“So he really is Rafael’s uncle?”
Gulat na bulong ni Lexie sa sarili habang patuloy sa pagpindot ng mouse ng kanyang laptop.
“What are you looking at?”
Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang magsalita ang pinsang si Claire mula sa kanyang likuran. Dali-dali niyang isinara ang laptop at tiningnan ito nang kunot-noo.
“Whatever I am doing, I believe, is no longer your business, Claire.”
Inis na sagot niya. Ni siya mismo ay hindi alam kung bakit sa halip na mag-aral para sa nalalapit na exam, inuubos niya ang oras sa pagtitig sa mga litrato ni Ram na nagkalat sa internet.
“So he really is rich? Like, overly rich?”
Muli niyang ibinulong sa sarili.
“What are you talking about, Lex? OMG, tuluyan ka na bang nabaliw?”
O.A. na tanong ni Claire. Inirapan lang niya ito.
“I am most certainly not, Claire. Can you just please leave me alone?”
Masungit na sagot niya.
“As much as I want to leave you alone, I’m sorry to say, but I cannot do that. Lolo wants to see everyone at the hotel right now. And by ‘everyone,’ he means you too. So get your ass moving.”
May kaartehang sabi ni Claire bago siya tinalikuran.
“Wait, bakit daw?”
“Well, I don’t know if you can handle it, but Amanda and the ‘guy’ are having a meeting with the family to—”
“Talk about the wedding.”
Walang ganang dugtong niya sa sinasabi ni Claire.
“Masyado naman yata silang excited para sa istupidong kasalang iyon. And what makes them think that I will join that meeting?”
Hindi mapigilang inis na sabi ni Lexie saka inismiran si Claire.
“Uh-huh, don’t be mad at me. Napag-utusan lang akong sunduin ka.”
“Whatever. I am not going.”
Lexie sa Hotel
Kulang na lang ay magpadyak si Lexie habang naglalakad sa hotel na pag-aari ng kanilang pamilya. Paano ba naman, wala rin siyang nagawa para maiwasan ang ‘importanteng meeting’ na ito kasama ang pamilya ng kanyang traydor na ex na si Rafael.
“Fix yourself, Lexie. Nobody wants to see you looking all grumpy.”
Saway sa kanya ng nakatatandang pinsan.
“Shut up, Claire.”
Kahit sinaway na, hindi siya nagpatinag. Bakit niya pipilitin ang sariling ngumiti gayong pakiramdam niya ay halos madurog na sa sakit ang kanyang puso?
“Don’t you ‘shut up’ me.”
“Claire, stop. You know what happened between me and those two stupid soon-to-be-wed couples. And I’m sorry if I think I can’t control being mad. For the record, I believe I have the right to be.”
Nakasimangot niyang sagot bago siya nagpauna sa paglalakad.
Hindi pa man tuluyang nakararating sa lugar ng meeting ay agad nang napahinto si Lexie nang matanaw ang kanyang pamilya kasama ang traydor na si Rafael, na masayang nagtatawanan.
Lexie tried to relax. She put on a stoic face and walked closer to them.
Halos sabay pang natigilan ang lahat nang makita siya. Wala siyang ipinakitang reaksyon at piniling maupo malapit sa salaming dingding ng lounge ng hotel.
“H-Hi, L-Lexie. H-how are you?”
Nauutal na tanong ng pinsang si Amanda. Lexie had the urge to roll her eyes but refused to do so. Her gaze landed on Rafael, who was staring at her—may bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha.
For a second, Lexie wanted to talk to him. But she chose not to. Sa halip, inilipat niya ang tingin sa kanilang lolo, na tila nakikiramdam din.
Lexie couldn’t help but smirk.
Sino ba naman ang may lakas ng loob na gawing masaya ang paligid gayong alam ng lahat ang naging relasyon nila ni Rafael—at ang ginawa nitong pagtataksil sa kanya kasama ang mismong pinsan niyang si Amanda?
“So what? Are we just going to sit here and do nothing, or are we going to talk about this stupid wedding?”
Hindi na napigilan ni Lexie ang pabalang na tanong. Ilang minuto nang walang nagsasalita.
“Language, Lexie.”
Saway ng kanyang lolo.
She was too angry to care.
“I don’t mean to be rude, but can everyone please stop acting like there’s nothing wrong here?”
Muli niyang sinabi, sabay tiningnan nang matalim si Amanda at Rafael.
“We know that, iha, but please understand that we—”
“Oh, come on, Lo. Please stop this already. Are we really going to talk about this now? Because I’m sure Amanda and Rafael don’t want to hear it.”
Pabalang niyang sagot. Napayuko si Amanda.
“Okay, if you can’t put yourself together, I think it’s best if you leave.”
Halos mag-init ang magkabilang tenga ni Lexie sa halos pabulong na sinabi ni Amanda.
“You think so? Because to be honest, I don’t even know why the hell I’m here. What? You want to humiliate me some more, Amanda? Rafael? Is that why you asked me to be here?”
Galit niyang tanong.
“H-Hindi naman sa gano’n! Ang sinasabi ko lang, kumalma ka. Nandito ang parents ni Rafael at—”
“Yeah, they’re here. And I’m sure they know exactly what kind of bullshit you both pulled. What? After what you did to me, you expect me to be formal? No. So I’m sure Rafael’s parents will understand why I’m acting like this.”
Tumataas na ang tono ng kanyang boses.
“Lex, please. That’s enough.”
Pakiusap ng isa pang pinsan.
“No. This—this is enough! You wanna get married? Fine! That’s fine with me. But keep me away from all this shit!”
Galit niyang sabi bago padabog na tumayo.
Lexie Meets Ram Jordan
Sa pagmamadali niyang umalis, hindi niya namalayan ang isang matigas na bagay sa harapan niya.
“Ouch!”
Halos mamilipit siya sa sakit nang bumagsak sa marmol na sahig ng hotel.
“Oh shit, I’m sorry! Are you okay?”
Isang pamilyar na tinig ang nagtanong. May isang pares ng kamay ang inalalay siya patayo.
Agad siyang napaangat ng tingin—at nanlaki ang kanyang mga mata.
Ram Jordan.
Ang lalaking kanina lang ay tinititigan niya sa screen ng kanyang laptop.
“Ram Jordan?”
“Lexie?”
Sabay nilang sabi.
“Hey, I’m sorry. Nasaktan ka ba?”
Nag-aalalang tanong nito nang makatayo siya nang maayos.
“Yeah—I mean, no. I should be the one saying sorry. I wasn’t looking.”
Kagat-labi niyang sagot, hindi maiwasang titigan ang lalaking nasa harapan niya.
‘I knew this man looked handsome when I saw him at the bar the other night. Too handsome in pictures. But gosh… he’s so hot.’
Bulong niya sa sarili, saka niya inilipat ang tingin. Bagama’t natatakpan ng kulay itim na amerikana, alam niyang may malalaking muscles ang katawan nito.
“What are you doing here?”
Agad na napatingala si Lexie nang magsalita si Ram. Nahihiya siyang umiwas ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.
Saglit siyang nag-isip kung nahuli ba siya nitong nakatitig sa katawan nito.
“So?”
Untag nito sa kanya.
“Oh, ahhh... I just—I stay here for a couple of days. What about you?”
Magsisinungaling sana siya, pero napilitan siyang ngumiti.
“Well, remember the nephew I told you about the other night? I’m here to meet his bride.”
Nakangiti ring sagot ni Ram.
Ramdam ni Lexie ang pagragasa ng inis sa kanyang sistema nang malaman niyang dadalo rin si Ram Jordan sa pag-uusap tungkol sa kasal ng traydor niyang pinsang si Amanda at ng taksil niyang ex-fiancé.
“Oh, I see. Well then, you must be late. Aalis na rin ako.”
Pilit ang ngiting paalam ni Lexie sa lalaki.
“Sure. See you around, Lexie.”
Sa halip na umalis na nang tuluyan sa hotel na iyon, hindi niya maipaliwanag kung bakit siya umaaktong tila isang magnanakaw na palihim na sumusunod kay Ram Jordan—gayong sinabi na rin naman nito kung saan siya pupunta.
“What the hell? They really are serious about this stupid wedding?”
Tiim-bagang niyang bulong sa sarili nang sa wakas ay makarating si Ram sa lugar kung saan siya nanggaling kanina.
Lalong lumakas ang galit na nararamdaman niya nang makita niyang tila walang gulong nangyari kanina. Todo ngiti ang mga taong naroon, at ang traydor na si Amanda ay tila lintang nakakapit sa mga braso ni Rafael.
“Come on, he’s not going anywhere,” inis niyang sabi.
Mabilis siyang nagtago sa likod ng isang sementadong pader nang makitang nagpalinga-linga si Ram.
“You are so going to regret this,” muling naiinis niyang bulong sa sarili matapos sumilip sa kinaroroonan nina Amanda. Para siyang isang leon na handang sumugod, lalo na nang makita niyang binigyan ni Amanda ng mabilis na halik sa labi si Rafael.
“Uncle, huh?”
Taas-kilay niyang bulong nang mailipat ang tingin sa gwapong si Ram.
“Come to think of it… Ram Jordan… Rafael’s uncle… Ano nga ba ang mapapala ko sa iyo?”
Tila isang baliw, patuloy niyang kinausap ang sarili.
Saglit siyang natigilan habang matamang tinititigan si Ram Jordan.
“Maybe I can use you against your stupid nephew, Ram Jordan…”
Muli siyang napangiti.
“Lexie?”
Ganoon ba siya kadesperada sa iniisip niya, at hindi niya napansin ang paglapit ng pinsan niyang si Claire?
“I thought you already left?” takang tanong nito sa kanya.
“Shut up. See that gorgeous guy over there?”
Tinuro niya si Ram.
“Your traitorous ex’s uncle. Why?”
“I know him. And I will use him against Rafael.”
Desidido niyang sagot, dahilan upang mangunot ang noo ng pinsan.
Kung paano niya gagamitin si Ram Jordan para makaganti kay Rafael—iyon ang kailangan niya pang pag-isipan.
“Uhm… how exactly?” tanong ni Claire, halatang naguguluhan.
Kibit-balikat lang ang isinagot ni Lexie. Bago niya tuluyang iniwan ang pinsan, mahigpit niyang ipinagbilin dito na huwag ipaalam sa kanilang mga kaanak na naroon siya.