Share

Chapter 6: A Trap

Author: Mrs. Bliss
last update publish date: 2026-04-02 21:40:07

Natigilan si Lynne sandali, pero dahil huli na siya, tinapon na niya ang pagpapanggap.

“Sinong tinatawag mong magnanakaw?!” bulyaw niya.

Tiningnan siya ni Pamelle nang matalim. “Hindi ba’t 'yun naman talaga ang ginagawa mo? O sasabihin mong wala kang balak itakas 'yan?”

Gusto nga sanang itago ni Lynne ang painting, pero ngayong huli na siya, ayaw niyang umamin. “Bakit, bawal na bang tingnan? Sa pamilya Villanueva ang painting na 'to. Balak mo bang solohin lahat?”

“Sinabi ni Uncle na regalo ito sa akin,” kalmadong sagot ni Pamelle. “Hindi niya sinabing para ito sa buong pamilya niyo. Lahat nakarinig. Kung may problema ang pandinig mo, magpatingin ka sa doktor.”

“So what kung binigay sa’yo?” napa-scoff si Lynne. “Pwede mo namang ibigay sa iba. Nagustuhan ko ang painting na 'to, kaya akin na lang!” Habang nagsasalita, akmang hahablutin niya ang box pero mabilis itong binawi ni Pamelle.

“Kung gusto mo, kay Uncle ka humingi.” Tinalikuran na siya ni Pamelle. Malapit na mag-hatinggabi at gusto na niyang umuwi.

Nakita niya si Mrs. Villanueva, ang asawa ni Sev, na nagtitimpla ng tsaa. “Auntie, medyo gabi na po. Mauna na ako.”

“Stay the night,” diretsong sabi ni Salve. “Handa na ang mga kwarto. Doon ka muna kay Hanz.” Hindi ito pakiusap—ito ay utos.

“Salamat po, Auntie, pero hinihintay po ako ng tatay ko,” tanggi ni Pamelle.

Humirit agad si Lynne, “Sinabi na ni Mommy na dito ka matulog, ano pang arte 'yan? Baka naman ngayon ka lang makakatulog sa ganito kagandang lugar. Mahiya ka naman.” 

“Lynne!” saway ni Salve sa anak na nasa likuran ni Pamelle, sumunod pala ito kay Pamelle nang maglakad ito paalis, pero hinayaan muna nitong matapos ang anak. Pagkatapos ay humarap siya kay Pamelle. “Leirl, huwag mo na siyang pansinin. Magpapasama ako sa’yo sa taas.”

Isang tuso na tingin ang dumaan sa mga mata ni Lynne. “Mom, ako na ang sasama sa kanya.”

--

Ito ang lumang residence ng mga Villanueva. Kahit si Andrie ay bihirang matulog dito. Habang naglalakad, hindi tumitigil sa kadadaldal si Lynne.

“Hindi ko talaga alam kung bakit pinipilit ni Dad na pakasalan mo si Kuya. Ang layo mo kay Ate Yannah. Ang pangit mo—nakakahiya ka kasama.”

Walang kibo si Pamelle. Sanay na siya sa mas malala pa riyan. “Kung ayaw mo sa akin, kumbinsihin mo ang tatay at kuya mo na huwag akong pakasalan,” banat niya. “Kasi kapag naging sister-in-law mo na ako… tapos na ang maliligayang araw mo.”

“Ikaw—!” gigil na sabi ni Lynne. Wait ka lang. May naisip akong plano. Sa kaniyang isip.

Sabi ng tatay niya, huwag na huwag gagalitin ang kaniyang Uncle Ton. Pero paano kung si Pamelle ang gumawa nun? Siguradong itatakwil siya ng pamilya at ng Uncle Ton niya mismo.

Tumigil sila sa harap ng isang pinto. “Dito ang room mo tonight. Pasok.”

Pero hindi ito ang kwarto ng Kuya niya Andrie. Kay Uncle Ton niya ito mismo.

Bago pa man makakibo si Pamelle, bigla siyang itinulak ni Lynne papasok sa loob!

Madilim ang kwarto, maliban sa banyo kung saan naririnig ang tunog ng umaagos na tubig. Agad na bumalik si Pamelle sa pinto para buksan ito, pero huli na—ni-lock ito ni Lynne mula sa labas.

Sa labas, napangisi si Lynne. Finish ka na ngayon. Kumaripas siya ng takbo sa ibaba kung saan pinaluhod si Andrie sa harap ng altar bilang parusa ng kaniyang ama sa ginawang pagsagot o pambabastos sa kanilang Uncle.

“Kuya! Huwag ka nang lumuhod! Nakita ko si Pamelle—pumasok siya sa kwarto ni Uncle Ton! Mukhang tinutukso niya si Uncle!”

“Ang babaeng 'yun, walang hiya!” nanggagalaiting tumayo si Andrie, kahit medyo nanginginig pa ang mga binti sa tagal ng pagluhod.

--

Sa loob ng kwarto, biglang huminto ang tubig sa banyo.

Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaking may nakabalot lang na tuwalya sa bewang. Hubad ang matikas nitong katawan. Basang-basa pa ang buhok nito, at ang mga patak ng tubig ay gumuguhit sa matatalim nitong panga pababa sa kanyang dibdib.

May mga bakas pa ng mapupulang kalmot sa likod nito—mga bakas na iniwan ni Pamelle nang gabing may nangyari sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Pamelle. Kaya pala personal siyang inihatid ni Lynne... bitag ito.

“Bakit… bakit ikaw?” utal niyang sabi.

“That’s my line, niece-in-law,” malamig na sagot ni Ton. Ang tingin niya ay punong-puno ng pandidiri. “Akala ko matapang ka na kagabi. Pero ngayon? Talagang dito mo pa ako pinasok sa loob ng bahay ng mga Villanueva?”

Sa isip ni Ton, sinadya ito ni Pamelle.

“Akala mo ba ganun ako katapang?” depensa ni Pamelle. “Baka naman sinadya itong i-arrange ng mga kamag-anak niyo?”

Napa-tawa nang mapait si Ton. “Hinawakan mo ang kamay ko nang dalawang beses kanina sa dinner. Huwag mong sabihing hindi 'yun sinasadya.”

Nagulat si Pamelle. Hindi niya man lang napansin na nagawa niya 'yun!

“Naka-lock ang pinto sa labas! Hindi ko mabuksan kanina. Subukan mo kung hindi ka naniniwala!” Agad niyang hinawakan ang doorknob para i-twist ito.

Click. Bumukas ang pinto nang walang kahirap-hirap.

Lalong lumamig ang tingin ni Ton. “A convincing performance.”

Natahimik si Pamelle. Kahit sampu ang bibig niya, hindi siya mananalo sa paliwanagan ngayon. “Maniniwala ka o hindi, aalis na ako,” sabi niya sabay hakbang.

Pero bago pa siya makalabas, isang malakas na kamay ang humablot sa braso niya. Sa isang mabilis na galaw, isinara ni Ton ang pinto at isinandal si Pamelle doon, kinukulong siya sa pagitan ng kanyang mga braso.

“Do you think you can come and go as you please?” pabulong nitong sabi.

Nawala ang distansya sa pagitan nila. Ramdam ni Pamelle ang init ng hininga nito. Sobrang tangkad nito, at sa bawat paghinga niya, ang dibdib nito ay halos dumikit na sa kanya.

Wala siyang matitigan na ligtas na lugar. Kahit saan siya tumingin, puro matitigas na muscle at mapanuksong aura ni Ton ang nakikita niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 64

    "Uncle, let me in," giit ni Andrie habang nakatitig nang buong pagmamatigas sa kaniya."Nahanap mo na ang lahat ng lugar. Ang taong pinaghahanap mo ay wala rito.""Pero may isa pang lugar na hindi ko nabubuksan—ang master study. Uncle, baka nasa loob siya."Ibinaba ni Ton ang kaniyang madilim na tingin, at sa isang patag na tono ay nagwika: "Walang tao sa loob.""Impossible, Uncle. Kung talagang walang tao diyan, bakit ganiyan ka mag-react?"Ang pagiging depensibo ni Ton ay lalo lamang nagpatibay sa paniniwala ni Andrie na nasa loob ang babae."Sinabi ko na sa 'yo, walang tao sa loob.""Kung walang tao diyan, I'm sure hindi ka magagalit kung papasok ako at titingin lang," giit pa ni Andrie."At sino ang nagbigay sa 'yo ng karapatang maghari-harian sa bahay ko?""Uncle, hindi mo naiintindihan. Ako ang naunang nagkagusto sa kaniya. Alam kong babae mo na siya ngayon, pero willing akong maghintay! Kapag napagod ka na sa kaniya at itinapon mo na siya, I can take her off your hands. How abo

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 63

    "Sinabi ko na sa kaniya na nandito ka, at naniniwala akong makakarating na siya rito nang mabilis.""Ano?" Biglang namutla ang mukha ni Pamelle, habang nanlalaki ang kaniyang mga mata sa matinding kaba.Sinabi niya talaga kay Andrie?Kapag naabutan siya rito ni Andrie, hindi siya makakatakas nang madali."Ano'ng problema? Mukhang nagulat ka," malamig na wika ni Ton habang nakatitig ang kaniyang madilim na mga mata sa dalaga. "Kilala mo ba ang pamangkin ko?""Hindi ko siya kilala," mabilis niyang pagsisinungaling, habang nanginginig ang kaniyang boses."Dahil hindi niyo naman kilala ang isa't isa, that's perfect. Gamitin natin ang pagkakataong ito para magkakilala kayo.""No, no... huwag na po, Mr. Villanueva. May 8 a.m. class pa po ako at mala late na ako nang husto. Thank you for taking me in last night, pero kailangan ko nang umalis."Sa pagkarinig pa lamang sa pangalan ni Andrie, nag-react na si Pamelle na para bang nakakita ng multo—isang malinaw na patunay kung gaano niya kamuh

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 62

    Nang magising si Pamelle kinabukasan, naramdaman niyang mabigat at tila namamanhid ang kaniyang ulo.Naupo siya sa gilid ng kama nang ilang segundo, habang kumikirot ang kaniyang sintido sa matinding sakit. Agad niyang pinagsihan ang labis na pag-inom ng alak kagabi.Nang tuluyan nang magbalik ang kaniyang kamalayan, inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid ng kuwarto.Ah!Familiar man ngunit hindi lubos na kilala ang lugar na ito. Hindi ba't sinundo siya ng drayber ng pamilya kagabi upang iuwi sa bahay?Bakit... bakit narito na naman siya sa mansyon ng kaniyang "Uncle"?Ang eksenang ito ay halos kapareho noong huling beses. Noong nakaraan, nang nabastos siya sa isang restawran, nagising siya sa mansyon ni Ton sa Aurelia Estate. Kagabi naman, napaaway siya sa dalawang bastos na lalaki sa lounge, at ngayon ay nagising na naman siya sa ilalim ng bubong ni Ton.Nalagpasan ba niya ang oras? Lumaktaw ba siya sa panahon?Hindi na talaga niya maalala kung paano siya nakarating dito. So

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 61

    Bahagyang humarap sa tagiliran si Ton, isang kilos ng tahimik na pagprotekta upang tuluyang maikubli ang tulog na si Pamelle mula sa paningin ng mga panauhin."Ano 'yun?" Sa malamig at pormal niyang boses, malinaw ang pahiwatig na hindi welcome ang dalawa at dapat nang umalis."Dahil mukhang napaka-busy ni Ton, babalik na lang kami ni Andrie sa ibang araw. We won't bother you anymore."Nagtungo roon si Sev kasama ang anak na si Andrie sa pag-aakalang makakapag-paumanhin sila, habang nagbabakasakaling makipag-usap hinggil sa posibleng investment ni Ton. Ngunit tila napakasama ng kanilang timing—palagi na lamang nilang natatagpuan si Ton na may dalang babae sa kaniyang mansyon.Tuluyang tumalikod at umalis si Sev, habang nakasimangot na sumunod sa kaniya si Andrie.Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng kotse, hindi na napigilan ni Andrie ang kaniyang pagkainip. "Dad, wasn't this entire trip a waste of time?""Paanong naging aksaya sa oras?" nangingibabaw ang pang-uuyyam sa boses ni

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Special Note

    Hi/Hello, my dear all kyuties readers.Ngayong May po ay mag-se-set na po ako ng schedule sa pag upload o pag update po ng chapters, sa kadahilanan po na magiging busy na po ulit ako dahil back to work po ako—Bilang ina na may trabaho rin ay hinihingi ko po ang pag-uunawa ninyo. Maraming Salamat po agad! ^^Dahil ako po ay may 4 books na ongoing, narito po ang magiging schedule:The Scorned Wife's - Saturday Loveless Deal - SundayFinal Diagnosis - Thursday The Wrong Tease - TuesdayEvery upload or update po ay babagsak po ako ng 10-13 Chapters. Maliban na rin po sa availability at pagsasang-ayon ng katawan ko. Pero asahan ninyo po na kahit papaano ay may ia-update po ako sa mismong schedule. God bless po!

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 60: “The Fir-Scented Collapse”

    “Ganoon ba?” Walang pag-aalinlangang humakbang si Ton pasulong, kahit na ang matalas na dulo ng basag na bote ay direktang nakatutok sa kanya.“Ikaw...” Malinaw na hindi inasahan ni Pamelle na magiging ganito siya kawalang-takot.Hinigpitan ng dalaga ang hawak sa bote. Kung magtatangka itong lumapit na may masamang intensyon, hindi siya magdadalawang-isip na itira ito.Ngunit habang papalapit ang lalaki, isang malamig at pamilyar na bango ng puno ng pino o fir trees ang humaplos sa kanyang pandama, bumabalot sa kanya na parang isang dagsa ng tubig. Ang kanyang isip na lito dahil sa alak ay nag-react nang kakaiba—masyadong sensitibo, halos likas na kilos.Ang amoy na ito… tila kay Ton lamang ito pagmamay-ari.Sa kaisipang iyon, masusing pinagmasdan ni Pamelle ang lalaki sa kanyang harap. Ngayong tiningnan niya nang malapitan, kamukhang-kamukha nga niya ito.Lumabo ang kanyang mga paningin, at ang kanyang depensa ay humina nang kahit isang saglit lang.Sa pagkakataong iyon, iniunat ni To

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 3: At the Wedding

    Ramdam na ni Pamelle ang matinding inis ni Ton—pero pumasok ito sa kwarto niya nang kusa. Hindi niya kasalanan 'yun. Sino ba dapat ang sisihin?Dahil alam niyang wala namang balak gumawa ng gulo ang lalaki, sinadya siyang asarin ni Pamelle. “O ano, balak mo bang magtago?”Halos mag-crack ang seryos

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 2: The Man from Last Night

    Sumunod si Pamelle kay Ronald palabas, at doon niya nakita ang kumpol ng mga tao sa malayo.Sa gitna nila, nakatayo ang isang lalaking halos 1.9 meters ang tangkad. He was towering over everyone, imposibleng hindi mapansin. Ang gwapo nitong mukha ay bakas ang pagkainip at lamig.Hindi nakipagsiksik

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 1: A Night That Changed Everything

    Balot ng dilim ang buong kwarto, walang kahit isang anino ng liwanag ang nakakapasok.Sa ibabaw ng malawak na hotel bed, ang lalaki ay parang isang mabangis na hayop na matagal na nagutom. He was devouring her like a feast, walang pakialam kung iyon ang unang gabi ng babaeng nasa ilalim niya.Sa hul

  • The Wrong Tease: Pampered by My Ex-Fiancé’s Powerful Uncle   Chapter 7: Under The Blanket

    Kumpara kay Ton, mukhang maliit at marupok si Pamelle. Kung may makakakita sa kanila ngayon, aakalain ng lahat na nasa gitna sila ng isang mapusok na yakapan.Kahit anong paliwanag ang gawin niya, hindi maniniwala ang lalaking nasa harap niya. Walang maniniwala sa kanya—kahit ang sarili niyang ama.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status