登入Ramdam na ni Pamelle ang matinding inis ni Ton—pero pumasok ito sa kwarto niya nang kusa. Hindi niya kasalanan 'yun. Sino ba dapat ang sisihin?
Dahil alam niyang wala namang balak gumawa ng gulo ang lalaki, sinadya siyang asarin ni Pamelle. “O ano, balak mo bang magtago?”
Halos mag-crack ang seryosong mukha ni Ton sa narinig. “Hide? Gusto mong magtago ako sa likod niyan?” Ano siya—isang kabit? Adulterer? Dalawang beses pa lang silang nag-uusap! Bakit sa ngalan ng lahat ng santo ay kailangan niyang magtago?
“Edi lumabas ka kung gusto mo,” cool na sagot ni Pamelle. “Wala namang mawawala sa akin. Baka gamit ang influence mo, ma-call off pa ang wedding na 'to.”
“Leirl... sino’ng kausap mo?” Isang boses mula sa labas ang narinig, hudyat na may magbubukas na ng pinto.
Kahit labag sa loob, mabilis na sumingit si Ton sa likod ng makapal na kurtina. Hidden from view.
Bahagyang binuksan ni Pamelle ang pinto—pero wala siyang balak na papasukin ang sinuman. Nakatayo doon si Yannah Kaye Santos, ang best friend kuno ni Pamelle, pero lover pala ni Andrie.
Maganda si Yannah sa paraang mukhang fragile at delicate—yung tipong mapapalingon ang mga lalaki para protektahan siya. Pero ngayon, mapula ang mga mata niya at suot ang isang manipis na dress, sinasadyang ipakita ang mga marks na iniwan ni Andrie sa katawan niya.
Hindi napigilan at napangisi nalang si Pamelle sa kaniyang nakikita.
“Leirl... ang ganda mo ngayon,” sabi ni Yannah, pero bakas ang inggit sa mga mata habang nakatingin sa wedding dress ni Pamelle.
Mocking na tiningnan siya ni Pamelle. “And what do you want?”
“Leirl... alam mong mahirap lang ang pamilya ko. Iniwan ako ng nanay ko, sugarol ang tatay ko. Si Hanz lang ang meron ako. Please... huwag mo siyang pakasalan. Pwede bang ibalik mo na siya sa akin? Mahal na mahal ko siya,” pagmamakaawa ni Yannah, nanginginig pa ang boses.
Tinaasan siya ng kilay ni Pamelle. “Ngayon lang ako nakakita ng mistress na ganito kakapal ang mukha.”
“Pamelle, nasa sa’yo na ang lahat simula bata pa tayo!” iyak ni Yannah. “Bakit kailangan mo kaming ipaglayo ni Hanz?” At bigla itong lumuhod sa harap ni Pamelle, na parang desperada.
The next second, hinablot ni Pamelle ang pulso nito para patayuin siya.
“Yanyan, anong ginagawa mo?!” sigaw ni Andrie na biglang sumulpot. “Pamelle, anong ginagawa mo sa kanya?! Alam mong hindi maayos ang kaniyang kalusugan tapos pinapaluhod mo siya? Bakit napakasama mo?”
Agad na kumapit si Yannah sa braso ni Andrie. “Hanz... huwag mo siyang sisihin. Kasalanan ko 'to. Mahal lang talaga kita kaya hindi ko kayang makitang magpakasal ka sa iba.”
Halos kilabutan si Pamelle sa tindi ng pagiging-Green Tea ng babaeng ito. Bago pa niya maisara ang pinto, humirit pa si Andrie ng lason, na para bang papatay sa kaniya.
“Pamelle, kahit pakasalan kita, hinding-hindi kita magugustuhan. At hinding-hindi ako tutulog kasama ang isang pangit na halimaw na katulad mo—mamatay ka na!” Dinuraan niya ang mga salitang 'yun na parang nasusuka sa mukha ni Pamelle.
Pamelle smirked. “Sayang naman ang acting niyo, wala namang audience. At tandaan niyo—ang pamilya Villanueva ang humaharang sa inyo, hindi ako.”
“Disgusting,” bulong niya sabay bagsak ng pinto ng dressing room.
Mula sa likod ng kurtina, lumabas si Ton. Narinig niya ang lahat.
Pero si Pamelle, parang walang nangyari. Sumandal siya sa pinto at tumingin kay Ton. “See? Ganyan ang pamangkin mo. Kaya kahit makipag-tulog ako sa isandaang lalaki, wala akong mararamdamang guilt.”
Hindi sumagot si Ton. His expression was unreadable. Pero sa lalim ng tingin niya, parang may kung anong nagbabago sa loob niya.
Delayed na ng isang oras ang kasal, at oras na para magsimula.
Malabo pero naririnig ni Pamelle na abala pa rin si Sev sa paghahanap ng isang tao—at ang taong hinahanap nito ay nakatayo lang pala sa likuran niya.
Tumingin siya sa likod at tipid na nagsalita, “Lalabas na ako. Gawa ka na lang ng paraan para makasunod.”
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Ton. Iniwan niya itong mag-isa sa silid. Ang mga mata ni Ton ay nanatili sa saradong pinto, may bahid ng dilim na dumaan sa kanyang paningin.
Hinding-hindi niya malilimutan kung paano siya itinaboy palabas ng Lucena, at ang trahedyang sinapit ng kanyang ina. Isang illegitimate son, kinamumuhian ng lahat. Hindi siya kailanman naging welcome sa pamilya Villanueva—itinuturing lang siyang banta sa yaman ng pamilya.
At ang kanyang ina... biktima ng kawalang-hiyaan ng kanyang tinatawag na ama. Nang iwan niya ang lungsod na ito, sa pamilya Pablo isinisisi ang pagkamatay ng kanyang ina. Kaya naman, natutunan na ni Ton na huwag umasa ng awa mula sa kahit sino.
Siguro, naisip niya, dahil pareho silang biktima ng sitwasyon ni Pamelle, itinadhana silang mag-krus ang landas.
--
Lumabas si Ton, pilit na itinatago ang galit sa likod ng kanyang untouchable na aura. Walang naglakas-loob na magtanong kung saan siya galing. Dire-diretso siyang naglakad sa main hall kung saan nagsisimula na ang seremonya.
Sa stage, magkaharap ang bride at groom—pero bakas sa mga mukha nila ang tension sa halip na saya. Ang mukha ni Andrie ay parang pinagsakluban ng langit at lupa, halatang napilitan lang.
Samantala, nanatiling nakayuko si Pamelle. Kalmado, parang may hinihintay na inevitable.
Napasingkit ang mga mata ni Ton. Mukhang payag si Pamelle na pakasalan ang gunggong na si Andrie... pero alam niyang hindi ganoon kasimple ang babaeng ito.
Whatever plan she had, malamig niyang iniisip na nagsimula ito noong pumasok ang babae sa kwarto niya at painitin ang buo niyang gabi.
Habang nagpapaikot ng beads sa kanyang pulso, tumalim ang tingin ni Ton sa babaeng nasa stage.
Parang naramdaman ni Pamelle ang titig na iyon—tumingala siya sa loob ng isang segundo at sumilay ang isang knowing smile sa mga labi niya.
Pagkatapos, bago pa man magkapalitan ng marriage vows ang dalawa, biglang umilaw ang higanteng screen sa likuran nila.
“Hanz...”
Isang seductive na boses ang umalingawngaw sa buong hall, kasunod ang mga scandalous na litrato at video na nagpahinto sa lahat. Sina Andrie at Yannah, huling-huli sa akto—at sobrang intimate sa isa’t isa. Isang sekrito lang dapat, ngunit naging alam na ng mundo.
Ang babae ay pasimpleng tumitingin sa camera, habang ang lalaki ay parang nawawala sa sarili sa sobrang sarap.
Agad na kumalat ang bulungan sa hall:
“Ang unico hijo ng pamilya Villanueva... may kabit na agad! Kawawa naman si Miss Pamelle!”
“Sino 'yang babaeng 'yan? 'Di ba niya alam na ikakasal na si Mr. Hanz?”
“Tsk... nakakahiya. Nakikita kaya 'to ni Mr. Ton?”
Namula sa galit at hiya si Andrie. “Stop looking! Sino ang may gawa nito?!” sigaw niya.
Si Sev ay parang nanigas sa kinatatayuan, lalo na nang mapatingin siya sa direksyon ni Ton.
Ton, with his usual icy composure, spat out a single, sharp remark, “Not embarrassing enough?”
Nagkandarapa si Sev na patayin ang video. Nag-black ang screen—pero huli na. Ang tension ay nanatili. Ang mukha ng mga Villanueva at Pablo ay punong-puno ng kahihiyan at poot.
Ang wedding ceremony, nauwi sa isang mainit na battlefield.
Hi/Hello, my dear all kyuties readers.Ngayong May po ay mag-se-set na po ako ng schedule sa pag upload o pag update po ng chapters, sa kadahilanan po na magiging busy na po ulit ako dahil back to work po ako—Bilang ina na may trabaho rin ay hinihingi ko po ang pag-uunawa ninyo. Maraming Salamat po agad! ^^Dahil ako po ay may 4 books na ongoing, narito po ang magiging schedule:The Scorned Wife's - Saturday Loveless Deal - SundayFinal Diagnosis - Thursday The Wrong Tease - TuesdayEvery upload or update po ay babagsak po ako ng 10-13 Chapters. Maliban na rin po sa availability at pagsasang-ayon ng katawan ko. Pero asahan ninyo po na kahit papaano ay may ia-update po ako sa mismong schedule. God bless po!
“Ganoon ba?” Walang pag-aalinlangang humakbang si Ton pasulong, kahit na ang matalas na dulo ng basag na bote ay direktang nakatutok sa kanya.“Ikaw...” Malinaw na hindi inasahan ni Pamelle na magiging ganito siya kawalang-takot.Hinigpitan ng dalaga ang hawak sa bote. Kung magtatangka itong lumapit na may masamang intensyon, hindi siya magdadalawang-isip na itira ito.Ngunit habang papalapit ang lalaki, isang malamig at pamilyar na bango ng puno ng pino o fir trees ang humaplos sa kanyang pandama, bumabalot sa kanya na parang isang dagsa ng tubig. Ang kanyang isip na lito dahil sa alak ay nag-react nang kakaiba—masyadong sensitibo, halos likas na kilos.Ang amoy na ito… tila kay Ton lamang ito pagmamay-ari.Sa kaisipang iyon, masusing pinagmasdan ni Pamelle ang lalaki sa kanyang harap. Ngayong tiningnan niya nang malapitan, kamukhang-kamukha nga niya ito.Lumabo ang kanyang mga paningin, at ang kanyang depensa ay humina nang kahit isang saglit lang.Sa pagkakataong iyon, iniunat ni To
Sinagot ni Pamelle ang telepono, iniisip pa rin na ang driver ng Taxi ang tinatawagan ni Cyrill.“Um… sir, nandito na po ba kayo?”Biglang tumahimik sa kabilang linya. Nagmamatyag. Nagtataka.Muli niyang tiningnan ang screen ng kanyang phone.Si Pamelle nga ang tumatawag.Sa pakikinig nang mabuti, agad niyang napansin na may kakaiba sa boses nito—malumanay, tila lutang, at hindi makapokus.Naka-inom ang dalaga.“…Nasaan ka?” tanong niya.“Maghihintay po ako sa bar malapit sa east gate ng De Alvarado University,” dahan-dahang sagot ni Pamelle.Bahagyang kumunot ang noo ni Ton.Bakit siya nasa De Alvarado University—at bakit siya tumatawag sa kanya?Sa kabilang panig, ang telepono ay dumulas mula sa tenga patungo sa pisngi ni Pamelle. Napapikit siya, inaakalang naibaba na ng Taxi driver ang linya.Hindi niya namalayan na ang contact na tinawagan nila ay hindi ang “Taxi,” kundi ang taong pinakamanganib na makausap sa kanyang sitwasyon—isang “lifeline.”Sa dami ng mga contacts niya si Cy
“Ninong, bata pa po ang anak ko. Hinding-hindi po mangyayari ang iniisip niyo!”Handa niyang isakripisyo ang kanyang asawa—pero paano niya nagagawang itulak ang sarili niyang dugo’t laman sa mga kamay ng demonyong ito?Si Leonardo naman ay nanatiling kalmado. Walang pagmamadali niyang itinaas ang kanyang tasa ng tsaa; ang lumaylay na balat sa kanyang mukha ay tila nanginginig nang bahagya nang ilapag niya ito.“Wala naman akong sinasabi,” mahinahon niyang pahayag. “Bakit ka ba masyadong kinakabahan?”Bumuntong-hininga siya na tila ba ay sadyang nalulungkot. “Nanghihinayang lang ako para kay Lanie. Hindi madaling magpalaki ng dalawang anak nang mag-isa. Iniisip ko pa naman sanang bigyan siya ng ilang daang milyon para panggastos. Pero ngayon, tila... mukhang hindi niya naman kailangan ang kabutihan ko.”Naintindihan ni Ronald ang eksaktong kahulugan niyon.Humigpit ang pagkuyom ng kanyang mga kamao hanggang sa mamuti ang kanyang mga luku-lukuhan. Kung hindi lang napakayaman ng lalaking
Hinintay muna ni Shannel na makalayo si Pamelle bago siya lumabas mula sa mga anino.Padabog niyang itiniyak ang kanyang paa sa semento dahil sa tindi ng inis. Bagaman maayos naman ang benta niya ngayong araw, malayo pa rin ito sa kanyang inaasahan.Nagbuhos siya ng napakalaking halaga para sa disenyo, promosyon, at mga celebrity endorsements sa simula pa lang. Kung tutuusin, hindi pa niya nababawi kahit ang puhunan niya.Samantala, si Pamelle ay mag-isang hinarap ang lahat at halos walang ginastos sa pagpapakilala—pero kumita ito nang limpak-limpak sa loob lang ng isang araw.Dahil sa hindi inaasahang tulong mula sa Best Actor, hinding-hindi na mawawalan ng mga mamimili ang brand na Irish.Maging ang mga distributors na dati nang tumanggi kay Pamelle ay nagpaparamdam na ngayon, halos magmakaawa na bigyan sila ng stock para may maibenta sila.Nagngangalit sa galit, umuwi si Shannel—ngunit dinatnan niya ang kanyang ama sa sala na tila napakaganda ng mood.“Dad, nasaan si Mom?” tanong n
Hindi naging madali ang pagpapauwi sa dagsa ng tao.Kahit nakaalis na ang movie star, nanatili pa rin ang kanyang impluwensya sa paligid. Inabot ng ilang oras bago unti-unting kumonti ang mga fans at bumalik sa normal ang takbo ng mall.Doon pa lamang nagkaroon ng pagkakataong makaalis sina Sigpaul at ang iba pa.Bago tuluyang lumisan, lumapit si Samantha kay Pamelle.“Pamelle, hindi man tayo magkakilala noon, tapat ang kagustuhan kong maging kaibigan mo.”“Salamat sa alok mo, Miss Samantha,” pormal na sagot ni Pamelle. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi siya naniniwala na ganoon lang kasimple ang pakay nito.“Alam mo naman ang posisyon ng pamilya Laurel rito sa Lucena. Kung tutulungan kita sa pag-promote ng store mo, hinding-hindi ka na mamomroblema sa benta.”Isa itong nakatutuksong alok—pero alam ni Pamelle na sa mundong ito, walang nakukuha nang libre.“Salamat, Miss Samantha,” kalmado niyang sabi, “pero mas gusto ko pa ring palaguin ang negosyo ko nang dahan-dahan at gam
Kumpara kay Ton, mukhang maliit at marupok si Pamelle. Kung may makakakita sa kanila ngayon, aakalain ng lahat na nasa gitna sila ng isang mapusok na yakapan.Kahit anong paliwanag ang gawin niya, hindi maniniwala ang lalaking nasa harap niya. Walang maniniwala sa kanya—kahit ang sarili niyang ama.
Natigilan si Lynne sandali, pero dahil huli na siya, tinapon na niya ang pagpapanggap.“Sinong tinatawag mong magnanakaw?!” bulyaw niya.Tiningnan siya ni Pamelle nang matalim. “Hindi ba’t 'yun naman talaga ang ginagawa mo? O sasabihin mong wala kang balak itakas 'yan?”Gusto nga sanang itago ni Ly
Sa isang tahimik na sementeryo sa dulo ng lungsod, nakatayo si Ton sa harap ng isang puntod, hawak ang isang kumpol ng white roses.Kupas na ang litrato sa tombstone na pinalagay niya upang hindi makalimutan ang itsura ng ina. Ang babae sa larawan ay nakangiti nang may hinhin, habangbuhay na nakakul
Nanginginig ang boses ni Pamelle, ang mga mata niya ay nagtutubig na parang maiiyak na anyo.“Hanz… bakit mo ginawa sa akin 'to?”Parang sumabog na bulkan si Andrie sa galit at dumi ng tingin sa kanya.“Sino ba ang may gustong magpakasal sa isang pangit na babaeng tulad mo?!” sigaw niya. “Ang mahal







