分享

Kabanata 03

作者: Neverlandsink
last update publish date: 2026-10-21 20:01:28

Hindi na muling nagpadala ng mensahe si Lawrence matapos ang huli nitong sinabi. Si Anna naman ay tahimik na ipinagpatuloy ang kaniyang mga gawain hanggang sa matapos siyang maghanda ng pagkain.

Nang matapos ang lahat, dinala niya ang isang tray ng pagkain sa silid ni Lawrence. Kumatok muna siya nang dalawang beses bago marahang binuksan ang p***o.

“Lawrence, nagdala ako ng pagkain mo.”

Ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot.

Nang tuluyan siyang makapasok, nakita niyang nakaupo si Lawrence sa gilid ng kama habang abala sa pakikipag-usap sa telepono. Bahagya itong napangiti sa taong kausap, isang ngiting matagal nang hindi nakita ni Anna na ibinigay sa kaniya.

“Have you eaten, Jane?” tanong ni Lawrence sa kabilang linya. “I can have something delivered to you if you want.”

Napayuko si Anna.

Hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawa, ngunit hindi rin niya nagawang agad na lumabas. Sa simpleng tanong na iyon, muling naalala niya kung gaano kalayo ang pagkakaiba ng pakikitungo ni Lawrence sa kanila.

Sa kaniya, pagkain ang isang bagay na kailangan niyang ihanda dahil iyon ang kaniyang tungkulin bilang asawa.

Kay Jane, isa iyong paraan upang ipakita ni Lawrence na nag-aalala siya.

“Lawrence,” mahinang tawag niya.

Napatingin ito sa kaniya at agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha.

“Bakit ka nandito?”

“Dinalhan lang kita ng pagkain.”

“Ilagay mo na lang diyan.”

Tumango si Anna at inilapag ang tray sa mesa.

“Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” biglang tanong ni Lawrence habang ibinababa ang kaniyang cellphone.

Saglit na natigilan si Anna. Hindi niya inaasahan ang tanong nito, lalo na matapos ang lahat ng sinabi nito kanina.

“Medyo,” sagot niya.

“Then why are you still walking around? Ayokong mahawa kung ano man ang sakit mo.”

Unti-unting nawala ang munting pag-asang sumibol sa dibdib ni Anna.

“Pasensya na.”

“Just leave the food there. I have something important to do.

Hindi na sumagot si Anna. Lumabas siya ng silid at maingat na isinara ang p***o.

Pagdating sa kaniyang sariling kuwarto, doon lamang niya naramdamang nanginginig ang kaniyang mga kamay. Umupo siya sa gilid ng kama at napatingin sa kaniyang palad.

Kanina, sa panaginip niya, ang mga kamay na iyon ay hinawakan ni Lawrence nang may pag-aalala.

Sa totoong buhay, ni hindi man lamang siya nito matanong kung kailangan ba niya ng tulong.

Napangiti siya nang mapait.

“Panaginip lang talaga,” bulong niya sa sarili.

Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang kanilang lumang mga larawan. May ilang kuha roon noong mga panahong hindi pa sila kasal. Sa isa sa mga larawan, nakangiti si Lawrence habang nakatayo sa tabi niya. Hindi man ito nakayakap sa kaniya, sapat na noon ang presensiya nito upang sumaya ang buong araw niya.

Marahan niyang hinaplos ang screen.

“Bakit kaya hindi ka na ganyan sa akin?”

Walang sumagot sa kaniyang tanong.

At marahil, iyon ang pinakamasakit sa lahat. Hindi niya alam kung kailan nagbago ang lahat, kung may nagawa ba siyang mali, o kung sadyang wala lang talagang puwang para sa kaniya sa puso ng kaniyang asawa.

Pinatay niya ang screen at humiga.

Bukas, kailangan na naman niyang bumangon, ngumiti, at magkunwaring ayos lang ang lahat.

Dahil sa mundong pinili ni Lawrence, wala siyang karapatang masaktan.

O iyon ang matagal na niyang pinaniniwalaan.

***

“Ma’am Anna! Ma’am Anna!”

Halos manginig sa pag-aalala ang boses ni Paz habang marahang tinatapik ang balikat ng kaniyang amo. Hindi nito maipaliwanag kung ano ang nangyari dahil ang huling naaalala lamang ni Anna ay ang pagtulog niya ilang oras na ang nakalilipas. Ngunit nang imulat niya ang mga mata, hindi na ang pamilyar na kisame ng kaniyang silid ang bumungad sa kaniya, kundi ang maputing kisame ng isang silid sa ospital.

“Bakit ako nandito?” naguguluhang tanong niya habang pilit na iniaangat ang kaniyang katawan mula sa pagkakahiga.

“Ma’am, nawalan po kayo ng malay sa labas ng kuwarto ninyo. Sabi po ni Sir Lawrence, dalhin daw po kayo rito sa ospital. Baka raw po kasi makahawa pa kayo,” paliwanag ni Paz, bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala.

Saglit na natigilan si Anna sa narinig.

Makahawa?

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o masasaktan sa dahilan kung bakit siya dinala ng sariling asawa sa ospital. Ni hindi man lamang nito hinintay na magkamalay siya o tinanong kung ano ang kaniyang nararamdaman. Ang mahalaga lamang dito ay hindi siya makahawa.

Gayunpaman, mabilis niyang pinilit na itago ang kirot na naramdaman.

“Ah, Paz...” mahinang tawag niya sa kasambahay. “Paki-asikaso na lang ang discharge papers ko. Siguro naman, puwede nang bayaran ang bill para makauwi na ako.”

“Pero, Ma’am—”

“Wala naman akong nararamdaman,” putol niya, sabay pilit na ngiti. “Ayokong magtagal dito.”

Hindi pa man nakasasagot si Paz ay bumukas na ang p***o ng silid. Napalingon sila sa bagong dating at kapwa nagulat nang makita ang ina ni Anna.

“Nabanggit sa akin ni Lawrence na nandito ka raw sa ospital,” bungad ng kaniyang ina habang papalapit sa kama. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama ang pakiramdam mo? Sana pala ay nagpaiwan ako noong nakaraan para naalagaan kita.”

Saglit na hinaplos nito ang noo ng anak bago napabuntong-hininga.

“Ayan, o. Tingnan mo ang nangyari sa iyo. Kailangan mo tuloy mag-stay sa ospital. Alam mong busy ang asawa mo, kaya dapat ayusin mo rin ang pangangatawan mo. Hindi puwedeng lagi kang nagkakasakit. Paano na lang kung may mangyari sa iyo habang wala siya?”

Bawat salitang binitiwan ng kaniyang ina ay tila karayom na unti-unting tumutusok sa kaniyang dibdib.

Hindi nito alam.

Wala itong kaalam-alam na sa likod ng maayos na tahanan at marangyang buhay na mayroon siya ay isang babaeng unti-unting nauubos sa kakahintay na mapansin ng sariling asawa. Hindi nito alam na sa bawat araw na lumilipas ay lalo lamang lumalalim ang distansiya sa pagitan nilang dalawa. At higit sa lahat, hindi nito alam na ang lalaking inaakala nitong nag-aalala para sa kaniya ay siya ring dahilan kung bakit madalas niyang maramdaman na wala siyang halaga.

Ngunit paano niya sasabihin iyon?

Paano niya ipaliliwanag sa sariling ina na ang kasal na inaakala nitong magbibigay sa kaniya ng magandang buhay ay siya ring unti-unting dumudurog sa kaniyang puso?

Kaya gaya ng nakasanayan, pinili na lamang ni Anna na ngumiti.

“Wala lang naman po ito, Ma,” mahinahon niyang sagot. “Siguro napagod lang ako.”

“Napagod?” ulit ng kaniyang ina, tila hindi kumbinsido. “Ano bang ginagawa mo sa bahay at napapagod ka nang ganyan? Hindi ba't may mga katulong naman kayo?”

Napayuko si Anna.

Kung alam mo lang, Ma.

Kung alam lamang nito kung gaano nakapapagod ang araw-araw na magpanggap na masaya sa isang tahanang hindi niya maramdaman na kaniya. Kung alam lamang nito kung gaano kahirap ang maghintay sa isang lalaking kahit minsan ay hindi man lamang kusang nagtanong kung ayos pa ba siya.

“Ma, huwag ka nang mag-alala,” mahinang sambit niya. “Saka abala naman talaga si Lawrence sa trabaho. Ako na lang ang magpapakiusap kay Paz na asikasuhin ang discharge papers ko. Uuwi na ako.”

“Anna, hindi ba dapat ay magpahinga ka muna rito? Nasa ospital ka na rin lang naman.”

“Mas makakapagpahinga po ako sa bahay.” Pinilit niyang panatilihing matatag ang kaniyang boses. “Kung kailangan ko mang magpagaling, doon na lang. Ayokong makadagdag pa sa mga iniisip ni Lawrence.”

Muling bumuntong-hininga ang kaniyang ina, hindi man lamang napansing bahagyang nanginig ang mga daliri ng anak habang inaayos nito ang kumot sa ibabaw ng kaniyang mga hita.

“Napakasuwerte mo sa asawa mo, Anna. Huwag mong kalimutang alagaan ang sarili mo para hindi ka niya kailangang alalahanin sa gitna ng trabaho niya.”

Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang napayuko si Anna.

Napakaswerte.

Iyon ang palaging naririnig niya mula sa mga taong nakapaligid sa kanila. Napakaswerte niya dahil napangasawa niya si Lawrence Santillan. Napakaswerte niya dahil hindi niya kailangang mag-alala sa pera. Napakaswerte niya dahil nasa kaniya na ang lahat ng bagay na pinapangarap ng maraming babae.

Ngunit sa dami ng biyayang ipinagkaloob sa kaniya, bakit parang wala siyang karapatang humiling ng isang bagay na hindi nabibili ng salapi?

Ang mapili.

Ang alalahanin.

Ang mahalin.

Tatlong bagay na hindi niya kailanman hiniling nang malakas dahil natatakot siyang baka sa sandaling sabihin niya ang mga ito, lalo lamang niyang mapagtantong hindi talaga iyon para sa kaniya.

“Alam ko, Ma,” sagot niya sa wakas, pilit na nilulunok ang namumuong bukol sa kaniyang lalamunan. “Kaya nga gagaling na ako.”

Ngumiti siya sa kaniyang ina, isang ngiting sapat upang mapaniwala itong maayos lamang ang lahat.

Ngunit nang muling tumingin si Anna sa bintana, hindi na niya napigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.

Dahil ang totoo, hindi niya alam kung kailan siya gagaling.

Hindi sa sakit na nararamdaman ng kaniyang katawan, kundi sa sakit ng paulit-ulit na pagpili sa isang taong tila hindi kailanman kayang piliin siya.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 05

    Sa loob ng tatlong taon, walang ibang hinangad si Anna kundi ang maging masaya sila ni Lawrence. Ngunit sa kagustuhan niyang mapanatili ang kanilang pagsasama, may mga bagay din siyang isinantabi, gaya ng pagtuturo sa mga bata. Halos ilang buwan na rin kasing expired ang lisensya niya bilang isang guro at kailangan na niyang kumuha ng panibago.Noon, akala niya, kapag ikinasal siya ay magiging masaya na siya. Akala niya, sapat nang makasama niya ang lalaking mahal niya para masabi niyang kumpleto na ang kaniyang buhay. Ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Sa halip na saya, kirot sa dibdib ang madalas niyang maramdaman. Kaya naman minabuti niyang gawin na ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. Tutal, wala naman siyang mawawala kung susubukan niyang ibalik ang dating Anna na minsan niyang kinalimutan dahil sa pag-ibig.“Paz, baka gabihin ako ngayon. Siguro, huwag na lang kayong magluto ng marami. Para kay Sir na lang,” sabi niya habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang bag. “At

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 04

    Nang tuluyang maasikaso ni Paz ang mga papeles para sa kaniyang discharge, wala nang nagawa ang ina ni Anna kundi ang ihatid siya pauwi. Ilang beses pa siyang pinayuhan nito na magpahinga at huwag masyadong magpakapagod, mga salitang paulit-ulit lamang niyang sinagot ng isang ngiti.Pagdating nila sa bahay, agad na sinalubong sila ng isa sa mga kasambahay.“Ma'am, mabuti naman po at nakauwi na kayo. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?”“Maayos na ako. Salamat,” sagot ni Anna bago bahagyang lumingon sa kaniyang ina. “Ma, dito ka na muna maghapunan?”“Hindi na, anak. Marami pa akong aasikasuhin sa bahay. Magpahinga ka na lang, ha? At huwag mong kalimutang sabihin kay Lawrence kapag may nararamdaman ka.”“Opo, Ma.”Matapos ang ilang minutong pamamaalam, tuluyan nang umalis ang kaniyang ina. Naiwan si Anna sa malawak na sala, nakatitig sa pintuang kakasara lamang.“Ma'am, ihahatid ko na po ba kayo sa kuwarto ninyo?” tanong ni Paz.Umiling siya. “Hindi na. Dito muna ako. Pakikuha na lang a

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 03

    Hindi na muling nagpadala ng mensahe si Lawrence matapos ang huli nitong sinabi. Si Anna naman ay tahimik na ipinagpatuloy ang kaniyang mga gawain hanggang sa matapos siyang maghanda ng pagkain.Nang matapos ang lahat, dinala niya ang isang tray ng pagkain sa silid ni Lawrence. Kumatok muna siya nang dalawang beses bago marahang binuksan ang pinto.“Lawrence, nagdala ako ng pagkain mo.”Ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot.Nang tuluyan siyang makapasok, nakita niyang nakaupo si Lawrence sa gilid ng kama habang abala sa pakikipag-usap sa telepono. Bahagya itong napangiti sa taong kausap, isang ngiting matagal nang hindi nakita ni Anna na ibinigay sa kaniya.“Have you eaten, Jane?” tanong ni Lawrence sa kabilang linya. “I can have something delivered to you if you want.”Napayuko si Anna.Hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawa, ngunit hindi rin niya nagawang agad na lumabas. Sa simpleng tanong na iyon, muling naalala niya kung gaano kalayo ang pagkakaiba ng pakikitung

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 02

    Hindi lingid sa kaalaman ng iba na kontrata lamang ang kasal nina Anna at Lawrence. Ito ay dahil nangako ang amain ni Lawrence na ipapakasal ang panganay niyang anak sa magiging anak ng tatay ni Anna, isang pagkakaibigang nabuo dahil pareho silang galing sa hirap noong mga bata pa sila. Elementary pa lamang ay halos hindi na magkandamayaw ang mga magulang ni Lawrence sa pag-aayos ng kasal nila. Kaya lang, dahil sa murang edad ng mga bata, hindi naman magiging madali ang bawat paraan, kaya minabuti na lamang nilang maghintay hanggang sa lumaki ang mga ito. Si Anna, mahal talaga si Lawrence noon pa man, pero si Lawrence ay tanging si Jane lamang ang minahal. Hindi lang siya makatanggi sa ama, kaya pinili niya si Anna kahit labag sa kalooban niya. Hindi rin naman talaga ganoon si Lawrence noon. Kung tutuusin, mas maganda pa ang pakikitungo niya kay Anna dati kaysa ngayon. Si Anna Katalina Roxas—ang Katalina ay galing sa kaniyang ina, at ang Roxas naman ay apelyido ng kaniyang ama, na

  • The Wife He Never Chose   Kabanata 01

    Hindi mapakali si Anna sa kaniyang kinatatayuan dahil buong araw siyang naging abala sa paghahanda ng mga gamit para sa pag-uwi ng kaniyang asawa. Galing kasi ito sa business trip sa ibang bansa, at paniguradong gusto na rin nitong kumain ng mga pagkaing Pilipino. “Ma’am Anna! Itong baka po ba, kanina pa natin pinakuluan? Baka naman po, kapag tinusok ni Sir Lawrence ng tinidor, mahulog na agad sa sobrang lambot!” biro ng kanilang kasambahay. Naalala kasi ni Paz na minsan nang nagalit si Lawrence dahil sa sobrang lambot ng pagkaing inihanda para sa kaniya. Halos hindi na niya kailangang nguyain ang karne bago ito mahulog sa kaniyang tinidor. “Hayaan mo na muna, Paz. Tatawagan ko lang ang Sir ninyo para malaman kung dito ba siya kakain. Kung hindi naman, para na lang sa inyo ang mga pagkain,” sagot ni Anna. Kinuha niya ang kaniyang telepono sa bulsa at tinawagan si Lawrence. Ngunit sa unang sagot pa lamang nito, halos maramdaman na ni Anna ang pagkayamot ng kaniyang asawa sa simplen

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status