Pero makapal ang balat nito kaya kinukulit siya nang kinukulit.
Huminga muna siya nang malalim. Kulang sa pang-unawa si Marius kaya hindi uubra na sabayan niya ang galit nito. Kailangan niyang utuin si Marius para tigilan siya kahit ngayon lang. Isa pa, ayaw niya rin na may masabi siyang masakit na salita na mas dadagdag sa sama ng loob nito. Hindi niya naman kasi ito masisisi kung patay na patay ito sa kanya. Wala e, diyosa siya.
"Marius... can we talk, baby? Like a two sensible adults? Hmm?" Mas pinalambing niya ang boses niya. Hinawakan niya pa ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa braso niya at marahang hinaplos iyon. Saglit na tinitigan siya nito pero mayamaya rin ay lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at ginagap.
"I know what you feel, baby... and it's... normal..." umpisa niya. Parang maamong tupa naman itong nakikinig sa kanya. Mabilis naman siyang naghahagilap ng idudugtong sa sasabihin niya. Inagat na ingat siyang ma-trigger na naman si Marius. Ang kaso wala siyang maisip. Wala pa kasi siyang almusal, ni hindi pa nga siya naghihilamos. Napakaaga naman kasing mambulabog ng letse na 'to.
Napansin naman ata ni Marius na inuuto niya ito kaya mabilis na binawi nito ang kamay sa kanya at muling bumalasik ang mukha.
Shit!
"Inuuto mo lang ako! D'yan ka magaling, sa pang-uuto mo!" halos mayanig ang buong condo niya sa lakas ng sigaw ni Marius. Natakot siya. Lalo na ng para itong baliw na nagpaikot-ikot sa harapan niya habang sabu-sabunot ang buhok.
Napaatras siya nang huminto ito sa harapan niya at duru-duruin siya. "Hindi ako papayag na basta mo na lang ako itapon, Erika! Kung hindi ka mapapasakin, mabuti pa patayin na lang kita!"
Nahindik siya huling sinabi ni Marius. Nabaliw na nga nang tuluyan. Bumunot ito ng baril mula sa likod ng pantalon nito at itinutok sa maganda niyang mukha!
Shit! I'm gonna die!
Kung nalaman niya lang na baka ito ang huling araw niya sa mundo e, di sana nag-ayos muna siya, kahit ng kilay man lang. Nakakahiya kapag nakita ng SOCO ang bangkay niya. Pi-picture-an siya. Ipapakita sa pamilya at kaibigan niya. Baka nga lumabas pa sa internet at mag-viral siya.
Shit! Ang haggard niya if ever. Makaligtas lang siya ngayon hindi niya kakalimutang puntahan ang prettyworks para ipa-microblading ang kilay niya saka gusto rin niyang subukan yung bb natural blush.
Mariin siyang pumikit. Dumaan sa isip niya ang mga magulang, naiiyak siya kasi ngayon niya lang napagtanto na ang huling pag-uusap nila ng daddy niya ay nagsisigawan sila. Di man lang siya nakapag 'I love you' pero sabagay di naman uso sa kanila yon. Mami-miss niya rin ang lolo Damien niya. My gosh mas mauuna pa niya sa langit sa lolo niya. Pero sa langit nga ba ang punta niya? Sa dami ng kasalanan niya, papasukin kaya siya ni San Pedro--
Nahinto siya sa pag-iisip at mabilis na nagmulat ng mga mata nang makarinig ng lagabog. Yumuko siya at nakita niya roon si Marius, nakadapa at duguan ang ulo. Nagkalat din ang basag na vase sa sahig.
"Shit, mahal yang chinese vase na yan!" mura niya ng mapagtanto kung anong vase ang nabasag. Dala 'yon ng mommy niya mula sa collection nito para naman daw magkaroon ng class ang condo niya.
"O-okay ka lang, girl?" nanginginig ang boses na tanong ni Patty, ang humampas ng vase sa ulo ni Marius. Sa buong buhay niya ngayon lang siya natuwa na makita ang kaibigang si Patty o Pedro. Nanlalaki ang mga mata nito at tagaktak ang pawis. Halatang shock ang accla.
Bigla siyang napaiyak. Akala niya katapusan niya na talaga. Sa sobrang katuwaan nilundag niya si Patty ng yakap. Malaking lalaki naman ito kaya kayang-kaya nito ang bigat niya.
"Oh my ghaaaad, Pattyyy! Omo, akala ko mamamatay na ko!" humahagulgol na sumbong niya rito. Sobrang saya niya at dumating si Patty dahil paano na lang kung hindi? Sa sobrang tuwa niya pinupog niya ng halik sa mukha ang kaibigan. Ambango. Amoy baby.
"Stooppp! You, witch! Pinagsasamantalahan mo 'ko!" malakas na tili nito at diring-diri na tinanggal ang pagkakapulupot ng mga binti niya sa baywang nito. "Shit! Ang lagkit ng laway mo! Yuck!"
Malakas na natawa siya dahil sa reaksyon nito. Bumitiw na siya rito at muling hinarap si Marius. Muli, bumalik ang takot niya. Muntik na siyang mapatay ni Marius kung hindi dumating si Patty.
"Is he dead?" natatakot na tanong niya. Hindi na kasi gumagalaw ang binata sa pagkakadapa nito. May dugo rin na umaagos sa ulo nito.
"Holy mother of Jesus! N-napatay ko ba siya?" kabado ring tanong ni Patty na umusog papalapit sa kanya. Magkatabi silang nakatunghay sa nakadapang si Marius. Pareho silang kabado na baka nakagawa na sila ng krimen.
"Papasa kayang self defense kung napatay mo siya?" tanong niya kay Patty na nilingon ito sa tabi niya.
Nandumilat naman ang mata nito. "Bruha, ba't ako lang? At talagang ididiin mo 'ko? Inggrata!"
Pinandilatan niya rin ito ng mga mata. "Ikaw ang humampas eh!"
"Oh, shit!" sabay na mura nila ngang umungol si Marius.
"Buhay pa!" bulalas ni Patty.
"Pukpukin mo uli!" takot na utos niya sa kaibigan.
"Gaga!" singhal nito sa kanya sabay pagpag ng kamay niyang nakakapit sa manggas nito.
Malakas naman siyang napatili nang hawakan ni Marius ang binti niya. Buhay pa nga ang hayup! Sa sobrang takot na nararamdaman niya agad niyang pinagpag ang paa. Hindi na niya alintana na nasipa-sipa na niya ang mukha ni Marius kaya naman umuungol na nabitawan siya nito. Nagmamadali naman siyang tumakdo. Dinaanan niya pa ang cellphone niyang nakapatong sa console table saka dali-dali lumabas ng condo niya.
"Hoy, luka-luka, hintayin mo 'ko!" sigaw ni Patty na nakasunod rin sa kanya.Sa elevator na siya nito inabutan. Nakahinga siya nang maluwag nang sumara na ang elevator. Hinihingal na nilingon niya ang kaibigan. Natawa na siya sa itsura nito. Namumutla at pawis na pawis.
"Letse ka talaga! Pagkatapos kitang iligtas iiwanan mo ako! Walang utang na loob!" talak nito sa kanya.
Sumandal siya sa dingding ng elevator para kumuha nang lakas. Nakakawala ng ganda ang eksena kanina.
"Damn all men!" mura niya nang mag-sink in sa kanya ang lahat ng nangyari.
Lumambot naman ang ekspresyon ni Patty at may pag-aalalang hinawakan siya sa braso.
"Ano'ng plano mo? Malamang na hindi ka tigilan ni Marius?"
Marahas na napabuga siya ng hangin. "I'm going back home," aniya na tila nanlulumo. Wala siyang choice kundi ang bumalik ng San Ignacio para makapagtago kay Marius.
[A/N: Remember yung flashback ni Juancho sa first meeting nila ni Erika nung highschool? This is the point of view of Erika in that scene]PAPASOK NA SILA sa canteen ng may madapa sa harap niyang isang studyanteng lalaki. Payat at nakasalamin.Una niyang napansin ang maamong kulay tsokolate nitong mga mata na natatabingan ng tumabinging eyeglasses nito.Agad naman itong tumayo at nag mamadaling umalis sa harap niya.Nasa likod nito sila Brandon na sumunod din agad dito.Nag flying kiss pa sakanya si Brandon ng makita siya pero inirapan niya lang.Kasama niya sina Adrianna at Keila. Sabay sabay silang naupo sa pwesto nila na malayo sa mga ibang studyante na nasa canteen. Pina request niya kasi iyon sa lolo niya"Wala ka pang first kiss?" Eksaheradang tanong sakanya ni Adrianna. Isa sa mga plastic friend niya."What a loser" kantyaw din ni Keila sabay nakipag apir kay Adrianna.Naiinis siya. Feeling niya pinag kakaisahan siya ng dalawa. Palibhasa kaliwa't kanan ang mga boyfriend ng mga
"Mommmyyy!"Muntik na niyang mabitawan ang hawak na wire whisk ng marinig ang tili ng anak na si Emma"Bwisit!" Inis na mura niya"Bushit" napalingon siya sa anim na taong gulang nasi Aiden ang kakambal ng anak niyang si Emma."That's bad Aiden!" Saway niya dito"Mommy bad!" Sabi naman nito sa kanya na namewang pa at nakasimangot.Natawa siya. Kung hindi niya lang anak to baka kinutusan na niya."Mommmyy!" Muli narinig niya ang tili ng anak"Ano ba Emma?" Salubong niya dito ng pumasok ito sa kitchen na hingal na hingal"There's a bitch flirting with my daddyyyy!" Nag papapadyak pa ito ng paa. Habang nakasimangot sakanya"Stop it Emma! That's your Tita Apple. She's your daddy's friend" saway niya sa anak. Dumating kasi si Apple kanina para sa mga papeles na kailangan pirmahan ni Juancho. Naka leave kasi ang asawa niya dahil kabuwanan na niya. Anytime pwede na siyang manganak.Nag halukipkip naman si Emma at umismid sakanya. Napaka maldita nito at napaka tabil ng bibig madalas na mapata
Erika's POVNAGAWA NIYA ng linisin ang buong condo niya. Nakapag luto narin siya. Si Juancho na lang ang kulang.Alas otso na ng gabi pero wala pa ito. Nag uumpisa na siyang makaramdam ng takot. Mag hapon niya ito g hindi makontak tapos hanggang ngayon wala pa ito.Yung feeling na baka hindi na ito umuwi sa kanya ay halos ikabaliw na niya. Gustong gusto niya ng pag tatawagan ang mga kamag anak nito pero naalala niyang wala nga pala siyang kontak sa mga yon.Nahihilo na siya kakabalik balik ng lakad sa sala kaya naman sumalampak na siya sa sofa at binuksan ang tv. Pinipilit niya ibaling doon ang atensyon niya para makalimutan niya ang oras at hindi siya makaisip ng kung ano ano habang inaantay ang asawa."Uuwi siya" pag papalakas niya ng loob sa sarili. "Uuwi siya kung hindi palalayasin ko siya pag hindi siya umuwi ngayon kaya dapat umuwi siyang letse siya!" nangigigil na kinagat kagat niya ang dulo ng remote nalipat tuloy sa ibang chanel ang tv. Hindi niya na pinag kaabalahang ilipat
PAG DATING SA condo niya wala ang asawa niya doon.Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi niya makontak. Agad siyang pumasok sa kwarto at nakahinga lang siya ng maluwag ng makitang nandoon pa ang maleta ng asawa. Naalala niyang sinabi nitong may pupuntahan ito kanina.Nilapitan niya ang luggage ni Juancho at hinila iyon papalapit sa kama. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng kama at binuksan. Napangiti siya ng makita kung gaano ka organize sa gamit si Juancho.Isa isa niyang inilabas ang mga gamit nito pilit tinupi ang ibang nagulo niya sa pag kakatupi. Feel na feel niya ang pagiging house wife.Lumapit siya sa walk in closet niya. Binuksan niya iyon at tinanggal ang ibang mga damit niya para mag kaespasyo ang mga damit ni Juancho. Gusto niya kasing ilagay na doon ang mga damit ng asawa niya. Gusto niyang ipakita dito na handa na siya.. Handa na siyang sumugal uli at pag bigyan ang sarili niya na lumigaya. Dahil kung patuloy siyang mag mamatigas, patuloy lang din silang masasaktan dalawa
MAINIT ANG ULO niya simula pa ng pumasok siya sa opisina kaninang umaga. Lahat nlang nasisigawan niya at tatlo na ang nasesesante niya dahil sa mga maliliit na kapalpakan ng mga ito.Naaburido na siya. Ayaw mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Juancho sa kanya kagabi at ang weird na mga titig nito kaninang umaga sa kanya.Bakit ba nag iinarte ito ng ganoon? Dahil ba sa nalaman na nitong mali ang binta g nito sa kanya noon? Nakokonsensya na ba ito kaya nagiging weird ang mga kilos?'Why I have this feeling that he's leaving me again?!''And so? So what kung iwan ka niya ulit? Auaw mo naman na sa kanya diba?'Nasabunutan niya ang sarili. Kaya napatingin sa kanya ang mga staff niya na nag pepresent ng bagong interior ng bubuksang hotel sa El Nino Palawan."What?!" asik niya sa mga ito. Mabilis naman na nag iwas ng tingin sa kanya ang mga staff niya. Takot na mapag balingan niya ng galit.Imis na pilit niya nalang binaling sa presentation ang ate syon niya."Dont you think it will be pri
Erika's POVGISING SIYA nung Binuhat siya ni Juancho palabas ng kotse at dinala sa unit niya. Gising rin siya habang pinapalitan siya nito ng damit. Pero nanatili lang siyang nag tulug tulugan.Ayaw niyang matapos ang pag aasikaso nito sa kanya. Namiss niya iyon. Alam niyang napaka pathetic non pero hindi niya maiwasan. Mahal niya ang lalaking ito. Gustong gusto niya kapag bini-baby siya nito. Ito lang kasi ang nag alaga at nag asikaso sa kanya ng walang kapalit.Nag iinit ang sulok ng mata niya pero pinigilan niya ang sarili.Naramdaman niyang naupo ito sa tabi niya. Ramdam niya rin na tinititigan siya nito. At nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Gusto niyang dumilat. Hilahin ito pahiga sa tabi niya pero pinipigilan siya ng pride niya."I love you so much my princess.. I'm sorry for causing you so much pain.. I'm sorry for not believing you.." Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito " narinig niyang sabi nito. Totoo nga. Totoo nga na mararamdaman mo ang sinasabi