LOGINMabilis. Mabigat. Marahas.Ganon na lang maipapaliwanag ni Sebastian ang bawat galaw ng kaniyang kamay sa manibela habang pinapaandar niya ang kaniyang kotse, halos paliparin na niya sa kahabaan ng EDSA ang mamahaling sasakyang iyon na tila lalong nagiging halimaw sa bawat apak niya ng silinyador.Ang ugong ng makina ay parang tugon sa tindi ng pintig ng dibdib niya, mainit, mas mainit pa sa apoy ng impyerno ang dugo ni Sebastian. Hindi na niya ininda ang ilaw ng stoplight, o ang mga businang umaalingawngaw mula sa mga sasakyang nasasalubong niya. Wala siyang pakialam.The night was supposed to be calm, perfectly calm, because he already understand the art of patience while waiting for his wife at home pero ngayon, lahat ng iyon ay binura ng isang text message.Isang message na nagmula kay Ysabel, at isang larawan na bumura sa lahat ng natitirang rason sa isip niya.She’s with him to God knows where. Iyon lang ang tumatak sa isip niya matapos makita ang mga ipinadala.“Goddamn it, Tri
Sebastian’s staring contest with the television only ended nang maramdaman niyang nag vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa.Hindi niya agad pinansin iyon dahil akala niya ay isa lang sa mga notification mula sa board members o sa sinuman sa kaniyang mga empleyeado. Pero nang marinig niya ang message alert tone na ginamit lang niya sa mga personal na comtacts, tamad na tamad niyang inabot ang phone.Upon checking who it was, his forehead creased a little. It’s a message from Samantha, his sister. Napakunot ang noo niya dail ang kapatid niyang ito ay laging abala sa palipat lipat nito ng bansa, not taking their business seriously dahil nandito naman siya. Kaya naman ang mabasa niya ang text nito sa local number ay nakakapagtaka. Binasa niya ang mensahe, at habang lumilipas ang bawat linya, lalo siyang napakunot noo.Samanta:Kuya, are you with your friend Ysabel right now? Narinig ko lang na nakauwi na raw siya sa bansa. If that’s true, please let her know I want to meet her soon
Mabagal ang hininga ni Sebastian habang nakahiga sa malaking sofa sa sala ng bahay nila ngayon ni Trixie. Hawak pa niya ang remote control, paulit ulit na nililipat ang mga channel kahit wala naman talaga siyang pinapanood, o kahit pa mga gustong panoorin. Dahil kahit anong subukan niyang ibaling ang atensyon sa ibang bagay, isa lang talaga ang laman ng isip niya.Si Trixie.At higit pa roon, ang katotohanang kasalukuyan kasama ng asawa niya si Helios.Napapikit siya nang mariin. Pinisil ng isa niyang kamay ang bridge ng ilong, sabay marahang huminga nang malalim, parang sinusubukang pigilan ang unti unting pagsiklab ng inis sa dibdib.“Goddamn it…” mahinang mura niya sa hangin.Kanina pa siya restless. Buong araw niyang pinilit maging kalmado, pero simula nang umalis si Trixie, wala na siyang ginawa kundi ang maghintay, habang nilalabanan ang kagustuhan na tawagan ito, o sundan. Mula pa kagabi, parang may apoy na hindi maapula sa dibdib ni Sebastian. Ang saya sana ng araw niyang na
Sa loob ng kotse, tanging ugong ng makina at malalalim na hinga ni Helios ang pumupuno sa katahimikan. Walang nagsasalita. Ang ilaw mula sa mga poste sa kalsada ay paminsan-minsang sumasalamin sa mukha ni Trixie, na ngayo’y nakasandal sa bintana,nakamasid sa mga ilaw ng siyudad na lumalabo tuwing dumadaan ang mga patak ng ulan.Basang-basa pa rin ang suot niya kahit na pinilit ni Helios na patuyuin iyon gamit ang air-conditioning. Ngunit higit sa lamig ng gabi, mas mabigat ang katahimikan sa pagitan nila.Hindi alam ni Helios kung saan niya sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang humingi ng tawad o manahimik na lang. The truth was... he was still in shock and utter disbelief. Nang sabihin ni Trixie na gusto nitong pumunta sa condo tower ng pamilya niya, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Nagulat siya, oo. Pero alam niyang wala na siyang karapatang magtanong. After all, siya rin naman ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat. Kung hindi niya ipinilit na sumama si Ysab
Sa labas ng mamahaling restaurant ay malamig ang simoy ng hangin, ngunit tila walang kahit anong lamig na kayang pumawi sa init ng kahihiyang dumadaloy sa buong katawan ni Trixie.Basang basa pa rin ang harap ng suot niyang satin dress, mula dibdib hanggang tiyan. Lahat ay nabahiran ng pulang alak na kanina ay ibinuhos mismo ni Ysabel sa kaniya. Sa bawat hakbang niya, ramdam pa rin niya ang lagkit at bigat ng tela, at ang bawat patak ng alak na dumadaloy pababa ay tila paalala ng eksenang ayaw na niyang balikan. Damn that bipolar bitch, Ysabel. Nanatiling tulala si Trixie habang nakatayo sa gilid ng daan, sa ilalim ng malamlam na ilaw ng signage ng restaurant. Nakatitig lang sa malamig na kalsada, habang ang buhok niya’y bahagyang dumikit na sa pisngi dahil sa pagkabasa. Ang mga tao sa paligid hindi nakaligtas sa paningin niya na paminsan minsan ay sumusulyap pa rin sa kaniya, bulungan ng bulungan. Hindi na nga niya alam kung paano siya nakalakad palabas ng lugar na iyon nang hindi
Naririnig ni Trixie ang mahinang tugtugin sa loob ng restaurant. Isang uri ng jazz na parang panakip sa hindi magandang simula ng kaniyang gabi. Sa totoo lang, hindi niya inasahan na magiging ganito ka tense ang mangyayari ngayon. Maybe at some point yes, because of Yanyan’s issue she'd rather say, pero hindi dahil sa ganito–-sa hindi inaasahang bisita. Trixie came here with a calm heart, ready to enjoy dinner with Helios, give her pasalubongs, then ask about the most important question. Mabigat ang hangin sa pagitan nina Trixie at Ysabel, parang bawat salita ng dalawang babae ay palitan ng bala, dahil wala talagang gustong magpatalo sa mga ito. Ang bawat titig ni Ysabel ay may halong pang aasar, samantalang si Trixie naman ay nagtatago ng inis sa likod ng mahinhin niyang ngiti. It is a never ending silent feud, mabuti na lang dahil saktong dumating ang waiter dala ang kanilang mga pagkain, tila ipinadala ng langit para pigilan ang pagsabog ng tensiyong kanina pa nag iinit sa ibaba







