로그인"Uncle, let me in," giit ni Andrie habang nakatitig nang buong pagmamatigas sa kaniya."Nahanap mo na ang lahat ng lugar. Ang taong pinaghahanap mo ay wala rito.""Pero may isa pang lugar na hindi ko nabubuksan—ang master study. Uncle, baka nasa loob siya."Ibinaba ni Ton ang kaniyang madilim na tingin, at sa isang patag na tono ay nagwika: "Walang tao sa loob.""Impossible, Uncle. Kung talagang walang tao diyan, bakit ganiyan ka mag-react?"Ang pagiging depensibo ni Ton ay lalo lamang nagpatibay sa paniniwala ni Andrie na nasa loob ang babae."Sinabi ko na sa 'yo, walang tao sa loob.""Kung walang tao diyan, I'm sure hindi ka magagalit kung papasok ako at titingin lang," giit pa ni Andrie."At sino ang nagbigay sa 'yo ng karapatang maghari-harian sa bahay ko?""Uncle, hindi mo naiintindihan. Ako ang naunang nagkagusto sa kaniya. Alam kong babae mo na siya ngayon, pero willing akong maghintay! Kapag napagod ka na sa kaniya at itinapon mo na siya, I can take her off your hands. How abo
"Sinabi ko na sa kaniya na nandito ka, at naniniwala akong makakarating na siya rito nang mabilis.""Ano?" Biglang namutla ang mukha ni Pamelle, habang nanlalaki ang kaniyang mga mata sa matinding kaba.Sinabi niya talaga kay Andrie?Kapag naabutan siya rito ni Andrie, hindi siya makakatakas nang madali."Ano'ng problema? Mukhang nagulat ka," malamig na wika ni Ton habang nakatitig ang kaniyang madilim na mga mata sa dalaga. "Kilala mo ba ang pamangkin ko?""Hindi ko siya kilala," mabilis niyang pagsisinungaling, habang nanginginig ang kaniyang boses."Dahil hindi niyo naman kilala ang isa't isa, that's perfect. Gamitin natin ang pagkakataong ito para magkakilala kayo.""No, no... huwag na po, Mr. Villanueva. May 8 a.m. class pa po ako at mala late na ako nang husto. Thank you for taking me in last night, pero kailangan ko nang umalis."Sa pagkarinig pa lamang sa pangalan ni Andrie, nag-react na si Pamelle na para bang nakakita ng multo—isang malinaw na patunay kung gaano niya kamuh
Nang magising si Pamelle kinabukasan, naramdaman niyang mabigat at tila namamanhid ang kaniyang ulo.Naupo siya sa gilid ng kama nang ilang segundo, habang kumikirot ang kaniyang sintido sa matinding sakit. Agad niyang pinagsihan ang labis na pag-inom ng alak kagabi.Nang tuluyan nang magbalik ang kaniyang kamalayan, inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid ng kuwarto.Ah!Familiar man ngunit hindi lubos na kilala ang lugar na ito. Hindi ba't sinundo siya ng drayber ng pamilya kagabi upang iuwi sa bahay?Bakit... bakit narito na naman siya sa mansyon ng kaniyang "Uncle"?Ang eksenang ito ay halos kapareho noong huling beses. Noong nakaraan, nang nabastos siya sa isang restawran, nagising siya sa mansyon ni Ton sa Aurelia Estate. Kagabi naman, napaaway siya sa dalawang bastos na lalaki sa lounge, at ngayon ay nagising na naman siya sa ilalim ng bubong ni Ton.Nalagpasan ba niya ang oras? Lumaktaw ba siya sa panahon?Hindi na talaga niya maalala kung paano siya nakarating dito. So
Bahagyang humarap sa tagiliran si Ton, isang kilos ng tahimik na pagprotekta upang tuluyang maikubli ang tulog na si Pamelle mula sa paningin ng mga panauhin."Ano 'yun?" Sa malamig at pormal niyang boses, malinaw ang pahiwatig na hindi welcome ang dalawa at dapat nang umalis."Dahil mukhang napaka-busy ni Ton, babalik na lang kami ni Andrie sa ibang araw. We won't bother you anymore."Nagtungo roon si Sev kasama ang anak na si Andrie sa pag-aakalang makakapag-paumanhin sila, habang nagbabakasakaling makipag-usap hinggil sa posibleng investment ni Ton. Ngunit tila napakasama ng kanilang timing—palagi na lamang nilang natatagpuan si Ton na may dalang babae sa kaniyang mansyon.Tuluyang tumalikod at umalis si Sev, habang nakasimangot na sumunod sa kaniya si Andrie.Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng kotse, hindi na napigilan ni Andrie ang kaniyang pagkainip. "Dad, wasn't this entire trip a waste of time?""Paanong naging aksaya sa oras?" nangingibabaw ang pang-uuyyam sa boses ni
Hi/Hello, my dear all kyuties readers.Ngayong May po ay mag-se-set na po ako ng schedule sa pag upload o pag update po ng chapters, sa kadahilanan po na magiging busy na po ulit ako dahil back to work po ako—Bilang ina na may trabaho rin ay hinihingi ko po ang pag-uunawa ninyo. Maraming Salamat po agad! ^^Dahil ako po ay may 4 books na ongoing, narito po ang magiging schedule:The Scorned Wife's - Saturday Loveless Deal - SundayFinal Diagnosis - Thursday The Wrong Tease - TuesdayEvery upload or update po ay babagsak po ako ng 10-13 Chapters. Maliban na rin po sa availability at pagsasang-ayon ng katawan ko. Pero asahan ninyo po na kahit papaano ay may ia-update po ako sa mismong schedule. God bless po!
“Ganoon ba?” Walang pag-aalinlangang humakbang si Ton pasulong, kahit na ang matalas na dulo ng basag na bote ay direktang nakatutok sa kanya.“Ikaw...” Malinaw na hindi inasahan ni Pamelle na magiging ganito siya kawalang-takot.Hinigpitan ng dalaga ang hawak sa bote. Kung magtatangka itong lumapit na may masamang intensyon, hindi siya magdadalawang-isip na itira ito.Ngunit habang papalapit ang lalaki, isang malamig at pamilyar na bango ng puno ng pino o fir trees ang humaplos sa kanyang pandama, bumabalot sa kanya na parang isang dagsa ng tubig. Ang kanyang isip na lito dahil sa alak ay nag-react nang kakaiba—masyadong sensitibo, halos likas na kilos.Ang amoy na ito… tila kay Ton lamang ito pagmamay-ari.Sa kaisipang iyon, masusing pinagmasdan ni Pamelle ang lalaki sa kanyang harap. Ngayong tiningnan niya nang malapitan, kamukhang-kamukha nga niya ito.Lumabo ang kanyang mga paningin, at ang kanyang depensa ay humina nang kahit isang saglit lang.Sa pagkakataong iyon, iniunat ni To
Kumpara kay Ton, mukhang maliit at marupok si Pamelle. Kung may makakakita sa kanila ngayon, aakalain ng lahat na nasa gitna sila ng isang mapusok na yakapan.Kahit anong paliwanag ang gawin niya, hindi maniniwala ang lalaking nasa harap niya. Walang maniniwala sa kanya—kahit ang sarili niyang ama.
Ramdam na ni Pamelle ang matinding inis ni Ton—pero pumasok ito sa kwarto niya nang kusa. Hindi niya kasalanan 'yun. Sino ba dapat ang sisihin?Dahil alam niyang wala namang balak gumawa ng gulo ang lalaki, sinadya siyang asarin ni Pamelle. “O ano, balak mo bang magtago?”Halos mag-crack ang seryos
Sumunod si Pamelle kay Ronald palabas, at doon niya nakita ang kumpol ng mga tao sa malayo.Sa gitna nila, nakatayo ang isang lalaking halos 1.9 meters ang tangkad. He was towering over everyone, imposibleng hindi mapansin. Ang gwapo nitong mukha ay bakas ang pagkainip at lamig.Hindi nakipagsiksik
Balot ng dilim ang buong kwarto, walang kahit isang anino ng liwanag ang nakakapasok.Sa ibabaw ng malawak na hotel bed, ang lalaki ay parang isang mabangis na hayop na matagal na nagutom. He was devouring her like a feast, walang pakialam kung iyon ang unang gabi ng babaeng nasa ilalim niya.Sa hul







