KANINA pa mainit ang ulo ni Erika dahil sa natanggap na tawag mula sa Daddy niya. Pinauuwi siya nito ng San Ignacio dahil birthday ng Lolo Damian niya.
Napabuntong-hininga na lang siya. Mahal niya ang lolo niya pero wala siyang balak umuwi ng San Ignacio. Paniguradong kukulitin lang siya ng Daddy niya na mag-take over na sa kompanya nila, na ayaw na ayaw niya naman.
Hindi niya kayang manatali sa isang lugar ng mahabang panahon at iyon ang mangyayari once na pumayag siya sa gusto ng Daddy niya.
Ano siya bale?
Bakit naman siya magpapakahirap magtrabaho kung may mga empleyado naman na kayang gawin iyon?
At isa pa, malay niya naman sa pagma-manage? Sarili niya ngang buhay hindi niya ma-manage ng ayos, yun pa kayang dambuhalang kompanya? Ni hindi nga siya nakapagtapos ng kolehiyo.
Tinamad na siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng 3rd year na siya sa kolehiyo sa pang apat na kurso niya. Feeling niya kasi niloloko niya lang ang sarili. Wala naman kasi siyang natututunan sa lahat ng mga itinuturo ng nga professor niya. Mas madalas pa siyang lasing kaysa pumasok ng matino at hulas sa alak.
Aminado naman siya na walang direksyon ang buhay niya ngayon. Masisi ba siya ng mga ito? Kung mas gusto niyang mag-party gabi-gabi at mag-travel kung saan-saan? Sinanay siya ng mga ito sa ganoong buhay.
Buhay na walang pakialam sa 'yo ang mga magulang mo kahit anong gawin mo. Depende na lang kapag nasabit ka sa gulo. Maaalala ka nilang tawagan at sermunan, tatakutin na puputalan ng credit cards at hahayaang mabuhay mag-isa. Pero 'wag ka! Pag naman mga kinulit niya at sinundan-sundan mabilis pa sa alas kuwatro na ibabalik sa kanya ang credit card niya, may bonus pang trip out of the country. Mawala lang siya sa paningin ng mga ito dahil of course, they were busy on their own business.
Puro business ang inaasikaso nila noon pa mang matuto siyang magsalita at kapag maglalambing siya na mamasyal sila, sinusuhulan lang siya ng pera para tumigil siyasa kakakulit sa kanila. Hanggang sa itigil niya na ang pagse-self pity na walang pakialam sa 'kin ang mga magulang niya at umpisahang enjoy-in ang pagiging anak ng isang banker at isang hotelier.
At ngayong bente sais na siya saka naman maaalala ng mga ito na suwetuhin at pangaralan siya? Huli na ang lahat para doon. Kung baga sa adik, lulong na siya sa mga luho na nakukuha niya at sa kalayaang taglay niya!
Mayaman naman sila. Hindi basta-basta mauubos ang yaman nila pero ang pasensiya niya kaunting-kaunti na lang. Hindi niya alam kung bakit pinag-ti-tripan na naman siya ng daddy niya kaya pinag-iinitan na naman siya. Tinakot nga siyang puputulin ang lahat ng credit cards niya at hindi popondohan kapag hindi siya umuwi sa birthday ng lolo niya na gaganapin sa fiesta ng San Ignacio.
Nakakainis! Hindi pa naman ganoon katanda ang mga magulang niya para magretiro. Bakit ba sila namimilit ng may ayaw?
Napukaw ang pagsisintimiyento niya nang tumunog ang doorbell. Nangunot ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Tamad na tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sofa para buksan ang pintuan ngunit bago pa siya makalapit niluwa na niyon si Marius, her ex-boyfriend.
Hindi maipinta ang mukha nito. Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay. Isa pa tong gunggong na ito, sakit din ng ulo. Hindi ata alam ang salitang move on kaya ilang araw na siyang pinepeste na makipagbalikan. Napakatigas ng bungo!
"Ano na naman?" mataray niyang tanong. Pinaalala niya rin sa sarili na palitan ang lock ng condo niya, may access nga pala ang lalaking ito.
Umamo naman kaagad ang mukha ni Marius. Iniabot sa kanya ang isang boquet ng bulaklak na di niya pinagkaabalahang abutin o tignan man lang. Hindi naman nagustuhan ni Marius ang ginawa niya, muling dumilim ang mukha nito nang mapagtantong wala siyang balak kunin ang ibinibigay nito.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Na naman? Pwede ba tantanan mo 'ko? Wala na 'kong balak makipagbalikan sa 'yo!" malakas na sigaw niya. Mainit na ang ulo niya kanina pa at mas pinaiinit iyon ni Marius. Why can't he leave her alone?
Nagulat siya nang malakas na higitin nito ang braso niya. Ang kaninang maamong mukha ni Marius ngayon ay nanlilisik na ang mga mata at nagngangalit ang mga bagang. Nag-transform si Marius real quick.
"Hindi ako laruan na basta mo na lang itatapon, Erika!" Sound's family? Parang narinig niya na 'yon sa isa sa mga Filipino film na napanood niya. Mas lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Dumiin din ang kuko nito sa makinis niyang braso. Pakyu talaga tong si Marius, mapanakit ang hayup!
"Nasasaktan ako!"
"Mas masakit pa r'yan ang pananakit na ginagawa mo sa 'kin! Minahal kita, mahal na mahal! Lahat binigay ko sa 'yo kahit magmukha akong tangang hahabol-habol s-sa 'yo!" pumiyok at bahagyang humina ang boses ni Marius sa huli nitong sinabi.
Oh crap...
Kahit konti may sumundot naman na konsensiya sa kanya. Oo, hindi naman siya totally na taong bato. Totoo naman kasi na lahat ibinigay na ni Marius sa kanya. Ramdam niya na mahal na mahal siya nito. Pero yun kasi yung naging problema e, masyado siyang mahal ni Marius to the point na nasasakal na siya.
Mahal siya nito kaya ayaw siyang mawala nito, gets niya 'yon. Ang di niya lang gets ay ang sobrang pagiging seloso nito. Pati mga kabarda niya inaaway at pinaghihinalaan. Halos ayaw na siya nitong palabasin at ang gusto lang ay silang dalawa lagi ang magkasama. Umay kaya. Ikinukulong siya ni Marius. Pinaliliit ang mundo niya. Masyado siyang sinasakal kaya naman nais niyang kumawala.
Nakipag-break siya. Noong una akala niya tanggap ni Marius ang paghihiwalay nila. Nag-goodbye sex pa nga sila. Kaso nagpalipas lang pala ito. Pagkalipas ng dalawang linggo bumabalik ito sa kanya na parang walang nangyari. Umaakto ito na parang hindi sila naghiwalay, at nakakapikon. Mas lalo siyang nabubwisit kay Marius. Ilang beses niyang pinaintindi rito na wala na sila, as in nada, tapos na! My gosh kulang na lang nga ingudngod niya si Marius sa mga salitang WALA NA SILA!
Pero makapal ang balat nito kaya kinukulit siya nang kinukulit.Huminga muna siya nang malalim. Kulang sa pang-unawa si Marius kaya hindi uubra na sabayan niya ang galit nito. Kailangan niyang utuin si Marius para tigilan siya kahit ngayon lang. Isa pa, ayaw niya rin na may masabi siyang masakit na salita na mas dadagdag sa sama ng loob nito. Hindi niya naman kasi ito masisisi kung patay na patay ito sa kanya. Wala e, diyosa siya. "Marius... can we talk, baby? Like a two sensible adults? Hmm?" Mas pinalambing niya ang boses niya. Hinawakan niya pa ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa braso niya at marahang hinaplos iyon. Saglit na tinitigan siya nito pero mayamaya rin ay lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at ginagap."I know what you feel, baby... and it's... normal..." umpisa niya. Parang maamong tupa naman itong nakikinig sa kanya. Mabilis naman siyang naghahagilap ng idudugtong sa sasabihin niya. Inagat na ingat siyang ma-trigger na naman si Mari
Halos limang oras nang nasa daan si Erika. Ramdam na niya ang pamamanhid ng kanyang mga binti at ang kirot sa kanyang puwetan. Gosh, ang hirap palang magmaneho nang ganito katagal!Nagmamadaling umalis siya kanina sa condo matapos ang insidenteng muntikan na siyang ikamatay. Imbes na bumalik para kunin ang gamit, dumaan na lang siya sa mall para mag-withdraw ng pera at mamili ng mga bagong damit. Mabuti na lang at palaging may nakaipit na credit card sa likod ng kanyang cellphone case.Nagpilit si Patty na samahan siyang magpa-blotter laban kay Marius, pero tinanggihan niya ito. Hindi na siya nag-abala pang makipagmatigasan sa isang baliw na lalaking walang ibang nais kundi sirain ang kanyang buhay. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay makalayo.At ito nga, nasa daan na siya papuntang San Ignacio—ang lugar na matagal na niyang tinalikuran.Nang makita niya ang isang paradahan ng tricycle, inihinto niya ang kanyang Porsche at ibinaba ang bintana. Isang matandang vendor ang nagtitinda sa
Isang linggo na ang lumipas mula nang bumalik si Erika sa San Ignacio, at isang linggo na rin siyang kinukulit ng kanyang ama tungkol sa pag-takeover ng negosyo. Palagi silang nauuwi sa pagtatalo. Bakit ba hindi na lang tanggapin ng daddy niya na hindi siya bagay sa opisina? At para saan pa ang kinikita ng pamilya nila kung hindi niya gagastusin? Nakakabaliw na talaga! Lahat ng ito, kasalanan ng gagong si Marius.Kung hindi lang talaga siya kailangang magtago, hinding-hindi siya magtitiis dito.Inubos niya ang natitirang alak sa kanyang baso. Ngayon ay pista sa San Ignacio, kasabay ng kaarawan ng kanyang lolo, si Don Damian Arcega, ang patriarco ng mga Arcega. Maraming bisita sa Villa, at halos lahat ng kanyang mga pinsan ay naroon, maliban kay Sabrina. Umalis ito noong fourth-year high school pa sila, at hanggang ngayon, wala pang nakakaalam kung nasaan na ito.Guilty pa rin si Erika sa pagkawala ng pinsan niya. Hindi sila magkasundo noon bago ito umalis, at kahit hindi niya aminin n
Lumayo si Erika ng bahagya, pinagmasdan ang namumungay na mga mata ni Juancho. Sensual niyang pinadaan ang mga daliri sa labi nito, hinaplos na parang sinusuri kung totoo ba ang nangyayari."Come with me, babe," bulong niya sa tainga nito, bago siya hinila papasok sa bahay.Dumaan sila sa likuran upang walang makakita. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa excitement. Para siyang teenager na unang beses gagawa ng kalokohan.Pagkaakyat sa hagdan, binuksan niya ang pinto ng kanyang silid at agad itong isinara.Wala pang isang segundo, muling naglapat ang kanilang mga labi. Halatang hindi bihasa si Juancho sa ganito—ang paghalik nito ay may pag-aalangan, may bahid ng kaba. Napangiti siya. Lumayo siya nang bahagya."Stay," awat niya nang akmang aabutin siya ni Juancho.Dahan-dahan niyang inabot ang zipper ng kanyang dress sa likuran at unti-unting ibinaba iyon habang hindi inaalis ang titig sa mga mata ng binata. Nakita niyang napalunok ito nang sunod-sunod.Hinayaan niyang dumulas paba
PARANG MATATANGGAL na ang ulo ni Erika sa lakas ng pagyugyog sa kanya ng kung sinong walang-hiya at walang-pusong gumigising sa kanya!Ang sakit ng ulo niya, sobra! Kahit gusto niyang imulat ang mga mata, hindi niya magawa. Parang may pumipiga sa bungo niya, at ang mga mata niya, parang sinemento—ang bigat, ang hirap idilat!Umungol na lang siya, nagpoprotesta sa brutal na paggising sa kanya. Ano bang problema ng taong ‘to? Hindi ba nito alam na kailangan niya ng pahinga?Pakiramdam niya, kaunting-kaunti na lang at tuluyan nang malalaglag ang ulo niya!Sa inis, napilitan siyang bahagyang idilat ang isang mata, pilit na tinitingnan kung sino ang walanghiyang nangangahas guluhin ang mahimbing niyang tulog. Pero ang labo pa rin ng paningin niya!Kinusot niya ang mga mata niya hanggang sa luminaw ang paligid."Kiara?"Argh! Lintik na babaeng ‘to! Hindi na naman yata uminom ng gamot! Ang aga-aga, nanggigising na naman! Padarag niyang tinabig ang kamay nito. May sinasabi si Kiara, pero hind
"Kiss daw." kinikilig pa na sabi nito. Ang sarap dagukan."Kiss?!" Eksaherado kong sigaw "Bakit di na lang kame mag pulot gata sa harap nyo tutal hubo't hubad nyo naman kaming ikinasal!" Galit na sigaw ko. Natahimik ang lahat ng nasa loob ng kwarto ko. Nanginginig ako sa galit.Si daddy ang unang naka bawi "Shut up Erika! You did this to yourself so bear with it!" Bulyaw sa akin ni daddy saka hinila na palabas ng kwarto ko si mommy.Si Lolo naman ang bumaling sakin. Hindi na ito galit at kalmado na pinaubaya na rin nito ang shotgun niya kay Lola. "Mag si labas na tayo" Ani nito sa mga taong naiwan pa sa loob ng kwarto ko. "Mag bihis kayo at bumaba para mag almusal" Sabi pa nito bago tuluyan ng lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Juancho sa kwarto ko. Wala ni isa sa amin ang nagtatangkang kumilos man lang. Parang shock parin ito. Mula pa kanina wala itong imik. Di kaya nalunok na nito ang dila niya?Ipinikit ko ang mga mata ko nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito. Kinurot ko
GUSTO KONG LUNUKIN ang relief na naramdaman ko dahil malalayo ako sa pangungulit ni daddy sa akin sa pag take over ng company habang nakatingin ako sa bahay na titirahan namin ng 'asawa' ko.Isang lumang bungalow na hindi ko alam kung pwede pa bang tirahan. Well mukha naman well maintained kahit luma na pero por favor naman!"Dito mo 'ko ititira?" Hindi ko mapigilan ang disgusto sa boses ko. Nilingon ko ito pero mabilis na itong bumaba sa kotse ko. Oo kotse ko ang ginamit namin dahil walang kotse ang asawa ko! Inaantay ko kaninang mag pakita ng violent reaction ang Lolo ko at parents ko ng sabihin nitong Wala siyang kotse. It means poor siya! Pero wala akong napala! Kumaway pa ang mga tinamaan ng magaling habang pasakay kame ng kotse kanina. Parang tuwang tuwa at hindi man lang nagaalala sa akin. Come to think of it ni walang nag tanong kung kaya ba akong buhayin ng lalaking ito!Ahhh bakit ba kasi ang init init kagabi at napag diskitahan ko tong lalaki na to! Fuck ang kati kati mo ka
ErikaNAPABALIKWAS AKO ng bangon. Nagpalinga-linga ako sa paligid saka ko lang naalala na nasa bahay ako ni Juancho or should i say bahay 'namin' ni Juancho? Napabuntong hininga ako. Gusto kong maiyak. Ang bilis nag bago ng buhay ko. Last week lang masaya pa akong nakiki-party kasama ang mga kaibigan ko sa Manila. Until that fucking Marius barges in at my condo and harass me, and now im stock in this fricking house, married to a man i just slept last night.Napatingin ako sa bumukas na pinto. Nakatayo doon si Juancho. Nakasuot na ito ng t-shirt at short, nakapaa lang ito. May bitbit itong pink na tsinelas. Lumakad ito papalapit sakin at inilapag ang tsinelas sa tapat ko. "Baka hindi ka sanay na nakapaa sa loob ng bahay" Sabi nito. Nagtaka naman ako kung saan nito kinuha ang tsinelas? At pink pa. mukha namang nabasa nito ang iniisip ko kaya agad ding nag paliwanag. "Binili ko yan kanina. Masarap kasi ang tulog mo kaya di na kita ginising ng pumunta ako sa bayan. Nakaluto na rin ako. Ba
[A/N: Remember yung flashback ni Juancho sa first meeting nila ni Erika nung highschool? This is the point of view of Erika in that scene]PAPASOK NA SILA sa canteen ng may madapa sa harap niyang isang studyanteng lalaki. Payat at nakasalamin.Una niyang napansin ang maamong kulay tsokolate nitong mga mata na natatabingan ng tumabinging eyeglasses nito.Agad naman itong tumayo at nag mamadaling umalis sa harap niya.Nasa likod nito sila Brandon na sumunod din agad dito.Nag flying kiss pa sakanya si Brandon ng makita siya pero inirapan niya lang.Kasama niya sina Adrianna at Keila. Sabay sabay silang naupo sa pwesto nila na malayo sa mga ibang studyante na nasa canteen. Pina request niya kasi iyon sa lolo niya"Wala ka pang first kiss?" Eksaheradang tanong sakanya ni Adrianna. Isa sa mga plastic friend niya."What a loser" kantyaw din ni Keila sabay nakipag apir kay Adrianna.Naiinis siya. Feeling niya pinag kakaisahan siya ng dalawa. Palibhasa kaliwa't kanan ang mga boyfriend ng mga
"Mommmyyy!"Muntik na niyang mabitawan ang hawak na wire whisk ng marinig ang tili ng anak na si Emma"Bwisit!" Inis na mura niya"Bushit" napalingon siya sa anim na taong gulang nasi Aiden ang kakambal ng anak niyang si Emma."That's bad Aiden!" Saway niya dito"Mommy bad!" Sabi naman nito sa kanya na namewang pa at nakasimangot.Natawa siya. Kung hindi niya lang anak to baka kinutusan na niya."Mommmyy!" Muli narinig niya ang tili ng anak"Ano ba Emma?" Salubong niya dito ng pumasok ito sa kitchen na hingal na hingal"There's a bitch flirting with my daddyyyy!" Nag papapadyak pa ito ng paa. Habang nakasimangot sakanya"Stop it Emma! That's your Tita Apple. She's your daddy's friend" saway niya sa anak. Dumating kasi si Apple kanina para sa mga papeles na kailangan pirmahan ni Juancho. Naka leave kasi ang asawa niya dahil kabuwanan na niya. Anytime pwede na siyang manganak.Nag halukipkip naman si Emma at umismid sakanya. Napaka maldita nito at napaka tabil ng bibig madalas na mapata
Erika's POVNAGAWA NIYA ng linisin ang buong condo niya. Nakapag luto narin siya. Si Juancho na lang ang kulang.Alas otso na ng gabi pero wala pa ito. Nag uumpisa na siyang makaramdam ng takot. Mag hapon niya ito g hindi makontak tapos hanggang ngayon wala pa ito.Yung feeling na baka hindi na ito umuwi sa kanya ay halos ikabaliw na niya. Gustong gusto niya ng pag tatawagan ang mga kamag anak nito pero naalala niyang wala nga pala siyang kontak sa mga yon.Nahihilo na siya kakabalik balik ng lakad sa sala kaya naman sumalampak na siya sa sofa at binuksan ang tv. Pinipilit niya ibaling doon ang atensyon niya para makalimutan niya ang oras at hindi siya makaisip ng kung ano ano habang inaantay ang asawa."Uuwi siya" pag papalakas niya ng loob sa sarili. "Uuwi siya kung hindi palalayasin ko siya pag hindi siya umuwi ngayon kaya dapat umuwi siyang letse siya!" nangigigil na kinagat kagat niya ang dulo ng remote nalipat tuloy sa ibang chanel ang tv. Hindi niya na pinag kaabalahang ilipat
PAG DATING SA condo niya wala ang asawa niya doon.Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi niya makontak. Agad siyang pumasok sa kwarto at nakahinga lang siya ng maluwag ng makitang nandoon pa ang maleta ng asawa. Naalala niyang sinabi nitong may pupuntahan ito kanina.Nilapitan niya ang luggage ni Juancho at hinila iyon papalapit sa kama. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng kama at binuksan. Napangiti siya ng makita kung gaano ka organize sa gamit si Juancho.Isa isa niyang inilabas ang mga gamit nito pilit tinupi ang ibang nagulo niya sa pag kakatupi. Feel na feel niya ang pagiging house wife.Lumapit siya sa walk in closet niya. Binuksan niya iyon at tinanggal ang ibang mga damit niya para mag kaespasyo ang mga damit ni Juancho. Gusto niya kasing ilagay na doon ang mga damit ng asawa niya. Gusto niyang ipakita dito na handa na siya.. Handa na siyang sumugal uli at pag bigyan ang sarili niya na lumigaya. Dahil kung patuloy siyang mag mamatigas, patuloy lang din silang masasaktan dalawa
MAINIT ANG ULO niya simula pa ng pumasok siya sa opisina kaninang umaga. Lahat nlang nasisigawan niya at tatlo na ang nasesesante niya dahil sa mga maliliit na kapalpakan ng mga ito.Naaburido na siya. Ayaw mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Juancho sa kanya kagabi at ang weird na mga titig nito kaninang umaga sa kanya.Bakit ba nag iinarte ito ng ganoon? Dahil ba sa nalaman na nitong mali ang binta g nito sa kanya noon? Nakokonsensya na ba ito kaya nagiging weird ang mga kilos?'Why I have this feeling that he's leaving me again?!''And so? So what kung iwan ka niya ulit? Auaw mo naman na sa kanya diba?'Nasabunutan niya ang sarili. Kaya napatingin sa kanya ang mga staff niya na nag pepresent ng bagong interior ng bubuksang hotel sa El Nino Palawan."What?!" asik niya sa mga ito. Mabilis naman na nag iwas ng tingin sa kanya ang mga staff niya. Takot na mapag balingan niya ng galit.Imis na pilit niya nalang binaling sa presentation ang ate syon niya."Dont you think it will be pri
Erika's POVGISING SIYA nung Binuhat siya ni Juancho palabas ng kotse at dinala sa unit niya. Gising rin siya habang pinapalitan siya nito ng damit. Pero nanatili lang siyang nag tulug tulugan.Ayaw niyang matapos ang pag aasikaso nito sa kanya. Namiss niya iyon. Alam niyang napaka pathetic non pero hindi niya maiwasan. Mahal niya ang lalaking ito. Gustong gusto niya kapag bini-baby siya nito. Ito lang kasi ang nag alaga at nag asikaso sa kanya ng walang kapalit.Nag iinit ang sulok ng mata niya pero pinigilan niya ang sarili.Naramdaman niyang naupo ito sa tabi niya. Ramdam niya rin na tinititigan siya nito. At nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Gusto niyang dumilat. Hilahin ito pahiga sa tabi niya pero pinipigilan siya ng pride niya."I love you so much my princess.. I'm sorry for causing you so much pain.. I'm sorry for not believing you.." Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito " narinig niyang sabi nito. Totoo nga. Totoo nga na mararamdaman mo ang sinasabi
Juancho's POVKAHIT NAMAN sinabi niya na ok lang sa kanya kahit may kahati siya sa asawa hindi niya parin maiwasang masaktan. Masakit na makita mo yung taong mahal mo na nasa kandungan ng iba. Literal na nasa kandungan talaga ng iba. Sa isang lalaking alam niyang mas babagay kay Erika, yung lalaking mas better, yung lalaking kabaliktaran niya at yung hindi kasing boring niya.Pero anong karapatan niyang magalit at masaktan? Hindi ito mapupunta sa iba kung nakinig siya sa paliwanag nito noon.Napaka laki niyang gago. Lagi niyang sinasabi na mahal niya si Erika, na lahat ibibigay niya para dito. Pero hindi niya ito nabigyan ng chance para ipaliwanag ang sarili sa kanya nung mga panahong gusto nitong mag paliwanag. Hinayaan niya lang itong mawala at ipinag tabuyan niya pa.Nakalimutan niya kung gaano kahalaga si Erika sa buhay niya. Nakalimutan niya yung salitang 'tiwala' nung sinubok sila.Kaya ngayon anong karapatan niyang masaktan? Wala!Dahil mas nasaktan niya ito...Sinayang niya yu
Trevor's POV"TAMA na yan nakakarami kana!" inagaw ni Trevor ang baso kay Erika. Basya nalang itong dumating sa opisina niya dito sa club at inaya siyang uminom. Mukhang malaki ang problema nito ng dumating sa club niya kanina kaya hindi niya na naitaboy."Wag ka 'ngang epal!" Singhal nito sa kanya. Inis na muling inagaw nito ang baso sa kanya. "Alam mo isa ka pa e! Wala kang pakishama hik..! Shampalin kaya kita hik.." Dinuro duro siya nito gamit ang hawak nitong baso. Nakadalawang bote na ata ng martini ang naubos nito. Pero hindi pa daw ito lasing, ayon dito! Medyo umiikot lang daw ang paligid nito. Anito baka daw sila ang lasing! Kundi ba naman luka-luka. Napapailing na lang siya.Napapalatak na lang siya "Hindi ka pa lasing ng lagay na yan e, buyoy ka ng magsalita." Tatawa tawang inagaw niya uli ang baso dito.Matagal niya ng kakilala ito. Bukod sa naging ex niya ito nung college suki niya rin ito club niya. Ngayon niya lang ito nakitang nagpaka wasted sa isang lalaki. Curious tul
WALA NA SI Juancho paglabas niya ng banyo. Nakaramdam siya ng biglang panghihinayang."Bakit ka manghihinayang?! Naghahanap ka nanaman ng ikasasakit mo!" Inis natinanggal niya ang tuwalya na nakabalot sa katawan niya at ibinalibag na lang kung saan.Nag bihis na siya at nagayos ng sarili dahil papasok pa siya sa opisina.Paglabas niya ng kwarto niya sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng sinangag. Biglang kalam ang sikmura niya. Lumakad siya papunta sa kusina. At biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya ng makita doon si Juancho na abala sa pagluluto. Nakaboxer lang ito at t-shirt na puti saka apron. Wala itong sapin sa paa. At home na at home sa bahay niya. Kung titignan mo itong kumilos parang ito ang mayari ng bahay niya.Nilingon siya nito at parang tumigil sa pag pump ang puso niya ng ngitian siya nito. "Maluluto na to. Upo kana." sabi nito bumaling uli sa ginagawa.Nagiinit ang sulok ng mata niya pero sinaway niya ang sarili. Bakit ba siya nagiging emosyonal?Para kang tang