Home / Romance / The Whispering Love of a Lily / Chapter 67- Not Her Type

Share

Chapter 67- Not Her Type

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-10-14 18:38:36

Hindi sumagot si Sereia pero tinapunan niya ng malamig na tingin si Kevin. Hindi siya kumukurap kaya bigla itong nailang.

Tumikhim si Kevin. "Sorry, ang seryoso mo kasi habang nagtitipa ng cellphone. I was just curious."

Tinabingi ni Sereia ang kanyang mukha. "Ang ayaw ko sa lahat ay feeling close na kaagad kahit bago pa lang kami magkakilala," walang abog na sabi ni Sereia.

Nawala ang ngiti sa labi ni Kevin. "I-I sorry."

Umiling si Sereia. Ininguso niya si Jasmine na nakatayo na at abalang nakipag-usap sa waiter na babae. "Help her. Baka magtampo pa yan sa'yo."

Parang natauhan si Kevin. Nilingon niya si Jasmine at tinitigan ito. Saka siya muling lumingon kay Sereia.

"Y-yeah."

Hindi na sumagot si Sereia. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone. Wala pang isang minuto ay may natanggap na naman siya ng bagong message. Pumalatak ng nakangisi si Sereia.

Nireplyan niya isa-isa ang mga chat ni Linux.

....

[May lakad pa ako. Ba't ba ang kulit mo?]

Typing....

....

[Ano'ng oras ka uuwi?]

"Tc
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 70- Rejecting her admirer

    Naiwas ni Sereia ang kanyang mata. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Brian. Pakiramdam niya kapag nakikipagtitigan siya ay mababasa nito ang emosiyon sa kanyang mga mata."Kamusta ang pamumuhay mo sa ibang bansa? Hindi ba mahirap?" Pag-iba ni Sereia sa paksa ng kanilang usapan."Medyo, pero ngayon na nakauwi na ako. Hindi ko na maiisip ang puyat at pagod ko. Iba kasi ang way of living sa ibang bansa," ani ni Brian.Tumango si Sereia. "Kasama mo naman ang pinsan mo na lalaki di ba? Si Cody?""Oo, pero iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya mo. Pati na mga kaibigan mo. Lalo na ngayon, nakikita na kita," saad pa ni Brian.Tumikhim si Sereia. Hindi siya makasagot.Pait na ngumiti si Brian. "Sereia, totoo pala talaga na nagkahiwalay na kayo ni Adriel. Akala ko kasi ay wala ka ng balak na hiwalayan siya. You care a lot for him. Naalala ko pa rati, parati mo siya sinusundan kapag vacant time mo na.""Nagbabago ang tao, Brian," ani ni Sereia na hindi makatingin sa kausap."Right— b

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 69- Her secret admirer

    "Aalis na lang ako.""Huwag na," pagpigil ni Sereia. "Baka sabihin pa nila na pinalayas kita rito.""That's what you want."Pinukol ni Sereia nang malamig na tingin si Brian. "Hindi ka ba talaga titigil?"Napabuntonghininga si Brian. Inusog niya ng kaunti ang kanyang upuan papunta kay Sereia. Nagsalubong ang kilay ni Sereia. "Ba't ka umusog?""Para hindi nila marinig ang pag-uusap natin," mabilis na sagot ni Brian na hindi man lang natinag. "Look, I just want to talk to you. Parati mo kasi ako iniiwasan.""May dahilan kung bakit ako umiiwas, Brian," walang abog na sagot ni Sereia."Alam ko.""Alam mo naman pala.""Sereia." Brian sighed. "Hanggang ngayon ba naman?"Natahimik si Sereia. Humalukipkip siya at tinitigan si Brian."Narinig ko sa barkada ni Adriel na hiwalay na raw kayo," pagbubukas ni Brian ng usapan. "Is it true?"Tinatamad na tinapunan ng tingin ni Sereia si Brian. "Wala ako rito kung nagsisinungaling lang ang pinagtanungan mo, Brian.""Yeah—right." Brian chuckled. "Buti

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 68- His funny side

    Iniwas ni Sereia ang kanyang mata. Binalingan niya ang kanyang kaibigan. "Oo nga pala, ano'ng inorder mo? Ang aga pa para kumain ng dinner." Umupo muna si Jasmine bago sumagot. "Huh? Pero pwede naman kasi na mag-dinner na di ba?" Dahan-dahan na tumango si Sereia. "Kunsabagay, pero maaga pa talaga eh." "Damihan mo na lang ng kain. Para hindi ka magutom mamaya," suhestiyon pa ni Jasmine. "Sige." Biglang tumunog ang cellphone ni Jasmine. Sinagot nito ang tawag nang nakaharap sa kanila. "Oo, nasaan ka na? Huh? Ba't di ka nagsabi?" sunod-sunod na tanong ni Jasmine. Kumunot ang noo ni Sereia sa narinig. Gusto niya sana magtanong pero nahihiya siya. "Sige, sige. Hintayin mo ako riyan. Susunduin kita," pahayag ni Jasmine bago niya binaba ang tawag. "Dito muna kayo. May susunduin lang ako sa labas," imporma ni Jasmine. "Sino?" Hindi mapigilang tanong ni Sereia. Ngumiti ng makahulugan si Jasmine. Binalingan niya si Kevin. "Hon, samahan mo muna si Sereia rito. Babalik kaagad ako." "

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 67- Not Her Type

    Hindi sumagot si Sereia pero tinapunan niya ng malamig na tingin si Kevin. Hindi siya kumukurap kaya bigla itong nailang.Tumikhim si Kevin. "Sorry, ang seryoso mo kasi habang nagtitipa ng cellphone. I was just curious."Tinabingi ni Sereia ang kanyang mukha. "Ang ayaw ko sa lahat ay feeling close na kaagad kahit bago pa lang kami magkakilala," walang abog na sabi ni Sereia.Nawala ang ngiti sa labi ni Kevin. "I-I sorry."Umiling si Sereia. Ininguso niya si Jasmine na nakatayo na at abalang nakipag-usap sa waiter na babae. "Help her. Baka magtampo pa yan sa'yo."Parang natauhan si Kevin. Nilingon niya si Jasmine at tinitigan ito. Saka siya muling lumingon kay Sereia."Y-yeah."Hindi na sumagot si Sereia. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone. Wala pang isang minuto ay may natanggap na naman siya ng bagong message. Pumalatak ng nakangisi si Sereia. Nireplyan niya isa-isa ang mga chat ni Linux.....[May lakad pa ako. Ba't ba ang kulit mo?] Typing........[Ano'ng oras ka uuwi?]"Tc

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 66- Meeting her Friend's Boyfriend

    Naningkit ang mata ni Sereia. Napabusangot siya."Sino na naman 'yan? Baka mamaya ay gusto mo lang makipag-kita dahil may inerereto ka naman sa akin," saad ni Sereia.Bigla siyang nagduda. Hindi na bago sa kanya ang pagiging ala-kupido nito. Noong sila pa ni Adriel, ilang beses na siya nitong sinet-up sa blind date. Na hindi naman niya gusto. Hindi siya nag-eenjoy. Bukod pa roon, ayaw niya sa mga lalaking inirereto nito.Talagang desidido ito na paghiwalayin sila ni Adriel. Hindi nito alam ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya maiwan-iwan si Adriel. Kaya ang magaling niya na kaibigan. Pilit na humahanap ng paraan para paghiwalayin sila. Nang mapansin nito na hindi talaga natitibag ang damdamin niya. Saka pa ito sumuko.Pero ngayon ay parang nangangati na naman ang kamay nito. Wala na yata itong mapaglibangan kaya pinagdiskitahan na naman nito ang buhay pag-ibig niya."Sus! Huwag ka ng magtanong! Mawawala iyong thrill," ani pa ni Jasmine na excited na excited.Napabusangot si Sere

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 65- The Woman at the front gate

    Natahimik si Adriel. Mariin niya tinitigan ang kanyang nobya ng mapang-ararok. Bigla naman kinabahan si Margarette. Hindi niya alam kung napikon ba ito o ano.Tumikhim si Margarette. Iniwas niya ang kanyang paningin at lumingon kay Manang Lusing. "How about kumain tayo ng break fast? Kumain ka na ba?" Pag-iiba ni Margarette sa usapan. Lumapit siya sa mesa. Sinilip niya kung ano ang nakalapag doon pero may napansin siya. Pagtingin niya kay Manang Lusing ay nakatitig na ito sa kanya. Na para bang iniobserbahan ang kakaiba niyang kilos.Ngumiti ng pilit si Margarette. Umalis siya sa mesa at nilapitan si Adriel."Hindi na. Ihahatid na kita," alok pa ni Adriel na siyang ikinagulat ni Margarette."Huh?" Napalinga si Margarette sa paligid. Saka niya binalingan si Adriel. "P-pero kakarating ko lang ulit. I want to check you pa eh."Lumamig ang ekspresiyon ni Adriel. "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng Mama mo."Umiling si Margarette. "Hindi, nagpaalam na ako.""How about your boarding hou

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status