分享

Kabanata 02

作者: Neverlandsink
last update publish date: 2026-10-21 20:01:23

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na kontrata lamang ang kasal nina Anna at Lawrence. Ito ay dahil nangako ang amain ni Lawrence na ipapakasal ang panganay niyang anak sa magiging anak ng tatay ni Anna, isang pagkakaibigang nabuo dahil pareho silang galing sa hirap noong mga bata pa sila.

Elementary pa lamang ay halos hindi na magkandamayaw ang mga magulang ni Lawrence sa pag-aayos ng kasal nila. Kaya lang, dahil sa murang edad ng mga bata, hindi naman magiging madali ang bawat paraan, kaya minabuti na lamang nilang maghintay hanggang sa lumaki ang mga ito.

Si Anna, mahal talaga si Lawrence noon pa man, pero si Lawrence ay tanging si Jane lamang ang minahal. Hindi lang siya makatanggi sa ama, kaya pinili niya si Anna kahit labag sa kalooban niya. Hindi rin naman talaga ganoon si Lawrence noon. Kung tutuusin, mas maganda pa ang pakikitungo niya kay Anna dati kaysa ngayon.

Si Anna Katalina Roxas—ang Katalina ay galing sa kaniyang ina, at ang Roxas naman ay apelyido ng kaniyang ama, na siyang may-ari ng isang malaking kumpanya at pagawaan ng tinapay. May iba-iba rin itong mga kumpanyang nakapalibot dito.

Si Lawrence naman ay may-ari ng isang malaking unibersidad, pero para sa lahat, makatungtong ka lamang sa loob nito ay isa nang kasaysayan.

Maganda naman si Anna, mas maganda pa nga kay Jane, pero hindi siguro sapat ang pagiging mukhang inosente niya kaya minsan ay nasasapawan pa rin siya ng ganda ng iba. Dahil na rin siguro sa kakaisip kung ano ang gagawin niya, halos nadagdagan na ang edad niya sa mukha at katawan.

“Ano iyon? Bakit mainit ka? May sakit ka ba?!” pasigaw na tanong ni Lawrence habang papasok sila sa loob ng bahay.

“Baka lagnat lang ito. Kahapon pa kasi talaga masama ang pakiramdam ko, kaya lang, maraming kailangang gawin dito. Akala ko kasi uuwi ka para kumain,” sagot nito.

Tumawa naman si Lawrence.

“Ako? Uuwi? Kakain? Baka isuka ko lang iyan. Salamat na lang.”

Kinuha nitong muli ang susi at lumabas ng mansyon nang hindi man lamang naghihintay ng sagot mula kay Anna.

“Ikaw kasi, Ma’am. Kung gusto mo, lumabas ka muna ngayon para hindi mo maalala ang mga ginagawa ni Sir sa iyo, o kaya naman ay magpahinga ka na sa loob. Baka mawalan ka pa ng malay. Dadalhan na lang kita ng pagkain sa itaas,” sabi ni Paz, ang kasambahay na ilang dekada nang naglilingkod sa kanilang pamilya.

Sinunod ni Anna ang sinabi ni Paz kaya agad siyang umakyat at nagpahinga. Mabigat ang kaniyang katawan at tila wala siyang lakas upang gumawa pa ng ibang bagay.

Samantala, sa kaniyang panaginip, dumating si Lawrence na may dalang gamot at tubig sa kanilang kuwarto. Hindi bakas sa mukha nito na kasama si Jane. Sa halip, silang dalawa lamang ang naroon, na para bang normal lang ang lahat.

“Anna, inumin mo muna ito,” malumanay na sabi ni Lawrence habang iniaabot ang gamot.

Napangiti si Anna sa panaginip. Sa wakas, kahit sa panaginip lamang, naramdaman niyang may nag-aalala rin sa kaniya.

Hindi na matandaan ni Anna kung kailan sila huling lumabas ni Lawrence nang silang dalawa lamang. Parang wala na sa bokabularyo nila ang lumabas na sila lang ang magkasama dahil baka nga naroon si Jane sa di-kalayuan.

Sa panaginip niya, masaya sila. Hindi na rin niya maalala kung kailan sila huling naging ganoon kasaya, kaya kung siya rin lang ay ayaw na niyang magising. Mas maganda ang nangyayari sa panaginip kaysa sa buhay niya ngayon.

Ngunit ang lahat ng iyon ay panaginip lamang.

Nagising siya sa mahinang tapik sa kaniyang balikat, na sinundan ng mas malakas na pag-alog.

“Anna!” sigaw ni Jane.

“Anna, baka naman tapos ka nang maglinis diyan. Nandito na ang amo mo,” dagdag nito.

Dali-daling tumayo si Anna at inayos ang sarili. Hindi na siya nagtanong kung bakit naroon si Jane. Sanay na siyang makita ito sa kanilang bahay, na para bang mas may karapatan pa itong manatili roon kaysa sa kaniya.

“Hindi ba sabi ko sa iyo, maghanda ka na ng pagkain?” utos ni Lawrence sa kaniya.

Wala nang nagawa si Anna kundi bumaba sa kusina upang maghanda ng pagkain para sa kanilang lahat.

“Pasensya na, Ma’am. Akala ko kasi hindi ka gigisingin ni bruha. May gagawin pa naman sa taas, pero kami na ang bahala. Dating gawi na lang, Ma’am. Dalhan na lang kita ng pagkain sa itaas,” sabi ng kasambahay.

Ngumiti nang bahagya si Anna bilang pasasalamat bago ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Maya-maya, nag-vibrate ang kaniyang cellphone. Agad niyang tiningnan kung sino ang nagpadala ng mensahe.

"Nasaan ka?"

Hindi pinansin ni Anna ang mensahe mula kay Lawrence. Ipinagpatuloy lamang niya ang pag-aayos ng pagkain sa mesa.

Ilang sandali pa ay muli itong nagpadala ng mensahe.

"Umalis na si Jane. Diyan naman kumakapal ang mukha mo.

Pahirapan naman tayo, Anna. Palagi na lang bang ganito? Sabi ko sa iyo, huwag kang papahuli na nasa kuwarto ka dahil ayokong nagagalit si Jane."

Napahinto si Anna sa ginagawa habang binabasa ang mga mensahe. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Gusto niyang sabihin na masama ang kaniyang pakiramdam, na kanina pa siya nilalagnat, at na sana ay minsan man lamang ay nagtanong ito kung ayos lang ba siya.

Ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.

Sa halip, ibinaba niya ang cellphone at ipinagpatuloy ang paghahanda ng pagkain. Pinili na lamang niyang manahimik, gaya ng palagi niyang ginagawa.

Hindi naman alam ni Lawrence na mas nasasaktan si Anna sa bawat salitang ipinapadala niya. Hindi niya alam na ang babaeng palagi niyang inuutusan ay siya ring babaeng tahimik na umaasang balang-araw ay mapapansin din niya.

Wala namang magagawa si Anna kundi manahimik na lamang.

Dahil kahit siya ang legal na asawa ni Lawrence, alam niyang hindi siya ang babaeng nasa puso nito.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 05

    Sa loob ng tatlong taon, walang ibang hinangad si Anna kundi ang maging masaya sila ni Lawrence. Ngunit sa kagustuhan niyang mapanatili ang kanilang pagsasama, may mga bagay din siyang isinantabi, gaya ng pagtuturo sa mga bata. Halos ilang buwan na rin kasing expired ang lisensya niya bilang isang guro at kailangan na niyang kumuha ng panibago.Noon, akala niya, kapag ikinasal siya ay magiging masaya na siya. Akala niya, sapat nang makasama niya ang lalaking mahal niya para masabi niyang kumpleto na ang kaniyang buhay. Ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Sa halip na saya, kirot sa dibdib ang madalas niyang maramdaman. Kaya naman minabuti niyang gawin na ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. Tutal, wala naman siyang mawawala kung susubukan niyang ibalik ang dating Anna na minsan niyang kinalimutan dahil sa pag-ibig.“Paz, baka gabihin ako ngayon. Siguro, huwag na lang kayong magluto ng marami. Para kay Sir na lang,” sabi niya habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang bag. “At

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 04

    Nang tuluyang maasikaso ni Paz ang mga papeles para sa kaniyang discharge, wala nang nagawa ang ina ni Anna kundi ang ihatid siya pauwi. Ilang beses pa siyang pinayuhan nito na magpahinga at huwag masyadong magpakapagod, mga salitang paulit-ulit lamang niyang sinagot ng isang ngiti.Pagdating nila sa bahay, agad na sinalubong sila ng isa sa mga kasambahay.“Ma'am, mabuti naman po at nakauwi na kayo. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?”“Maayos na ako. Salamat,” sagot ni Anna bago bahagyang lumingon sa kaniyang ina. “Ma, dito ka na muna maghapunan?”“Hindi na, anak. Marami pa akong aasikasuhin sa bahay. Magpahinga ka na lang, ha? At huwag mong kalimutang sabihin kay Lawrence kapag may nararamdaman ka.”“Opo, Ma.”Matapos ang ilang minutong pamamaalam, tuluyan nang umalis ang kaniyang ina. Naiwan si Anna sa malawak na sala, nakatitig sa pintuang kakasara lamang.“Ma'am, ihahatid ko na po ba kayo sa kuwarto ninyo?” tanong ni Paz.Umiling siya. “Hindi na. Dito muna ako. Pakikuha na lang a

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 03

    Hindi na muling nagpadala ng mensahe si Lawrence matapos ang huli nitong sinabi. Si Anna naman ay tahimik na ipinagpatuloy ang kaniyang mga gawain hanggang sa matapos siyang maghanda ng pagkain.Nang matapos ang lahat, dinala niya ang isang tray ng pagkain sa silid ni Lawrence. Kumatok muna siya nang dalawang beses bago marahang binuksan ang pinto.“Lawrence, nagdala ako ng pagkain mo.”Ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot.Nang tuluyan siyang makapasok, nakita niyang nakaupo si Lawrence sa gilid ng kama habang abala sa pakikipag-usap sa telepono. Bahagya itong napangiti sa taong kausap, isang ngiting matagal nang hindi nakita ni Anna na ibinigay sa kaniya.“Have you eaten, Jane?” tanong ni Lawrence sa kabilang linya. “I can have something delivered to you if you want.”Napayuko si Anna.Hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawa, ngunit hindi rin niya nagawang agad na lumabas. Sa simpleng tanong na iyon, muling naalala niya kung gaano kalayo ang pagkakaiba ng pakikitung

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 02

    Hindi lingid sa kaalaman ng iba na kontrata lamang ang kasal nina Anna at Lawrence. Ito ay dahil nangako ang amain ni Lawrence na ipapakasal ang panganay niyang anak sa magiging anak ng tatay ni Anna, isang pagkakaibigang nabuo dahil pareho silang galing sa hirap noong mga bata pa sila. Elementary pa lamang ay halos hindi na magkandamayaw ang mga magulang ni Lawrence sa pag-aayos ng kasal nila. Kaya lang, dahil sa murang edad ng mga bata, hindi naman magiging madali ang bawat paraan, kaya minabuti na lamang nilang maghintay hanggang sa lumaki ang mga ito. Si Anna, mahal talaga si Lawrence noon pa man, pero si Lawrence ay tanging si Jane lamang ang minahal. Hindi lang siya makatanggi sa ama, kaya pinili niya si Anna kahit labag sa kalooban niya. Hindi rin naman talaga ganoon si Lawrence noon. Kung tutuusin, mas maganda pa ang pakikitungo niya kay Anna dati kaysa ngayon. Si Anna Katalina Roxas—ang Katalina ay galing sa kaniyang ina, at ang Roxas naman ay apelyido ng kaniyang ama, na

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 01

    Hindi mapakali si Anna sa kaniyang kinatatayuan dahil buong araw siyang naging abala sa paghahanda ng mga gamit para sa pag-uwi ng kaniyang asawa. Galing kasi ito sa business trip sa ibang bansa, at paniguradong gusto na rin nitong kumain ng mga pagkaing Pilipino. “Ma’am Anna! Itong baka po ba, kanina pa natin pinakuluan? Baka naman po, kapag tinusok ni Sir Lawrence ng tinidor, mahulog na agad sa sobrang lambot!” biro ng kanilang kasambahay. Naalala kasi ni Paz na minsan nang nagalit si Lawrence dahil sa sobrang lambot ng pagkaing inihanda para sa kaniya. Halos hindi na niya kailangang nguyain ang karne bago ito mahulog sa kaniyang tinidor. “Hayaan mo na muna, Paz. Tatawagan ko lang ang Sir ninyo para malaman kung dito ba siya kakain. Kung hindi naman, para na lang sa inyo ang mga pagkain,” sagot ni Anna. Kinuha niya ang kaniyang telepono sa bulsa at tinawagan si Lawrence. Ngunit sa unang sagot pa lamang nito, halos maramdaman na ni Anna ang pagkayamot ng kaniyang asawa sa simplen

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status