Share

Kabanata 12: Set-up

HINDI NGA malayo ang lugar na pinuntahan nina Isaiah. Ilang kanto lang iyon at ‘di rin tumagal ang kanilang biyahe na inabot lamang ng halos sampung minuto ngunit kapansin-pansin na malapit ang lugar na iyon sa isang pier at halos wala ring katao-tao bukod sa kanilang tatlo.

Doon na siya nakakutob ng panganib. Kahit saan tingnan na banda ay ‘di maikakailang kakaiba ang transaction na iyon kumpara sa dating ginagawa nila.

Mabilis na inilibot niya ang paningin. Agad na nahagip ng mata niya ang nakasisilaw na maliit na ilaw sa kalayuan. Isang sniper.

Humigpit ang hawak niya sa briefcase.

Sa bandang likod naman kahit ang napakaliit at mahinang ingay na iyon ay alam na niyang napapalibutan na sila. This stupid Klev, what kind of transaction are they about to do? She did not ask not because she’s not interested. Ngunit alam niyang wala ring balak na sabihin iyon sa kanya ni Klev.

Sa ganoong klaseng lugar… they are surrounded. Pero nakatawa lamang ang hinayupak sa tabi niya. Maliit lamang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status