Halos limang oras nang nasa daan si Erika. Ramdam na niya ang pamamanhid ng kanyang mga binti at ang kirot sa kanyang puwetan. Gosh, ang hirap palang magmaneho nang ganito katagal!
Nagmamadaling umalis siya kanina sa condo matapos ang insidenteng muntikan na siyang ikamatay. Imbes na bumalik para kunin ang gamit, dumaan na lang siya sa mall para mag-withdraw ng pera at mamili ng mga bagong damit. Mabuti na lang at palaging may nakaipit na credit card sa likod ng kanyang cellphone case.
Nagpilit si Patty na samahan siyang magpa-blotter laban kay Marius, pero tinanggihan niya ito. Hindi na siya nag-abala pang makipagmatigasan sa isang baliw na lalaking walang ibang nais kundi sirain ang kanyang buhay. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay makalayo.
At ito nga, nasa daan na siya papuntang San Ignacio—ang lugar na matagal na niyang tinalikuran.
Nang makita niya ang isang paradahan ng tricycle, inihinto niya ang kanyang Porsche at ibinaba ang bintana. Isang matandang vendor ang nagtitinda sa tabi ng waiting shed, kaya kinawayan niya ito.
“Manong, saan na po ang lugar na ‘to?” tanong niya.
“San Ignacio, neng.”
Halos hindi siya makapaniwala. “San Ignacio na ho ‘to?”
Nag-iba na ang lugar. Kung dati’y puro lumang bahay at tindahan ang makikita rito, ngayon ay may malalaking commercial buildings na, at may sarili na ring mall. Wow. So much has changed.
Ilang taon na nga ba mula nang huli siyang makauwi rito? Pito? Walo? Hindi niya na rin sigurado.
“Dayo ka ba, ineng? Saan ka ba paroon?” tanong ng vendor.
“Ah, hindi po. Taga-rito rin po ako noon, pero matagal na ho akong hindi nakakauwi. Papunta po ako ng Villa Arcega.”
“Ay, ganon ba? Bali, diretsuhin mo lang ‘yan. Pag may nakita kang barberya, doon ka lumiko. Diretso na ‘yon papuntang Villa Arcega.” Sandali itong nag-isip, bago muling nagsalita. “Ay teka, mabuti pang isabay mo si Patchot. D’yan ‘yon nakatira malapit sa Villa, para hindi ka maligaw sa pagliko. Madilim na rin.”
Mapapaangal sana siya, pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng matanda. Agad nitong tinawag ang isang lalaking kasalukuyang sumasakay ng tricycle—nakasalamin ito, nakasuot ng polo barong at slacks. Matapos mag-usap sandali, lumapit ito sa kanyang sasakyan.
“Ineng, eto si Patchot, taga-bungad iyan,” pakilala ng vendor.
Sinipat niya ang lalaking may salamin. Mukhang harmless naman. Nang magtama ang mga mata nila, muntik na siyang matawa—dahil kitang-kita niyang namula ito ng todo.
Napangiti siya. This is going to be fun.
“Is it okay, Patchot?” tanong niya sa malambing na tinig.
Lalong nag-crimson red ang mukha ng lalaki, pero tumango ito.
Binuksan niya ang passenger door. Tumalima naman ito at agad na sumakay. Matapos magpasalamat sa vendor, pinaandar na niya ang sasakyan.
Ilang minuto na silang nasa daan, pero nananatiling tahimik ang kanyang kasama. Hindi man lang siya sinasabihan kung tama pa ba ang direksyong tinatahak nila.
Tsk. Ang awkward naman nito.
Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito, pero napansin niyang napapitlag pa ito.
“Hey, bakit parang takot na takot ka? Hindi ako nangangain ng tao, no,” biro niya, bahagyang tumatawa.
Mukha itong nag-aalangan bago sumagot. “A-ah, h-hindi naman sa gano’n.”
Natigilan siya. Kahit pautal-utal ang pananalita nito, malambing ang boses—medyo paos, parang pang-bedroom voice. Whoa. Unexpected.
“Taga-bungad ka pala?” tanong niya para mapahaba ang usapan. Ang bungad ay tawag sa lugar sa labas ng Villa Arcega.
“O-oo.”
“Dun ka lumaki?”
“O-oo.”
“Ahm… so, Patchot, anong real name mo?”
“Juancho,” sagot nito, halatang nahihiya.
“Ah.”
At doon na natapos ang kanilang usapan. Ang damot nito sa sagot! Nakakainis!
Ilang saglit pa, tinuro na nito ang direksyon. “Ah… d’yan na lang ako sa gilid. ‘Yung sunod na waiting shed, makikita mo na ang arko ng Villa.”
Tumango siya at ibinaba ang kotse sa may waiting shed.
“S-salamat,” anito bago bumaba.
Pagkaalis ni Juancho, muling pinaandar niya ang sasakyan. At sa pangalawang waiting shed, doon niya nasilayan ang malaking arko na may nakasulat na:
WELCOME TO VILLA ARCEGA.
Malalim siyang huminga.
Home sweet home… or not.
[A/N: Remember yung flashback ni Juancho sa first meeting nila ni Erika nung highschool? This is the point of view of Erika in that scene]PAPASOK NA SILA sa canteen ng may madapa sa harap niyang isang studyanteng lalaki. Payat at nakasalamin.Una niyang napansin ang maamong kulay tsokolate nitong mga mata na natatabingan ng tumabinging eyeglasses nito.Agad naman itong tumayo at nag mamadaling umalis sa harap niya.Nasa likod nito sila Brandon na sumunod din agad dito.Nag flying kiss pa sakanya si Brandon ng makita siya pero inirapan niya lang.Kasama niya sina Adrianna at Keila. Sabay sabay silang naupo sa pwesto nila na malayo sa mga ibang studyante na nasa canteen. Pina request niya kasi iyon sa lolo niya"Wala ka pang first kiss?" Eksaheradang tanong sakanya ni Adrianna. Isa sa mga plastic friend niya."What a loser" kantyaw din ni Keila sabay nakipag apir kay Adrianna.Naiinis siya. Feeling niya pinag kakaisahan siya ng dalawa. Palibhasa kaliwa't kanan ang mga boyfriend ng mga
"Mommmyyy!"Muntik na niyang mabitawan ang hawak na wire whisk ng marinig ang tili ng anak na si Emma"Bwisit!" Inis na mura niya"Bushit" napalingon siya sa anim na taong gulang nasi Aiden ang kakambal ng anak niyang si Emma."That's bad Aiden!" Saway niya dito"Mommy bad!" Sabi naman nito sa kanya na namewang pa at nakasimangot.Natawa siya. Kung hindi niya lang anak to baka kinutusan na niya."Mommmyy!" Muli narinig niya ang tili ng anak"Ano ba Emma?" Salubong niya dito ng pumasok ito sa kitchen na hingal na hingal"There's a bitch flirting with my daddyyyy!" Nag papapadyak pa ito ng paa. Habang nakasimangot sakanya"Stop it Emma! That's your Tita Apple. She's your daddy's friend" saway niya sa anak. Dumating kasi si Apple kanina para sa mga papeles na kailangan pirmahan ni Juancho. Naka leave kasi ang asawa niya dahil kabuwanan na niya. Anytime pwede na siyang manganak.Nag halukipkip naman si Emma at umismid sakanya. Napaka maldita nito at napaka tabil ng bibig madalas na mapata
Erika's POVNAGAWA NIYA ng linisin ang buong condo niya. Nakapag luto narin siya. Si Juancho na lang ang kulang.Alas otso na ng gabi pero wala pa ito. Nag uumpisa na siyang makaramdam ng takot. Mag hapon niya ito g hindi makontak tapos hanggang ngayon wala pa ito.Yung feeling na baka hindi na ito umuwi sa kanya ay halos ikabaliw na niya. Gustong gusto niya ng pag tatawagan ang mga kamag anak nito pero naalala niyang wala nga pala siyang kontak sa mga yon.Nahihilo na siya kakabalik balik ng lakad sa sala kaya naman sumalampak na siya sa sofa at binuksan ang tv. Pinipilit niya ibaling doon ang atensyon niya para makalimutan niya ang oras at hindi siya makaisip ng kung ano ano habang inaantay ang asawa."Uuwi siya" pag papalakas niya ng loob sa sarili. "Uuwi siya kung hindi palalayasin ko siya pag hindi siya umuwi ngayon kaya dapat umuwi siyang letse siya!" nangigigil na kinagat kagat niya ang dulo ng remote nalipat tuloy sa ibang chanel ang tv. Hindi niya na pinag kaabalahang ilipat
PAG DATING SA condo niya wala ang asawa niya doon.Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi niya makontak. Agad siyang pumasok sa kwarto at nakahinga lang siya ng maluwag ng makitang nandoon pa ang maleta ng asawa. Naalala niyang sinabi nitong may pupuntahan ito kanina.Nilapitan niya ang luggage ni Juancho at hinila iyon papalapit sa kama. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng kama at binuksan. Napangiti siya ng makita kung gaano ka organize sa gamit si Juancho.Isa isa niyang inilabas ang mga gamit nito pilit tinupi ang ibang nagulo niya sa pag kakatupi. Feel na feel niya ang pagiging house wife.Lumapit siya sa walk in closet niya. Binuksan niya iyon at tinanggal ang ibang mga damit niya para mag kaespasyo ang mga damit ni Juancho. Gusto niya kasing ilagay na doon ang mga damit ng asawa niya. Gusto niyang ipakita dito na handa na siya.. Handa na siyang sumugal uli at pag bigyan ang sarili niya na lumigaya. Dahil kung patuloy siyang mag mamatigas, patuloy lang din silang masasaktan dalawa
MAINIT ANG ULO niya simula pa ng pumasok siya sa opisina kaninang umaga. Lahat nlang nasisigawan niya at tatlo na ang nasesesante niya dahil sa mga maliliit na kapalpakan ng mga ito.Naaburido na siya. Ayaw mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Juancho sa kanya kagabi at ang weird na mga titig nito kaninang umaga sa kanya.Bakit ba nag iinarte ito ng ganoon? Dahil ba sa nalaman na nitong mali ang binta g nito sa kanya noon? Nakokonsensya na ba ito kaya nagiging weird ang mga kilos?'Why I have this feeling that he's leaving me again?!''And so? So what kung iwan ka niya ulit? Auaw mo naman na sa kanya diba?'Nasabunutan niya ang sarili. Kaya napatingin sa kanya ang mga staff niya na nag pepresent ng bagong interior ng bubuksang hotel sa El Nino Palawan."What?!" asik niya sa mga ito. Mabilis naman na nag iwas ng tingin sa kanya ang mga staff niya. Takot na mapag balingan niya ng galit.Imis na pilit niya nalang binaling sa presentation ang ate syon niya."Dont you think it will be pri
Erika's POVGISING SIYA nung Binuhat siya ni Juancho palabas ng kotse at dinala sa unit niya. Gising rin siya habang pinapalitan siya nito ng damit. Pero nanatili lang siyang nag tulug tulugan.Ayaw niyang matapos ang pag aasikaso nito sa kanya. Namiss niya iyon. Alam niyang napaka pathetic non pero hindi niya maiwasan. Mahal niya ang lalaking ito. Gustong gusto niya kapag bini-baby siya nito. Ito lang kasi ang nag alaga at nag asikaso sa kanya ng walang kapalit.Nag iinit ang sulok ng mata niya pero pinigilan niya ang sarili.Naramdaman niyang naupo ito sa tabi niya. Ramdam niya rin na tinititigan siya nito. At nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Gusto niyang dumilat. Hilahin ito pahiga sa tabi niya pero pinipigilan siya ng pride niya."I love you so much my princess.. I'm sorry for causing you so much pain.. I'm sorry for not believing you.." Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito " narinig niyang sabi nito. Totoo nga. Totoo nga na mararamdaman mo ang sinasabi