hindi ako nagbibiro," matapang niya na ani. "May gusto talaga ako sa'yo."

Napabuntonghininga si Linux. Nam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 18

    "Kapatid lang ang turing mo sa akin hindi ba?" Parang naputulan ng dila si Linux. Hindi siya nakasagot at hirap na hirap siyang sagutin ang tanong nito. Ganoonpaman, hindi siya nainis. Ni hindi rin siya nagalit. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso kung bakit umakto ito ng ganito sa harap niya. Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita si Sereia. "Linux, mangako ka sa akin." Naglapat ng mariin ang labi niya. "Ano 'yon?" "Mangako ka muna," paniniguro pa ni Sereia. Bumuntonghininga si Linux sa kawalan ng options. "Sige, pangako. Now tell me what it is." Napatitig si Sereia sa malayo. "Alam ko naman na hindi mo na ako kayang mahalin. Kaya hindi na ako umaasa, pero...." Lumingon siya kay Linux. "Pwede bang huwag mo akong iwan?" Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Napatitig si Linux sa maamong mukha ni Sereia. Ang mataas nito na pilik - mata ang siyang dahilan kung bakit mas lalo siya nalunod mula sa pagkatahimik. "Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. Ikaw lang din ang

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 17 - A promise and rejection

    Nagulat si Linux sa kanyang narinig. Pinuproseso ng utak niya ang sinabi ni Sereia. "Ano?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Linux.Napabuntonghininga si Sereia. Kinurot niya ang kanyang kamay sabay sabing, "Linux, gusto kita."Muling natahimik si Linux. Naglapit ng mariin ang labi niya. Hindi siya tanga. Alam niya ang ginagawa nito. The little girl he use to cherish is now confessing her feelings. Pero ayaw tanggapin ng sistema niya. May parte ng kanyang puso na gustong sagutin ang isinisigaw nito pero sa isang banda, meron din pumipigil sa kanya.Ganoonpaman, sa isip niya ay hindi ito pwede. Nilapitan ni Linux si Sereia. Saka niya ginulo ang buhok nito. "Sereia, ang bata - bata mo pa. Gusto mo ng ma-inlove?" malambing na wika ni Linux.Hangga't maaari ay ayaw niya na pag - usapan nila ang tungkol sa buhay pag - ibig. Ayaw niyang makita na nasasaktan ito.Nalungkot si Sereia. "Hindi ako nagbibiro," matapang niya na ani. "May gusto talaga ako sa'yo."Napabuntonghininga si Linux. Nam

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 16 - I like you

    Dumaan ang mga araw, madalas na bumibisita si Dismund sa mansion ni Doña Mercedes. Parati niyang inaaya si Linux na umalis, pero katulad noong una. Iba na ang naging sagot nito."Sige na, Kai," pamimilit pa ni Dismund habang niyugyog ang braso nito. "Samahan mo na ako. Wala akong partner sa basketball. Sayang ang pusta ko."Nagsalubong ang kilay ni Linux. Umalis siya sa kanyang kama at lumabas sa veranda ng kwarto niya. Tinanaw niya ang bahay nila Sereia. "Malilintikan ako sa Papa ko, Dismund. Kaya nga ako napadpad dito dahil sa mga kalokohan ko."Sumunod si Dismund. "Hindi iyan. Wala naman magsusumbong. Bakasyon natin ngayon kaya dapat sulitin natin ang araw. Hindi ka ba nahahaggard?""Hindi.""Aish!" Marahas na kinamot ni Dismund ang kanyang ulo. Tinabihan niya si Linux. "Tara na kasi. Minsan lang naman 'to. Come on, Kai. Mapapahiya ako sa ginagawa mo."Napabuntonghininga si Linux. "Bakit ka pa kasi nakipagpustahan kung wala ka naman kaduo?""Ano'ng wala?" Umakbay sa kanya si Dismun

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 15 - Glimpse of the past

    "Back off," Linux said in a warning tone."Tsk!" Tinapik ni Dismund ang balikat ni Linux. "Huminahon ka nga. Nagpapakilala lang ako." Sabay tingin kay Sereia. Tinuro niya ulit ang kanyang braso. "Hindi mo 'to natatandaan?"Umiling ulit si Sereia. Ang totoo ay kilala niya ito. Natandaan niya rin ito. Ito iyong parating kalaro ni Linux dati. Madalas niya ito nakikita dahil para rin itong buntot ni Linux, na kung saan ito pupunta ay nandoon din ito, pero ayaw lang niya magpakilala. Sa nalaman niya mula kay Linux ngayon, mas mabuti pa na mag - lie low na lang siya."Tsk! Tsk! Tsk!" Nameywang si Dismund. "Totoo talaga ang sinasabi nila na kapag tumatanda ang isang babae ay mas lalong gumaganda. You changed a lot. Kung hindi lang sinabi ni Linux ang pangalan mo ay hindi ko malalaman na ikaw si Sereia." He smile. "Come on, give me your number.""That's enough," Linux stopped his friend. He slap Dismund's hand. "Do you want to die?"Hilaw na ngumiti si Dismund. Binawi niya ang kanyang kamay.

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 14 - Wife

    Salubong na ang kilay ni Adriel. Kanina pa siya naiinis kay Linux. Hindi lang siya makaporma, maliban sa mataas ang antas nito sa buhay, marami pa ring mga bisita na nakamasid sa kanila.Tumango - tango si Adriel. Saka niya iginalaw ang kanyang panga para palihim na ilabas ang inis."What do you want me to do then?" Adriel asked.Kinamot ni Linux ang kanyang ilong. Saka siya ngumiti. "Hindi ba gusto mo na humingi ng tawad si Sereia sa girlfriend mo? What about her? She also committed a sin."Natahimik si Adriel. Nakuha niya ang punto nito. Lumingon siya kay Margarette. Yumuko naman ito at hindi makatingin kina Linux at Sereia She was unwilling but she didn't dare to show it. "S-sorry, Sereia, h-hindi na mauulit."Napatingin si Sereia kay Linux.Linux frown. "What are you looking at? May nag - sosorry sa'yo. Hindi mo man lang ba sasagutin?"Naging blangko ang mata ni Sereia. Bumuntonghininga muna siya bago humarap kay Margarette.Sereia glance at Margarette. "I'm not part of your love

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 13

    Napako sa kinatatayuan si Adriel. Hindi niya magawang kumilos dahil sa mapanhusgang tingin ni Linux. Nailibot niya ang kanyang paningin. Napansin niya ang bulungan at mapagkutyang tingin ng mga tao. Maaaring iilan lang sa mga bisita ang nakakilala sa kapatid ni Linux, pero sa mata ni Adriel; kilalang - kilala niya ito. Isa lang naman ang tinutukoy nito na kapatid na babae. Walang iba kung hindi ang nag - iisang babae'ng anak ng mga Sevania na si Aurelia Ayame Sevania. Interesado ang Mama niya sa malawak na koneksiyon ng mga Sevania. Ang mga Sevania ang pinakamayamang Angkan na nakatira sa Santa Mos Vier. Walang tao na hindi kilala ang pamilya'ng Sevania. Masyadong matunog ang pangalan nito dahil sa kaliwa't - kanan mga charity organizations nito. Nagkalat din sa karatig bayan ang mga negosyo nito. Maging sa siyudad ay mayroon din itong mga negosyo. Kaya para hindi maputol ang koneksiyon ng dalawang pamilya, ipinagkasundo siya ng kanyang Mama. Kahapon niya pa nalaman ang tungkol

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status