Share

Kabanata 5: Take it or Not?

"SHE WAS all right. But I couldn't stay there anymore. After I checked that everything is okay and she was in a safe place. I left the place. I don't want to involve your grandmother to my own problem. I'm very sorry, and thank you for everything, Keith." 

Iyon lamang ang huling mensahe niya matapos na ipadala iyon sa kanyang kaibigan. Masyado ng mapanganib para sa kanyang manatili roon, at halatang napansin din iyon ng ginang kaya ito na rin mismo ang naghanda ng masasakyan niya paalis sa lugar. Pero imbes na dumeretso sa airport katulad ng bilin niyon, nakiusap siya sa driver na ibaba na lamang siya sa isang bus stop. 

Nag-abot din siya ng ilang papel na pera roon upang makumbinsi na hayaan na siya.

Makaraang maibaba siya. Tuloy-tuloy na naglakad siya papasok sa isang gun shop para bumili naman ng bala ng kanyang dalang baril. Hindi kasi siya sigurado kung sasapat ang laman niyon para sa paggagamitan niya. Mabuti ng sobra kaysa kulangin siya. 

May kailangan muna siyang turuan ng leksyon. Hindi siya mapapakali habang hindi nagagawang tapusin ang dapat matagal na niyang natuldukan.

Halos wala siyang nadalang gamit bukod sa pasaporte niya at isang bag na naglalaman ng ilang pamalit na damit. Nanghihinayang man na naiwan niya ang mga ibinigay sa kanya ng lola ni Keith na mga sanang kasuotan para sa kanyang anak, lahat-lahat iyon ay naiwan niya dahil sa pagmamadaling makaalis sa naturang lugar.

Walang ano-ano'y pumasok siya sa isang mababang bakod. Sa kanyang kinatatayuan maririnig ang malakas na halakhakan ng mga taong nasa loob ng isang payak na tahanan na matatagpuan sa isang pribadong subdibisyon. Nadaan niya ang isang maliit na dog house, nakadungaw pa ang ulo ng isang aso roon at nang makita siya ay walang humpay na kumawag ang buntot sa pagkasabik na makita siya.

She gently patted the dog's head. "Hey, buddy. I just need to do something inside. Don't make any noise, okay?" 

Inilagay pa niya ang isang daliri sa kanyang labi saka niya iniwan 'yon.

Dumungaw siya sa bintana at makitang nasa may sala ang mag-asawang Anderson at kasama ang kapatid din ng ginang. Abalang umiinom ang mga iyon ng mamahaling wine. They looked happy and satisfied over something she already knew. Habang siya ay hindi malaman ang susunod na gagawin dahil may nagtatangka sa buhay niya matapos na may nagtip ng kanyang lokasyon.

Isa lang ang taong kilala niyang gagawa niyon sa kanya. "Walang utang na loob na batang 'yon. Akala siguro niya bastang hahayaan ko siyang putulin ang ugnayan naming dalawa. Pwes, nagkakamali siya. Malaki rin pala ang pakinabang niya kahit wala na siya ngayon sa poder ko. Lalo na noong may naghanap sa kanya. That wench. Siguro 'di na n'on alam ang gagawin ngayon. Dapat 'di na siya nagtrabaho pa sa army. Malaking problema 'yon sa kanya. But, I don't care anymore. I've got the money that I need for Chloe's education. May extra pa nga, siguradong tatagal 'to hanggang makagraduate ang anak ko."

Malakas na humalakhak iyon.

"Mabuti ka pa, sinuwerte sa naampon mo. Ako nga eh, nag-asawa na at hayun, iniwan na ako na nagpalaki sa kanya. 'Di man lang ako naalala," wika ng kapatid ng una na kausap noon nito.

"Ikaw kasi, 'di ka marunong. Dapat kasi 'yong may utak ang inampon mo. Eh, boba pa ang nakuha mo sa ampunan. 'Yong mga gano'n 'di marunong dumikarte. Tingnan mo si Ira, wala 'yon na matuluyan dahil pinalayas ko. Mautak, pumasok ng army. Nagkapera! Binili nga niya itong bahay na 'to para sa 'kin. Malaki kasi ang utang na loob niya sa 'kin, kulang pa ang buhay niya para mabayaran ako."

Humigpit noon ang hawak niya sa baril na nasa kamay.

"'Di mo ba talaga natanong kung ano'ng kailangan ng mga taong pumunta rito noong nakaraan kaya hinahanap si Ira?" usisa ng huli.

"Bakit pa? Wala akong pakialam kahit na may sama sila ng loob sa batang 'yon at patayin nila."

Itinutok niya ang baril sa basong hawak noon ni Mrs. Anderson. Mabuti na lamang at nakabili rin siya ng silencer. She never intended to get back to this evil witch. She just had enough of her bullshit to the point she wouldn't even mind pointing the gun in front of her face then shoot her.

Malakas na tilian ang maririnig sa buong kabahayan. Maririnig din ang mga nabasag na basong nagkakalaglagan noon sa sahig. Hindi pa rin siya tumigil na iputok ang hawak na baril. 

Madilim noon ang anyo ng mukha niya nang dumapo ang paningin niya sa nakadapa noon na si Mrs. Anderson sa sahig katabi ang kapatid nito, habang ang asawa ay patuloy na pag-iyak ng mga oras na 'yon.

"P—Please... d—don't kill us... Y—You can take everything from our house! Please, just don't kill us," nagmamakaawang sambit na nito habang pinagkikiskis ang mga kamay sa harap niya.

Hindi nito magawang maitaas ang paningin sa kanya kaya 'di pa siya nito nakikilala.

Pathetic woman... aniya sa kanyang isip.

Hahayaan niya lamang muna 'yon na magmakaawa habang titingnan niya kung may naiwan na kahit na ano'ng impormasyon na makapagsasabi kung kanino nito sinabi kung saan siya makikita.

"Kanino ninyo sinabi kung saan ako matatagpuan?" tanong na niya.

Nang marinig ang boses niya saka lamang noon nag-angat ng paningin ang una. 

Hindi makapaniwalang makita siya roon. Nangangatal ang mga labi, balisa at muling inilayo nito ang mga mata sa kanya. "I—Ira? A—ano'ng ginagawa mo rito?"

Tinungkod niya ang isang tuhod upang pantayan ito. "Nagulat ka bang makitang buhay pa 'ko?" may pagbabantang balik tanong niya.

Pinanood niya kung paano'ng ingudngod na nito ang mukha sa sahig na balot noon ng mga bubog. Hindi na niyon alintana pa na magkasugat-sugat ang kamay para lamang magmakaawang huwag itong patayin.

"Masahol pa kayo sa mga kriminal na nahuli at napatay ko. Kung gugustuhin ko pwede kong iputok na ng deretso ang baril sa mukha ninyo ngayon mismo. I would love to see your splattered brain on the floor. But I'm still patient enough to wait for you to answer me. Sino'ng nagbayad sa inyo?"

Bakit pa ba niya kailangang gawin 'yon? Mas mabuti pa ngang ginawa niya ang ipinayo ng lola ni Keith na umalis ng bansa. Dahil kahit ano'ng gawin niyang pagtago, gagamit nang gagamit ng paraan ang kaharap para lamang mahanap siya saka naman siya isusuplong sa mga taong matindi ang galit sa kanya. Sa higit walong taon niya sa dating trabaho, ilang daan na ba ang gustong mapatay siya. Ngunit kahit buhay niya ay kaya nitong gamitin upang pagkaperahan.

"I—I don't know them. Bastang sumulpot lang sila sa harap ng bahay ko. Hinahanap ka. K—Kapag daw tinulungan ko silang mahanap ka bibigyan nila ako ng pera..."

"And you did tell them where to find me?"

Hindi ito nakasagot. Nainip siya kaya pinihit niyang muli ang gatilyo ng hawak na baril. Tumama ang bala niyon malapit sa daliri ng ginang. 

"Y—Yes, I told them... P—Please... forgive me. H—Hindi ko naman talaga balak na tulungan sila. P—Pero si Chloe, kailangan na kailangan na niya ang pera... Her schooling is about to start. I—I'm unemployed even my husband... Please, spare us!"

She rolled her eyes. "Bullshit."

Wala siyang mapapala na tanungin pa ito. Halatang wala rin itong alam. Hindi na rin siya maaaring magtagal pa sa lugar sa lakas ng boses nitong sumigaw at humingi ng tulong.

Kinuha na lamang niya ang ibang banknotes na naroon sa mesa. Hindi rin naman niyon mapapakinabangan ang cheque kung 'di naman siya nahuli kanina ng mga lalaking pinaghahanap siya. Pero isa ang tiyak niya. Those people are trying to kill her. Matapos na ilang beses na magpakawala ng putok ng bala ang mga iyon kahit halatang wala naman siyang laban.

Naiyukom niya ang mga kamay. Ilang sandali na mariing naipikit niya ang mga mata.

Humarap siya at itinutok muli ang baril sa ginang. "This will be the last time that you will mention my name from anyone else. Wala kayong inampon na Tahira, wala rin kayong kahit na ano'ng ugnayan tungkol sa 'kin. For the last time, I'll give you a chance to fix your lives. Will you take it or not?"

"Y—Yes... Yes. T—Thank you for sparing our lives!"

Naningkit ang mata niya bago tuluyang umalis sa lugar. Nadaanan niya ang naroong aso. Sa huling pagkakataon, hinawakan muli niya ang ulo niyon. The dog really likes her and keeps on looking at her with adoring eyes. But, she has no time to waste. Naririnig na kasi niya ang sirena ng police car sa hindi kalayuan. 

Walang makakahalatang siya ang salarin sa mga putok ng baril at kaguluhang 'yon sa bahay ng mga Anderson. No one seems to care about her presence while she's walking away from the scene. That's what she wanted to happen. Naglakad lang siya palayo na tila walang nangyari. 

Mabuti niyang siniyasat ang buong bahagi na 'yon ng lugar na walang kahit na ano'ng surveillance camera na nakakuha sa kanya. 

Dumaan muna siya sa isang maliit na restaurant. "Hi, where is your restroom?" nakangiting tanong niya sa isang babaeng staff na naglalampaso ng sahig ng mga oras na 'yon.

Gumanti rin ng ngiti iyon nang makita siya. "Left side of the hallway. There's a color red door, that's our restroom," magalang na sagot niyon.

"Thank you, Ray," pasasalamat niya nang mabasa ang pangalang sa suot nitong nameplate.

"No worries."

Pagpasok sa restroom. Inilabas niya sa loob ng bag ang gunting na kasama niyang binili kanina. Humaba kasi ng ilang pulgada ang buhok niya sa nakalipas na buwan. She doesn't like her hair like that. Hangga't maaari ay magandang pixie cut iyon, minsan kasi ay tumatabing 'yon sa kanyang mga mata.

Ilang sandali na napatitig siya sa salamin nang makontento na siya sa gupit ng kanyang buhok.

Nagpalit siya ng puting dress. Para hindi siya lalong paghinalaan. She's pregnant. Magagamit niya 'yon to her advantage.

Muling sinulyapan niya ang piraso ng papel na ibinigay sa kanya ni Josie. May address at pangalan ng tao na nakalagay doon. Sabi ay magiging ligtas siya kung doon mananatili. 

Ayaw man niyang mandamay pa ng ibang tao sa kanyang sitwasyon. Mas maiging tiyakin muna niya ang kaligtasan ng batang nasa sinapupunan niya.

Nang gabi ding 'yon, bumalik siya ng Pilipinas.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status