登入Sa loob ng tatlong taon, walang ibang hinangad si Anna kundi ang maging masaya sila ni Lawrence. Ngunit sa kagustuhan niyang mapanatili ang kanilang pagsasama, may mga bagay din siyang isinantabi, gaya ng pagtuturo sa mga bata. Halos ilang buwan na rin kasing expired ang lisensya niya bilang isang guro at kailangan na niyang kumuha ng panibago.
Noon, akala niya, kapag ikinasal siya ay magiging masaya na siya. Akala niya, sapat nang makasama niya ang lalaking mahal niya para masabi niyang kumpleto na ang kaniyang buhay. Ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Sa halip na saya, kirot sa dibdib ang madalas niyang maramdaman. Kaya naman minabuti niyang gawin na ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. Tutal, wala naman siyang mawawala kung susubukan niyang ibalik ang dating Anna na minsan niyang kinalimutan dahil sa pag-ibig. “Paz, baka gabihin ako ngayon. Siguro, huwag na lang kayong magluto ng marami. Para kay Sir na lang,” sabi niya habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang bag. “At kung hanapin niya ako, pakisabi na lang na kumuha ako ng bagong lisensya.” Tumango ang kasambahay at hindi na nagtanong pa. Sanay na rin naman itong nakikitang umaalis si Anna nang hindi kasama ang kaniyang asawa. Ang hindi lang nito maintindihan ay kung bakit kailangan pa ring magpaalam ni Anna sa mga tao sa bahay gayong ang sarili nitong asawa ay hindi man lang nito masabihan. Ngunit hindi na iyon pinansin ni Anna. Hindi naman niya kailangang ipaliwanag ang sarili sa lahat, lalo na kung ang taong gusto niyang makaalam ay wala rin namang pakialam sa kaniya. Dalawampu't anim na taong gulang siya nang ipagkatiwala niya ang kaniyang puso kay Lawrence. Isa siyang ganap na preschool teacher noon, nagtapos sa unibersidad na pagmamay-ari ng mga Santillan at isa sa mga nakakuha ng latin honors. Matalino, maganda, at mula sa pamilyang hindi rin naman pahuhuli pagdating sa yaman. Ano pa ba ang hahanapin mo sa isang Anna Katalina Roxas? Marami siyang pangarap para sa sarili. Gusto niyang makapagturo sa mas maraming bata, makapagbahagi ng kaalaman at maging isa sa mga gurong maaalala ng kaniyang mga estudyante kahit lumipas na ang maraming taon. Simple lang ang mga pangarap niya noon, at hindi naman niya kailangang magkaroon ng marangyang buhay para makuntento. Ngunit nang dumating si Lawrence sa buhay niya, nagbago ang lahat. Hindi niya namalayang unti-unti na niyang isinasantabi ang mga bagay na minsan niyang pinapangarap. Mas pinili niyang asikasuhin ang kanilang pagsasama, umasa sa mga sandaling maaari silang maging masaya at maniwalang darating din ang araw na mamahalin siya ng kaniyang asawa. Sa loob ng tatlong taon, iyon ang naging dahilan kung bakit patuloy siyang nanatili. Pero ngayong napagod na siyang maghintay, naisip niyang baka panahon na para sarili naman niya ang piliin. Si Lawrence naman ay matagal nang nakapagtapos at kasalukuyang namamahala sa unibersidad kasama ang kaniyang ina. Matagal nang namayapa ang kaniyang ama, ngunit bago ito tuluyang pumanaw ay naikasal pa nito si Lawrence at nasaksihang si Anna ang naging asawa ng anak. Noon, masaya ang lahat. O marahil, iyon lang ang gustong paniwalaan ni Anna. Dahil kahit pa nakita ng ama ni Lawrence ang kanilang kasal, hindi naman nito nakita kung paano unti-unting naubos ang ngiti ng babaeng pinili ng anak nitong pakasalan. Hindi nito nasaksihan kung paanong ang isang babaeng dating puno ng pangarap ay natutong makuntento sa mga mumunting atensiyong bihirang ibigay sa kaniya. At ngayon, sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may iba nang dahilan si Anna para gumising sa umaga. Hindi na para hintaying sabay silang mag-almusal ni Lawrence. Hindi na para alamin kung uuwi ba ito nang maaga o kung may oras ba itong ilaan para sa kaniya. Kundi para sa sarili niya. “Ma'am Anna, magpapahatid po ba kayo?” tanong ni Paz nang makitang palabas na siya ng bahay. Umiling si Anna habang bahagyang ngumiti. “Hindi na, Paz. Kaya ko na. Tsaka gusto ko ring maglakad-lakad kahit kaunti.” “Sigurado po kayo? Mainit po sa labas.” “Okay lang. Matagal na rin naman akong hindi nakakapaglakad nang walang iniisip.” Hindi na nagtanong pa si Paz. Sa halip, binuksan nito ang p***o at hinayaang makalabas ang amo. Pagdating sa labas, saglit na huminto si Anna at tumingin sa malaking bahay na naging tahanan niya sa loob ng tatlong taon. Napangiti siya nang mapait. Ang laki ng bahay, ang daming kuwarto, at halos lahat ng gusto niya ay kaya niyang bilhin. Ngunit nakakatawang isipin na sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay pa rin siyang hindi makuha. Ang pagmamahal ng sarili niyang asawa. Huminga siya nang malalim bago tuluyang naglakad palayo. Hindi niya alam kung magiging madali ba ang panibagong simula, pero gusto niyang subukan. Kung kaya niyang maghintay nang tatlong taon para kay Lawrence, marahil kaya rin niyang maglaan ng panahon para sa sarili niya. At sa pagkakataong ito, hindi na niya kailangang humingi ng pahintulot sa kahit sino.Sa loob ng tatlong taon, walang ibang hinangad si Anna kundi ang maging masaya sila ni Lawrence. Ngunit sa kagustuhan niyang mapanatili ang kanilang pagsasama, may mga bagay din siyang isinantabi, gaya ng pagtuturo sa mga bata. Halos ilang buwan na rin kasing expired ang lisensya niya bilang isang guro at kailangan na niyang kumuha ng panibago.Noon, akala niya, kapag ikinasal siya ay magiging masaya na siya. Akala niya, sapat nang makasama niya ang lalaking mahal niya para masabi niyang kumpleto na ang kaniyang buhay. Ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Sa halip na saya, kirot sa dibdib ang madalas niyang maramdaman. Kaya naman minabuti niyang gawin na ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. Tutal, wala naman siyang mawawala kung susubukan niyang ibalik ang dating Anna na minsan niyang kinalimutan dahil sa pag-ibig.“Paz, baka gabihin ako ngayon. Siguro, huwag na lang kayong magluto ng marami. Para kay Sir na lang,” sabi niya habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang bag. “At
Nang tuluyang maasikaso ni Paz ang mga papeles para sa kaniyang discharge, wala nang nagawa ang ina ni Anna kundi ang ihatid siya pauwi. Ilang beses pa siyang pinayuhan nito na magpahinga at huwag masyadong magpakapagod, mga salitang paulit-ulit lamang niyang sinagot ng isang ngiti.Pagdating nila sa bahay, agad na sinalubong sila ng isa sa mga kasambahay.“Ma'am, mabuti naman po at nakauwi na kayo. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?”“Maayos na ako. Salamat,” sagot ni Anna bago bahagyang lumingon sa kaniyang ina. “Ma, dito ka na muna maghapunan?”“Hindi na, anak. Marami pa akong aasikasuhin sa bahay. Magpahinga ka na lang, ha? At huwag mong kalimutang sabihin kay Lawrence kapag may nararamdaman ka.”“Opo, Ma.”Matapos ang ilang minutong pamamaalam, tuluyan nang umalis ang kaniyang ina. Naiwan si Anna sa malawak na sala, nakatitig sa pintuang kakasara lamang.“Ma'am, ihahatid ko na po ba kayo sa kuwarto ninyo?” tanong ni Paz.Umiling siya. “Hindi na. Dito muna ako. Pakikuha na lang a
Hindi na muling nagpadala ng mensahe si Lawrence matapos ang huli nitong sinabi. Si Anna naman ay tahimik na ipinagpatuloy ang kaniyang mga gawain hanggang sa matapos siyang maghanda ng pagkain.Nang matapos ang lahat, dinala niya ang isang tray ng pagkain sa silid ni Lawrence. Kumatok muna siya nang dalawang beses bago marahang binuksan ang pinto.“Lawrence, nagdala ako ng pagkain mo.”Ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot.Nang tuluyan siyang makapasok, nakita niyang nakaupo si Lawrence sa gilid ng kama habang abala sa pakikipag-usap sa telepono. Bahagya itong napangiti sa taong kausap, isang ngiting matagal nang hindi nakita ni Anna na ibinigay sa kaniya.“Have you eaten, Jane?” tanong ni Lawrence sa kabilang linya. “I can have something delivered to you if you want.”Napayuko si Anna.Hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawa, ngunit hindi rin niya nagawang agad na lumabas. Sa simpleng tanong na iyon, muling naalala niya kung gaano kalayo ang pagkakaiba ng pakikitung
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na kontrata lamang ang kasal nina Anna at Lawrence. Ito ay dahil nangako ang amain ni Lawrence na ipapakasal ang panganay niyang anak sa magiging anak ng tatay ni Anna, isang pagkakaibigang nabuo dahil pareho silang galing sa hirap noong mga bata pa sila. Elementary pa lamang ay halos hindi na magkandamayaw ang mga magulang ni Lawrence sa pag-aayos ng kasal nila. Kaya lang, dahil sa murang edad ng mga bata, hindi naman magiging madali ang bawat paraan, kaya minabuti na lamang nilang maghintay hanggang sa lumaki ang mga ito. Si Anna, mahal talaga si Lawrence noon pa man, pero si Lawrence ay tanging si Jane lamang ang minahal. Hindi lang siya makatanggi sa ama, kaya pinili niya si Anna kahit labag sa kalooban niya. Hindi rin naman talaga ganoon si Lawrence noon. Kung tutuusin, mas maganda pa ang pakikitungo niya kay Anna dati kaysa ngayon. Si Anna Katalina Roxas—ang Katalina ay galing sa kaniyang ina, at ang Roxas naman ay apelyido ng kaniyang ama, na
Hindi mapakali si Anna sa kaniyang kinatatayuan dahil buong araw siyang naging abala sa paghahanda ng mga gamit para sa pag-uwi ng kaniyang asawa. Galing kasi ito sa business trip sa ibang bansa, at paniguradong gusto na rin nitong kumain ng mga pagkaing Pilipino. “Ma’am Anna! Itong baka po ba, kanina pa natin pinakuluan? Baka naman po, kapag tinusok ni Sir Lawrence ng tinidor, mahulog na agad sa sobrang lambot!” biro ng kanilang kasambahay. Naalala kasi ni Paz na minsan nang nagalit si Lawrence dahil sa sobrang lambot ng pagkaing inihanda para sa kaniya. Halos hindi na niya kailangang nguyain ang karne bago ito mahulog sa kaniyang tinidor. “Hayaan mo na muna, Paz. Tatawagan ko lang ang Sir ninyo para malaman kung dito ba siya kakain. Kung hindi naman, para na lang sa inyo ang mga pagkain,” sagot ni Anna. Kinuha niya ang kaniyang telepono sa bulsa at tinawagan si Lawrence. Ngunit sa unang sagot pa lamang nito, halos maramdaman na ni Anna ang pagkayamot ng kaniyang asawa sa simplen







