BATID ni Tahira ang kaguluhang nangyayari matapos na matumba si Heisen sa kanyang harapan. She didn't mean that to happen. Pero kailangan niyang protektahan ang sarili. Mahigpit ang kapit ng kanyang anak sa suot niyang damit. Habang pinapanood naman niyang pagtulungang na buhatin si Heisen ng mga tauhan nito."I didn't mean to do that," paliwanag niya kay Pavlov.Ngunit nahuli niyang nakatingin iyon sa kanyang anak na itinago niya sa kanyang bisig."You stay here. 'Wag kang mag-alala, hindi namin kayo sasaktan. May kailangan pa akong malaman mula sa 'yo," wika ni Pavlov sa kanya bago ito umalis.Wala siyang nagawa kung hindi panoorin ang papalayong pigura nito.Kagat-kagat niya ang ibabang labi nang maiwan siyang kasama ang anak. Patuloy pa ring nagririgodon ang puso niya habang naghihintay na bumalik si Pavlov.Nang mayamaya lang ay bumukas ang pinto. Niluwa niyon ang isang babae na may hawak na tray. Naguguluhan pa siya nang tumayo."Inutusan po ako ni Mr. Gregor para dalhan kayo n
HINDI NGA malayo ang lugar na pinuntahan nina Isaiah. Ilang kanto lang iyon at ‘di rin tumagal ang kanilang biyahe na inabot lamang ng halos sampung minuto ngunit kapansin-pansin na malapit ang lugar na iyon sa isang pier at halos wala ring katao-tao bukod sa kanilang tatlo.Doon na siya nakakutob ng panganib. Kahit saan tingnan na banda ay ‘di maikakailang kakaiba ang transaction na iyon kumpara sa dating ginagawa nila.Mabilis na inilibot niya ang paningin. Agad na nahagip ng mata niya ang nakasisilaw na maliit na ilaw sa kalayuan. Isang sniper.Humigpit ang hawak niya sa briefcase.Sa bandang likod naman kahit ang napakaliit at mahinang ingay na iyon ay alam na niyang napapalibutan na sila. This stupid Klev, what kind of transaction are they about to do? She did not ask not because she’s not interested. Ngunit alam niyang wala ring balak na sabihin iyon sa kanya ni Klev.Sa ganoong klaseng lugar… they are surrounded. Pero nakatawa lamang ang hinayupak sa tabi niya. Maliit lamang si
“YOU ANSWERED my call. I even told you that the place where we were hiding is far already from the people who are chasing after us,” Isaiah can’t help but saying. Tinutukoy niya ang eksaktong lokasyon na ibinigay niya noong tinawagan niya si Gregor upang humingi ng tulong.Narinig niyang tumikhim ito at napansing hindi agad nakapagsalita. Hindi niya kasi maiwasang itanong. Mali ata ang numero na ibinigay nito sa kanya na maaari niyang tawagan gayong wala rin siyang narinig sa kabilang linya noong mga oras na ‘yon.She was walking right beside Gregor. They are headed to Heisen’s private room in the hospital where she was also admitted one week ago.“It was not me who answered your call that time. I’m sorry,” Gregor said.So, who?Dalawang hakbang ang layo mula sa kanya ng sinusundan nang huminto iyon sa tapat ng isang kwarto. May mga tao nakatayo sa labas niyon na batid niyang nagbabantay sa amo na nasa loob.“Stay here,” utos sa kanya. Agad naman siyang tumalima.Naiwan siya sa labas
DALAWANG araw ng sunod na hindi maikilos ni First Lieutenant Tahira ang kanyang kanang braso ng maayos. Kapag nagpatuloy pa 'yon ay mapipilitan tuloy siyang hindi muna sumali sa mga susunod na operasyon ng kanilang platoon. Malalim na bumuntong-hininga siya. "Still in pain?" Second Lieutenant Keith immediately asked her, nang marahil mapansing makailang beses na siyang na marahas na bumuga ng hangin. Lumapit ito upang tingnan ang lagay ng kanyang braso na noo'y kitang-kita na ang pamamaga. "We have to go back before your injury gets more worse Irah. Otherwise, you might really need to have your arm amputated," nag-aalalang sabi na sa kanya ng una. The pain is still bearable for her. Hindi naman 'yon masakit para sa kanya na sanay na sa mabibigat na training at mga dating mas malalang injury na natamo na isang araw lamang ay magaling na, subalit sa pagkakataong 'yon, hindi na umaayon sa gusto niya ang kinahinatnan ng huling in
"I ALREADY knew that this would happen! Look at you! You looked like a disaster Irah!" malakas na sigaw ni Jeremy nang makita si Tahira na ang suot lamang ay black slacks at white blouse.Kung tutuusi'y naka-corporate attire siya ng gabing 'yon at hindi naman siya mukhang saling ketket sa suot niya kaya naman 'di niya maintindihan ang disgusto sa mukha ng kakilala nang iginaya siya nito papasok sa isang silid na marahil inuukopa nitong private room."I don't think there is something wrong about my attire. I looked way formal for them not to allow me to enter the venue," wika niya kay Jeremy na noo'y naghahagilap ng damit mula sa nakahanger na mga dresses.Hindi naman niya kailangang magmukhang importanteng tao. Ayaw niyang masyadong kumuha ng atensyon sa ibang naroon at mabulilyaso pa ang plano niyang mangalap ng impormasyon. Subalit wala yatang pumasok sa tainga ng lalaking ngayon ay lumapit sa kanya at tila tinansya pa sa harap niya ang isang black
ILANG sandali muna ang nagdaan bago napagtanto ni Tahira ang malaking kamaliang nagawa nang nagdaang gabi. Hindi pa rin makapaniwala ay naitakip na lamang niya ang dalawang kamay sa bibig nang malalim na napasinghap siya. Iniiwasang gumawa ng ingay habang ‘di pa rin niya maialis ang paningin sa kasalukuyang natutulog noon na si Heisen.Tila may nag-uudyok sa kanyang isipan na sunggaban ang lalaki sa leeg hanggang sa ito ay mamatay. Pero ang matagal niyang pagtitig sa mukha nito, nanariwa bigla sa kanyang memorya ang bawat maingat na paghaplos ng mga kamay at pagdampi ng labi nito sa kanyang katawan sa nagdaang gabi. Sa isang iglap, nabago niyon ang tangka sana niyang gawin.Napamura na lamang siya nang hagilipan ang suot kagabi na damit maging ang mga nagkalat na panloob sa sahig. Hindi na niya namalayan kung gaano niya kabilis na nagawa ‘yon nang maingat niyang buksan ang pinto ng kwarto. Muntik pa siyang mapatili nang may makitang nakatayo sa labas
MARAHAS na bumuga ng hangin si Tahira nang pinanindigan niyang hindi isulat ang pangalan ng ama ng batang nasa kanyang sinapupunan. 'Di lingid sa kaalaman niya ang kakaibang tingin na ipinukol sa kanya ng isang opisyal na naroon na katatapos lamang siyang i-interbyu."Are you sure with your decision to leave the army?" tanong muli niyon ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha niyang lumabas mula sa opisina nito.She sacrificed more than enough already to get there. God knows that. Pero ang pananatili pa niya roon ay maglalagay lamang sa alanganin sa buhay niya. Kaya pinili niyang maagang magretiro, ang katwiran niya ay nais niyang pagtuunan ng atensyon ang kanyang maselan na pagbubuntis. Hindi naman talaga niya iyon kailangang gawin na umalis siya. May ilan pa ngang magandang ipinayo sa kanyang gawin, subalit pagkatapos niyon ay kailangan niya rin mamili kung ilalagay muna niya ang anak sa pasilidad na lugar dahil na rin sa panganib ng kanyang trabah
"SHE WAS all right. But I couldn't stay there anymore. After I checked that everything is okay and she was in a safe place. I left the place. I don't want to involve your grandmother to my own problem. I'm very sorry, and thank you for everything, Keith."Iyon lamang ang huling mensahe niya matapos na ipadala iyon sa kanyang kaibigan. Masyado ng mapanganib para sa kanyang manatili roon, at halatang napansin din iyon ng ginang kaya ito na rin mismo ang naghanda ng masasakyan niya paalis sa lugar. Pero imbes na dumeretso sa airport katulad ng bilin niyon, nakiusap siya sa driver na ibaba na lamang siya sa isang bus stop.Nag-abot din siya ng ilang papel na pera roon upang makumbinsi na hayaan na siya.Makaraang maibaba siya. Tuloy-tuloy na naglakad siya papasok sa isang gun shop para bumili naman ng bala ng kanyang dalang baril. Hindi kasi siya sigurado kung sasapat ang laman niyon para sa paggagamitan niya. Mabuti ng sobra kaysa kulangin siya.